Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo PDF

Summary

This presentation explores the concept and perspectives of globalization. It examines how globalization has impacted various aspects of life and discusses potential challenges and opportunities. It contains questions for analysis and critical thinking.

Full Transcript

Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo Malawak ang saklaw ng mga isyung pang-ekonomiya. May isyung nakakaapekto sa iilan ngunit may mga isyung mas nakakaapekto sa nakakarami. Isa na rito ang globalisasyon na bumago sa buhay ng sangkatauhan. Halina at pag-aralan natin kung paano binago ng globalisas...

Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo Malawak ang saklaw ng mga isyung pang-ekonomiya. May isyung nakakaapekto sa iilan ngunit may mga isyung mas nakakaapekto sa nakakarami. Isa na rito ang globalisasyon na bumago sa buhay ng sangkatauhan. Halina at pag-aralan natin kung paano binago ng globalisasyon ang buhay ng sangkatauhan sa nakalipas na mga taon at sa kasalukuyan. Panuto: Suriin ang poster, pagkatapos ay kopyahin at sagutan ang mga gabay na tanong sa susunod na slide 1.Ano ang iyong nakikita sa poster? 2.Sa iyong palagay ano ang ipinakikita sa poster? (1 pangungusap lamang) 3.Maituturing ba itong isyu at hamong panlipunan? Ipaliwanag ang iyong dahilan. Ano nga ba ang globalisasyon?  Ang katagang globalisasyon ayon kay Ritzer (2011), ay “nangangahulugang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.”  Nangyayari ito dahil sa pagpapalitan ng impormasyon at Sa paanong teknolohiya ng mga tao, at ang paraan paggalaw ng tao na dulot ng nagkakaroon migrasyon. ng mabilis na pagdaloy ng mga produkto? Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga karaniwang gawain na masasabing may kaugnayan sa globalisasyon: 1.Sa pagbili ng mga produkto, ang paggamit ng cellphone at serbisyo ng internet, na lubhang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng bansa. 2.Sa iyong pag-aaral kapag nais mong maging updated sa mga isyu sa bansa, maaari kang magsaliksik ng mga makabagong impormasyon tungkol sa paksang iyong pinag-aaralan. 3.Sa paglago ng ekonomiya ng bansa, malaking tulong ang paglago ng online shop bilang bahagi ng globalisasyon na karaniwan nang ginagamit na paraan upang maging mabilis na makabili ng produkto na ayon sa pangangailangan o kagustuhan ng tao. 4.Sa larangan ng pagkakaroon ng malalim na ugnayan ng bawa’t isa ay hindi na imposible sa pamamagitan ng migrasyon at interaksyon sa pagitan ng mga tao. 5.Sa larangan ng politika ay nagkakaroon ng mabilisang ugnayan ng mga bansa, mga samahang pandaigdigan upang mapabilis ang kalakalang panlabas, gayundin sa larangan ng pagnenegosyo at pamumuhunan. 6.Sa pag-unlad ng kalakalan at serbisyo, pamumuhunan at maging ang migrasyon sa tulong ng teknolohiya at patakarang nililikha sa pagitan ng mga bansa. Noong taong 1950 ang bolyum ng pandaigdigang kalakalan ay tumaas ng 20 ulit at noong 1997 hanggang 1999 ang dayuhang pamumuhunan ay dumoble mula sa $468 bilyon patungong $827 bilyon. 7.Sa larangan ng pagtutulungan ng mga bansa sa panahon ng kalamidad ay nakikita natin sa telebisyon ang ipinaaabot na tulong ng iba’t ibang bansa samga biktima nito. Mauugat ang hitik na kasaysayan ng globalisasyon sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng kalakalan noong sinaunang panahon kaya’t hindi na ito bago. Sa katunayan ang katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong nangyari bago ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914.  Kung ihahambing sa nagdaang panahon ang globalisasyon ayon kay Thomas Friedman ito ay “higit na malawak, mabilis, mura, at malalim.” Ang mga nabanggit na katangian ay bunsod ng pagbubukas ng ekonomiya ng mga bansa at mga polisiyang ipinatutupad. Ang paggamit ng kapitalismo na isang sistemang pang-ekonomiya ang nagbigay daan sa pagkakaroon ng mas malawak na pagbubukas ng pintuan sa kalakalang internasyunal at maging sa pamumuhunan. Upang lubos na maunawaan ang globalisasyon, narito ang mga karagdagang kaalaman na maaaring makatulong sa pagkaunawa nito. 1.Ang pagkakakilanlan ng globalisasyon ay ang mobilisasyon ng mga kagamitang personal katulad ng electronic gadgets at maging pang negosyo, makina tulad ng halimaw, na ginagamit na panggapas ng palay ng mga magsasaka sa sangay ng agrikultura. 2. Mga skilled workers at propesyunal ang mas higit na nakikinabang sa mabilis na pagbabago. 3. Mabilis na naipapasa ang mga impormasyon tulad ng fashion, balita, scientific findings and breakthroughs, entertainment o opinion. 4. Mabilis na transaksyon sa larangan ng kalakalan, gamit ang social media o iba pang kaparaanan. 5. Pinagmumulan at pinatutunguhan nga mga produkto o kalakal na nililikha. 6. Maituturing na nakikinabang sa kalakarang ito ng globalisasyon. Sa mga nabanggit na kaisipan, ipinakikita na ang globalisasyon ay pangmalawakang pagsasanib ng iba’t ibang pamamaraang pandaigdig. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari ito dahil sa ilang hadlang na nagbubunga ng mabagal na paggalaw. Halimbawa ay terorismo na maituturing na hamon sa pandaigdigang kapayapaan. Magdudulot ito ng mabilis na pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan. Isyu nga bang maituturing ang globalisasyon? Tuwirang binago, at binabago ang pamumuhay at maging ang matagal ng institusyong o perennial institutions na kinagisnan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan na magpahanggang ngayon ay may mahalagang gampanin pa rin upang mapatatag ang mga institusyong nabanggit. Naunawaan mo ba ang iba’t ibang kahulugan ng globalisasyon mula sa iyong napag-aralan? Kung oo, ang sagot mo, nais mo bang malaman kung kailan nagsimula ang globalisasyon? Magpatuloy ka at suriin ang iyong babasahin upang maunawaan ang pinagmulang kasaysayan nito. Perspektibo at Pananaw Taal o nakaugat na sa bawa't isa (Nayan Chanda 2007) Isang mahabang siklo ng pagbabago (Scholte 2005) May anim na wave o epoch Limang Perspektibo o Pananaw ayon sa (Therborn 2005) Kasaysayan kung paano nagsimula ang globalisasyon Mauugat sa ispesipikong pangyayari sa kasaysayan Nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo May limang perspektibo o pananaw ayon sa kasaysayan sa kung paano nagsimula ang globalisasyon. 1. “Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa.” Ito ay ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, madigma’t manakop at maging manlalakbay. 2. “Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbabago. Maraming globalisasyon na ang dumaan sa nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap,” ayon kay Scholte (2005). Kung kailan ang globalisasyon ay nagsimula ay mahirap tukuyin. Mahalagang bigyang- pansin ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito. 3. “May anim na wave o epoch ang globalisasyon,” na binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon at makikita na kasunod nito. Panahon Katangian Ika-4 hanggang ika-5 siglo Pagkalat ng relihiyong Islam at Kristiyanismo Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga Europeo Huling bahagi ng ika-18 siglo Digmaan sa pagitan ng mga hanggang unang bahagi ng bansa sa Europa na nagbigay- ika-19 na siglo daan sa globalisasyon Gitnang bahagi ng ika-19 na Rurok ng Imperyalismong siglo hanggang 1918 Kanluranin Panahon Katangian Pagkakahati ng daigdig sa Post World War II dalawang puwersang ideolohikal partikular ang komunismo at kapitalismo. Post Cold War Nanaig ang kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Naging mabilis ang pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng US. 4. Ang globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Ilan sa mga pinagmulan nito ay ang mga sumusunod: Pananakop ng mga Romano bago ipanganak si Kristo (Gibbon 1998) Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Romano Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo Paglalakbay ng mga Vikings mula Europa patungong Iceland, Greenland, at Hilagang Amerika Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo May mga pagpapalagay na nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Ilan sa mga ito ay: ang paglitaw ng telepono at nang ginamit ito noong 1956, nang lumapag ang transatlantic passenger jet mula sa New York hanggang sa London, nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite noong taong 1966, at sinasabi ring nagsimula ang globalisasyon noong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. 5. Sa huling pananaw ay isinasaad na ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. May tatlong pagbabagong naganap sa panahong ito na may direktang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay ang mga sumusunod: 5.1 Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ang lakas-militar ng Estados Unidos ay ipinakita nang talunin nito ang Japan at Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kayat kinilala bilang global power. Kung usaping pang-ekonomiya ang pag-uusapan ay naungusan naman nito ang France at Great Britain nang sakupin ang mga Asyanong bansa katulad ng Korea noong taong 1950, at Vietnam noong taong 1960-1970. 5.2 Paglitaw ng mga Multinational at Transnational Corporations (MNC’S at TNC’S) Nakilala noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo ang mga makapangyarihang korporasyon sa buong daigdig ang Great Britain, Germany at United States. Pinagtuunan nito ang mga bansang nabibilang sa mga developing countries katulad halimbawa ng Ford at General Motors. Ang TNC’s ay karaniwang nagtatag ng mga pasilidad at ipinagbibili ang kanilang mga produktong nililikha sa mga bansang ito. 5.3 Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War Sinasabing ang naging hudyat ng paglitaw ng globalisasyon ay ang pagbagsak ng Iron Curtain at Soviet Union noong 1991. Sa pangyayaring ito ay nabura ang markang naghahati at naghihiwalay sa pagitan ng mga bansang komunista at kapitalista. Nagsimulang pumasok ang mga multinational companies (MNC’s) sa mga bansang dati ay nasasakupan ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia, at Latvia.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser