Aralin 1: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo PDF

Summary

This document contains a lesson about Globalization, Concepts, and Perspectives, for Araling Panlipunan 10, 2nd Quarter, week 1. It includes questions based on the lesson.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 1 PANGALAN: Pangkat: GURO: Aralin Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo 1 Most Essential Learning Competencies: * Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon. Ang modyul na ito a...

ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 1 PANGALAN: Pangkat: GURO: Aralin Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo 1 Most Essential Learning Competencies: * Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon. Ang modyul na ito ay ginawa upang ikaw ay magkaroon ng lubos na pag-unawa sa paksa tungkol sa Globalisasyon. Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito inaasahang: 1. Naipaliliwanag ang konsepto at lawak ng pagkaunawa ukol sa globalisasyon. 2. Nabibigyang halaga ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang isyung panlipunan. Tinalakay sa nakaraang aralin ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan. Bago ka tumungo sa susunod na paksa ay sagutin mo ang unang pagsubok. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. 1. Alin sa mga sumusunod ang naaangkop na kahulugan ng globalisasyon? a. Malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig. b. Patuloy na pag-uugnayan tungo sa pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo. c. Mabilisang paggalaw, pag-uugnayan ng mga tao pagpapalitan ng mga aspetong pangkabuhayan, teknolohiya at kultural sa buong daigdig. d. Proseso ng patuloy na pagdaloy at galaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo. 2. Paano nakapagpapabilis sa pagkakabuo at pagsasama-sama ng mga bansa ang globalisasyon? a. Nagiging mabilis ang ugnayan ang mga bansa. b. Mabilis na nakakatugon ang mga bansa sa mga banta ng magdudulot ng kapinsalaan. c. Napapabilis ang palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa. d. Namamasdan ang paghihiwa-hiwalay ng mga bansa sa buong mundo. 3. Ang pag-unawa sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon ay hindi lamang sa lipunang kinabibilangan ng bawat isa kundi maging sa patuloy na nagbabago. a. kapaligiran b. pamamahala c. ekonomiya d. pamumuhay 4. Ayon sa kanya, ang globalisasyon ay may tiyak na simula. Ito ay hindi isang bagong phenomenon o pangyayari at hindi rin siklo. a. Ritzel b. Friedman c. Thernborn d. Chanda AP10-QRT 2-WEEK 1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 2 5. Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng United States. a. World War I b. Cold War c. Post-Cold War d. Post World War II DUGTONG DIWA Panuto: Sa bawat kahon sa ibaba, dugtungan ang mga pahayag. Ang pagiging handa sa oras ng kalamidad ay Sa paghahanda sa kalamidad, isang mabisang paraan ay Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunan, ako ay tutulong sa ating pamahalaan kaugnay sa mga kalamidad sa pamamagitan ng Matutunghayan mo naman sa modyul na ito ang mga kaisipang ukol sa globalisayon bilang isyung panlipunan, partikular ang mga konsepto tungkol sa pinagmulan nito. Susuriin din dito ang mga pananaw at isyung pang- globalisasyon na kaakibat ang implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Hangarin sa modyul na ito na maunawaan mo ang mga hamon at tugon sa mga isyung tungo sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay. Makatutulong ang pag-unawa sa Sanggunian: ritiriwaz.com pagpapanatili ng dignidad ng buhay ng isang indibiduwal. Halina, ito’y atin ng alamin. AP10-QRT 2-WEEK 1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 3 Aralin 1: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo Ang mga pagbabago ay patuloy na nagaganap sa ating kapaligiran, maging sa takbo ng lipunang ating kinabibilangan. Ang ganitong kaganapan ay ang tinatawag na globalisasyon. Mga pahayag ng mga kilalang manunulat at sosyologo ukol sa globalisasyon na kinapapalooban ng limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at Sanggunian: wallyboston.com simula ng globalisasyon Ritzer,( 2011)-“Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.” Thomas Friedman,(2005). Sa kanyang aklat na pinamagatang The World is Flat, na nailathala noong 2006, kanyang ipinahayag na “Ang globalisasyon sa kasalukuyan ay higit na malawak, mabilis, mura, at malalim.” Nang dahil dito higit na napapabilis ang ugnayan ng mga tao sa isa’t isa. Sa tulong nito napapabilis ang teknolohiya at impormasyon, kabilang na dito ang pamumuhunan at kalakalang panloob at panlabas. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari ito, may mga pangyayaring nakakapagpabagal nito. Ang terorismo, na isang hamong pandaigdig, dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa ibat’ ibang panig ng daigdig, ito’y mabilis ding nagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian, at institusyong panlipunan. Mabilis din namang natugunan ang suliraning ito dulot ng palitang impormasyon at kolaborasyon ng mga bansa na naging dahilan ng pagkabuo ng mahihigpit na polisiya at patakaran ukol sa migrasyon. Anu-ano ang limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon? UNA Paniniwalang ang “globalisasyon ay nakaugat na sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay. PANGALAWA Ito ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2000-2005), maraming globalisasyon na ang dumaan sa mga nagdaang panahon at ang kasalukuyan o makabagong globalisasyon ay higit na mataas ang anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya’t higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito PANGATLO Pinaniniwalaang may anim na “wave” o epoch o panahon na binigyang diin ni Thernborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon. Sa talahanayan, ang globalisasyon ay hindi isang bagong phenomenon o pangyayari at hindi rin siklo. Ito’y makikita sa tahanayan na ito… AP10-QRT 2-WEEK 1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 4 Panahon Katangian Ika-4 hanggang ika-5 siglo Globalisasyon ng Relihiyon (Pangkat ng Islam at Kristiyano) Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga Europeo (late 15th century) Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa unang bahagi ng ika-19 na siglo Europa na nagbigay daan sa (late18th-early 19th century) globalisasyon Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo Rurok ng imperyalismong Kanluranin hanggang 1918 Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal partikular ang komunismo at kapitalismo Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Nagbigay daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunmguna ng United States. Talahanayan na nagpapakita ng anim na panahon o epoch ng globalisasyon (Therborn, 2005) IKAAPAT Ito ay hawig ng ikatlong pananaw na ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Tinatayang nagsimula ang globalisasyon noong… >1956- kalagitnaan ng ika-20 siglo ng unang ginamit ang telepono at nang lumapag ang ‘transatlantic passenger jet’ mula New York hanggang London. >1966- nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite >2001- nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York Ang mga pangyayaring ito ay gumising sa marami na kailangan ang higit na pag- aaral sa isang global na daigdig. IKALIMA Nagsasaad dito na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Sa panahong ito, sinasabing ito’y may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon, ang sumusunod ay ang tatlong pagbabagong naganap: 1. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig 2. Paglitaw ng mga multinational (MNcs) at transnational corporations (TNCs) 3. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War AP10-QRT 2-WEEK 1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 5 Gawain A: GLOBALISAYON- Letra ko-Dugtungan mo Panuto: Tukuyin ang nais palutanging kaisipan mula sa pagtatala ng mga salita mula sa mga letrang bumubuo sa globalisasyon. Ilagay sa iyong kwaderno. G- L- O- Pamprosesong tanong: B- A- 1. Ano ang salitang globalisasyon para saiyo? L- 2. Buhat sa mga nabuong salita sa bawat letra ng I- globalisasyon, anong kaisipan ang nais mong ipahiwatig? S- 3. Naniniwala ka bang matagal ng may globalisasyon? A- Ipaliwanag ang iyong sagot. S- Y- O- N- Gawain B: Tukoy-Kasaysayan Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang buhat sa kahon ng pamimilian. Ika-4 hanggang ika-5 siglo d. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 Huling bahagi ng ika-15 siglo e. Huling bahagi ng ika-18 hanggang ika-19 na siglo c. Post World War I f. Post World War II 1. Pananakop ng mga Europeo 2. Rurok ng imperyalismong Kanluranin 3. Pagkakahati ng daigdig sa dalawang pwersang ideolohikal particular ang komunismo at kapitalismo 4. Globalisasyon ng Relihiyon (Pangkat ng Islam at Kristiyano) 5. Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay daan sa globalisasyon. AP10-QRT 2-WEEK 1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 6 Pamprosesong tanong: Sa limang perspektibo o pananaw, alin sa palagay mo ang may mas malinaw na pahayag ukol sa pinagmulan ng globalisasyon? Sa pangatlong perspektibo, ang pahayag ba ni Therborn na may maliwanag na basehan? Ipaliwanag ang sagot. Sa mga ipinahayag na perspektibo, alin sa mga ito ang halos magkatulad ng paliwanag. Pangatwiranan ang iyong sagot. 1. Ang globalisasyon ay proseso ng mabisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, produkto at serbisyo, gayun din ang mga impormasyon at teknolohiya sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. 2. Ang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan ang itinuturing na simula ng globalisasyon, na ipinaliwanag sa limang perspektibo o pananaw. 3. Sa mga kaisipang natutunan ukol sa globalisasyon, na kung may positibong dulot ang globalisasyon, mayroon din namang nagpapabagal tulad ng terorismo. Ngunit mabilis din namang natutugunan ang suliraning ito ng mga bansa sa pamamagitan ng mga impormasyon at kolaborasyon ng bawat isa. Magaling! Nagawa mo ng buong husay ang inihandang gawain. Ngayon, subukan mo namang sagutan ang mga sumusunod na pagsubok. Panuto: Isulat sa loob ng venn diagram ang pagkaunawa mo sa araling ating pinag- aralan, mga perspektibo at pananaw ng pinagmulan ng globalisasyon at ang kinalaman nito sa pamumuhay ng tao. GLOBALISASYON POSITIBONG NEGATIBONG DULOT DULOT AP10-QRT 2-WEEK 1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 7 Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. 1. Alin sa mga sumusunod ang naaangkop na kahulugan ng globalisasyon? a. Malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig. b. Patuloy na pag-uugnayan tungo sa pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo. c. Mabilisang paggalaw, pag-uugnayan ng mga tao pagpapalitan ng mga aspetong pangkabuhayan, teknolohiya at kultural sa buong daigdig. d. Proseso ng patuloy na pagdaloy at galaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo. 2. Pagkakahati ng daigdig sa dalawang pwersang ideolohikal partikular ang komunismo at kapitalismo. a. World War I b. Cold War c. Post-Cold War d. Post World War II 3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito? a. Ekonomikal b. Teknolohikal c. Sosyo-kultural d. Sikolohikal 4. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? a. Globalisasyon b. Migrasyon c. Ekonomiya d. Paggawa 5. Sa limang perspektibo ng globalisasyon, pang-ilan ang nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago sa mga nagdaang panahon at sa kasalukuyan o makabagong globalisasyon na higit na mataas ang anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. a. Una b. Pangalawa c. Pang-apat d. Panglima Pamprosesong tanong: 1. Sa iyong sariling pananaw, ang globalisasyon ba ay magdudulot ng magandang pag-asa o ito’y maghahatid lamang ng pangamba sa hinaharap lalo na sa kasalukuyang nararanasang pandemiya? Pangatwiranan ang iyong sagot sa pamamagitang pagbibigay ng 3 mahahalagang sitwasyon na sa tingin mo ay nakaapekto sa iyo, sa iyong pamilya, komunidad na ginagalawan at sa buong bansa. 2. Sa paanong paraan nakaapekto ang globalisasyon sa mga sumusunod? a. Paghubog ng pagkatao b. Kultura c. Ekomomiya d. Komunikasyon e. Politika f. Pananampalataya AP10-QRT 2-WEEK 1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 8 SAGUTANG PAPEL Pangalan:_____________________ Pangkat__________Guro: ___________________ Aralin Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo 1 I. PAUNANG PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. II. BALIK-TANAW : Ilagay ang sagot sa Kwaderno III. GAWAIN : Ilagay ang sagot sa portfolio/ Kwaderno ang mga gabay na tanong 1. 2. 3. 4. 5 IV. PAG-ALAM SA NATUTUHAN: Ilagay ang sagot sa kwaderno V. PANGHULING PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. PAGNINILAY: Ilagay ang sagot sa kwaderno. AP10-QRT 2-WEEK 1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 9 AP10-QRT 2-WEEK 1

Use Quizgecko on...
Browser
Browser