AP8 U10 Mga Sistemang Panlipunan sa Europa sa Gitnang Panahon PDF

Document Details

LighterNovaculite6814

Uploaded by LighterNovaculite6814

Panorama Montessori School Inc.

Tags

Tagalog History Social Studies Medieval Era

Summary

This is a study guide on historical European social systems during the Middle Ages. It appears to be a unit from a Filipino high school curriculum, possibly for 8th grade.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 10 Mga Sistemang Panlipunan sa Europa sa Gitnang Panahon TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Manoryalismo 4 Lay...

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 10 Mga Sistemang Panlipunan sa Europa sa Gitnang Panahon TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Manoryalismo 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Piyudalismo 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 18 Sagutin Natin 19 Pag-isipan Natin 19 Gawin Natin 19 Aralin 3: Pag-usbong ng mga Bagong Bayan at Lungsod 22 Layunin Natin 22 Subukan Natin 23 Alamin Natin 24 Pag-aralan Natin 24 1 Suriin Natin 28 Sagutin Natin 29 Pag-isipan Natin 29 Gawin Natin 29 Aralin 4: Ambag ng Europa sa Daigdig 31 Layunin Natin 31 Subukan Natin 32 Alamin Natin 33 Pag-aralan Natin 33 Suriin Natin 38 Sagutin Natin 39 Pag-isipan Natin 39 Gawin Natin 39 Karagdagang Kaalaman 41 Pagyamanin Natin 42 Paglalagom 43 Dapat Tandaan 44 Dagdag Sanggunian 44 Gabay sa Pagwawasto 45 Sanggunian 48 2 Pindutin ang Home button para BAITANG 8 | ARALING PANLIPUNAN bumalik sa Talaan ng Nilalaman YUNIT 10 Mga Sistemang Panlipunan sa Europa sa Gitnang Panahon Kasabay ng pagbagsak ng Imperyong Romano at ng paghina ng sentralisadong pamumuno, dumating ang pagbabago sa sistemang pulitikal, ekonomikal, at sosyal sa Europa noong Gitnang Panahon. Ang pagkawala ng malakas at sentralisadong pamumuno ng Imperyong Romano at ang paglusob ng iba’t ibang grupo, katulad ng mga Viking, Magyar, at Muslim, ay nagdala ng yugto ng kawalan ng seguridad at katiyakan. Ito ay nagdulot sa mga lokal na rehiyon na bumuo ng sarili nilang sistema upang magkaroon ng seguridad at kaayusan—ang manoryalismo at piyudalismo. Paglipas ng panahon, unti-unting bumalik ang kaayusan at kaunlaran, at umusbong muli ang mga lungsod Ipinakikita ng ilustrasyon ang konsepto ng piyudalsmo at mga bayan. at manoryalismo noong Gitnang Panahon sa Europa. Ano ang manoryalismo? Ano ang piyudalismo? Paano umusbong ang mga bagong bayan at lungsod sa Europa noong Gitnang Panahon? Ano-ano ang ambag ng Europa noong Gitnang Panahon? 3 Aralin 1 Manoryalismo Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag at nasusuri ang paglaganap ng manoryalismo sa Europa. Ang manor ay lupang karaniwang ginagamit sa mga agrikultural na gawain. Pinagyayaman ito ng mga serf. Matatandaan na noong 800 CE, nakabuo ng makapangyarihang imperyo si Haring Charlemagne. Kabilang ang kasalukuyang teritoryo ng Alemanya at Pransya sa kaniyang imperyo. Subalit, nang siya ay namatay, bumagsak din ang imperyo dahil ang kaniyang mga tagapagmana ay kulang ang mga katangian para mapagbuklod at mapanatili ang kaayusan. Dahil walang malakas na pamahalaan, kinailangang bumuo ng isang uri ng samahan upang maipagtanggol ang mga mamamayan at mga lupain. Sa kawalan ng sentralisadong pamumuno, ang kapangyarihan ay napasakamay ng mga panginoong maylupa (landlord), na bumuo ng sariling mga hukbong magtatanggol sa kanila. Ang tawag sa ganitong bagong pamamamaraan ng pamumuhay ay piyudalismo, at ang pang-ekonomiyang katapat nito ay tinatawag na manoryalismo. 4 Subukan Natin Bumuo ng diyalogo o kuwento tungkol sa larawan. Kung kuwento, gamitin ang sumusunod na tauhan: Panginoon, Serf 1, Serf 2, at Serf 3. ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ 5 Pag-aralan Natin Ang manoryalismo ay ang laganap na Alamin Natin sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang Panahon. Ito ay nakabatay sa pag-aari ng lupa Tandaan at gawing gabay ang o manor. Ang manor ay lupang karaniwang kahulugan ng sumusunod na ginagamit sa mga agrikultural na gawain. salita: Ito ay pinangangasiwaan ng isang panginoon lumago – umunlad (landlord) at pinagyayaman naman ng mga serf. administrasyon – pangangasiwa Ayon sa mga historyador, ang manoryalismo ay nagkukumpuni – nagsimula noong huling bahagi ng Imperyong nagpapanday; nag-aayos Romano. Dahil sa pananakop ng iba’t ibang kamalig – tipunan o imbakan tribo sa imperyo, bumuo ng ugnayan ang mga ng mga ani magsasaka sa mga nagmamay-ari ng lupa regulasyon – alituntunin; para sa kanilang seguridad at proteksiyon. ipinapatupad na batas Ang kaganapang ito ay higit pang lumago noong Gitnang Panahon dahil sa pananakop ng mga Magyar, Muslim, at Viking. Ang Relasyon ng Panginoon at ng mga Serf Ang mga panginoon ay ang nagmamay-ari at madalas na nangangasiwa sa mga manor. Maaaring magmay-ari ang panginoon ng isa hanggang daan- daang manor, depende sa kaniyang impluwensiya at kayamanan. Ang mga panginoon na may kakaunting manor lamang ay nagsisilbi ring tagapangasiwa, samantalang ang mga panginoon na nagmamay-ari ng maraming manor ay humihirang ng mga basalyo o tagapangasiwa. Bukod sa administrasyon ng manor, ang mga panginoon din ang naghuhukom, nagpapatupad ng batas, at nagtatanggol sa manor mula sa mga panganib. Panginoon at Tagapangasiwa 6 Ipinagpapalit ng mga serf ang kanilang kalayaan para sa seguridad ng pamumuhay sa loob ng manor at sa sariling kaligtasan. Maraming uri ng serbisyo ang maaaring gawin ng mga serf. Ang mga serf ang nagtatanim at nag-aani ng mga pananim, nagpapalaki ng mga hayop, nagkukumpuni, at nagtatayo o nag-aayos ng mga bahay, gusali, at daan. Bukod sa mga serbisyong ito, marami pang ibang obligasyon ang mga serf sa kanilang mga panginoon. Nagbabayad sila ng renta sa panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay ng bahagi ng kanilang nasasaka o inaalagaang hayop. Kailangan ding magbayad ng mga serf kapag ginagamit nila ang mga pag-aari ng panginoon, katulad ng gilingan ng mga butil, mga sapa, at pastulan. Hindi sila maaaring basta-bastang umalis, at hindi rin sila maaaring magpakasal nang walang pahintulot mula sa panginoon. Namamana rin ng kanilang mga anak ang kanilang mga obligasyon. Mga Serf Ang Pamumuhay sa Loob ng Manor Maraming uri ng manor noong Gitnang Panahon at iba-iba ang estilo ng pangangasiwa sa mga ito. Ang maliliit na manor ay tinitirahan ng humigi’t kumulang isang dosenang pamilya, habang ang malalaking manor ay tinitirahan ng mahigit 50 hanggang 60 pamilya. Ang simbahan ay maaari ding magmay-ari ng mga manor, na tinatawag naman na monasteryo. 