Modyul sa Araling Panlipunan: Kabihasnang Greek (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Kim Michael P. Gonzales
Tags
Summary
This module delves into the Greek Civilization. It covers its geographical characteristics, the Minoan and Mycenaean civilizations, key events shaping the Greek and Hellenistic eras, and their lasting influence on modern societies. The module aims to teach secondary school students in the Philippines about the historical context of the Greek civilization and provides questions to test students' understanding.
Full Transcript
8 Modyul sa Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 1 – 4 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1 Kabihasnang Greek Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kabihasnang Greek Unang Edisyon, 2020 Isinas...
8 Modyul sa Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 1 – 4 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1 Kabihasnang Greek Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kabihasnang Greek Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Kim Michael P. Gonzales Editor: Marlene Q. Ting Tagasuri: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla Tagalapat: Michael V. Lorenzana Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval Pandibisyong Tagamasid, LRMS Michael M. Mercado Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board) Department of Education – Schools Division Office- Makati City Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo, City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862 E-mail Address: [email protected] ii Alamin Magandang araw sa iyo! Sa unang markahan, nalaman mo ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya, Ehipto, at Olmec sa Mesoamerica. Sa modyul ito, iyong pag-aaralan ang kabihasnang klasikal ng Europe na nagsimula sa Greece. Tinawag itong kabihasnang klasikal dahil ang kanilang mga kontribusyon sa iba’t ibang larangan ang naging batayan ng mga sumunod na Pinagkunan: https://www.britannica.com/topic/Parthenon kabihasnan maging sa kasalukuyang panahon. Isa lamang ang guhong gusali ng Parthenon bilang bakas ng kahusayan sa arkitektura ng kabihasnang Greek. Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency - MELC) at mga kaugnay na layunin: 1. Nailalarawan ang heograpikal na katangian ng Greece; 2. Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenaean, at kabihasnang klasiko ng Greece (MELC); 3. Natatalakay ang mga pangyayaring humubog sa kabihasnang Greek at Hellenistic; at 4. Napatutunayan ang halaga ng mga kontribusyon ng kabihasnan ng Greece sa kasalukuyang panahon. Subukin Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel. 1. Ito ang sinaunang kabihasnang Greek na nabuo sa pulo ng Crete at sinunod sa pangalan ng kanilang hari. A. Macedonian B. Maya C. Minoan D. Mycenaean 2. Ito ang tawag sa lungsod-estado sa sinaunang Greece tulad ng Athens at Sparta. A. acropolis B. agora C. Parthenon D. polis 3. Ito ang pagsasama ng kulturang silangan (Asya) at kanluran (Greek) na higit na nagpaunlad sa kabihasnang Greek. A. Hellas B. Hellenes C. Hellenic D. Hellenistic 4. Kinilalang pinakamahusay na pinuno ng Imperyong Macedonian at nagpalaganap ng kaisipang Greek sa silangan. a. Alexander the Great C. Darius the Great b. Cyrus the Great D. Sargon the Great 5. Ano ang tawag sa uri ng pamahalaan ng nakararami na nagsimula sa Athens, Greece? A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Oligarkiya D. Teokrasya Modyul 1 Kabihasnang Greek Ang kabihasnang Greek ay maituturing na isang transisyon sa kasaysayan ng daigdig mula sa sinaunang panahon na nakatuon sa Asya tungo sa pasimula ng makabagong panahon kung saan ang Greece ang naging lunduyan ng kabihasnang klasiko ng Europe. Tatalakayin ng modyul na ito ang mga naging pamana at impluwensiya ng kabihasnang ito sa sangkatauhan. 1 Balikan Hanapin at bilugan ang mga sagot sa loob ng Wordhunt Puzzle. Isulat din ang tamang sagot bago ang bawat bilang sa ibaba. Mga Tanong: 1. Ito ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”. 2. Sa lambak na ito umusbong ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro. 3. Tinatawag din itong Yellow River kung saan umusbong ang kabihasnan sa China. 4. Ito ang pinaniniwalaang lambak-ilog ng kabihasnang Egyptian. 5. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Tuklasin 1. G 2. R 3. E 4. E 5. C 6. E Suriin Heograpiya ng Greece Ang Greece ay nasa dulong timog ng Balkan Peninsula sa may Timog Europe. Isang bulubunduking lupain ang Greek Peninsula na pinaliligiran ng tatlong dagat – Aegean sa silangan; Ionian sa kanluran, at Mediterranean sa Timog. Ang mga dagat na ito ang dahilan sa pagiging mahusay na mandaragat ng mga Griyego kaya’t karamihan sa mga pamayanan ay matatagpuan sa 60 kilometro lamang mula sa baybaying dagat. Sa kabilang banda, dahil sa malaking bahagi ng Greece ay kabundukan na naghati sa mga rehiyon, ito ay nagresulta sa pagkakawatak-watak ng mga sinaunang pamayanang Greek. Subalit, ang heograpikal na katangian na ito ay nakatulong laban sa banta ng mga pagsalakay. Kabihasnang Minoan Pinagpapalagay sa pagitan ng 1600 at 1400 BCE, sumibol ang dalawang sinaunang kabihasnan sa Greece – ang Minoan at ang Mycenaean, sa pulo ng Crete at baybayin ng Aegean Sea sa silangang bahagi ng Mediterranean. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo, ang kauna-unahang kabihasnang Aegean ay ang Minoan na hinango mula sa pangalan ng 2 maalamat na haring si Minos. Patunay ang guho ng isang palasyo na natagpuan ng arkeologong British na si Arthur John Evans, na nakapagpatibay sa pag-aaral ukol sa kulturang Minoan. Isa ang mga frescoes o pinta sa mga dingding sa palasyo ng Knossos, ang kabisera ng kabihasnang Minoan, na kakikitaan ng tila kasiyahan o paligsahan ng bull-leaping. Tinatayang may 200 taon na pinagharian ng mga Minoan ang buong Aegean ngunit pinapalagay na nagwakas ito dulot ng isang malakas na lindol, pagsabog ng bulkan o di-kaya nang sakupin ng mga mananakop. Kabihasnang Mycenaean Itinatag ng mga Mycenaean ang lungsod ng Mycenae matapos ang kanilang pagsalakay sa Knossos at iba pang isla ng Crete at tuluyang napabagsak ang kabihasnang Minoan sa Aegean Sea. Tinawag na mga Achaeans ang mga Mycenaean nang dumating sa Greece mula sa Balkan noong 2000 BCE. Ipinagpatuloy at higit na pinaunlad ng mga Mycenaean ang impluwensya ng kabihasnang Minoan tulad ng mitolohiyang Greek at ilang disenyo pang-artisano para sa mga alahas, banga at mga kasangkapan. Kasabay ng paghiram ng kulturang Minoan ang pagpapalawak ng imperyo ng mga Mycenaean sa pamamagitan ng pakikidigma at pakikipagkalakalan sa Aegean Sea. Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionia. Nakilala sila bilang mga Ionian. Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na tumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din. Halaw sa: “Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp. 10-11 Trojan War Nakasaad sa akda na Iliad ni Homer, ang naging sanhi ng Digmaang Trojan ay nang agawin ni Paris, prinsipe ng Troy, si Helen na asawa ni Haring Menalaus, hari ng Sparta. Si Menalaus ay kapatid ni Haring Agamemnon ng Mycenae, na nanguna sa hukbong Greek upang bawiin si Helen. Naging estratehiya ng mga Mycenaean upang pasukin ang lungsod ng Troy, gumawa ng isang higanteng estatuwang kahoy na kabayo. Lingid sa kaalaman ng mga taga-Troy, nasa loob ng estatuwa ang mga sundalong Mycenaean. Hinintay lamang ang pagsapit ng gabi upang buksan ang tarangkahan ng lungsod at tuluyang magapi ang mga Trojan. Sa mga unang pag-aaral, pinaniniwalaang isa lamang alamat ang salaysay ng Trojan War. Gayunman, dahil sa mga nahukay na mga labi ng lungsod ng Troy ng mga arkeologo ay napatunayan na may katotohanan ang mga nasabing digmaan. Patunay dito ang maskarang ginto na nahukay taong 1876 – 1878, ng arkeologo na si Heinrich Schliemann, na pinaniniwalaang mukha ni Agamemnon. Ang Panahong Hellenic (800-338 BCE) Tinawag ng mga sinaunang Greek ang kanilang sarili na “Hellenes”. Ito ay hango sa salitang Hellas na tumutukoy sa sinaunang lupain ng Greece. Ang Polis Nagtatag ng mga unang pamayanan o malalayang lungsod-estado ang mga Griyego na tinawag na polis. Ito ay may sariling kalayaan sa pamahalaan kung kaya’t iba-iba ang uri ng sistema ng pamahalaang umiiral sa bawat isa dahilan ng pagiging watak-watak ng mga rehiyon ngunit nagkakaisa kapag may banta ng pananakop. Ang polis ay binubuo ng tatlong bahagi. Una sa mga bahaging ito ang acropolis na dito itinatayo ang templo dahil ito ang pinakamataas na lugar sa lungsod-estado. Ang ikalawang bahagi ay ang agora o pamilihan kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao. Ito ay nasa ibaba ng acropolis. Ang ikatlong bahagi ng polis ay ang mga kanayunan na nakapaligid sa labas ng lungsod. Sakaling may banta ng pananalakay, upang matiyak ang kaligtasan ang mga mamamayang nakatira sa labas ng polis ay pumapasok sa loob ng lungsod na pinalilibutan ng mga matitibay na pader na gawa sa bato. Sparta: Isang Estado-Militar Ang Sparta