Akademikong Pagsulat (Aralin 1) - PDF

Summary

Ang presentasyon ay naglalaman ng mga detalye tungkol sa akademikong pagsulat, ang kahalagahan nito, at mga layunin. Ipinapakita rin ang mga uri ng akademikong pagsulat at panghuli, ang mga sangkap, gamit at katangian ng mga akademikong sulatin.

Full Transcript

Aralin 1: Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat Ang Pagsusulat Ayon kay Cecilia Austera et. Al (2009) - Isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong m...

Aralin 1: Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat Ang Pagsusulat Ayon kay Cecilia Austera et. Al (2009) - Isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ang Pagsusulat Ayon kay Edwin Mabilin et. Al (2012) - isang pambihirang gawaing pisikal at mental Ayon kay Rogers (2005) - masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espisipikong lingguwistikong pahayag Ang Pagsusulat Ayon kina Xing at Jin: - isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento Ayon kay Mabilin (2012) - isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa Ang Pagsusulat Ayon kay Badayos Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging itoý pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Ayon kay Keller -Isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito Ang Pagsusulat Ayon kay Donald Murray - Isang eksplorasyon-pagtuklas ng kahulugan, pagtuklas sa porma at ang manunulat ay gumagawa ng pabalik-balik. Paglalarawan nina Peck at Buckingham - Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kaniyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. Ang Pagsusulat Ayon kay Autor - Maihahalintulad sa isang pintor ang isang manunulat. - Hindi biro ang gawaing pagsulat. Tulad ng isang eskultor, ang pagsulat ay paglikha at pagbuo. KATUTURAN NG PAGSULAT Ang pagsulat ay isang pangangailangan.  Ang pagsulat ay masistema.  Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat. KAHULUGAN NG PAGSULAT  Ang pagsulat ay paraan upang makipag-interak ang tao at sumagot sa iba’t ibang diskursong pangkomunidad.  Ang pagsulat ay isang anyo o kasanayan ng komunikasyon. Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong iterpersonal na gumagamit ng simbolo. 01 LAYUNIN AT 02 KAHALAGAHAN NG 03 PAGSULAT Layunin ng Pagsulat Ayon kay Royo (2001)  Humuhubog sa damdamin at isipan ng tao  Nakikilala ng tao ang kanyang sarili  Layunin ng pagsulat na maipabatid sa tao ang paniniwala, kaalaman at karanasan Layunin ng Pagsulat Ayon kay Mabilin (2012) Personal o Ekspresibo – layunin ng pagsulat na nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat Halimbawa: sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit at iba pa Panlipunan o sosyal – layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan - Transaksiyonal ang ibang katawagan dito Halimbawa: liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal Pangkalahatang Kahalagahan ng Pagsulat 1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng 01 mga kaisipan at maisulat sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kinakailangan. 3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa 4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa 03 matalinong paggamit ng aklatan 5. Magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. Pangkalahatang Kahalagahan ng Pagsulat 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa 01paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. 7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mAga impormasyon. 8. Nakapagadragdag sa talion dahil sa ginawang analisis at sintesis sa mga nakuhang impormasyon. 039. Nakapagdaragdag sa personal esteem ng mga mag-aaral. 10. Upang makasunod sa hinihingi / rekwayrment ng pag-aaral Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat 1. Wika—behikulo sa pagsasatitik ng mga kaisipan at kaalaman 2. Paksa 01 – tema na magsisilbing pag-iikutan ng mga ideya 3. Layunin – giya o gabay sa paghabi ng mga nilalaman 4. Pamamaraan ng Pagsulat (impormatibo, ekspresibo, naratibo, deskriptibo o argumentatibo 5. Kasanayang Pampag-iisip – kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi 6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat – sapat na 03 sa wika at retorika kaalaman 7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin – kakayahang mailatag ang mga kaisipan sa maayos, organisado, obhetibo at masining na paraan MGA ELEMENTO NG PAGSULAT 1. Paksa 2. Layunin 3. Pagsasawika ng Ideya 4. Mambabasa MGA URI NG PAGSULAT 1. Malikhaing Pagsulat (Creative) -Pangunahing layunin na maghatid ng aliw, 01 ng damdamin at makaantig sa pumukaw imahinasyon at isipan ng mambabasa. -maikling kwento, dula, tula, pelikula, teleserye, 02 musika 2. Teknikal na Pagsulat (Technical) -Layunin 03 nitong pag-aralan ang isang proyekto \ o bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para sa paglutas ng problema. -Feasibility Study 04 MGA URI NG PAGSULAT 3. Propesyonal na Pagsulat (Professional) 01may kinalaman sa tiyak na larangan o propesyon -Sulating -lesson plan, medical report 4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic) -sulating02 may kinalaman sa pamamahayag (balita, editorial, isports) 03 4. Reperensiyal \ na Pagsulat (Referential) —Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang 04 kaalaman o impormasyon (bibliograpi, index) MGA URI NG PAGSULAT 6. AKADEMIKONG PAGSULAT (ACADEMIC WRITING) 01 · isang intelektuwal na pagsulat · Nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan 02 · Ayon kay Alejo et. Al, may sinusunod na kumbensiyon sa sulating ito · Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik · Ayon kay Mabilin, lahat ng uri ng pagsulat ay produkto ng akademikong pagsulat03 \ · Pinapataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pagsisiyasat at pananaliksik 04 AKADEMIKONG SULATIN Isang uri ng pagsulat na naglalaman ng mahahalagang impormasyon, taglay nito ang mataas na gamit ng pag-iisip upang maipahayag ang ideya bilang batayanng karunungan. Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain. Sa akademiya, nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya at balanseng pagsusuri. KAHULUGAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng higit na matatas na antas ng mga kasanayan. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag- iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis at pagtataya. Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. Ang layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. KAHULUGAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinawag na intelektuwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis, term paper, lab report at iba pa. Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan na mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata at seksyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag. Akademikong Pagsulat o Intelektuwal na Pagsulat Ay isang uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip. May kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip nang lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis. Ilan sa mga halimbawa nito ang abstrak, bionote, panukalang proyekto, talumpati, sintesis at replektibong sanaysay o travel essay. Madalas na ito ay nakalaan sa mga paksa at tanong na pinag-uusapan sa akademikong komunidad at naglalahad ng mga importanteng argumento. MAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG PAGSULAT AYON KAY KAREN GOCSIK (2004) Ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. Nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinag-uusapan o interesante sa akademikong komunidad Nararapat na maglahad ng importanteng argumento. AKADEMIKONG PAGSULAT Pormal na paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan, maipakita ang resulta ng pag-aaral o pananaliksik na isinagawa. Ayon kina Alejo et al. (2005) taglay ng sulating ito ang katangiang pormal, obhetibo, maliwanag o malinaw, may paninindigan at may pananagutan. AKADEMIKONG PAGSULAT Ang akademikong pagsulat ay intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko at propesyon. Ito ay isang pangangailangan. AKADEMIKONG PAGSULAT Ang akademikong pagsulat ay intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko at propesyon. Ito ay isang pangangailangan. MGA AKADEMIKONG SULATIN 1. ABSTRAK 2. SINTESIS/BUOD 3. BIONOTE 4. PICTORIAL ESSAY o LARAWANG SANAYSAY 5. LAKBAY SANAYSAY 6. REPLEKTIBONG SANAYSAY 7. POSISYONG PAPEL 8. PANUKALANG PROYEKTO 9. TALUMPATI 10.KATITIKAN NG PULONG 11.AGENDA/MEMORANDUM KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN 1. Pormal ang tono at wika 2. Tradisyonal na sumusunod sa mga kumbensiyon 3. Organisado 4. Lohikal 5. Hindi maligoy ang paksa 6. Gumagamit ng karaniwang salita 7. Hitik sa impormasyon KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN 1. Obhetibo – kinakailangang tiyak ang mga datos na ilalahad 2. Pormal – iwasan ang paggamit ng mga kolokyal o balbal na salita 3. Maliwanag at Organisado – Maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay ng mga pangungusap 4. May Paninindigan – mabigyang paninindigan ang paksa, hindi magandang pabago-bago ang paksa 5. May pananagutan – bigyang pagkilala ang mga sangguniang ginamit GAMIT O HULWARAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT Depinisyon – Pagbibigay-katuturan sa konsepto o termino. Enumerasyon- Pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa uri o klasipikasyon. Order- Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso. Paghahambing o Pagtatambis – Pagtatanghal ng pagkakatulad (paghambing) o pagkakaiba (pagtambis) ng mga tao lugar, pangyayari, konsepto, at iba pa. GAMIT O HULWARAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT Sanhi at Bunga - Paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto nito. Problema at Solusyon – Paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito. Kalakasan at Kahinaan – Paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT Isulat ang paksa ba malapit sa kawilihan o interes. Isulat ang mga paksang may taglay kang kaalaman o nais pang malaman Isaalang-alang ang maraming Teknik sa pangangalap ng mga ideya Tiyakin ang target na awdyens Tiyakin ang layunin ng pagsulat MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT Isantabi muna ang mga detalye sa unang draf. Paulit-ulit na basahin ang iyong isinusulat. Ipabasa ang isinulat sa iba at humingi ng mga puna o mungkahi. Huwag matakot, magdagdag, magbawas, o maglipat ng mga ideya sa iba;t ibang bahagi ng sulatin. Kung maayos na ang lahat, iwasto ang balarila, bokabularyo, ispeling, at bantas Mga Sanggunian Alcaraz, C., Jocson, M., Villafuerte, P., (2005). Filipino 1 – Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cubao, Quezon City: Adriana Printing Co., Inc. Evasco, Eugine and Will Ortiz. PALIHAN Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. Quezon: C&E Publishing, Inc., 2008. Retrieved: http://henzcabrejas.blogspot.com/ on January 5, 2021 Retrieved: https://www.slideshare.net/alser3/kasaysayan-ng-sana ysay on January 5 , 2021

Use Quizgecko on...
Browser
Browser