Kasaysayan/Ebolusyon sa Alpabetong Filipino PDF

Summary

This document provides a historical overview of the Filipino alphabet, starting from the Alibata/Baybayin script and progressing to the Abecedario and ultimately the English alphabet. It details the contributions of various historical periods and highlights the evolution of writing systems in the Philippines.

Full Transcript

# Kasaysayan/Ebolusyon sa Alpabetong Filipino ## Bago Dumating ang mga Kastila - Alibata/Baybayin - 17 titik = 3 patinig/14 na katinig ## Pagdating ng mga Kastila - Abecedario - 30 titik. - A,B,C,CH,D,E,F,G,H,I,J,K,L,LL,M,N,Ñ,O,P,Q,R,RR,S,T,U,V,W,X,Y,Z ## Pagdating ng mga Amerikano - Alpa...

# Kasaysayan/Ebolusyon sa Alpabetong Filipino ## Bago Dumating ang mga Kastila - Alibata/Baybayin - 17 titik = 3 patinig/14 na katinig ## Pagdating ng mga Kastila - Abecedario - 30 titik. - A,B,C,CH,D,E,F,G,H,I,J,K,L,LL,M,N,Ñ,O,P,Q,R,RR,S,T,U,V,W,X,Y,Z ## Pagdating ng mga Amerikano - Alpabetong Ingles - 26 titik - A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z ## Panahon ng Hapon : WALA ## Alibata/Baybayin - Babayin ang nagpasibol sa karunungan ng ating mga ninuno bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. - Hango sa salitang “baybay” na ang ibig sabihin sa wikang Ingles ay “to spell." - Tinawag ito sa ngalang alibata ni Paul Versoza noong 20th dekada. ## Ang Hugis ng mga Letra ng Baybayin - Ang hugis ng mga letra ng baybayin ay may pagkakahawig sa sinaunang Kawi script ng mga taga-Java, Indonesia na itinigil noong mga ika-labing apat na siglo. ## Ang Kating at Kudlit - Ang bawat katinig ay kumakatawan sa isang pantig. - Ang pagdadagdag ng kudlit sa mismong letra ng mga katinig ay makapagpapabago sa likas ng tunog ng patinig na a. - Kapag ang kudlit ay inilagay sa itaas ng bawat katinig ay magkakaroon ito ng tunog na gaya sa e o i. - Kapag ito ay inilagay sa ibaba ng katinig ay magkakaroon ito ng tunog na tulad sa o o u. - Kapag naman ang kailangan tunog sa pantig ay katinig, ang ekis o simbolong + ay inilagagay sa ibaba ng bawat katinig upang alisin ang tunog ng patinig na a. ## Ang mga Patinig - Ang tatlong patinig ay ginagamit lamang sa unahan ng mga salita at pantig, o mga pantig na walang katinig. - Ang e at i, o at u ay hindi pinaghiwalay ang pagkakabigkas. ## Mga Bantas - Hindi kailangang maglaan ng espasyo sa pagsulat ng baybayin, sa halip ito ay isinusulat ng tuloy-tuloy na daloy at ang nagsisilbing bantas lamang ay ang isang tuwid na linyang patayo ngunit madalas ay dalawang linya upang matukoy ang pagtatapos ng isang pangungusap o salita. ## Direksiyon ng Pagbasa ng Baybayin at Anyo ng Bawat Letra - Nagsisimula sa kaliwa ang unang salita papunta sa kanan. - Ito ay pare-parehong pasulat, at katulad ng alpabeto natin sa kasalukuyan ang anyo ng bawat letra ay nakasalalay sa sulat kamay ng isang tao. ## Ang Pagkawala ng Baybayin - Unti-unting nawala ang paggamit ng baybayin noong ika-labing anim na siglo. - Pinaniniwalaang kaya nawala ang paggamit ng baybayin ay dahil na rin sa kumplikadong paraan ng pagsulat nito at mas naging madali ang paraan ng pagsulat na ipinakilala ng mga Kastila sapagkat mas naaayon ito sa pagbabago ng panahon at may mga iba na ring salitang hindi na kayang ibaybay pa ng baybayin dahil na rin sa kulang ang pantig nito. ## Abecedario - Dala ng mga kastila sa Pilipinas - Mga nadagdag na letra sa dating baybayin: - Mga Patinig: Eat O - Mga Katinig: C, F, LL, Q, V, R, Z, CH, J, Ñ, RR, X - A - /a/ - E- /e/ - J - /hota/ - N - /ene/ - R - /ere/ - V - /ve/ - B - /be/ - F- /efe/ - K - /ke/ - N - /enye/ - RR - /doble ere/ - W - /dobleu/ - C - /se/ - G- /he/ - L - /ete/ - O - /o/ - S - /ese/ - X - /ekis/ - CH - /se-atse/ - H- /atse/ - LL - /elye/ - P - /pe/ - T - /te/ - Y- /ye/ - D - /de/ - I - /i/ - M - /eme/ - Q - /ku/ - U - /u/ - Z- /zeta/ ## Alpabetong Ingles - Dala ng mga Amerikano sa Pilipinas - Ang mga gurong Thomasite ang naturo sa mga Filipino ng 26 na titik ng Alpabetong Ingles. - A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z ## Makabagong Alpabetong Filipino - Alinsunod sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 s.1987 ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports ang tatawaging bagong Alpabetong Filipino ay binago at pinagyamang dating Abakada. ## Nagsimula ang Pagbabago sa Alpabetong Filipino - Nang pahintulutan ang mga Pilipino ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at aklat sa gramatika ng Wikang Pambansa at pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940. ## Makabagong Alpabetong Filipino - Binalangkas ni Lope K. Santosang bagong alpabeto na nakilala sa ngalang na Abakada dahil sa tawag sa unang apat na titik niyon. - Binubuo ang Abakada ni L.K. Santos ng dalawampung titik; labinlimang katinig at limang patinig, na kumakatawan sa isang makabuluhang tunog bawat isa. ## Ang Sumunod na mga Pagbabago sa Abakada - Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng Abakada ni L.K. Santos sa malawakang panghihiram ng mga salita at pagbabaybay ng mga pantanging ngalan. - Makalipas ang tatlong taon, inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan ng labing-isang titik ang dating Abakada. Iminungkahi nilang idagdag ang mga sumusunod: C,CH,F,J,IST-,LL,Q,RR,V,X,Z na gagamitin sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga pantanging ngalan. ## Problema ng Mungkahing Alpabeto ay ang Magiging Katawagan ng Bawat Titik at ang Magiging Kaayusan O Order ng mga Ito sa Alpabeto - Narito ang ilang mungkahi upang tugunan ang problema sa mungkahing alpabeto. - /ey/ /bi//si/ /di/ /i/ /ef/ /ji//eych//ay//jey/ /key/ /el/ /dobol el/ /em/ /en/ /enye//enji//o//pi//kyu//ar/ /dobol ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way//zi/ - /a//ba//ka//da//e//ga//ha//la//ma//na//nga//o//pa//ra//sa//ta//u//wa/ /ya//si//a-che//jey/ /elye//enye//kyu//erre//way//zi/. ## Problema ng Mungkahing Alpabeto ay ang Magiging Katawagan ng Bawat Titik at ang Magiging Kaayusan O Order ng mga Ito sa Alpabeto - Hindi pa man ganap na nalilinaw ang mga tanong kaugnay ng mungkahi ng lupong sanggunian, inilathala ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambanssa ang tuntunin sa palabaybayang Pilipino noong April 1, 1976. - Kaugnay nito, ipinalabas ng kagawaran ng edukasyon at kultura noong Hulyo 30, 1976 ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 upang pagtibayin ang nasabing tuntunin ng palabaybayin nito. ## Ilan sa Kanilang mga Argumento ay ang mga Sumusunod: - Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paano ito pagsusunod-sunurin. - Ang pagsasama ng digrapong CH, LL, RR, NG, gayundin ang may kilay na N ay isang paraang di-matipid. - Mismong Malakanyang, sa isang kalihim sa Direktor ng SWP noong Enero 11, 1973 ay tumanggi sa pagsasama ng mga digrapong CH, LL, RR, at NG at iminungkahing dalawampu't pitong letra na lamang ang gamitin. - Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alpabetong may digrapo. ## Ang Kasalukuyang Alpabeto - Ang mga idinagdag na titik (C,F, J,Ñ,Q,V,X,Z) ay ginagamit para sa mga sumusunod. - Pangtanging pangngalan ng tao, hayop, bagay, o lunan. Hal. Carlos, Volter, El Niño, Jimenez, Luzo. - Mga katutubong salita mula sa mga dialekto ng