7 Ang mga manor ay binubuo ng isang pamayanan. Halos lahat ng pangangailangan ng tao, bukod sa asin at bakal, ay matatagpuan sa loob ng manor. May mga tirahan, hardin, at kamalig para sa mga serf sa loob ng manor. Karaniwan ding may simbahan, gilingan ng butil o pananim, gawaan ng alak, panaderya, at pandayan dito. Ang pamayanan ay pinalilibutan ng lupang sakahan. May tatlong malaking bukid—isa para sa tagsibol, isa para sa taglagas, at isa na ipinagpapahinga para sa susunod na taon. Mayroon ding mga pastulan para sa mga hayop, mga sapa at batis para sa pangingisda, at mga kagubatan para sa kahoy. May sariling sistemang panghukuman din ang mga manor, ngunit ang maliliit na krimen lamang ang madalas na dinidinig sa hukumang ito. Ang mabibigat na krimen ay dinadala sa mga hari. Ang panginoon ng manor ay gumagawa rin ng regulasyon para sa pangangasiwa ng kaniyang nasasakupan.. Ilustrasyon ng Isang Malaking Manor 8 Suriin Natin A. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag. ____________________ 1. Ang manoryalismo ay ang sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, ng buhay ng mga magbubukid, at ng kanilang ugnayan sa bawat isa, sa panginoon, at sa manor. ____________________ 2. Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. ____________________ 3. Noong panahon ng piyudalismo, ang buhay ay kadalasang pambukid at ang karamihan ng tao ay nakatira sa manor. ____________________ 4. Sapat ang pangangailangan ng mga mamamayan sa manor. ____________________ 5. Ang piyudalismo ay paraan ng pamumuhay na may sentralisadong pamumuno. B. Isa-isahin ang hinihinging sagot. Magbigay ng 5 paglalarawan sa isang manor: 1. ________________________________ 2. ________________________________ 3. ________________________________ 4. ________________________________ 5. ________________________________ 9 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang manoryalismo? Ang manor? 2. Bakit mahalaga ang manor sa mga serf, gayundin ang mga serf sa manor? 3. Paano nakakayang tustusan nang sapat ng manor ang pangangailangan ng mga tao? Pag-isipan Natin Sa iyong palagay, angkop pa rin ba ang manoryalismo sa kasalukuyan? Gawin Natin Isadula ang sumusunod: pamumuhay sa loob ng manor relasyon ng panginoon at mga serf Mga gabay: 1. Malayang pumili ng paksa. 2. Hindi lalampas sa tatlong minuto ang pagtatanghal. 3. Ang tagpuan at diyalogo ay ayon sa kasalukuyang panahon. 4. Ipinapayo ang ibayong pananaliksik. 5. Ipasa ang iskrip sa takdang panahon. 10 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] [75%] [100%] Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka Magaling Napakahusay kaysa Inaasahan Pagsasanay Nilalaman Hindi nagsikap Nagsikap na Malinaw ang Napakalinaw at na maging maging malinaw pagtatanghal; buhay na buhay malinaw at at buhay ang ang resulta ng ang buhay ang pagsasadula, gawain ay bunga pagtatanghal; pagsasadula; subalit kinulang ng pananaliksik; ang walang nabuong ng ilang detalye may mabuong makabuluhang malinaw na at pag-arte; malinaw na resulta ng konsepto limitado ang konsepto gawain ay bunga nabuong ng pananaliksik; konsepto napakalinaw ng konsepto Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos iskrip; may ilang ipinasang iskrip; iskrip; at malinis sa nakitang bura, walang nakitang napakaraming paggawa; dumi, o bura, dumi, o nakitang bura, maraming pagkakamali pagkakamali dumi o nakitang bura, pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Paggawa output sa loob ng output sa loob ng output sa output bago pa ilang panahon ilang panahon itinakdang ang itinakdang matapos ang matapos ang panahon ng panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 11 Aralin 2 Piyudalismo Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag at nasusuri ang paglaganap ng piyudalismo sa Europa. Ang sistemang piyudal ay nabuo kasabay ng pagguho ng imperyo ni Charlemagne. Ang sistemang ito ay lumaganap sa Inglatera, Alemanya, Italya, at Gitnang Europa. Walang iisang sistemang piyudal na nabuo. Magkakaiba ang katangian ng sistemang ipinatupad sa iba’t ibang lugar. Tunghayan ang mapa sa itaas. Mapapansin ang pagkakahati ng Europa sa maraming kaharian. 12 Subukan Natin Ang Gitnang Panahon ay panahon ng libo-libong maliit na digmaan. Bagaman may mga kabalyero (knights) na magtatanggol sa hari at mga panginoon, kailangang mahusay ang pagkakadisenyo ng isang kastilyo upang matiyak na ligtas ito sa anumang pananakop. Gumuhit ng isang matatag na kastilyo. 