ay maituturing na isang estado-militar na itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng isang lambak sa Greece. Hindi tulad ng ibang lungsod-estado, ang Sparta ay hindi 3 napalilibutan ng malalaking pader ngunit may malakas na hukbong militar upang maiwasan ang pag-aalsa ng mga Helot o tagasaka ng mga sakahan na sinakop. Nahahati sa tatlong antas ang lipunan ng mga Spartan. Ang mga inapo ng mga Dorian o mga orihinal na nanirahan sa Sparta ang pinakamahalagang pangkat. Pumapangalawa ang mga Perioeci o mga malalayang tao subalit hindi mamamayan ng Sparta. Kadalasan sila ay mga mangangalakal sa bayan ngunit hindi kailanman maaaring kilalaning mga mamamayan ng Sparta. Ang pangatlo at pinakamababang antas ay mga helot o mga aliping magsasaka ng Sparta. Ang naging pangunahing layunin ng Sparta ang magkaroon ng isang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma kayat ang bagong silang na sanggol palamang na mahina o may kapansanan ay iniiwan sa kabundukan at hinihayaang mamatay doon. Sa pagsapit ng pitong taong gulang, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplinang militar at sanayin sa pakikipaglaban kasama ang paghubog ng katapatan sa pagtatanggol sa Sparta. Sa gulang na 20, ang kalalakihan ay ganap nang mga sundalo at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay papayagang mag-asawa subalit kailangan pa rin nilang manirahan sa kampo. Sa kanilang ika-60 taong gulang, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo. Pinamahalaan ang Sparta ng dalawang pangkat, ang Asambleya ng Mamamayan at ang Konseho ng Matatanda (Council of Elders). Ang Asambleya ay binubuo ng kalalakihan ng may edad na tatlumpu pataas at humihirang ng mga opisyal ng pamahalaan. Samantala, ang Konseho ng Matatanda ay binubuo ng dalawang hari at dalawampu’t walong miyembro na nasa edad 60 na may tungkulin magpanukala ng batas sa Asambleya. Mayroon ding limang ephor, na nagpapatupad ng mga batas at tagapangasiwa sa edukasyon at kapakanan ng publiko. Athens: Isang Demokratikong Estado Ang Athens ay isang maliit na bayan sa hilagang-silangan ng Peloponnesus na tinatawag na Attica, isang polis sa gitnang tangway ng Greece. Itinayo ang lungsod-estado ng Athens ng mga Ionian sa isang mabatong burol sa acropolis na napaliligiran ng matibay na pader. Isang demokratikong estado ang Athens kung saan nahubog ang konsepto ng demokrasya o ang pamahalaan ng nakararami sa paraang tuwiran o hindi tuwirang pakikilahok ng mamamayan. Sina Draco, Solon, Pisistratus, at Cleisthenes, ang mga nagsulong ng demokrasya bilang isang sistemang politikal sa Athens. Binalangkas ni Draco ang unang kodigo ng mga batas ng Athens na tinawag na Kodigo ni Draco (Draconian Code). Nakasaad dito ang mga batas upang maunawaan ng lahat ngunit dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng kaparusahang kamatayan gumawa ng reporma si Solon, sa pagtatag ng Konseho ng Apat na Raan (Council of 400), na binubuo ng 100 kasapi mula sa apat na tradisyonal na tribo sa lungsod. Ang konseho ay naghahain ng mga batas na pinagbobotohan sa Asambleya at pagbuo sa korte upang dinggin ang mga kaso at bigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ng mamamayan ang kanilang sarili. Dahil sa mga nagawang pagbabago ni Solon, sa kasalukuyang panahon ang kanyang pangalan ay nangangahulugang isang mahusay na mambabatas. Samantalang, si Pisistratus naman ay isang aristokrato na nagbahagi ng mga lupain at ari-arian ng mga maharlika at ipinamahagi ito sa mga magsasakang walang lupa. Sa panunungkulan ni Cleisthenes, pinairal ang sistema ng ostracism o ang pagpapaalis ng sinomang mapang-abusong opisyal na pinaniniwalaang isang panganib para sa Athens. Pinairal din ni Cleisthenes ang Assembly na binubuo ng lahat ng mamamayang lalaki na may gulang 18 taon pataas. Ang konseho ang nangasiwa sa ugnayang panlabas at mga pagpapanukala ng batas. Draco Solon Pisistratus Cleisthenes Ang Banta ng Persia Ang mga lungsod-estado ng Greece ay nagkaisa laban sa banta ng pananakop ng Persia, isang malakas na imperyo mula sa silangan na may hangarin na higit pang palawakin ang nasasakupan nito sa kanluran. Nagsimula ang digmaan noong 499 B.C.E, sa labanang pandagat sa Miletus, nang nagpadala ng tulong ang Athens sa mga kalapit na kolonyang itinatag nila laban sa mga Persiano. Sa pangyayaring ito, ay nagbunsod sa layunin ni Darius I sa pagsakop ng buong Greece. Tinawag na digmaang Graeco-Persia ang unang pagsalakay ng Persia sa Marathon, Greece noong 490 B.C.E. Inilarawan ni Plutarch, isang Griyegong manunulat, ang isang tagapagbalita na si Pheidippides ang tumakbo mula Marathon hanggang Athens upang ipaalam ang pagkapanalo ng 10,000 puwersa ng Athens laban sa tinatayang 25,000 hukbo ng Persia. Pagkatapos niyang takbuhin ang kabuuang 25 milya ang katagang “Rejoice, we conquer” ang kanyang isinigaw bago sya namatay. 4 Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang sumunod na labanang naganap sa Thermopylae noong 480 B.C.E. Dito sinalubong ni Haring Leonidas ng Sparta kasama ang 300 sundalong Spartan ng buong katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang napakalaking hukbo ng Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo ng Thermopylae dahilan ng pagkatalo ng Sparta. Ngunit sa kabila nito sa pamumuno ni Themistocles, isang heneral ng Athens, ipinag-utos na iwanan ng mga Athenian ang Athens at lumikas sa isla ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Dito natalo muli ang hukbo ni Xerxes dahil nahirapang makaposisyon at maiwasan ng malalaking barko ni Xerxes ang pagbangga ng mga sasakyang pandagat ng Athens. Samantala, tuluyang natalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece ang nalalabing hukbo ng mga Persiano sa labanan sa Plataea. Ang pangyayaring ito ang nagtulak kay Xerxes upang bumalik na lamang sa Asia Minor hudyat sa pagwawakas ng digmaang Graeco-Persian. Leonidas Themistocle Xerxes s Ang Digmaang Peloponnesian Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging daan na pagiging imperyo ng Athens sa ilalim ng Delian League. Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kaya’t ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth, at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League. Noong 431 BCE, nilusob ng Sparta ang mga karatig-pook ng Athens na naging simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma sa lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sa pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawing-palad na may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na si Pericles, noong 429 BCE. Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain. Ang Panahong Hellenistic (336-263 BCE) Sa panahon ng pamamayani ng imperyong Macedonian nakabuo ng isang malakas na hukbo na nagresulta sa pagsasakatuparan ng pagsakop ng buong Greece, maliban sa Sparta sa pamumuno ni Alexander the Great. Matapos nang pag-isahin ang mga lungsod-estado ng Greece, matagumpay niyang naitatag ang isang imperyo na sumasakop sa kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt, at India. Ito ang pagsisimula ng kulturang Hellenistic o ang ang pagsasanib ng kaalaman at kulturang Greek at Asya. Pinalaganap niya ang mga kaisipang Greek sa silangan. Ang lungsod ng Alexandria sa Egypt ang naging sentro ng kulturang Hellenistic. Mayroon itong isang parolo na may taas na 400 talampakan, paaralan, silid-aklatan na naglalaman ng mga kasulatan tungkol sa mga sinaunang kabihasnan, obserbatoryo at iba pang institusyon sa pananaliksik. Noong 323 BCE sa gulang na 32 taon ay namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na karamdaman. Nahati ang Imperyong Macedonian sa kaniyang tatlong heneral- si Ptolemy sa Egypt, Seleucus sa Fertile Crescent, at Antigonus sa Greece at Macedonia. Nagpatuloy ang impluwensya ng kulturang Hellenistic bagamat unti-unting humina ang malawak na imperyong minsan tiningala ang kadakilaan. Mga Kontribusyon ng Greece Sining at Panitikan Ang Iliad at Odyssey ni Homer. Tinaguriang dalawa sa pinakadakilang epiko ng Greece. Pagtatanghal ng dalawang uri ng dula sa amphitheater, ang sinaunang teatrong Griyego: ang trahedya ay isang dula na may malungkot na wakas at komedya na masaya ang katapusan Homer subalit patungkol sa pagkutya sa mga opisyales ng pamahalaan. Pagsulat ni Herodotus sa mga kaganapan sa Digmaang Persia. Itinuring siyang “Ama ng Kasaysayan.” Amphitheater Arkitektura at Iskultura Pagkilala sa Parthenon bilang pinakamagandang arkitekturang Greek. Ito ay itinayo para sa diyosang si Athena. Paggawa ni Phidias sa rebulto ni Athena sa Parthenon. Tatlong estilo ng kolum na ginamit sa mga gusali ng arkitekturang Greek. 5 Pilosopiya Sina Socrates, Plato at Aristotle ang tatlong kilalang pilosopo ng Greece. Si Socrates ay nakilala sa kanyang paraang Socratic Herodotus Method o paggamit ng tanungan at sagutan sa pangangatwiran. Isinulat naman ni Plato ang The Republic patungkol usaping pulitikal. Samantalang si Aristotle ay tagasunod ni Plato. Sinulat Athena nya ang aklat na “Politics” nagpapaliwanag sa kabutihan at kasamaan ng monarkiya, aristokrasya at demokrasya. Medisina Pagkilala kay Hippocrates bilang “Ama ng Medisina” dahil sa kanyang siyentipikong pamamaraan ng paggamot. Isinulat niya ang Hipporatic Oath, ang sinumpaang kodigo ng mga Hippocratic nagtapos sa pag-aaral ng medisina. Oath Pananampalataya Pagsamba ng mga Greek sa maraming diyos at diyosa na pininiwalaang nakatira sa Mt. Olympus. Si Zeus ang hari ng mga diyos. Palakasan Pagdaraos ng palarong Olympics tuwing ikaapat na taon bilang parangal kay Zeus. Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Kabihasnang Greece”, Pagyamanin tiwala akong masasagot mo ang sumusunod na gawain. Gawain 1.1 Guess Who??? Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang makuha ang tamang sagot. Isulat ang bawat sagot sa hiwalay na papel. Gawain 1.2 Guess What??? Punan ang mga kahon ng mga titik ng salitang tinutukoy sa sumusunod na pahayag. Piliin sa loob ng kahon sa ibaba kung ano ang tinutukoy ng bawat bilang. Gawain 1.3 Guess How??? Sa tulong ng venn diagram, paano nagkatulad at nagkaiba ang lungsod estado ng Sparta at Athens ng sinaunang Greece. 6 Gawain 1.4 Isaisip Tanong-Sagot. Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel. Kamusta ka? Sagutin ang mga tanong sa pisara. 1. Ano ang mahalagang papel ng kalagayang heograpikal ng Greece sa pagsibol ng kanilang kabihasnan? 2. Paano nagsimula ang kabihasnang Greek? 3. Ano ang epekto ng mga digmaang kinasangkutan ng Greece sa paghubog ng kanilang kabihasnan? 4. Mahalaga ba ang papel na ginagampanan ng pagyabong ng kulturang Greek sa kabihasnang klasiko sa Europe? 5. Ano ang kahalagahan ng pananakop ni Alexander the Great sa paglaganap ng kulturang Greek? Isagawa Gawain 1.5 What If Notepad? Kung sakaling ikaw si “Alexander the Great” sa sinaunang panahon ng Greece. Para sa iyo, anong larangan ang higit na dapat pagyamanin ng sangkatauhan sa kasalukuyang panahon mula sa mga naging kontribusyon ng kabihasnang Greek? Ipaliwanag ang iyong sagot sa isang notepad. 7 Tayahin Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel. 1. Ang kauna-unahang kabihasnang umusbong sa mga isla ng Crete. A. Macedonian B. Mayan C. Minoan D. Mycenaean 2. Pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng Athens at iba pang lungsod-estado ng Greece? A. Acropolis B. Agora C. Olympus D. Pantheon 3. Ang tawag sa mga bihag ng digmaan ng mga Spartan na nagsilbing tagapagsaka ng kanilang malalawak na lupain. A. Hellenes B. Helot C. Hellenic D. Hellenistic 4. Ang digmaan sa pagitan ng lungsod-estado ng Sparta at Athens. A. Battle of Marathon C. Peloponnesian War B. Battle of Salamis D. Trojan War 5. Ang uri ng pamahalaan ng pakikibahagi ng nakararaming mamamayan na nagsimula sa Athens. A. Aristokrasya B. Oligarkiya C. Monarkiya D. Demokrasya Karagdagang Gawain Gawain 1.6 Movie reviews ng sumusunod Guro: “Pumili lamang ng isang na pelikula: pelikula at sundin 1. Troy (2004) ang nakatakdang 2. 300 (2006) pormat.” Isulat sa 3. 300: Rise of an Empire (2014) isang buong 4. Agora (2009) papel. 5. Alexander (2004) 1. Troy (2004) https://www.youtube.com/watch?v=Fzv44jVMZpY 2. 300 (2006) https://www.youtube.com/watch?v=geRDTsZpFBI 3. 300: Rise of an Empire (2014) Download at https://dramamovie539.wordpress.com/tag/300- rise-of-an-empire-torrent-download/ 4. Agora (2009) Download at https://vextorrents.com/download/agora/ 5. Alexander (2004) Download at https://moviesglobeblog.wordpress.com/2016/06/26/alexander- the-great-2004-full-movie-watch-online-free-download/ Pormat ng Panunuring Pampelikula: I. Pamagat II. Mga Tauhan III. Buod ng Pelikula IV. Banghay ng mga Pangyayari (a.) Tagpuan (b.) Protagonista o mga bida (c.) Antagonista o mga kontrabida (d.) Suliranin (e.) Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin (f.) Mga ibinunga V. Paksa o Tema VI. Kabuuang Mensahe ng Pelikula 8 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2 Kabihasnang Rome Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Kabihasnang Rome Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Eleanor D. Lapeña Editor: Rizal P. Cantiller Tagasuri: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla Tagalapat: Michael V. Lorenzana Tagapamahala: Angelita S. Jalimao Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum Neil Vincent C. Sandoval Pandibisyong Tagamasid, LRMS Michael M. Mercado Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board) Department of Education – Schools Division Office- Makati City Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo, City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862 E-mail Address: [email protected] Alamin Magandang araw sa iyo! Ang modyul na ito ay ginawa ng may-akda upang matutuhan ang paksang “Kabihasnang Rome”. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ng sumusunod: Aralin 1 – Heograpiya ng Italy Pinagkunan: https://mapswire.com/download/countries/italy-simple-map.jpg Aralin 2 – Sinaunang Rome Aralin 3 – Republika ng Rome Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin: 1. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng Italy; 2. Nasasalaysay ang mahahalagang pangyayari mula sinaunang Rome hanggang Republika ng Rome; 3. Naipaliliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano mula sinaunang Rome hanggang Republika ng Rome (MELC); at 4. Nabibigyang-reaksyon ang mga nagawa ng mga tanyag na Romano sa Republika ng Rome. Subukin Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel. 1. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Dagat Mediterranean na binubuo ng mga kabundukan at ilang kapatagan. A. Greece B. Sweden C. Italy D. United Kingdom 2. Sila ang kambal na magkapatid na naging pinagmulan ng Rome. A. Remus at Romulus C. Mars at Rhea B. Ramos at Remolus D. Superbus at Estrucan 3. Tawag sa uring panlipunan sa sinaunang Rome A. Tribune at Consul C. Patrician at Plebeian B. Maharlika at Alipin D. Roman at Greeks 4. Paano nagsimula ang Kabihasnang Romano? A. Nagsimula ito noong panahon ng Karimlan. B. Sumibol ang Kabihasnang Romano sa Ilog Tiber na itinatag ng kambal. C. Nagsimula ito nang manirahan ang mga latino sa silangang bahagi ng Italy. D. Ito ay umusbong dahil sa mga barbaro na nagpalibot-libot sa Italy. 5. Ang sumusunod ay mga pamana ng Romano sa kabihasnan maliban sa isa. A. Parthenon B. Colosseum C. Pantheon D. Batas Modyul 2 Kabihasnang Rome Isa sa mga umusbong na kabihasnan sa Europe ay ang kabihasnang Rome. Ang Rome ay isang maliit na bayan na matatagpuan sa bansang Italy. Nakilala at naging makapangyarihan ang Rome sa buong bahagi ng Italy at Dagat Mediterranean. Sa puntong ito, matutunghayan mo kung paano ba naging tanyag ang kabihasang Rome sa mundo. 1 Balikan Word Hunt: Bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa kabihasnang Greek, gamitin ang pananda sa paghahanap ng tamang sagot. 1. Sa PANITIKAN – Ito ay isa sa S B D M D T D D R W Y pinakadakilang epiko ni Homer. O A H K S Y A Z E X Z 2. Sa PILOSOPIYA – Siya ay kilala sa pangangatwiran sa pamamagitan ng C C E L A I G W P D F pagtatanong at pagsagot. R V G U L U B F Y O H 3. Sa OLYMPIYADA – Isa sa mga paligsahan A M P I T H E A T R E ng pagtakbo sa mahigit 192 metro. T R O T F I J J T I H 4. Sa ARKITEKTURA – Isang payak na disenyo na inilalagay sa kolum ng isang E S W E J L M L L C N gusali. S T R Q N O I D A T S 5. Sa TEATRO – Ito ay isang bukas na tanghalan. Tuklasin Bago ang pagsisimula ng aralin, sagutin ang nasa ibaba upang mas lalo mong maunawaan ang paksang tatalakayin. Ang tawag sa gawain na ito ay 4Pics 1 Word, tukuyin kung ano ang kaugnayan ng 4 na larawan para makabuo ng isang salita. Pamprosesong Tanong: 1. Saang bansa matatagpuan ang mga larawang ipinakita? 2. Ano kaya ang ginampanan ng mga larawan sa pagkakabuo ng kabihasnang Rome? Suriin Heograpiya ng Italy Nagmula ang salitang Italy sa isang Latin na “Vitulus” o orihinal na pangalan na “Vitalia” na ang ibig sabihin ay “Calf-land” o “Land of Cattle.” Ito ay ipinangalan ng mga mamamayan sa Italy dahil ito ay sagana sa bovine. Samantalang sa karaniwang pagpapakahulugan ng salitang Italy ay sa isang toro na ang ibig sabihin ay “Italos.” Mapapansin sa mapa ang hugis-bota ng bansang Italy na kung saan makikita ito sa kanlurang Europe, isang peninsula sa timog na bahagi ng Dagat Mediterranean. 