bansa. Hal. Hadji, Villa, Hacienda, Canao, Jihad. - Mga salitang banyaga na walang katumbas sa Filipino. Hal. Canvas, Jazz, Quorum, Fastfood, Visa, Xerox. ## Ang Kasalukuyang Alpabeto - Ilang paliwanag ungkol sa titik Ññ (enye) - Sa kadahinang ang titik Ññ ay titik mula sa kastila, wala ni isa mang salitang Tagalog (Filipino) na isinama sa diksyunaryong ito na nagsisimula sa naturang titik. Gayunpaman, may iilang salitang etniko na natagpuan sa N (enye) na ginawang pinkakinakatawan ng naturang titik. Nagsama rin ng ilang salita na nagtatagla ng titik Ň (enye) bagamat ito ay nasa loob ng salita. Halimbawa: Cañao (Panseremonyang sayaw ng mga igorot), Piña (ananas - isang uri ng prutas) ## Ang Kasalukuyang Alpabeto - Ang pagbasa ng mga letra - Ang pagbigkas ng mga letra sa alpabetong Filipino ay bigkas-Ingles maliban sa Ñ (enye) na tawag kastila. - A - /ey/ - B - /bi/ - C - /si/ - D - /di/ - E - /i/ - F - /ef/ - G- /dzi/ - H - /eyts/ - I - /ay/ - J - /dzey/ - K - /key/ - L - /el/ - M - /em/ - N - /en/ - Ñ - /enye/ - Ng - /enji/ - O - /o/ - P- /pi/ - Q - /kyu/ - R - /ar/ - S - /es/ - T - /ti/ - U - /yu/ - V - /vi/ - W - /dobol yu/ - X - /eks/ - Y - /way/ - Z - /zi/ # BAHAGI 02 ## Ortograpiya ## Ano ang Ortograpiya? - Ayon kay Almario (2014) Ang Ortograpiya ay mula sa salitang Espaniyol na "Ortografia" at sa dalawang salitang Greyego na "Orthos" (wasto) at Graphein (magsulat o sumulat). - Pangunahing tungkulin nito ang paglalapat ng grafema sa pahayag na pasalita at bigkas. ## Ano Naman ang Grafema? - Tinatawag na grafema ang pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiyang Pambansa. - Ito ay binubuo ng tinatawag na mga titik at mga di-titik. - ## Titik - ## Di-Titik - **Ang Tuldik** - Nasa ibabaw ng patinig. - Pahiwatig ng tamang bigkas. - Diacritical marks; accent. - Apat na tuldik: - Pahilis - Diin - Paiwa - Impit - Pakupya - Diimpit - Patuldok - Schwa ## Pantig at Palapantigan - Ang pantig ay maaaring binubuo ng isang patinig, o isang katinig at isang patinig, o dalawa o higit pang katinig at isang patinig. ## Kayarian ng Pantig - Kinakatawan ng P ang patinig at ng K ang katinig. - **Kayarian Salita: ** - PKK - KPKK - KKPK - KKPKK - KKPKKK - **Halimbawa ng: ** - arm, urn - dorm, form - plan, tren - tsart - shorts ## Pagpapantig - **Salita** - aakyat - aklat - transfer - silindro - **Halimbawa ng Pantig: ** - /a.a.yat/ - /ak.lat/ - /trans.fer/ - /si.lin.dro/ - **Pantig ng Inuulit: ** Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lamang ang inuulit. - **Salita** - ibig - alis - **Halimbawa ng Pantig: ** - /i.i.big/ - /a.a.lis/ - **Mali Kung: ** - PAKAKAIBIGIN - MAKAKAALIS - **Tama Kung: ** - PAKAIIBIGIN - MAKAAALIS - **Pantig ng Inuulit: ** Kapag ang salita ay nagsisimula sa kayariang KP, ang unang pantig lamang ang inuulit. - **Salita** - lakad - babalik - **Halimbawa ng Pantig: ** - /la.la.kad/ - /ba.ba.lik/ - **Mali Kung: ** - PAPALAKADIN - PAPABALIKIN - **Tama Kung: ** - PALALAKADIN - PABABALIKIN - **Pantig ng Inuulit: ** Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant claster). Ang unang katinig patinig lamang ang inuulit. - **Mali Kung: ** - Iplaplano - Magtratransport - Magtratrabaho - **Tama Kung: ** - Ipaplano - Magtatransport - Magtatrabaho ## Pagbaybay - Patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronym, daglat, inisyals, simbolong pang-agham. - **Pasulat** - bayan - Fajardo - pa - MERALCO - kapital o/ - **Pasalita** - /bi-ey-way-ey-en/ - /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/ - /pi-ey/ - /kapital em-kapital i-kapital ar-kapital ey-kapital el-kapital si-

Use Quizgecko on...
Browser
Browser