13 Pag-aralan Natin Kung ang manoryalismo ay sistemang Alamin Natin pang-ekonomiya, ang piyudalismo naman ay isang sistemang pulitikal at sosyal na nabuo Tandaan at gawing gabay ang bilang pagtugon sa mga problema ng paghina kahulugan ng sumusunod na ng sentralisadong pamamahala at seguridad salita: noong Gitnang Panahon. Bilang sistema ng sentralisado – isa lamang ang pamamahala, ang piyudalismo ay nagdala ng pinanggagalingan ng awtoridad kaayusan, hustisya, at seguridad sa panahon legal – naaayon sa batas ng matitinding pagbabago sa Europa. iginawad – ipinagkaloob Ang mga Piyudal na Relasyon pasya – desisyon; hatol Ang sistemang piyudal ay binuo ng relasyon sa sigalot – suliranin; kaguluhan pagitan ng mga panginoon (lords) at ng kanilang mga basalyo (vassals), na nag-alay ng katapatan at serbisyong militar kapalit ng lupa o ari-arian at proteksiyon mula sa mga panginoon. Ang tawag sa lupa o ari-ariang iginagawad ng panginoon sa kanilang basalyo ay fief. Ang relasyon sa pagitan ng panginoon at basalyo ay nabubuo sa pamamagitan ng panunumpa ng basalyo ng kaniyang katapatan sa panginoon. Katulad sa sistema ng manoryalismo, bukod sa paggawad ng fief, ang mga panginoon ay may tungkuling magbigay ng pisikal at legal na proteksiyon sa kanilang mga basalyo. Kapag hindi natugunan ng panginoon ang kaniyang tungkulin, maaaring tumiwalag ang Nagbibigay pugay ang isang basalyo sa basalyo sa kaniyang sinumpang katapatan sa kaniyang hari o panginoon. kaniyang panginoon. 14 Bukod sa pagbibigay ng militar na serbisyo, marami ring obligasyon ang mga basalyo. Sila ay kailangang umupo sa korte ng panginoon upang maghukom o humatol sa mga kaso, magbigay ng matutuluyan sa panginoon kapag siya ay dumadaan sa kanilang teritoryo, mag-ipon ng pantubos kapag nadakip ang panginoon, at mag-alay ng regalo kapag siya ay naging kabalyero o kung nagpakasal ang anak ng panginoon. Kapag hindi natugunan ng basalyo ang kaniyang mga tungkulin, maaari siyang dalhin ng panginoon sa korte. Kapag siya ay napatunayang nagkasala, maaaring bawiin ng panginoon ang iginawad na fief sa basalyo. Ipinakikita ng grapikong pantulong ang hirarkiya ng lipunan sa panahong piyudalismo. Upang higit na maunawaan ang hirarkiya, narito ang payak na paliwanag: Ang hari ang pinakamakapangyarihan sa sistemang piyudalismo. Pagmamay-ari niya ang buong lupain sa kaharian. May ganap siyang kontrol sa lahat ng lupain, at nasa kaniyang pasya kung gaano kalaki o kaliit ang ipagkakatiwala sa mga panginoon. Sa anumang panahon, maaari din niya itong bawiin at ipagkaloob sa iba. 15 Ang mga panginoon, na maaaring mga duke o konde (high nobles; lords), ay nanunumpa ng kanilang katapatan sa hari bago nila tanggapin ang lupain mula sa hari. Sila ang ikalawa sa pinakamayayamang uri sa sistemang sosyal ng piyudalismo. Maaari silang magpataw ng buwis sa kanilang manor. Bilang kapalit, nagkakaloob ang mga panginoon ng mga kabalyero para sa hari, nagsisilbi sa konseho ng mga maharlika, at nagbibigay ng pagkain sa hari at pamilya nito. Maaaring ipagkaloob o ipagkatiwala ng mga panginoon sa mga basalyo ang bahagi ng kanilang lupain, at sila ay magiging panginoon ng mga basalyo. Nanunumpa ng katapatan ang mga basalyo (lesser nobles; vassals) sa mga panginoon. Kasama ng mga kabalyero (knights), nangangako sila na susuportahan nila ang kanilang mga panginoon at hari sa anumang sigalot at tutustusan o bibigyan ng hukbong sandatahan kung kinakailangan. Ang pangunahing tungkulin ng mga kabalyero ay bigyan ng proteksiyon ang kanilang mga panginoon at hari. Ang mga serf ay nakatira sa lupain ng mga panginoon, bilang kapalit, nagtatrabaho sila at ibinibigay ang bahagi ng ani sa kanilang panginoon. Hindi sila puwedeng umalis sa manor nang walang permiso. Kakaunti lamang ang kanilang karapatan, at sila ang pinakamahirap na klase sa sistemang sosyal ng piyudalismo. Ang mga panginoon ay nakatira sa kastilyo o palasyo, na napalilibutan ng matataas na pader at moat (kanal o dike na may tubig). Bago makapasok sa kastilyo, dadaan muna sa tulay (drawbridge) na puwedeng itaas o ibaba. Kapag nakataas ang tulay, at dahil rin sa moat, mahihirapang makapasok ang mga kalaban sa loob ng kastilyo. Sa panahon ng panganib, ang mga tao ay nagkukubli sa likod ng mga pader. Larawan ng isang Kastilyo noong Gitnang Panahon 16 Ang mga Kabalyero (Knights) Ang Gitnang Panahon ay panahon ng libo-libong maliit na digmaan. Karamihan ng labanan ay tunggalian ng mga kabalyero, at mga mandirigmang mangangabayo. Mga anak lamang ng mga panginoon at basalyo ang maaaring maging kabalyero. May espesyal silang kagamitan at pagsasanay, gayundin, may espesyal na kodigo ng pag-uugali, ang Code of Chivalry. Inaaasahan sa mga kabalyero ang sumusunod: ang katapatan sa kanilang mga panginoon, bigyan ng proteksiyon ang mahihina, at maging magalang sa kababaihan. May tamang proseso para maging isang ganap na kabalyero: Ang batang maharlika ay nagsisimulang magsanay bilang isang utusan o tagapagsilbi (page) sa kastilyo. Inaasahang matututo siya ng tamang asal. Sa edad na 15, siya ay magiging eskudero (squire or escort) sa kastilyo. Ang isang eskudero ay magiging ganap na kabalyero sa gulang na 21. Papasok siya sa serbisyo ng maharlika, kung saan manunumpa siya ng katapatan. Bawat kabalyero ay umaasa na balang araw siya ay makatatanggap o magkakaroon ng sariling lupain at magiging isang panginoon sa kaniyang sariling karapatan. Subalit, maraming kabalyero ang hindi kailanman natutupad ang pangarap o pag-asang ito, sa halip, nakatuon ang buong buhay sa walang katapusang pakikipaglaban. Noong Gitnang Panahon, karamihan ay naniniwala na ang isang tao ay itinakdang ipanganak sa isang tiyak na katayuan sa buhay at walang makapagpapabago ng kapalarang ito. Halimbawa, ang mga hari at panginoon ay isinilang upang mamuno, samantala, ang mga karaniwang tao ay para magtrabaho at sumunod. Kabalyero 17 Suriin Natin A. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A. Hanay A Hanay B 1. Pinakamakapangyarihan sa sistemang A. panginoon piyudalismo 2. Namamahala sa lupang ipinagkaloob ng hari B. kabalyero 3. Katulong ng panginoon sa pamamahala sa C. eskudero lupain 4. Nagbibigay ng proteksiyon sa mga D. basalyo panginoon at hari 5. Nagtatrabaho sa lupain ng panginoon E. fief F. serf G. hari B. Ibigay ang dalawang sagabal o hadlang sa mga kalaban na mapasok ang isang kastilyo: 1. ________________________________ 2. ________________________________ C. Gamit ang mga bilang 1-3, ihanay ayon sa tamang pagkakasunod-sunod o proseso. __________ knights __________ squire __________ page 18 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang pagkakaiba ng manoryalismo sa piyudalismo? 2. Bakit mahalaga ang tungkuling ginampanan ng mga basalyo at kabalyero sa sistemang piyudalismo? 3. Bakit mahirap pasukin ng mga tagalabas ang isang kastilyo noong Gitnang Panahon? Pag-isipan Natin Pagnilayan ang pamumuhay ng mga tao noong panahon ng piyudalismo. Ano ang mabubuti at di-mabubuting dulot sa mga tao ng pamumuhay sa loob ng isang sistemang piyudal? Gawin Natin Punan ang tsart upang maipakita nang malinaw ang paghahambing ng mga uri o klase ng tao sa lipunang piyudal sa Europa noong Gitnang Panahon. Tuon: Kapangyarihan Pamumuhay Karapatan Ipinapayo ang ibayong pananaliksik. Pagkatapos, bumuo ng kongklusyon o rekomendasyon tungkol sa resulta ng ginawang paghahambing. Maaaring gamitin ang tsart sa kasunod na pahina o malayang gumamit ng sariling grapikong pantulong. Ipasa ang output sa guro. 19 Hari/Monarko Panginoon Basalyo/Kabalyero Serf Konklusyon o Rekomendasyon: Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Sinubukang Sinubukang Mahusay at Napakahusay at gumawa ng gumawa ng malinaw ang napakalinaw ng paghahambing paghahambing paghahambing, paghahambing, at bumuo ng at bumuo ng gayundin ang gayundin ang kongklusyon, kongklusyon, nabuong nabuong maraming mali; may ilang mali; kongklusyon; kongklusyon; hindi nag-isip; nag-isip nang pinag-isipan pinag-isipang tila walang bahagya; may ang kasagutan; mabuti ang natutunan sa kaunting halatang kasagutan; tiyak aralin at hindi natutunan sa natuto sa aralin na tiyak na nanaliksik aralin at sa at sa ginawang natuto sa aralin ginawang pananaliksik at sa ginawang pananaliksik pananaliksik 20 Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa output sa loob ng output sa ng output sa ng output bago ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang panahon panahon panahon ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 21 Aralin 3 Pag-usbong ng mga Bagong Bayan at Lungsod Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalarawan at nasusuri ang pamumuhay sa mga bayan at lungsod. Bagong Bayan noong High Middle Ages Hanggang sumapit ang 1000 CE, walang atubili ang mga Europeo sa pagbuo ng mga bayan sa kanilang lugar. Sa halos lahat ng antas, ang aspektong pangkabuhayan ay nakasalig sa agrikultura. Kayang tustusan ng bawat manor ang mga pangangailangan ng mga tao. May pangamba rin ang mga tao na makipagkalakalan sa ibang lugar dahil sa nakaambang panganib dulot ng mga barbaro. Subalit, noong ika-11 hanggang ika-12 siglo, bunga ng maraming dahilan, sumigla ang kalakalan at umusbong ang maraming bagong bayan at siyudad sa Kanlurang Europa. 22 Subukan Natin Noong Gitnang Panahon, nagkaroon ng mga perya (fair) na dinadaluhan ng taumbayan at mga mangangalakal mula sa iba’t ibang lupain. Ang mga perya ay nagtatagal ng tatlo hanggang anim na linggo, at pagkatapos nito ay lumilipat ang mga mangangalakal sa ibang lugar upang magtayo ng bagong perya. Sa peryang ito, iba’t ibang klaseng produkto ang ibinebenta. Ano-ano kayang produkto ang mabibili sa perya noon? Maglista ng kahit ilan sa ibaba. Mga Mabibili sa Perya: ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________ 23 Pag-aralan Natin Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, Alamin Natin nagkaroon ng mga pagbabago sa kapaligiran na nakatulong sa muling pagyabong ng Tandaan at gawing gabay ang agrikultura, komersyo, at pagtatatag ng mga kahulugan ng sumusunod na bagong bayan at lungsod. Noong 1000 salita: hanggang 1300, nagkaroon ng pagtaas ng benepisyal – kapaki- temperatura na naging mas benepisyal para pakinabang; pabor sa pagsasaka. Natapos na rin ang pananakop pagsasalit-salit – halinhinan ng iba’t ibang grupo at tribo sa Europa na rebolusyon – pagbabago nakadagdag sa seguridad at kaligtasan. tungo sa pagsulong Ang mga simpleng pagbabagong ito ay kontrata – kasunduan nakatulong na mailunsad o mabigyang daan artisano – may kasanayan ang sumusunod na kaganapan: rebolusyong (skilled) agrikultural, ang muling paglago ng kalakalan, at ang muling pag-usbong ng mga bayan at lungsod. Ang Rebolusyong Agrikultural sa Gitnang Panahon Dumaan sa matinding pagbabago ang sistemang pang-agrikultura noong Gitnang Panahon. Nagdulot ito ng pagtaas ng produksiyon ng pagkain. Bukod sa pagtaas ng temperatura sa Europa, napalawak din ang lupain sa Europa na ginagamit para sa agrikultura sa pamamagitan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan, pag-alis ng tubig sa mga swamp, at pagkuha ng lupain mula sa dagat o dalampasigan. 24 Nagkaroon din ng pagpapaunlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura. Noong panahong iyon, ang bakal ay ginamit bilang kasangkapan sa pagsasaka, katulad ng asada o asarol (hoe), karit (sickle), sapatos para sa kabayo (horseshoe), at ang mabigat na de-gulong na araro na hinihila ng kalabaw o ng kabayo (carruca). Bukod sa mga kasangkapan, nagpatayo ang mga manor ng mga gilingan (mill) na gumamit ng tubig mula sa mga batis. Upang mapalakas ang daloy ng tubig, nagpatayo rin ng mga dam ang mga magsasaka. Napaunlad rin ang mga windmill ng mga Europeo. Nagbago ang pamamaraan ng pagsasaka noong Gitnang Panahon. Gamit ang tinatawag na three-field system, napataas ang produksiyon ng pagkain at mas matagal na napanatili ang mga mineral sa lupa sa pamamagitan ng pagsasalit-salit ng pananim sa tatlong bukid. Ang mga pagbabago sa agrikultura ay nagdulot ng paglakas ng produksiyon ng pagkain. Tumaas ang pangangailangan para sa pagkain, kung kaya naman, nahikayat ang mga panginoon na pagbutihin ang produksiyon upang magkaroon ng dagdag na kita. Pinalawak ng mga panginoon ang kanilang mga lupain. Upang mahikayat ang mga serf na lumipat sa mga bagong lupain, ibinigay ng mga panginoon sa lumipat na mga serf ang kalayaan nila. Kinailangan na lamang ng mga serf na magbayad ng renta sa lupa. Ang rebolusyon sa agrikultura noong Gitnang Panahon ay nagdulot ng pagbaba ng pagkamatay dahil sa sakit at gutom, pagtaas ng populasyon, at pagkakaroon ng sobrang pagkain. Ang mga epekto ng rebolusyong ito ay nagdala ng muling paglago ng kalakalan at pag-usbong ng mga bayan at lungsod. Perya (Fair) 25 Ang Muling Paglago ng Kalakalan Nang matapos ang paglusob ng iba’t ibang grupo, naging ligtas na muli ang Dagat Mediterranean para sa kalakalan. Nanguna ang mga siyudad ng komersyo sa Italya, at sumunod na rin ang iba’t ibang rehiyon. Dahil sa nagbalik na kaligtasan, nagsimula ang mga serf na magtinda sa mga daan. Nagkaroon din ng mga perya (fair) na dinadaluhan ng mga mangangalakal mula sa iba’t ibang lupain. Sa peryang ito, iba’t ibang klaseng produkto ang ibinebenta. Ang mga perya ay nagtatagal ng mga tatlo hanggang anim na linggo, at pagkatapos nito ay lumilipat ang mga mangangalakal sa ibang lugar upang magtayo ng bagong perya. Ang pagbabalik ng komersyo ay nagdala rin ng pagbabago sa pamamaraan ng pagnenegosyo. Ang mga mangangalakal ay bumuo ng mga grupo upang makapagsimula ng malalaking negosyo. Umusbong ang mga institusyong pinansyal, katulad ng mga bangko at pagpapautang. Nagkaroon din ng pamamaraan ng pagpapalit ng salapi mula sa iba’t ibang lugar. Nabuo ang batas ng komersyo na nagtakda ng mga regulasyon tungkol sa mga kontratang pangnegosyo at pagpapautang. Ang pangangalakal ay lumawak sa iba’t ibang bahagi ng Europa: sa Dagat Mediterranean at Italya; sa baybayin ng Karagatang Atlantiko, sa pagitan ng Pransya at Inglatera; at sa dakong hilaga sa may Dagat Baltic at Black Sea, mula Constantinople patungong Rusya. Ang Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod Ang pag-unlad ng agrikultura at panunumbalik ng komersyo ang pinakamahahalagang kaganapan na nagdulot ng pag-usbong ng mga bayan at mga lungsod. Dahil sa pagdami ng produksiyon ng pagkain, kinaya na ng mga simpleng bayan na magbigay ng suporta sa mas malaking populasyon. Dahil sa seguridad ng suplay ng pagkain, nagkaroon ng bagong klase ng mga mangangalakal at mga artisano. 26 Ang mga mangangalakal at mga artisano ay bumuo ng mga organisasyong tinawag na guild (samahan o kapisanan) na nagtanggol sa kanilang mga miyembro mula sa kompetisyon, naniguro na patas ang bayad, oras, at dami ng trabaho ng mga miyembro, at nagtiyak ng kalidad ng mga produkto. Ang panunumbalik ng komersyo ay nagkaroon din ng epekto sa pag-usbong ng mga bayan at siyudad. Maraming bayan at lungsod ang umusbong sa mga lokasyon na kaaya-aya para sa pangangalakal, katulad sa mga baybayin ng dagat at sa mga ilog, daanan sa pagitan ng mga siyudad, at sa labas ng mga manor at mga monasteryo. Marami sa bayan ang itinayo sa mga lupain ng mga panginoon. Ang ibang panginoon naman ay naghikayat ng pagtatayo ng bayan upang yumaman ang sakop na rehiyon. Nang lumipas ang panahon, ninais ng taumbayan ang kalayaan at ang karapatan na pumili ng pinuno. Sila ay nakipagkasundo sa mga panginoon upang maibigay ang mga ito. Ang pagtatayo ng mga bayan at siyudad ay nagdulot din ng paglaya ng maraming serf. Noong huling bahagi ng Gitnang Panahon, tumatanggap na ng perang kabayaran, sa halip na serbisyo ang mga serf. Marami rin sa kanila ang tumakas patungo sa mga bayan upang magkaroon ng malayang pamumuhay. Ang ibang tumakas ay naging mga artisano o mangangalakal. Marami sa naitayong bayan ay may malilit na populasyon. Ang pinakamalalaking bayan ay may populasyong mahigit 50,000 hanggang 100,000. Ang sentro ng pamumuhay sa Gitnang Panahon ay lumipat mula sa mga palasyo, monasteryo, at manor patungo sa mga bayan at mga siyudad. Dagdag pa rito, ang taumbayan din ay nagdala ng mga pagbabago. Sila ang bumuo sa tinatawag na gitnang uri o middle class, isang Gitnang Uri o Middle Class estado ng pamumuhay na magkakaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng Europa. 27 Suriin Natin Isa-isahin ang hinihingi. A. Tatlong mahahalagang kasangkapang gawa sa bakal na ginamit sa pagsasaka: 1. ______________________________ 2. ______________________________ 3. ______________________________ B. Apat na pagbabagong idinulot ng muling paglago ng kalakalan: 4. ______________________________ 5. ______________________________ 6. ______________________________ 7. ______________________________ C. Tatlong estratehikong lugar kung saan umusbong o naitatag ang mga bayan at lungsod: 8. _____________________________ 9. _____________________________ 10. _____________________________ 28 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang idinulot sa aspektong pangkabuhayan ng pagbabago sa agrikultura? 2. Ano ang ibinunga sa mga pamayanan ng pagsigla ng komersyo? 3. Ano ang kaugnayan ng pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod sa paglaya ng mga serf? Pag-isipan Natin Gaano kalaki ang papel na ginampanan ng mga perya sa panunumbalik ng masiglang kalakalan sa Europa? Gawin Natin Gumawa ng editorial cartoon tungkol sa alinman sa tema sa ibaba. Pagkatapos ay ipaliwanag sa harapan ng klase ang iginuhit. Rebolusyong agrikultural Paglago ng kalakalan Pag-usbong ng mga bayan at lungsod 29 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Maraming Kulang ng ilang Malinaw ang Kumpleto, kulang na detalye ang iginuhit; napakalinaw, at detalye sa iginuhit; naipakita ang tama iginuhit; iginuhit; wala o kailangang kakayahan sa naipakita ang kulang ang masanay sa pagpapaliwanag husay sa kasanayan pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang panahon panahon panahon ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 30 Aralin 4 Ambag ng Europa sa Daigdig Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa ang mga ambag sa daigdig ng mga sistemang panlipunan sa Europa. Larawan ng isang lumang kastilyo. Pumasok ang Europa sa panahon ng pangkabuhayang pag-unlad pagdating ng ika-11 siglo. Kinakitaan ang panahong ito ng mga kaganapan tulad ng pagyabong ng agrikultura at kalakalan, pagbuo ng mga pamayanan, at paglakas ng gitnang uring lipunan. Kaalinsabay nito, hindi maikakaila ang mga kontribusyon ng mga sistemang panlipunang ito na kilala sa kasaysayan bilang mga ambag ng Europa sa daigdig. 