Aralin 3: Isyu sa Paggawa: Kakayahan na Maka-angkop sa Globally Standard na Paggawa PDF
Document Details
Uploaded by StellarLeibniz
Caloocan City
Tags
Related
- Mga Hakbang sa Pagsulat ng Panitikan PDF
- Ang Kahalagahan ng Paggawa PDF
- Araling Panlipunan 10 Ikalawang Markahan Modyul 2 PDF
- Araling Panlipunan 10 Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa PDF
- Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao (PDF)
- Paggawa ng mga Animated Videos para sa mga Bata (GED 107-2024) PDF
Summary
Ang araling ito ay tungkol sa mga isyu sa paggawa sa Pilipinas, globalisasyon, at mga kasanayang kinakailangan para sa isang globally standard na trabaho. Tinalakay din ang mga hamon sa paggawa at mga kasanayan na inaasahan sa globally standard na paggawa. Nakapaloob sa aralin ang mga katanungan at talahanayan.
Full Transcript
1 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG MARKAHAN PANGALAN: PANGKAT: GURO: Aralin 3 Most Essential Learning Competencies: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa. Sa bahaging ito ng aralin ay inaasahang matututuhan mo ang iba’t...
1 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG MARKAHAN PANGALAN: PANGKAT: GURO: Aralin 3 Most Essential Learning Competencies: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa. Sa bahaging ito ng aralin ay inaasahang matututuhan mo ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Malaking hamon din sa ating bansa ang mga malaking pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Kabilang na dito ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade Organization o WTO. Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa. Sa pagtalakay sa aralin, magagamit mo ang iyong mga natutunan upang maging handa bilang manggagawa sa hinaharap. Importante na maiangkop mo ang iyong mga kasanayan sa mga inaasahan sa globally standard na paggawa. Ang kaalamang matatamo mo ukol sa iba’t ibang isyu sa paggawa ay magiging sandigan mo sa hinaharap upang maging epektibo at mahusay na manggagawa. Ang modyul ay nakapokus sa pag-aaral sa iba’t ibang isyu sa paggawa kabilang ang tatlong mahahalagang paksa sa ibaba: 1. Mga kasanayan na inaasahan sa globally standard na paggawa; 2. Apat na haligi sa isang disente at marangal na paggawa; at 3. Kahalagahan ng tamang kaalaman ukol sa inaasahan sa globally standard na paggawa. AP10-Qtr2-Wk3 2 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG M A R mong Pagkatapos K A Hbasahin A N ang nilalaman ng modyul at masagot ang lahat ng mga gawaing nakapaloob dito, inaasahan na iyong: 1. Nailalahad ang mga kakayahang inaasahan sa globally standard na paggawa; 2. Naipapaliwanag ang 4 na haligi sa isang disente at marangal na paggawa; at 3. Nabibigyang halaga ang tamang kaalaman ukol sa iba’t ibang isyu sa paggawa. MATCHING TYPE: Basahing mabuti ang pahayag sa Hanay A at hanapin sa HanayB ang tinutukoy nito. Isulat sa loob ng bituin ang titik ng tamang sagot. Maaaringulitin ang titik ng tamang sagot. HANAY A HANAY B 1. Kakayahan na matuto at makagawang a. Media & Technology bagong pamamaraan upang mapabilis Skills ang gawain 2. tumutukoy sa kakayahan sa ICT at b. Communication information literacy Skills 3. kakayahan na humarap at makipag- c. Life and Career ugnayan sa iba’t ibang uri ng tao Skills 4. tumutukoy sa kakayahan sa tamang d. Learning and desisyon at pagdadala ng buhay Innovation Skills 5. kakayahan sa paggamit ng makabagong teknolohiya Panuto: Suriin ang mga sumusunod at tukuyin kung saan ito kabilang na anyo ng globalisasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot. AP10-Qtr2-Wk3 3 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG a. M A R K AEkonomiko Globalisasyong HAN b. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural c. Globalisasyong Politikal 1. Paggamit ng cellular phone 2. Pagiging popular ng mga Korea-novela 3. Pagiging bukas ng maraming bansa sa manggagawa 4. Pag-usbong ng mga social networking sites kagaya ng Facebook 5. Pagkakatatag ng samahan ng mga bansa MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, ‘job-mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at flexible labor. Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng World Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa. Naglalagak ang mga multi-national company ng mga investment para sa mga trabaho sa bansa na kung saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa mga naging kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito. TALAHANAYAN 1: Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod: AP10-Qtr2-Wk3 4 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG MARKAHAN Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang aspekto na nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay. Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa Makikita sa dayagram sa ibaba ang mga hamong dulot ng globalisasyon, ang naging bunga nito sa ekonomiya at ang tugon ng ating bansa upang harapin ito. Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Sasanayin ang mga mag-aaral sa mga kasanayang pang-ika-21 siglo upang maging globally competitive na nakabatay sa balangkas ng Philippine Qualifications Framework – ang Basic Education, Technological-Vocational Education at Higher Education – DepEd 2012 Mga Naaangkop sa mga Kasanayan para sa Ika-21 Siglo 1. Media and Technology Skills, 2.Learning and Innovation Skills 3.Communication Skills 4.Life and Career Skills AP10-Qtr2-Wk3 5 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG MARKAHAN Ang mga kasanayang ito ay inaasahang makukuha ng bawat mag-aaral sa kanilang edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo. Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa (decent work) na naglalayon na magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa. Tunghayan ang ikalawang dayagram na naglalaman ng mga haligi sa isang disente at marangal na paggawa ayon sa DOLE, 2016. DAYAGRAM 2 Gawain 1: Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang 5 pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan? Ipaliwanag 2. Magbigay ng 4 na mga naidulot ng globalisasyon sa paggawa? Ipaliwanag 3. Ipaliwanag ang naging bunga ng iba’t ibang hamong dulot ng globalisasyon sa paggawa? Sa papaanong paraan ito tinugunan ng ating bansa? 4. Ilahad ang 4 na naaangkop na kasanayan para sa ika-21siglo. Ipaliwanag 5. Anu ano ang nilalaman ng 4 na Haligi sa Marangal at Disenteng Paggawa, ipaliwanag. AP10-Qtr2-Wk3 6 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG MARKAHAN Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa – mababang pasahod, kawalan ng seguridad, job mismatch, kontraktwalisasyon at cheap at flexible labor. Dahil sa paglaganap ng globalisasyon nagbunga ito ng pagtatakda ng WTO ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa. Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Sasanayin ang mga mag-aaral upang maging globally competitive taglay ang 21st century skills. Upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa (decent work) - 4 na Haligi sa Isang Disente at Marangal na Paggawa. Pag-alam sa Natutuhan Binabati kita at natapos mo ang araling ito, bilang pangwakas punan mo ang talahanayan ng mahahalagang datos patungkol sa ating napag-aralan. Pumili lamang ng isa sa dalawang gawain A o B A. DATA RETRIEVAL CHART Hinihinging Datos Sagot 5 Pangunahing Suliranin na kinakaharapan ng manggagawang Pilipino sa kasalukuyan 4 na Naangkop na Kasanayan sa Ika-21 Siglo AP10-Qtr2-Wk3 7 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG MARKAHAN B. Gumawa ng isang makabuluhang sanaysay ukol sa hamon ng globalisasyon sa mga manggagawa sa kasalukuyang panahon ng pandemiya na kapapalooban ng mga sumusunod na ideya, na nasa aralin. A. MULTIPLE CHOICE: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa. a. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar b. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar 2. Ano ang tawag sa pagtitiyak ng paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa manggagawa. A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar 3. Paghihikayat sa mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mekanismo para sa proteksiyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad. A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar 4. Ito ang paglikha ng mga collective bargaining unit upang palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at mga kompanya. A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar AP10-Qtr2-Wk3 8 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG MARKAHAN 5. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga naidulot ng globalisasyon sa paggawa maliban sa isa. A. demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan B. nabigyan ng pagkakataon ang lokal na produkto na makilala sa daigdig C. binago ng globalisasyon ang workplace D. naging mataas ang sahod ng mga manggagawa 6. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga hamon ng globalisasyon sa paggawa maliban sa isa A. pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya B. integrasyon ng ASEAN 2015 C. pagbabawal sa pagpasok ng mga manggagawa sa ibang bansa D. mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng WTO 7. Isa sa mga kakayahan na hinahanap sa 21st Siglo na tumutukoy sa kakayahan na humarap at makipag-ugnayan sa iba’t ibang uri ng tao A. Media and Technology Skills C. Learning and Innovation Skills B. Communication Skills D. Life and Career Skills 8. Tumutukoy sa kakayahan sa ICT at information literacy A. Media and Technology Skills C. Learning and Innovation Skills B. Communication Skills D. Life and Career Skills 9. Tumutukoy sa kakayahan sa tamang pagdedesisyon at pagdadala ng buhay. A. Media and Technology Skills C. Learning and Innovation Skills B. Communication Skills D. Life and Career Skills 10. Kakayahan na matuto at makagawa ng bagong pamamaraan upang mapabilis ang gawain. A. Media and Technology Skills C. Learning and Innovation Skills B. Communication Skills D. Life and Career Skills Sa panahon ngayon na ang buong mundo ay nahaharap sa iba’t ibangsuliranin dulot ng COVID-19 kung saan ang paghahanapbuhay ay isang malaking hamon para sa bawat manggagawa. Bilang isang mag-aaral, kung mabibigyan ka ng pagkakataong maglatag ng 3 polisiya o bagong patakaran na makapagbibigay ng proteksyon at seguridad sa mangaggawa, ano-ano ito? Ipaliwanag. Ilagay ang sagot sa Kwaderno POLISIYA 1: POLISIYA 2: POLISIYA 3: AP10-Qtr2-Wk3 9 ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL Pangalan:_____________________ Pangkat__________Guro: ___________________ Aralin 3 I. PAUNANG PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. II. BALIK-TANAW: 1. 2. 3. 4. 5. III. GAWAIN : Ilagay ang sagot sa portfolio/ Kwaderno IV. PANGHULING PAGSUSULIT 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10. V. PAGNINILAY Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. AP10-Qtr2-Wk3