2 Hindi lang ang dagat na ito ang nakapaligid sa Italy kundi na rin ang Dagat Adriatic (Hilagang- silangan), Ligurian (Hilagang kanluran) at Tyrrhenian (Timog-kanluran). Bukod sa mga dagat na nakapalibot sa bansang ito, may mga ilang bulubundukin kagaya ng Apennine at Alps na nagsisilbing pananggalang sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa, gayundin ang aktibong bulkang Vesuvius na pumutok noong 79 AD. Mayroon ding limang ilog na matatagpuan katulad ng Ilog Arno, Po, Liri, Tiber at Volturno na mainam sa pakikipagkalalan sa mga karatig-bayan. Dahil sa topograpiya ng Italy, ang klima dito ay mainam sa pagsasaka at pagpapastol ng hayop kung kaya’t mataas ang bilang ng populasyon ng bansang ito. Sinaunang Rome Ang pinagmulan ng Rome ay nagmula sa isang mitolohiya patungkol sa isang prinsesa, Rhea Silvia at si Mars, diyos ng digmaan ay nagkaroon ng kambal na anak na pinangalanang Remus at Romulus. Ang kambal ay itinapon sa ilog ngunit sila ay nakita ng isang “she-wolf.” Sila ay inalagaan at pinalaki hanggang sa nalaman nila ang kanilang tunay na pinagmulan, bumuo sila ng isang imperyo sa gitna ng Italy malapit sa Ilog Tiber. Ang kambal ay magkaiba ng pananaw kung kaya’t sila ay nagtalo na nauwi sa pagpatay ni Romulus kay Remus. Dahil sa nangyari, si Romulus ang nagpatuloy ng kanilang adhikain at nagpalawak ng imperyo sa kalagitnaan ng 8 BCE na tinawag niyang Rome hango sa kaniyang pangalan. Ang Ilog Tiber ang lunduyan ng kabihasnang Rome. Mga Taong nanirahan Pinagmulan Lugar sa Italy Ambag sa Italy LATINO Indo-Europeo Latium-Timog na Tanso bahagi ng Ilog Wikang Latin Tiber Sining Paligsahan (Gladiator) ETRUSCAN Asia Minor Hilagang Kanluran Sandatang gawa sa bakal ng Italy Forum (pambayang plasa) Arch GREEK Greece Timog ng Italy at kulturang Griyego Sicily alpabeto sistemang politikal at pandigma Noong 1000 BCE, ang mga Latino ay nagtatag ng iba’t ibang lungsod-estado, wikang Latin ang gamit nila na naging pinagmulan ng Rome. Pinag-isa nila ang kanilang pederasyon na tinawag na Latin League. Mahilig sila sa sining at paligsahan. Ang mga Etruscan naman ang naging unang guro ng mga Romano pagdating sa pakikidigma, paggawa ng gusali, at lansangan. Ang Greek naman ay lumipat mula Greece patungong Sicily, Italy upang magtatag ng kolonya, pinalaganap nila ang kulturang Greek at sistemang politikal. Pinagkunan: https://en.wikipedia.org/wiki/Latins#/media/File:Italy_400bC_en.svg Republika ng Rome Ako si Lucius Junius Brutus, noong 509 BCE itinatag ko ang pamahalaang Republika ng Rome matapos kong pamunuan ang pagpaalis sa mga Etruscan kasama ang kanilang huling lider na si Lucius Tarquinis Superbus. Isa ako sa mga napapabilang sa Patrician o https://commons.wiki tinatawag na mayayamang media.org/wiki/File:Lu nagmamay-ari ng lupa. cio_Giunio_Bruto.PNG 3 KONSUL DIKTADOR SENADO 2 KONSUL – Pinuno ng 1 Diktador- 6 na buwan 300 miyembro ng konseho ng Patricians pamahalaan; 1 taon na na panunungkulan; Kumukontrol sa paggamit ng salapi at panunungkulan; nagsisilbing gumagawa ng batas at; ugnayang panlabas; Hukbong Romano- hukom; pangunahan ng hukbo at; sumasama sa digmaa. SPQR (The Senate and the People of tagapag-ingat ng salapi. Rome). Mapapansin na ang mga Patrician ang may kapangyarihan sa aspekto ng pamamahala samantalang ang Plebeian naman ay nasa malaking porsiyento ng tao ngunit kaunti lamang ang karapatang tinatamasa. Ang tungkulin ng bawat isa ay mahalaga sa pagpapatakbo ng pamahalaan ng Rome. Ang mga Plebeian ay hindi natamasa ang pantay-pantay na karapatan kung kaya’t nagbanta sila ng digmaang sibil laban sa mga Patrician; upang maiwasan ang labanan ay binigyan ng karapatan ang mga Plebeian na makagawa ng sariling Asembleya na gagawa ng batas para lamang sa kanila ito ay ang – Tribunes o mahistrado (isang halal na opisyal na nagpoprotekta sa Karapatan ng Plebeian) Gawain ng Tribunes 1.) Sila ay maaaring tumutol sa anumang batas sa Senado 2.) Ang pagtutol na ito ay maisasagawa nila sa pagsigaw ng “VETO!” na ibig sabihin https://en.wikipedia.org/wiki /Twelve_Tables#/media/File:T ay “Tutol ako!” welve_Tables_Engraving.jpg Noong 451 BCE, Ang Twelve Tables ay matagumpay na nabuo ng Plebeian para sa batas na nagbibigay proteksyon sa mga mahihirap at pang-aabuso ng mga Patrician. Noong 287 BCE, nagkaroon ng pantay na karapatang legal ang bawat panig. Makikita sa timeline ang sunod-sunod na pagkapanalo ng hukbong sandatahan ng Rome (Legion) sa kanilang mga katunggali sa pag- angkin ng Italy at Dagat Mediterranean. Una ay itinaboy ng hukbong Romano ang mga Latino at Estruscan. Sumunod naman ay ang Greek. Nahirapan silang kalabanin ang hukbong Greek dahil humingi sila ng tulong kay Haring Pyrrhus (Hari ng Epirus) – pinsan ni Alexander the Great. Nanalo ang Greek laban sa Romano sa labanan ng Heraclea noong 280 BCE. Ito ay dahil sa paggamit ng elepante sa pakikidigma. Kalaunan, natalo din nila ito sa labanan sa Beneventum noong 275 BCE tuluyang nasakop ng Rome ang buong peninsula ng Italy. Sinunod ng hukbong sandatahan ng Romano ang Carthage, Dagat Mediterranean, Hilagang Africa, Macedonia, Kanlurang Asya, at Silangang Asya. Sa kabila ng tagumpay na nakamit ng Rome, nagkaroon ng epekto matapos ang Digmaang Punic; ilan sa mga pagbabagong ito ay pagbaba ng kita ng magsasaka, paghina ng Tribune at Asemblea, at pag-aalsa ng mga alipin sa pamumuno ni Spartacus. May mga taong nagtangkang lumutas ng suliranin ng mga mahihirap na tao sa Roma, babasahin at uunawain mo ang kanilang hakbang at motibo sa suliranin na ito. Kami ang magkapatid na Gracchus, napapabilang kami sa Tribune. Isa sa mga https://commons.wikimedia.o hakbang namin sa paglutas ay pagbaba ng presyo ng butil, paghahati-hati at rg/wiki/File:Eugene_Guillaum e_-_the_Gracchi.jpg pagbibigay ng lupa para sa mahihirap. Ang motibo namin ay muling mahalal na Tribune, at magkaroon ng suporta sa mga mahihirap. Gaya ng magkapatid na Gracchus, sina Gaius Marius at Lucius Cornelius Sulla ay lumutas din ng suliranin ng mga mahihirap sa Roma ngunit sila din ay nabigo. Nakamit ni Sulla ang kanyang hangarin. Naging diktador siya sa loob ng 2 taon. Samantala, noong 60 BCE, may tatlong mayaman at magiting na heneral ang nagpamalas ng kanilang kagalingan sa politika at pamamahala ng Rome – tinawag silang Triumvirate (o alyansa ng tatlong tao.) 4 Unang Tungkulin/Katangian Sinakop/ Resulta Triumvirate Napuntahang Lugar Hukbong heneral at estadista Gitnang Silangan Nakakuha ng suporta sa Gnaeus (Asia Minor), Senado. Pompey Kanlurang Asya Kinalaban si Caesar na (Armenia) naging dahilan ng kaniyang pagkamatay Marcus Mayamang tao sa Rome at Parthia (Iran) Namatay sa laban Licinius tumalo kay Spartacus sa laban Crassus Dives May ambisyong politikal Gaul (France), Spain, Ginawang diktador na Asia Minor, Egypt, panghabambuhay “The die is cast” (isang hakbang Julius Caesar na hindi na maaaring baguhin anuman ang kahinatnan) “Veni, Vedi, Veci” (Nagtungo ako, Nakita ko, at nilupig ko) Si Julius Caesar ang naging pinuno ng Rome matapos mamatay ni Pompey, kinilala siyang dakilang heneral, estadista, at pinakamahusay na pinunong Romano. Marami siyang ginawa sa kaniyang panunungkulan. Halimbawa nito ay binago ang pamamaraan ng pagbubuwis, pamamahagi ng lupa para sa beteranong sundalo, nagpagawa ng daan at pagawaang bayan at marami pang iba na patungkol sa kabutihan at kaayusan ng mamamayan ng Rome; dahil sa kaniyang mga nagawa ay marami ang gustong pabagsakin siya. Ang kaniyang kaibigan na sina Marcus Brutus at Gauis Cassius Longinus ay pinatay siya noong Marso 15, 44 BCE. Tinawag ito na Ides of March. Pumalit si Cicero sa pangasiwa ng pamahalaan ngunit hindi rin nagtagal ang kaniyang pamumuno. Nabuo ang Ikalawang Triumvirate (kaalyado ni Caesar) dahil sa pagnanais na mahuli ang pumatay kay Caesar. Ikalawang Tungkulin/Katangian Sinakop/ Resulta Triumvirate Napuntahang Lugar Nahumaling kay Cleopatra (Reyna Tinyente at kalihim ni ng Egypt) hiniwalayan si Octavia Mark Antony Caesar; asawa ni Syria dahil dito, nagkaroon ng alitan sa Octavia (kapatid ni Egypt kanila ni Octavius Octavius); bayaw ni Octavius Marcus Nagprotesta kaya itiniwalag Aemilius Heneral ni Caesar Africa Lepidus Pamangkin at Naglaban sina Mark Antony at Octavius tagapagmana ni Rome Octavius sa Actium, Greece – natalo Julius Caesar si Mark Antony kaya tumakas siya kasama si Cleopatra Si Octavius ang nanatili at naiwan sa Ikalawang Triumvirate kaya siya ang namuno sa Rome. Sa kaniyang pamumuno, nagwakas ang Republika ng Rome. Tinanghal na emperador si Octavius at naging Augustus Caesar Augustus – Natatanging-Dakila/Kapita-pitagan o Highly Honored, Caesar – Emperador o Emperor (kinuha sa kanyang tiyuhin na si Julius), Princep – Unang Mamamayan o First Citizen at; Imperatur - Heneral Kontribusyon ng Rome sa Kabihasnan Kilala ang Rome sa taglay nitong kadakilaan ng bansa. Nakilala sila sa anumang larangan ng kultura. Pagmasdan mo ang talahanayan ng mga kontribusyon ng Rome. Lumaganap ang kultura ng Rome dahil sa bansang Greece. Ginamit at pinaunlad nila ang kultura ng Greece kung kaya’t may pagkakahawig ang naturang bansa. Gayunpaman, makikita mo pa rin na iba ang pokus ng kontribusyon nila kaysa sa bansang Greece. Makikita mo ang mga kontribusyon na ito sa kasalukuyan at naging pangunahing atraksyon ng bansang Italy. 