31 Subukan Natin Isulat sa kahon ang mahahalagang kontribusyon ng mga sistemang panlipunan sa Europa hanggang sa pagtatatag ng mga bagong bayan at lungsod. guild system code of chivalry banking system canaoe navigation school compass kastilyo pueblo perya 32 Pag-aralan Natin Alamin Natin Bukod sa mga pagbabago sa agrikultura at komersyo, ang ibang ambag ng Europa sa Tandaan at gawing gabay ang daigdig noong Gitnang Panahon ay kahulugan ng sumusunod na sumasaklaw sa sumusunod na larangan: salita: pulitika at batas, arkitektura, sining, literatura, digmaang sibil – digmaan sa at musika. loob ng bansa elemento – sangkap; detalye Mga Ambag sa Pulitika at Batas kampanaryo – toreng may Ang mga ambag sa pulitika at batas noong kampana o bell tower Gitnang Panahon ay naging batayan ng mga krusada – kampanya ng batas at sistema ng gobyerno sa Europa sa Simbahang Katoliko para sumunod na mga panahon. Ang isa sa mga mabawi ang Jerusalem mula importanteng ambag sa larangan ng batas ay sa mga Muslim ang Kodigo ni Justinian o ang pagsusulat ng batas sibil na namana mula sa Imperyong Romano. Ang Magna Carta o Great Charter ng Inglatera ay isa pang mahalagang kalipunan ng batas na naglagay sa mga namumunong hari sa ilalim ng batas. Naglalaman din ito ng mga karapatan ng malalayang mamamayan. Pinirmahan ito ni Haring John ng Inglatera noong Hunyo 15, 1215, nang nailagay ang Inglatera sa bingit ng isang digmaang sibil dahil sa pagtataas ng mga buwis. Ang Paglagda ni Haring John ng Magna Carta Itinatag din sa Gitnang Panahon ang institusyon ng parliyamento na nasilbing konseho ng mga tagapayo ng hari tungkol sa batas at pamamahala. Nagsimula ito noong ika-13 na siglo, kung kailan nagpadala ng mga kabalyero ang mga pinuno ng mga rehiyon sa Inglatera upang payuhan ang hari tungkol sa usaping pinansyal. Tinawag na Magnum Concilium o Great Council ang parliyamento 33 noong panahong iyon. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng parliyamento sa Europa nang lumipas ang panahon, at hanggang sa kasalukuyan, maraming bansa sa daigdig ang nag-angkop ng konsepto ng parliyamento sa kanilang sistema ng pamamahala. Mga Ambag sa Arkitektura Noong Gitnang Panahon, maraming palasyo at katedral ang ipinatayo. Dalawang pangunahing estilo ng arkitektura ang naging laganap sa pagpapatayo ng mga estrukturang ito. Ang Romanesque na estilo ng arkitektura ay inilalarawan bilang malaki, mababa, at matatag. Gumagamit ang estilong ito ng mga elemento mula sa estilong Romano. Madalas ginagamitan ng pabilog na arkong Romano, makakapal na pader, at maliliit na bintana ang mga estrukturang itinayo sa estilong ito. Karaniwan ding may nakahiwalay na kampanaryo ang mga simbahang Romanesque. Romanesque Gothic Nabuo naman mula sa estilong Romanesque ang estilong Gothic na may mga patulis na arko at kisame, at flying buttress na nagdurugtong sa mga poste at sa pangunahing estruktura. Ang estilong ito ay naging laganap sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, pagkatapos ng mga krusada. Ayon sa mga historyador, ang patulis na mga arko ay impluwensiya ng arkitektura ng mga Muslim na nakita at nagustuhan ng mga sumali sa krusada. 34 Mga Ambag sa Sining Ang pag-usbong ng mga pamayanan, bayan, at lungsod ay nagdulot ng iba't ibang ambag sa kabihasnan ng mundo. Dekorasyon Ang mga simbahan noong Gitnang Panahon ay itinayo bilang pagpuri sa Diyos, kung kaya naman napuno ng gawang sining ang mga ito. Ang isa sa mga bagong gawang sining na nabuo sa panahong ito ay ang mga bintanang stained glass. Ang mga bintanang ito ay binubuo ng mga salamin na may magkaibang kulay at may magagandang hugis o eksena mula sa bibliya. Stained Glass Ang isa pang karaniwang dekorasyon sa panahong iyon ay ang mga tapiserya (tapestry) o malalaking hinabing tela na ginamit upang magpakita ng mga eksena mula sa pang-araw- araw na buhay o mahahalagang kaganapan. Ang mga tapiserya ay hinahabi para kumasya sa partikular na bahagi ng mga kastilyo, katulad ng malalaking pader. 35 Literatura at Musika Malaki rin ang impluwensiya ng simbahan sa musika at literatura noong Gitnang Panahon. Ang Gregorian Chant ay isang mabagal at simpleng uri ng musika na kinanta sa mga simbahan at monasteryo. Ipinangalan ito kay Papa Gregory I na gumawa ng sistema ng musikal na notasyon na madaling matututuhan. Madalas na kinakanta ng walang mga instrumento ang Gregorian Chant. Maraming uri ng dulang relihiyoso ang isinadula noong Gitnang Panahon. Ang mga uri ng relihiyosong dula ay ang sumusunod: Dulang misteryoso (mystery play). Ang mga dulang misteryoso ay may apat hanggang limang eksena na isinasadula sa iba’t ibang lokasyon sa bayan. Ang huling eksena ay ginagawa sa simbahan upang mahikayat ang mga tao na pumunta roon, panoorin ang huling eksena, at duminig ng sermon ng pari pagkatapos. Dulang mirakulo (miracle play). Ang dulang mirakulo ay tungkol sa buhay ng mga santo at kanilang mga ginawa noong sila ay nabubuhay pa. Dula ng moralidad (morality play). Ang dulang moralidad ay isinulat upang magturo ng mabubuting aral ayon sa mga turo ng simbahan. Pagtatanghal ng Dulang Misteryoso Bukod sa mga dula, ang isa pang uri ng literatura na nagpakita ng pagpuri sa Diyos ay ang iluminadong manuskrito (illuminated manuscripts) na unang ginawa ng mga monghe. Dahil wala pang palimbagan ng libro noon, ang mga libro ay ginawa sa pamamagitan ng sulat-kamay. Dahil ang bawat libro ay isinulat upang magpakita ng papuri sa Diyos, gumamit ng mga dekorasyon at disenyong ginto ang mga manunulat sa paggawa ng mga libro. 