Mga Uri ng Talumpati (Tagalog) PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng talumpati ayon sa layunin at proseso ng pagsulat. Sinusuri nito ang mga elemento ng isang maayos na talumpati at ang mga hakbang na dapat gawin sa pagsulat at paghahanda nito.
Full Transcript
ANG PAGSULAT NG TALUMPATI PAGTATALUMPATI -isang uri ng sining na nagpapakita ng katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pinag-uusapan. Pagsulat ng Talumpati - ang pagtatalumpati ay...
ANG PAGSULAT NG TALUMPATI PAGTATALUMPATI -isang uri ng sining na nagpapakita ng katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pinag-uusapan. Pagsulat ng Talumpati - ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. APAT NA URI NG TALUMPATI BATAY SA KUNG PAANO ITO BINIBIGKAS SA HARAP NG MGA TAGAPAKINIG: 1. Biglaang Talumpati (Impromtu) – ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. 2. Maluwag ( Extemporaneous) –nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinibigay bago ito ipahayag. 3. Manuskrito – ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon,seminar, o programa sa pananaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. 4. Isinaulong Talumpati – ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag- aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN 1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran – ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa paksa, isyu o pangyayari. 2. Talumpating Panlibang – layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga tagapakinig. 3. Talumpating Pampasigla – layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. 4. Talumpating Panghikayat – pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay. 5. Talumpati ng pagbibigay-galang - layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. 6. Talumpati ng papuri- Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kabilang dito ang pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, talumpati ng pagkilala sa isang taong namatay na tinatawag na eulogy, talumpati sa paggawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala sa isang tao o samahang nakapag-ambag nang malaki sa isang samahan o lipunan atbp. MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI A.Uri ng mga tagapakinig - mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at interes ng kanyang magiging tagapakinig. MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI A.Uri ng mga tagapakinig - Ayon kay Lorenzo, et al. sa kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan (2002), ang ilan sa dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang sumusunod: 1. Ang edad o gulang ng mga makikinig 2. Ang bilang ng mga makikinig 3. Kasarian 4. Edukasyon o Antas sa Lipunan 5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig B. Tema o paksang tatalakayin - ang isa pang pangunahing bagay na dapat isaalang- alang sa pagsulat ng talumpati ay ang tema ng okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon ng pagtatalumpatian. - mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon. - Ayon kina Casanova at Rubin sa kanilang aklat na Retorikang Pangkolehiyo (2001), upang higit na maging kawili-wili ang talumpati, dapat makitaan na may sapat na kaalaman ang mananalumpati hinggil sa paksa. HAKBANG NA MAARING ISAGAWA SA PAGSULAT NG TALUMPATI 1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin – Ito ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbasa at pangangalap ng impormasyon sa ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin, at dyornal. 2. Pagbuo ng Tesis – pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayin. Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay magbigay kabatiran, ito naman ay magsisilbing pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghikayat, at nagsisilbi naman itong pokus ng pagpapahayag ng damdamin kung ang layunin ng talumpati ay magtaguyod ng pagkakaisa ng damdamin ng mga makikinig. 3. Pagtukoy sa pangunahing kaisipan o punto – Kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati, maaari nang alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto na magsisislbing batayan ng talumpati. Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati. C. HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI 1. Kronolohikal na Hulwaran – gamit ng hulwarang ito, ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkasunod-sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring isagawa ang paghahanay ng detalye mula sa unang pangyayari , sumunod na mga pangyayari, at panghuling pangyayari. Ang paksa ay maaari ding talakayin sa pamamagitan ng mga hakbang na dapat mabatid at sundin ayon sa tiyak na pagkakasunod-sunod ng mga ito. C. HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI 2. Topikal na Hulwaran – ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito. 3. Hulwarang Problema-Solusyon – kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito - ang paglalahad ng suliranin at ang pagtatalakay sa solusyon na maaaring isagawa. Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa mga uri ng talumpating nanghihikayat o nagpapakilos. D. KASANAYAN SA PAGHAHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang bibigkasing talumpati. Ayon kay Alcmitser P. Tumangan, Sr. et al , may-akda ng Retorika sa Kolehiyo, ang isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong bahagi: 1. Introduksiyon Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang: a) mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig b) makuha ang kanilang interes at atensiyon c) maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtatalakay sa paksa d) maipaliwanag ang paksa e) mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin f) maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe. 2. Diskusyon o Katawan – dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahalagang punto o kaisipanng nais ibahagi sa mga nakikinig. Katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati: a. kawastuhan b. kalinawan 1. Gumamit ng mga angkop at tiyak na salitang mauunawaan ng mga makikinig 2. Umiwas sa madalas na paggamit ng mahalagang hugnayang pangungusap 3. Sikaping maging direkta sa pagsasalita at maiwasang magpaligio- ligoy sa pagpapahayag ng paksa. 4. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa mga tagapakinig. 5. Gumamit ng halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag ng paksa. c. kaakit-akit 3. Katapusan o kongklusyon – dito nakasaad ang pinakakongklusyon ng talumpati. 4. Haba ng Talumpati – ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.