5 Larangan Kontribusyon Batas Twelve Tables- mga nakatalang batas na sumasaklaw sa karapatan ng mga mahihirap na tao sa Rome. Wika at Wikang Latin – orihinal na wika ng Rome Panitikan Plautus (komedya) Aulularia (The Pot of Gold) Captivi (The Prisoners) Terence Eunuchus (The Eunuch) at Ennius "Father of Latin Poetry" Pananamit Panlalaki (Tunic – kasuotang pambahay, Toga – sinusuot sa ibabaw ng tunic) Pambabae (Stola – kasuotang pambahay, Palla – sinusuot sa ibabaw ng stola) Paggamit ng Arko, bobida (dome), Daanan ng tubig (aqueduct) hanay ng mga arko (vault) Pantheon – templo ng diyos, Colosseum- isang bukas na teatro, na Forum – sentro ng lungsod ginawang simbahan at libingan katulad ng sa Greece (amphitheater) (pampublikong plasa) noong Panahong Renaissance. Stucco – ito ay isang plaster na Basilica – isang bulwagan na Gladiator- “swordsman” isang pampahid at pantakip sa pader, nagsisilbing korte at paligsahan ng pakikipaglaban ng pinagpupulungan ng kasapi ng pinamana ng mga Etruscan. mga mandirigma sa isa’t isa. Assembly (Republika ng Rome) Pagyamanin Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Kabihasnang Rome: Heograpiya hanggang Republika ng Rome”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na. Gawain 2.1 Crossword Puzzle. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang. 6 Gawain 2.2 Analohiya ng mga Konsepto. Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag. Halimbawa: (Kontribusyon ng Rome at 3. (Kontribusyon ng Rome) Greece) Kasuotang pang-ibabaw ng babae: ________; Bukas na teatro ng Rome: Colosseum; (Sagot) Kasuotang pang-ibabaw ng lalaki: _________. Templo ng diyos: Parthenon (Sagot) 1. (Sinaunang Rome) 4. (Republika ng Rome) Remus at Romulus: _______________________; 6 na buwan na panunungkulan: __________; _______________________: Uri ng tao sa Rome. 1 taon na panunungkulan: _______________. 2. (Republika ng Rome) 5. (Heograpiya ng Italy) Lucius Junius Brutus: ____________________; Silangang bahagi ng Italy: ________________; Lucius Tarquinis Superbus: _______________. Hilagang Kanlurang bahagi ng Italy: ______. Isaisip Gawain 2.3 Tanong-Sagot. Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel. Kamusta ka? Sagutin ang mga tanong sa pisara. 1. Ano ang naging papel ng heograpiya ng Italy sa pag-usbong ng Rome? 2. Ano ang kahalagahan ng Plebeians at Patricians sa paghubog ng Republika ng Rome? 3. Ano-anong pangyayari ang naging daan sa paglaganap ng impluwensiya ng Rome? 4. Mahalaga ba ang naging resulta ng mga digmaang Punic sa Rome? 5. Paano nakatulong ang mga kilalang pinunong Roman sa paglakas ng Rome? Isagawa Gawain 2.4 Slogan-Policy Making. Ikaw ay Pilipino na isa sa mga ambassador ng Rome na nag-aaral at nagpapanatili ng kultura ng mga sinaunang kagamitan. Ikaw ay naatasan na gumawa ng isang adbokasiya na makatutulong sa paghikayat na alagaan at pahalagahan ang mga kontribusyon ng kabihasnang Romano. Ito ay bilang pagtupad ng patuloy na pagmamahal at pagmamalasakit sa mga naiwang pamana ng mga sinaunang kabihasnan. Ikaw ay gagawa ng isang 7 slogan na naglalaman ng mga polisiya tungkol sa pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging pamana ng Rome. Isaalang-alang ang sumusunod na panuntunan: 1. Ihanda ang mga kagamitan gaya ng oslo/bondpaper, lapis, pangkulay at mga panulat. 2. Gumawa ng mga patakaran o mga pamantayan kung paano mapangangalagaan at mapahahalagahan ang pamana ng Rome hanggang sa susunod na henerasyon. (mga ideya sa pagbuo ng slogan) 3. Sundin ang mga bahagi upang makabuo ng isang slogan: a. Buuin ang mga nagawang patakaran mula sa maliit na detalye hanggang sa kabuuan nito; b. Gumuhit ng angkop na larawan na naglalarawan ng iyong slogan. 4. Ipakita at ipaliwanag ang iyong nagawang Slogan-Policy Making sa iyong miyembro ng pamilya, kaibigan, o kamag-aral, mapa-online o offline. 5. Nasa ibaba ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito. Rubriks sa pagmamarka ng gawain: Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nilalaman Wasto ang nilalaman at angkop sa panuto ng gawain. 10 Presentasyon ng Malinaw at organisado ang gawang slogan. 10 Slogan Pagkamalikhain Mahusay ang paglapat ng kulay, larawan, at orihinal ang gawa. 5 Pagbabahagi Nakapagbahagi ng gawang slogan. 5 Kabuuan 30 Tayahin Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel. 1. Itinuturing sila na unang guro ng mga Romano dahil tinuruan ito sa pakikidigma, paggawa ng gusali, at lansangan. Sino sila? A. Latino B. Griyego C. Etruscan D. Phoenician 2. Ang sumusunod ay probisyon sa Twelve Tables maliban sa isa, ano ito? A. Pag-aasawa ng mataas na angkan sa ordinaryong tao B. Pagiging kasapi ng senado ng Plebeian C. Pagkakaroon ng kasaping maharlika sa opisyal ng tribune D. Hindi na maaaring makulong o maging isang alipin ang Plebeian dahil sa pagkakautang 3. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Dagat Mediterranean? A. Nakatulong ang maunlad na aspektong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar. B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterranean tulad ng Carthage at Greece. C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece. D. Naisakatuparan ang pagkakaroon ng malawakang kalakalan. 4. Bakit pinaslang si Julius Caesar ng kaniyang mga tauhan at kaibigan? A. Pinag-utusan lamang sila na paslangin si Caesar. B. Hindi naging mabuting pinuno si Caesar. C. Inggit at pangambang alisin sa pwesto ni Caesar. D. Di-pagkakaunawaan ng bawat panig ng pamahalaan. 5. Paano mapatutunayang dakila ang ambag ng mga Romano sa kasalukuyan? A. Naging makapangyarihan ang Rome sa iba’t ibang panahon. B. Napaunlad nila ang kanilang kabihasnan dahil sa kanilang mga ambag. C. Nais nilang maalala ang kanilang mga ambag hanggang kasalukuyan. D. Ang kanilang kontribusyon ay kapaki-pakinabang pa rin hanggang ngayon. Karagdagang Gawain Gawain 2.5 Gawain 2.6 Notable Quotes. Mula sa napag-aralan, may mga salitang binanggit ang mga makasaysayang tao sa Rome. Ang nasa ibaba ay Palalimin mula sa LM. Pumili ng ilan sa mga binitiwang pahayag ng mga tanyag na Romano sa gawaing mula sa Learner’s Module Republika ng Rome. Magbigay ng reaksyon o karanasan sa iyong ng Araling Panlipunan 8- sarili tungkol sa pariralang nabanggit. Isulat ang sagot sa hiwalay Kasaysayan ng Daigdig. Isulat ang na papel. sagot sa hiwalay na papel. Kunin ang Learner’s Module ng Araling 1) “The die is cast” ~Julius Caesar Panlipunan 8. Buksan sa pahina 2) “Whatever happens, it happens because we choose for it. 178. Gawin ang Gawain 20 na We decide our fates.” ~Spartacus pinamagatang “E-Postcard”. 3) “I shall be a good politician. Even if it kills me. Or it kills anyone else, for that matter” ~Mark Antony 8 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3 Kabihasnang Rome Ikalawang Bahagi Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Kabihasnang Rome- Ikalawang Bahagi Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jocelyn D. De Leon Editor: Rizal P. Cantiller Tagasuri: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla Tagalapat: Michael V. Lorenzana Tagapamahala: Angelita S. Jalimao Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum Neil Vincent C. Sandoval Pandibisyong Tagamasid, LRMS Michael M. Mercado Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board) Department of Education – Schools Division Office- Makati City Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo, City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862 E-mail Address: [email protected] ii Alamin Sa modyul na ito ay tatalakayin ang tungkol sa “Kabihasnang Rome”. Sa mapang ito ay makikita mo ang Imperyong Romano. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod Aralin 1 – Imperyong Romano Aralin 2 – Imperyong Byzantine Pinagkunan: _https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Roman_Empire_full_ Aralin 3 – Paghina at Pagbagsak ng Rome _Referenced.jpg ________________ Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin: 1. Natutunton ang mga pangyayari mula Imperyong Romano hanggang Imperyong Byzantine; 2. Nakikilala ang mga tanyag na kontribusyon ng Kabihasnang Romano; 3. Naipaliliwanag ang kontribusyon ng Kabihasnang Romano mula Imperyong Romano hanggang Imperyong Byzantine (MELC); at 4. Natataya ang mga nagawa ng mga pinuno ng Imperyong Romano at Byzantine. Subukin Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel. 1. Ang pinakaunang emperador ng Imperyong Romano. A. Julius Caesar B. Nerva C. Augustus Caesar D. Justinian 2. Bakit tinawag ang isang panahon sa kasaysayan ng Rome bilang Pax Romana? A. Panahon ito ng kaguluhan at kawalang pag-asa. B. Maraming digmaan at kaguluhang panloob. C. Panahon ito ng kasaganaan at kapayapaan. D. Panahon ito ng pamamahala ng mga emperador. 3. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang pamana ng Rome sa daigdig? A. Kristiyanismo C. Batas at pamahalaan B. Batas at pamahalaan D. Public bath 4. Maraming emperador ang namuno sa Imperyong Romano. Sinong emperador ang nagmalupit sa mga Kristiyano? A. Caligula B. Nero C. Nerva D. Trajan 5. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano? A. Pagpili ng emperador C. Pagsalakay ng mga barbaro B. Paghina ng ekonomiya D. Lahat ng nabanggit Modyul Kabihasnang Rome 3 Ikalawang Bahagi Ang sunod-sunod na tagumpay ng Rome sa mga kinasangkutang digmaan sa iba’t ibang lugar sa palibot ng Mediterranean ang isa sa pangunahing dahilan ng pagiging makapangyarihan ng Rome. Bunsod ng tagumpay ni Octavian laban sa puwersa ni Mark Antony sa labanan sa Actium. Ito ang naging hudyat ng pagsisimula ng Imperyong Romano. 1 Balikan Buoin mo ang palaisipan sa ibaba tungkol sa pasimula ng Rome. Sagutan ang crossword puzzle sa iyong kuwaderno. Tuklasin Magandang araw sa iyo! Handa ka na ba ngayong araw? Bago natin talakayin ang ating paksa ngayon ay mayroon akong tanong. Isulat mo ang iyong sagot sa kuwaderno. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang katangian na dapat taglay ang isang mahusay na lider para siya ay igalang at sundin ng kaniyang mga pinamumunuan? Gayahin ang larawan at ilagay ang iyong sagot sa arrow batay sa katangiang ipinapahiwatig sa bahagi ng katawan. 2 Suriin Imperyong Romano Si Augustus Caesar na kilala rin bilang Octavian ang itinalagang unang emperador ng Imperyong Romano. Ang hangganan ng imperyo ay mula sa Euphrates River sa silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara Desert sa timog. Sa pamamahala ni Augustus, lumaki ang populasyon ng imperyo na umabot sa 100 milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian. Sa kabuuan, naging payapa at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo ng imperyo. Tinawag ang panahong ito bilang Pax Romana o Kapayapaang Romano. Naging maunlad ang imperyo, ligtas sa mga tulisan at pirata ang mga daan at karagatan. Ang imperyo ay sagana sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Sa labas ng imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa Rome sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Ang mga seda, mga pampalasa o rekado, pabango, at mamahaling bato ay dumarating sa Rome mula sa India at China. Mga Ambag ng Imperyong Romano Panitikan Nakilala ang mga manunulat na sina: Virgil – sinulat niya ang Aeneid. Ito ay ulat ng paglalakbay ng mga Aeneas pagkatapos bumagsak ang Troy. Ovid -binigyang-buhay ang mitong Greek at Romano sa kaniyang akda na Metamorphoses. Livy – sinulat niya ang “from the Founding of the City”, ang kasaysayan ng Rome. Tacitus – sinulat niya ang Histories at Annals na tungkol sa imperyo sa pamumuno ng mga Julian at Flavian Caesar. Arkitektura at Inhenyeriya Aqueduct – isang artipisyal na daluyan para makarating ang tubig sa lungsod. Colosseum – isang amphitheater kung saan nagaganap at pinanonood ang labanan ng mga gladiator. Appian Way – ito ang kalsada na nagdurugtong sa Rome at Timog Italy. Batas Kilala ang mga Romano bilang dakilang mambabatas. Ang pinakamahalagang ambag ng mga Romano ay ang sistema ng pagbabatas. Twelve Tables (451 BCE)- ang pinakaunang batas sa Rome. Ito ay batas para sa lahat, mayaman man o mahirap. Kristiyanismo Marami ang nagsasabi na ang Kristiyanismo ang isa sa pinakamahalagang pamana ng Rome. Isang relihiyon na itinatag ni Hesus. MGA TANYAG NA EMPERADOR NG IMPERYONG ROMANO Noong 14 CE, namatay si Augustus. Iginawad ng Senado ang titulong imperator o emperador kay Tiberius na pinili ni Augustus na humalili sa kaniya. 3 Mula sa Dinastiyang Julio-Claudian PINUNO NAGAWA Tiberius (14-37 CE) Isang diktador subalit magaling na tagapamahala. Caligula (37-41 CE) Ginamit niya ang pera ng imperyo sa maluluhong pagdiriwang at palabas tulad ng labanan ng gladiator. Claudius (41-54 CE) Nagtatag siya ng isang burukrasya na binubuo ng mga magagaling na tagapamahala. Nero (54-68 CE) Naparatangan siya ng pagsunog sa Rome. Pinapaslang niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan. Mula sa Dinastiyang Flavian Vespasian (69-79 CE) Nagpatayo ng pampublikong paliguan at amphitheater para sa labanan ng mga gladiator. Ang Limang Mabubuti na Emperador PINUNO NAGAWA Tinulungan niya ang mga ulila mula sa kinitang interes sa Nerva (96-98 CE) pagpapautang. Naabot ng imperyo ang pinakamalawak na hangganan sa Trajan (98-117 CE) ilalim ng kaniyang pamumuno. Ipinatupad niya ang pagpapanatili ng hangganan at lalawigan Hadrian (117-138 CE) ng imperyo. Ipinatayo niya ang tinawag na pader ni Hadrian. Antoninus Pius Ang pagpapahirap sa mga Kristiyano ay kaniyang (138-161 CE) ipinagbawal. Marcus Aureliu Ipinatupad niya ang sistemang merit bilang batayan sa (161-180 CE) pagtaas ng ranggo at tungkulin ng isang kawani. Roman Amphitheater Aqueduct Colosseum Imperyong Byzantine Pagkatapos ng ilang siglo, naharap sa malaking problema ang Imperyong Romano dahil sa mga digmaang sibil at sa mga hangganan ng imperyo. Sinikap ni Diocletian at Constantinople na iligtas ang imperyo subalit hindi sila nagtagumpay. Hinati ang imperyo, ang Kanlurang Imperyong Roman at Silangang Imperyong Roman. Ang Silangang Imperyong Roman ang naging Imperyong Byzantine. Mula sa Byzantium ang sinaunang tawag sa Constantinople. Isa sa mga naging tanyag na emperador ng Imperyong Byzantine ay si Justinian. Hinangad niya na maibalik ang kapangyarihan ng Imperyong Romano. Sa kaniyang pamamahala ay napalawak niya ang imperyo sa buong Italy, Hilagang Africa, Asia Minor (Turkey), Syria, at timog ng Spain. Ngunit hindi siya nagtagumpay na masakop ang hilaga at 4 gitnang Europe dahil sakop pa rin ng mga tribong Germanic. Dahil dito, tuluyan niyang kinalimutan ang kaniyang hangarin na muling itayo ang kanlurang Imperyong Romano. Mga Nagawa ni Justinian: 1. Corpus Juris Civilis o Lupon ng Batas Sibil – pinagsama- samang batas ng Rome na binuo ng mga abogado at hukom sa utos ni Justinian. 2. Hagia Sophia – nagawa io noong 537 CE. Natatangi ang simbahang ito dahil sa dome o bubong na hugis kalahating-bilog. Paghina at Pagbagsak ng Rome Ang pagsisikap nina Diocletian at Constantine na maisalba ang imperyo ay nawalan nang saysay dahil sa matinding suliraning panloob ng Imperyong Romano. Ayon sa mga pagsusuring isinagawa sa mga dahilan sa pagbagsak ng Roma, kapansin-pansin na ang suliranin ay nagsimula sa pundasyon ng imperyo na unti-unting nagpahina sa kapangyarihan nito bago pa man sumalakay ang mga tribung barbaro. 1. Ang Pagpili ng Emperador Walang batas na nagsasaad ng pagiging emperador. Naging dahilan ito para mag-agawan ang mga legion sa paglalagay ng emperador at lumikha ng krisis sa pamahalaan. 2. Ang Paghina ng Ekonomiya ng mga Lungsod Napabayaan ang mga kanluraning lungsod na isa sa pinagkukunan ng salapi ng imperyo mula nang inilipat ang kabisera ng imperyo sa Constantinople. Ang mga manggagawa at craftsmen na nasa lungsod ay naging magsasaka na lamang sa kanayunan. 3. Ang Pagtaas ng Buwis Upang makabawi sa bumagsak na kita ng pamahalaan, naniningil pa rin ito ng mataas na buwis na lalong nagpahirap sa mga hikahos sa buhay. 4. Ang Pagbaba ng Populasyon Lumiit ang mga pamilya dahil hindi na kayang tustusan ang pangangailangan ng maraming anak. Dulot ito ng paghina ng ekonomiya. 5. Ang Pagsalakay ng mga Barbaro Sinakop ang malaking bahagi ng imperyo ng mga barbarong Aleman noong huling bahagi ng 300 CE hanggang sa tuluyan itong bumagsak subalit nanatiling buhay ang kaniyang kultura. MGA KONTRIBUSYON NG IMPERYONG BYZANTINE Pangangalaga ng Kaalaman Ang panitikan, pilosopiya, agham, matematika, batas at sining ng Greece at Rome ay pinag-aralan ng mga iskolar ng Byzantine. Ito ay nakatulong sa pagpapanatili ng kaalaman at nagbigay–sigla sa mga mag-aaral sa Europe. Kaunti man ang orihinal na kaalamang Byzantine na naiambag sa daigdig ay nakapagbigay naman ito ng inspirasyon sa mga iskolar na Muslim. Arkitektura Ang arkitekturang Byzantine ay makikita sa Hagia Sophia. Ang simbahang ito ay parihaba subalit may dome. Ang pillar at pader nito ay gawa sa marmol. Mayroon ding ginintuang mosaic at iba pang dekorasyon sa loob ng simbahang ito. Sining Bunga ng Iconoclastic Controversy, lumayo ang Byzantine sa paksang pananampalataya. Higit na binigyang-diin ang pisikal na lakas at kagandahan ng tao tulad ng tradisyon ng sinaunang Greece. Kilala ang kabihasnang Byzantine sa kanilang sining, Nagtatag ng isang paaralan sa sining kung saan binigyang-diin ang paglalarawan kay Hesus at sa mga santo gamit ang matingkad na kulay at magarbong pamamaraan tulad ng makikita sa mga Byzantine mosaic. Ang Mosaic ay ang pinagdikit-dikit na maliliit na pirasong bato o bubog upang bumuo ng disenyo. Ang mga kurbada ng mga arc at dome ng mga gusaling Byzantine. 5 Kilala rin sila sa Enameling o ang sining ng paghahalo at pagpapahid ng enamel sa ibabaw ng metal o luwad bilang proteksiyon o dekorasyon. Ang enamel ay isang uri ng mala- kristal, makinis, makintab, at matigas na materyal. Mga mamahaling tela na gawa ng Imperyong Byzantine tulad ng seda, linen, bulak at lana na kilala at hinahanap ng maraming mamimili. Pagyamanin Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Kabihasnang Rome”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na. Gawain 3.1 Kilala Mo Ba Ako? Kilalanin ang sumusunod na pinunong Romano at itala sa katapat na kahon ang kanilang mga nagawa o ambag sa Imperyong Romano. EMPERADOR NAGAWA Augustus Vespasian Hadrian Neru Antoninus Pius Gawain 3.2 Inform-atics (FYI). Punan mo ng wastong datos ang mga kahon sa ibaba. POLITIKA EKONOMIYA KULTURA AMBAG Imperyong Romano Imperyong Byzantine 6 Isaisip Gawain 3.3 Tanong-Sagot. Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel. Kamusta ka. Sagutin ang mga tanong sa pisara. 