36 Hindi lahat ng literaturang nagawa noong Gitnang Panahon ay may temang relihiyoso. Ang isang halimbawa ay ang epikong tula na nagsasalaysay ng mga kuwento tungkol sa magigiting na bayani at ang kanilang pakikipagsapalaran. Ang ilang halimbawa ng mga epikong tanyag ay ang Beowulf at ang Song of Roland. Ang mga epikong tula ay kinanta at sinayaw ng mga troubadour o mga musikerong manlalakbay na nakasuot ng makukulay na damit. Nagtanghal sa mga piyesta at mga salo-salo ng mga aristokrata ang mga troubadour, at madalas silang may kasamang juggler na tumutulong na magpasaya sa mga manonood sa pamamagitan ng mga stunts. Dahil karamihan sa musika ng mga troubadour ay hindi relihiyoso at hindi nagawan ng notasyon, kakaunti lamang sa mga kanta nila ang nananatili sa kasulukuyang panahon. Troubadour 37 Suriin Natin Isa-isahin ang hinihinging mga ambag ng Europa sa daigdig. A. Pulitika at batas 1. ______________________________ 2. ______________________________ B. Estilo ng estruktura sa arkitektura 3. ______________________________ 4. ______________________________ C. Dula 5. _____________________________ 6. _____________________________ 7. _____________________________ D. Dekorasyon at Musika 8. ____________________________ 9. ____________________________ 10. ____________________________ 38 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Sino ang pumirma ng Magna Carta? 2. Ano ang tawag sa estilo ng arkitektura noong Gitnang Panahon na gumagamit ng mga elemento mula sa arkitekturang Romano? 3. Ano ang tawag sa mga kasama ng mga troubadour na tumutulong na magpasaya sa manonood? Pag-isipan Natin Alin sa mga kontribusyon ng mga Europeo simula noong Gitnang Panahon ang pinakamahalaga sa sangkatauhan magpasahanggang ngayon? Bakit? Gawin Natin Hanapin at basahin ang buod ng epikong Beowulf. Itala ang mga aral o pagpapahalaga sa buhay mula sa kuwentong ito. Pagkatapos, sumulat ng maikling sanaysay (300-500 na salita) tungkol sa mga aral na napulot mo sa epiko. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa ng Marka kaysa Magaling Napakahusay Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Malabo at Medyo malinaw Malinaw ang Kumpleto, magulo ang ang sanaysay, sanaysay, napakalinaw, at sanaysay, kulang ng kulang ng ilang tama ang kulang ng maraming detalye; nilalaman ng maraming detalye; naipakita ang sanaysay; detalye; wala o kailangang kakayahan sa naipakita ang kulang ang masanay sa pagtatala ng husay sa 39 kasanayan sa pagtatala ng mga aral at pagtatala ng pagtatala ng mga aral at pagpapaliwanag mga aral at mga aral at pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Paggawa output sa loob output sa loob output sa output bago pa ng ilang ng ilang itinakdang ang itinakdang panahon panahon panahon ng panahon ng matapos ang matapos ang pagpapasa pagpapasa itinakdang itinakdang pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 40 Karagdagang Kaalaman Maliban sa kalakalan at pagsasaka, nagsimulang kumita rin salapi ang mga tao sa Europa gamit ang kanilang sariling kasanayan (skill). Nagsimula silang gumawa ng iba’t ibang gamit na mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay, ayon sa kanilang kasanayan at pagkabihasa. Ang mga ito ay ginagawa sa bahay at ipinagbibili sa labas. Dumating ang panahon na nagsama-sama ang mga taong gumagawa ng magkakatulad na gamit o produkto. Bumuo sila ng isang grupo o samahan na kilala sa tawag na guild. Ilan sa halimbawa ng mga guild na naitatag ay samahan ng magsasapatos, magtitinapay, at mag-aalahas. Ayon sa panuntunan, hindi maaaring gumawa ng katulad na produkto ang Nasa pangangalaga at superbisyon ng sinuman, maliban kung kasapi sa isang tiyak master crafsman ang isang apprentice. na guild. Ang pagsapi sa isang guild ay nagsisimula habang bata pa. Dadaan muna siya sa pagiging apprentice ng isang master craftsman, na tumatagal mula tatlo hanggang 12 taon. Walang sahod ang isang apprentice, subalit tinutustusan ang kaniyang pagkain at kasuotan ng kaniyang master habang nakatira sa bahay nito. Pagkatapos ng yugtong ito, magiging isa na siyang journeyman. Maaari na siyang tumanggap ng suweldo para sa kaniyang trabaho. Sa edad na 23, maaari na siyang sumapi sa guild. Subalit, matatanggap lamang siya sa guild kung makagagawa siya ng kaniyang masterpiece at kapag pumasa, puwede na siyang magtayo ng sariling pagawaan o shop. Limitado lamang ang mga kasapi ng guild upang maiwasan ang pagdami ng mga produkto sa pamilihan. Ang bawat guild ay may panuntunang sinusunod upang mapanatiling mahusay ang kalidad ng mga produkto. 41 Pagyamanin Natin Bumuo ng apat na pangkat. Pumili ng isasadulang paksa: Relasyon ng hari, mga panginoon, at kabalyero sa panahon ng piyudalismo Relasyon ng mga basalyo at serf sa sistemang manoryalismo Paano maging isang ganap na kabalyero Paano maging ganap na kasapi ng guild Mga gabay: 1. Ang buong pagsasadula ay mula 4-6 na minuto. 2. Mas mainam kung may props, costume, sound effects, at iba pang sangkap teknikal 3. Mag-ensayong mabuti at isaulo ang mga diyalogo dahil hindi ipahihintulot ang pagbabasa ng iskrip habang nagsasadula. 4. Magsanay sa pag-arte. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa ng Marka kaysa Magaling Napakahusay Pagsasanay Inaasahan Pagtatanghal Napakagulo ng Medyo magulo Nairaos nang Napakaayos, ipinamalas na ang ipinakitang maayos ang napakahusay, at pagsasadula; pagsasadula; pagsasadula; napakalinaw ng nakaaantok medyo walang bahagyang pagsasadula; panoorin; kalat ganang panoorin; nakahihikayat at tunay na ang konsepto at may kulang sa medyo masayang nakahihikayat at walang malinaw konsepto at hindi panoorin; buo ang nakawiwiling na tunguhin at nakamit ang konsepto at panoorin; buong- hindi napalutang pangunahing natamo ang buo ang konsepto ang layunin; hindi pangunahing at natamo ang pangunahing nagampanan ng layunin; mahusay pangunahing layunin ;walang ilan ang kani- na nagampanan layunin; gumanap ng kaniyang role ang kani-kaniyang nagampanan nang tamang role role buong husay ang kani-kaniyang role 42 Pagpapahalaga Nangailangan ng Nakayang gawin Nakayang gawin Pinaghirapan at paggabay kahit ang madadaling ang mahihirap na pinaghandaang sa simpleng bahagi, bahagi, mabuti ang gawain; nangailangan ng nangailangan ng gawain, hindi na madaling paggabay; paggabay; nangailangan ng umayaw; ginawa muna ang ginawa muna ang paggabay; umaasa sa iba mahihirap na mahihirap na madaling bahagi, maaaring bahagi, kaya pa nakaugnay at umayaw kung ring magpatuloy natapos sa oras walang paggabay kahit walang ang gawain paggabay Pakikilahok ng Hindi nakilahok May naipakitang Nagpakita ng Nagpakita ng Bawat at walang interes kaunting interes at interes subalit masidhing interes Indibiduwal sa paghahanda pakikilahok sa hindi gaanong at aktibong at paghahanda at nakilahok sa pakikilahok sa pagsasakatuparan pagsasakatuparan paghahanda at buong ng gawain ng gawain pagsasakatuparan paghahanda at ng gawain pagsasakatuparan ng gawain KABUUAN Paglalagom Mga Sistemang Panlipunan Manoryalismo sa Europa sa Gitnang Piyudalismo Panahon Pag-usbong ng mga Bagong Bayan at Lungsod Ambag ng Europa sa Daigdig 43 DAPAT TANDAAN Ang manoryalismo ay ang laganap sa sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang Panahon na nakabatay sa pag-aari ng lupa o manor. Ang piyudalismo ay isang sistemang pulitikal na nabuo bilang pagtugon sa mga problema ng paghina ng sentralisadong pamamahala at ng seguridad noong Gitnang Panahon. Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, nagkaroon ng pagbabago sa kapaligiran na nakatulong sa muling pagyabong ng agrikultura, komersyo, at pagtatatag ng mga bagong bayan at lungsod. Ang mga ambag ng Europa sa daigdig noong Gitnang Panahon ay sumasaklaw sa sumusunod na larangan: agrikultura at komersyo, pulitika at batas, arkitektura, sining, literatura, at musika. Dagdag Sanggunian Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay: “Manorialism and Feudalism in the Middle Ages” ng UPrepLogic (https://www.youtube.com/watch?v=Z8AUcDm6J7g) “Rise of Towns & Europe's Economy in the Late Middle Ages” ni Eileen Baranyk (https://www.youtube.com/watch?v=MhnyQjRjxY4) 44 Gabay sa Pagwawasto Aralin 1: Manoryalismo Subukan Natin Malayang sagot Suriin Natin A. 1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Mali B. 1-5. Alinman sa sumusunod: Ang mga manor ay binubuo ng isang pamayanan. Halos lahat ng pangangailangan ng tao, bukod sa asin at bakal, ay matatagpuan sa loob ng manor. May mga tirahan, hardin, at kamalig para sa mga serf sa loob ng manor. Karaniwan ding may simbahan, gilingan ng butil o pananim, gawaan ng alak, panaderya, at pandayan dito. Ang pamayanan ay pinalilibutan ng lupang sakahan. Mayroon ding mga pastulan para sa mga hayop, mga sapa at batis para sa pangingisda, at mga kagubatan para sa kahoy. May sariling sistemang panghukuman din ang mga manor, ngunit ang maliliit na krimen lamang ang madalas na dinidinig sa hukumang ito. 45 Aralin 2: Piyudalismo Subukan Natin Malayang sagot Suriin Natin A. 1. G 2. A 3. D 4. B 5. F B. Anuman ang posisyon: 1. drawbridge 2. moat C. 3-2-1 Aralin 3: Pag-usbong ng mga Bagong Bayan at Lungsod Subukan Natin Malayang sagot Halimbawa: furs, leather goods, boots, jewelry, chickens, eggs, cows, furniture, clothes, meat pies Suriin Natin A. Alinman at anuman ang pagkakasunod-sunod: 1-3. asada, karit, sapatos para sa kabayo, mabigat na de-gulong na araro na hinihila ng kalabaw o ng kabayo 46 B. Alinman at anuman ang pagkakasunod-sunod: 4-7. perya, guild, bangko, pagpapautang, palitang ng mga salapi, mga batas at regulasyon sa negosyo C. Alinman at anuman ang pagkakasunod-sunod: 8-10. baybayin ng dagat at ng mga ilog, daanan sa pagitan ng mga siyudad, labas ng mga manor at mga monastery, mga lupain ng mga panginoon Aralin 4: Kontribusyon ng Europa sa Daigdig Subukan Natin guild, code of chivalry, banking system, kastilyo, perya Suriin Natin A. Tatlo sa sumusunod: Kodigo ni Justinian Magna Carta Parlamento B. Anuman ang puwesto o posisyon: Romanesque Gothic C. Anuman ang pagkakasunod-sunod: Misteryoso Mirakulo Moralidad D. Anuman ang pagkakasunod-sunod: Gregorian chant Tapestry Stained glass 47 Sanggunian “A Beginner’s Guide to Romanesque Architecture.” Khan Academy. Nakuha mula sa https://www.khanacademy.org/humanities/medieval-world/latin-western- europe/romanesque1/a/a-beginners-guide-to-romanesque-architecture. “Middle Ages for Kids: Medieval Achievements.” Mr. Donn’s Site for Kids and Teachers. Nakuha mula sa http://medievaleurope.mrdonn.org/achievements.html “Romanesque and Gothic.” Harrisonburg City Public Schools. Nakuha mula sa http://staff.harrisonburg.k12.va.us/~cwalton/gothicorromanesque.htm. Muscato, Cristopher. "What is Manorialism? - Definition and System." Study.com. Nakuha mula sa http://study.com/academy/lesson/what-is-manorialism-definition- system.html. Perry, Marvin. Western Civilization: A Brief History, 10th Ed. USA: Wadsworth, Cengage Learning, 2013. Spielvogel, Jackson. Western Civilization, 9th Ed. USA: Cengage Learning, 2015. 48

Use Quizgecko on...
Browser
Browser