1. Ano ang naging papel ni Augustus Caesar sa kasaysayan ng kabihasnang Rome? 2. Bakit tinawag na Pax Romana ang isang panahon sa Imperyong Romano? 3. Ano ang kahalagahan ng pag-unlad ng panitikan sa kasaysayan ng Rome? 4. Mahalaga ba ang papel na ginagampanan ng isang mabuting pinuno sa pananatili ng matatag na imperyo? Bakit? 5. Paano napanatili ng Imperyong Byzantine ang mga pamana ng Rome? 7 Isagawa Gawain 3.4 Photo Collage. Natapos mo na ang mithiin at nais na malamang impormasyon tungkol sa kabihasnang Rome. Mahalaga na maunawaan mo na ang iyong tungkulin o papel na gagampanan para magtagumpay ang gawaing ito. Hahanap ka ng mga larawan o sariling guhit ng mga ambag ng Imperyong Romano at Byzantine at ikaw ay gagawa ng “COLLAGE”. Ang Collage ay may disenyo na may kinalaman sa aralin, halimbawa ay simbahan, kasulatan at iba pang mga larawan/guhit sa Imperyong Romano at Byzantine. Kailangan ang mga gagawin mo ay tama dahil ito ay may kaukulang marka. Rubriks sa pagmamarka ng Photo Collage. Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nilalaman Tama at maayos ang ginamit na mga larawan/guhit. 10 Pagkakagawa Mahusay at naaayon sa paksa ang disenyo. 10 Kalinisan at Malinis ang pagkakasulat ng nabuong gawain. 10 Kaayusan Kabuuan 30 Tayahin Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel. 1. Sa loob ng isang libong taon, pinalikom niya ang lahat ng batas ng Rome sa mga hukom at abogado at tinawag itong Corpus Juris Civilis. A. Augustus Caesar B. Hadrian C. Justinian D. Nero 2. Sa pamumuno ni Augustus Caesar, naabot ng Imperyong Romano ang kasaganaan at malawak na kapayapaan. Ano ang tawag sa panahon na ito? A. Pax Romana B. Gintong Panahon C. Mare Nostrum D. Krusada 3. Bakit marami ang naniniwala na ang isa sa pinakamahalagang ambag ng kabihasnang Rome ay ang Kristiyanismo? A. Dahil nasa Rome ang Papa ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko. B. Dahil naging makapangyarihan ang Simbahan noong unang panahon sa Europe. C. Dahil mas marami ang mga Kristiyano sa Europe. D. Lahat ng nabanggit. 4. Ang sumusunod ay ambag ng Imperyong Romano maliban sa isa. Ano ito? A. Appian Way B. Colosseum C. Hagia Sophia D. Aqueduct 5. Sila ang tinaguriang mahuhusay o mabubuting emperador. Sino ang hindi kabilang? A. Marcus Aurelius B. Nero C. Nerva D. Hadrian Karagdagang Gawain 8 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 4 Mga Klasikong Kabihasnan sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Mga Klasikong Kabihasnan sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Tessie P. Real Editor: Lynn C. Demafeliz Tagasuri: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla Tagalapat: Michael V. Lorenzana Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval Pandibisyong Tagamasid, LRMS Michael M. Mercado Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board) Department of Education – Schools Division Office- Makati City Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo, City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862 E-mail Address: [email protected] Alamin Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga klasikong kabihasnan na nabuo sa Africa, America, at mga pulo sa Pacific. Sa Africa sumibol ang tatlong uri ng kabihasnan. Ito ay ang Songhai, Mali at Ghana. Samantalang, ang Inca, Aztec at Maya naman sa America. Sa mga Pulo ng Pacific naman ay may naganap na kabihasnang sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Ang modyul na ito ay tungkol sa pag-usbong at pag–unlad ng bawat kabihasnan sa sandaigdigan. Ang matatag na arkitektura na ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan ay palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan. Makikita sa larawan na may mataas na ang kaalaman ang bawat kabihasnan sa larangan ng arkitektura, inhenyeriya at matematika. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod: Aralin 1 – Mga Klasikong Kabihasnan sa Africa – Songhai, Mali, atbp. Aralin 2 – Mga Klasikong Kabihasnan sa America – Aztec, Maya, Olmec, Inca Aralin 3 – Mga Klasikong Kabihasnan sa mga Pulo sa Pacific Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin: 1. Nailalarawan ang heograpiya ng mga klasikong kabihasnan sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific; 2. Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific (MELC); 3. Naihahambing ang klasikong kabihasnan sa Africa, America, at mga pulo sa Pacific; at 4. Napahahalagahan ang mga impluwensiya ng mga klasikal na lipunan sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific sa kasalukuyang panahon. Subukin Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel. 1. Alin sa sumusunod na salita ang kasingkahulugan ng “imperyo”? A. Songhai B. Inca C. Maya D. Aztec 2. Alin sa sumusunod na bahagi ng Africa ang naging tahanan ng klasikong kabihasnan na Ghana, Mali at Songhai? A. Sahara Desert B. Egypt C. Kanlurang Africa D. Carthage 3. Alin sa sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Isla ng Pacific? A. Pagsasaka at pangingisda C. Pangingisda at pagpipinta B. Pagsasaka at pagmimina D. Pangingisda at pangangalakal 4. Sa kontinenteng ito nagmula ang mga “Trans-Sahara Caravan Trade Route” na nagpayabong sa kanilang klasikong kabihasnan. A. Africa B. Europe C. South America D. Asia 5. Bakit binansagang “The Dark Continent” ang Africa? A. Dahil sa kulay ng balat ng mga taong naninirahan doon. B. Dahil hindi nila ito nagalugad agad. C. Dahil malayo ito sa kontinenteng Europe. D. Dahil matatapang ang mga Afrikano. Modyul Mga Klasikong Kabihasnan 4 sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific Sa panahong ito, makikita mo na may mauunlad na pamayanan nabuo sa bawat bansa sa daigdig. Malaking kapakinabangan ang mga kontribusyon at impluwensiya ng bawat klasikong kabihasnan sa Africa, America, at Mga Pulo sa Pacific sa kasalukuyang panahon. 1 Balikan Hanapin mo sa anumang direksiyon sa loob ng crossword puzzle ang may kaugnayan sa mga ambag ng Rome sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Ito ay isang templo na nangangahulugang “para sa lahat ng Diyos”. 2. Ito ay nagsasaad ng karapatan ng mamamayan at ang pamamaraan ng pagpaparusa na naayon sa batas. 3. Ito ay isang amphitheater para sa labanan ng gladiator. 4. Mahusay at tuwid na daan na nag-uugnay sa Rome at timog Italy. 5. Siya ay kinilala sa larangan ng pantikan bilang isang manunulat at magaling na orador na nagpapahalaga ng batas. Tuklasin Pagmasdan mong maigi ang konsepto at mapa ng mga pulo sa Pacific at globo ng Africa at America sa ibaba. Sa iyong kuwaderno, gayahin ang word web. Isulat ang mga kaisipan/ kaalaman na may kaugnayan sa konseptong nakatala. Pagkatapos magbigay ng natatanging katangian ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific. Halimbawa: Africa – pangalawa sa pinakamalaking kontinente. Suriin Klasikong Kabihasnan sa Africa Ang Africa ay pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa mundo. Ang kagubatan dito ay may malaking epekto sa pagtatag at pagpapalawak ng kabihasnan at kaharian dito. Ito ay mahirap pasukin dahil sa kapal nito at ang kawalan ng malalaki at malalawak na ilog na maaaring daanan ng mga sasakyang pantubig. Dahil sa kalagayang ito, hindi agad ito nagalugad ng mga Kanluranin. Ang Africa din ang kontinenteng huling nahati-hati at naging limitado lamang ang kanilang kaalaman dito. Kung kaya’t binansagan ng mga Kanluranin na “Dark Continent” ang Africa. Ang malapit sa equator na bahagi ng Africa ay pinakamainit at pinakamaulan, na kung saan matatagpuan ang rainforest. Sa hilagang bahagi ng equator naman makikita ang grassland, dito matatagpuan ang rehiyong Sudan. Makikita naman ang Sahara (pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa mundo) sa bandang hilaga ng rehiyon ng Sudan. Mas malaki ang Sahara kumpara sa Europa ngunit hindi ito natitirhan maliban sa oasis nito. Ang mga kultura at kabihasnang sumibol sa Africa ay kalat-kalat at hiwa-hiwalay. Ang rehiyon na malapit sa Sahara ay sinasabing isa sa mga may maunlad na kultura sa Africa. Ang pangunahing hanapbuhay nila ay pakikipagkalakalan, dahil dito narating nila ang Europe at iba pang bahagi ng Asya. Ang kalakalang ito ay tinawag na “Trans-Sahara Caravan Trade Route”. Madaling nakilala ang relihiyong Islam sa Kanlurang Africa dahil sa mga mangangalakal na Berber na galing sa Hilagang Africa. 2 Makikita sa ibaba ang mga kabihasnang sumibol sa Africa. Ito ang sumusunod. Kabihasnang Nabuo sa Africa Axum (350 CE). Ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia. Naging sentro ito ng kalakalan noong 350 CE. Pinaniniwalaan nakilala ang Axum sa pakikipagkalakalan sa mga Greek. Dahil sa kalakalan, mabilis na lumaganap ang Kristiyanismo at naging opisyal na relihiyon noong 365 CE. Noong 1936 ito ay nasakop ng Italy. Kush Sa kahabaan ng Nile sa timog Africa matatagpuan ang Kush. Ang pangunahing hanapbuhay ay pakikipagkalakalan sa loob at labas ng Africa. Dahil dito sila ay naging mayaman at malakas. Bukod sa pakikipagkalakalan, nag-aalaga rin sila ng mga hayop gaya ng tupa at kambing. Humina ang Kush noong magapi sila ng mga Romano at tuluyang bumagsak noong 350 CE. Imperyong Ghana (700 dantaon) Ang salitang Ghana ay nangangahulugang “Lupain ng Ginto” dahil masagana ang kanilang lugar sa ginto. Ang pangunahing hanapbuhay ng mga naninirahan dito ay pakikipagkalakalan. Ang pangunahing produktong pangkalakal nila ay ang ginto at asin. Naging marangya ang buhay ng mga namumuno sa Ghana dahil sa kinikita nila sa kalakalan. Maraming mangangalakal na banyaga ang nanirahan sa Ghana gaya ng mga Espanyol at mga Arabeng Muslim. Kung kaya ang Islam ay mabilis na lumaganap sa imperyong ito. Ang lupang kapatagan ng Ghana ay malawak at mataba. Ang mga kabahayan ay may saganang suplay ng tubig para sa pangangailangan at irigasyon sa sakahan. Ang sandatang yari sa bakal na nakuha nila sa kanilang pakikipagkalakalan at kasanayan sa paggamit ng kabayo ay nagdulot sa kanila ng lakas at kapangyarihan. Nakapagtatag ang imperyo ng isang malakas at mahusay na hukbo na nagresulta ng pagkakaroon ng isang malawak na imperyo at naging makapangyarihan sa kanlurang Africa. Noong ika-10 siglo nakamit ng imperyong Ghana ang tugatog ng kapangyarihan. Imperyong Mali (1240 CE) Sa kanlurang Africa din matatagpuan ang Mali. Ang imperyong ito ay itinuturing na tagapagmana ng Ghana. Ang estado ng Kangaba na isang mahalagang outpost ng Imperyong Ghana ay sinasabing pinagsimulan ng Mali, na pinamumunuan ni Sundiata Keita. Lumawak ang Imperyong Mali dahil sa pagsalakay ni Sundiata Keita sa Imperyong Ghana noong 1240CE (wakas ng kapangyarihan ng imperyong Ghana). Lumawak ang kaniyang nasasakupan pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu at pahilaga patungong Sahara Desert. Katulad ng Imperyong Ghana, ang Imperyong Mali din ay kilala sa pakikipagkalakalan. Ginto rin ang pangunahing kinakalakal dito. Nakontrol ng Mali ang ruta ng kalakalan na nagresulta ng kanilang pagyaman at paglakas. Sa kalagitnaan ng ika-13 siglo nakapagpatayo ang imperyong Mali ng kapitolyo, na tinawag nilang Niani. Tinaguriang pinakamalaki at makapangyarihan ang imperyo hanggang mamatay si Sundiata noong 1255. Noong 1312 si Mansa Musa ang sumunod na namuno. Dahil sa kaniyang nagawa, siya ay itinatangi bilang pinakamabuting halimbawa ng isang haring Muslim. Sa kaniyang pagkamatay noong 1332, unti- unting humina ang imperyong Mali. Isa sa pinakamalaking dahilan ng paghina ng Mali ay ang kaguluhan sa pagpalit ng mga hari. 3 Imeryong Songhai 1335 Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Songhai ay pakikipagkalakalan. Sila ay nakikipagkalakalan sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa ilog Niger. Ang relihiyong Islam ay dinala ng mga Berber sa Songhai. Noong una hindi nila tinanggap ng relihiyong Islam sa Songhai ngunit noong 1010 CE, ang Islam ay tinanggap sa imperyo sa pamumuno ni Dia Kossoi. Ang imperyong ito ay sinakop ng Mali noong 1325 pero muling nabawi noong 1335 sa pamumuno ni Sunni Ali. Sa kaniyang pamumuno, naging malawak ang sakop ng imperyong Songhai. Sakop nito ang Nigeria hanggang Djenne. Naniniwala si Sunni Ali na sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at magsasaka kaya hindi niya tinanggap ang relihiyong Islam sa kaniyang imperyo. Iginagalang at pinahahalagahan pa rin ni Sunnu Ali ang mga mangangalakal na Muslim at iskolar na nakatira sa kaniyang imperyo kahit hindi niya tinanggap ang Islam. Naging makapangyarihan ang klasikong kabihasnang Ghana, Mali, at Songhai dahil sa pakikipagkalakalan. Ginto ang pangunahing produktong kanilang kinakalakal. Ang mga imperyong ito ang nagsilbing tagapamagitan sa mga African na mayaman sa ginto at African na mayaman sa asin. Ang asin ay ginagamit nilang pangreserba ng kanilang pagkain. Mga Ambag ng Klasikong Kabihasnan sa Africa: 1. Nagpatayo ng gusaling bato na itinayo sa Great Zimbabwe noong ika-11 hanggang ika-15 siglo. 2. Pagpatayo ng stelae o haliging batong may disenyo sa panahon ng kaharian ng Axum (nagsisilbi itong parangal sa mga naging dakilang pinuno ng kanilang kabihasnan) 3. Epic of Son-Jaral (tumatalakay sa kabayanihan ni Son-Jaral) Klasikong Kabihasnan sa America Ang kontinenteng America ay binansagang “Bagong Daigdig” (New World) nang ito ay mapuntahan ni Christopher Columbus. Ang anyong- tubig ng America ay nahihiwalay sa iba pang bahagi ng mundo. Libo-libong milya ng karagatan ang naglalayo rito sa pinakamalapit na malaking lupa, sa kanluran, katimugan at silangang bahagi nito. Sa hilaga naman, naghihiwalay ng Kipot ng Bering sa Siberia, na may kaliitan ang distansiya nito sa isang anyong lupa. May iba’t ibang uri ng halaman ang tumutubo dito gaya ng mais, kalabasa, pinya, patatas, at cinchona (halamang gamot) na nakatulong sa pagdagdag ng pagkain sa mundo. Ang unang nagtatag ng kabihasnan sa Amerika ay ang mga Olmec na nangangahulugang “taong goma” dahil sila ang unang unang kumuha ng sapa mula sa punong goma. Tinawag din itong “Ina ng Kabihasnan sa Mesoamerica” (binubuo ng Gitnang America at Mexico). Ang isa sa pinakakilalang ambag ng mga Olmec ay ang higanteng estrukturang ulong-bato na may bigat na 14 hanggang 18 tonelada at may taas na 14 na talampakan. Ang isa pang naitayo na kilalang lugar sa Mesoamerica ay ang lungsod ng Teotihuacan na nangangahulugang “lungsod ng mga diyos” dahil ito ang sentrong panrelihiyon ng siyudad. Ito rin ay kinikilalang kauna-unahang lungsod sa America. May mga piramide at lansangan na matatagpuan sa loob nito. Ito ay ang piramide ng araw at piramide ng buwan. Ang piramide ng araw ay pangatlong piramide na pinakamalaki sa buong mundo. Napaliligiran ng iba’t ibang templo ang ilan sa mga ito para sa pagsamba ng mga Teotihuacan kina ‘Tialoc – diyos ng ulan, Quetzalcoalt – diyos na sawang may plumahe, pinakamakapangyarihang diyos ng mga taga Teotihuacan. Ang Inca, Maya, at Aztec naman ang nabibilang sa kabihasnang klasiko sa America dahil sa malawak ang naging impluwensiya nito sa daigdig. Ang mga kabihasnang Maya at Aztec ay nakilala sa Mesoamerica samantalang ang kabihasnang Inca naman ay sa Timog America. Ang kabihasnang Maya ay naitayo sa Yucutan Peninsula (Timog America). Ang Uaxactun, Tikal, Copan at El Mirador ang mga lungsod na nabuo dito. Ang mga Maya ay gumawa ng sakahan sa gilid ng bundok dahil mataas ang lugar na ito. Pangangalakal at pagtatanim at ang pangunahing hanapbuhay ng mga Maya. Asin, tapa, mais, pulot- pukyutan, kahoy at balat ng hayop ang kanilang kinakalakal. Samantalang cacao, mais, papaya, pinya, sili, abokado, kalabasa at patani ang kanilang itinatanim. Ang sistema ng kanilang pagtatanim ay nagdudulot ng sobrang produkto. Napakahalaga ng agrikultura sa mga Maya, kaya kanilang sinasamba ang mga diyos na may kaugnayan sa pagtatanim. Ang lipunang Maya ay nahati sa dalawang antas. Ang unang antas ay ang mga pari at mga namumuno at ang ikalawa ay ang mga pangkaraniwang tao. Ang mga pinuno at ang kaniyang nasasakupan ay palaging nakikipagdigma upang makahuli ng alipin na ialay sa kanilang mga diyos. Katuwang ng mga pinuno sa pamamahala ang mga kaparian. Tinatawag na halach uinic o tunay na lalaki ang mga pinuno. Sila ang nagpalawig ng mga pamayanang urban na naging sentro ng pagsamba sa kanilang diyos. Matapos ang 600 CE nakamit nito ang rurok ng kabihasnan. Subalit sa pagitan ng 850 CE at 950 CE iniwan ng karamihan sa mga lungsod ng Maya sa di-malamang dahilan. Ayon sa mga dalubhasa, maaaring ang paglaki ng populasyon, patuloy na digmaan at pagkasira ng kalikasan ang maaaring dahilan ng pagbagsak nito. Ang kabihasnang Aztec ang pumalit sa kabihasnang Maya. “Isang lugar na nagmula sa Azlan”, isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico ang kahulugan ng salitang Aztec. Ang Tenochtitlan (isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng 4 Texcoco) ay itinatag nila noong 1325 CE. Ang pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec. Nagtatanim sila ng mais, abokado, sili, kamatis, patani at kalabasa. Nag-aalaga din sila ng gansa, pabo, aso, at pato. Ito ay naging sentro ng kanilang kalakalan. Gaya ng mga Maya, ang mga Aztec din ay may malaking pagpapahalaga sa agrikultura kung kaya’t sila ay umaasa sa pwersa ng kalikasan at may sinasambang diyos. Si Huitzilpochtli (diyos ng araw), Tialoc (diyos ng ulan) at si Quetzalcoatl (diyos na sawang may plumahe, pinakamakapangyarihang Diyos ng mga taga-Teotihuacan.) Sila rin ay nag-aalay ng tao sa kanilang diyos dahil naniniwala sila na kailangang laging malakas ang kanilang diyos upang mahadlangan ang masasamang diyos sa pagsira ng kanilang pananim at daigdig. Kadalasang bihag sa digmaan ang kanilang iniaalay at mayroon din mandirigmang Aztec na kusang loob na ialay ang sarili. Naging masagana ang ani ng mga Aztec dahil dito, natuto silang makipagkalaakalan sa kalapit na lugar na nagbigay-daan sa kanila upang maging maunlad. Ang pinuno ng mga Aztec ay magaling. Ang mga Aztec ay manlulupig at mandirigma kaya nasakop nila ang lahat ng pangkat sa kanilang paligid. Bumagsak ang Aztec dahil sa pagsakop ng mga