Readings in Philippine History PDF

Summary

This document is an outline of Philippine history, dividing it into three periods: The Community, the Town, and the Nation. It covers the emergence of the ancient Filipino communities, the arrival and settlement of Austronesians, and the rise of ancient Filipino civilizations. The document also discusses the formation of the archipelago, focusing on the periods from 1588 to 1913, the formation of the nation, and the nation's relationship with the provinces, and the issue of independence and identity.

Full Transcript

lOMoARcPSD|6094026 Zeus Salazar - Balangkas ng Kasaysayan 2004 Readings in Philippine History (University of the Visayas) StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) ...

lOMoARcPSD|6094026 Zeus Salazar - Balangkas ng Kasaysayan 2004 Readings in Philippine History (University of the Visayas) StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 KASAYSAYAN NG KAPILIPINUHAN Bagong Balangkas Zeus A. Salazar Lunsod Quezon Disyembre, 2004 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 COPYRIGHT Dr. Zeus A. Salazar 2004 RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN Sarili ng May-akda ang lahat ng karapatan sa buong Balangkas na ito. Hindi maaaring kopyahin ninuman ang buong Balangkas o sipiin ninuman ang alinmang bahagi ng Balangkas sa anumang paraan o kaya gamitin ninuman ang Balangkas sa alinmang layunin nang walang nakasulat na pahintulot ng May-akda. Bagong Kasaysayan Lunsod Quezon 2004 2 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 KASAYSAYAN NG KAPILIPINUHAN Bagong Balangkas (Karapatang Sipi 1991/1999/2000/2004) Dr. Zeus A. Salazar Panimula Ang kasaysayan ng Pilipinas ay mahahati sa tatlong panahon o bahagi -- ang Pamayanan (h-k. 500,000/250,00 BK – 1588 MK), Bayan (1588 -1913) at Bansa (1913 - kasalukuyan). Ang PAMAYANAN ay binubuo ng limang kabanata at tumatalakay sa paglitaw ng sinaunang pamayanang Pilipino, mula sa pagsulpot ng unang tao (h-k. 500,000/250,000-7,000/5,000 BK) sa kapuluan -- magdaan sa 1) pagdating at pamamalagi sa Pilipinas ng mga Austronesyano (h-k. 7,000/5,000 BK h-k. 800 BK) na ang dala-dalang mga kagamitan, kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay ay magiging pinakabatayan o haligi ng uusbong na kalinangang Pilipino; at 2) sa pagkabuo ng sinaunang Kabihasnang Pilipino (h-k. 800 BK – 1280 MK) na natatangi dahil sa namamayaning kalinangang mana mula sa mga ninunong Austronesyano at dahil sa ang panahong ito ang simula ng pagsasambayanan (pagbubuo ng mga estadong bayan o etniko), at ng paglawak ng kalakalan sa loob ng Pilipinas at sa pagitan nito at mga karatig-bayan -- hanggang sa simula ng paglaganap ng Islam sa Sulu, Magindanaw at Maranaw na aabutan ng unang pagsapit ng Kristiyanismo sa Sugbu at ilan pang lugar sa hilagang Mindanaw (h-k. 1280 MK - 1588). Sa pagpasok ng ika-16 na dantaon, masasalamin sa mga pamayanang nabuo ang kaunlaran at kayamanan ng kabihasnang Pilipino sa lahat ng aspeto ng lipunan -- kalinangan, pananampalataya, pulitika, at ekomoniya. Nakatuon naman ang limang kabanata ng BAYAN sa pagkabuo ng estadong pangkapuluan sa batayan ng paglawak ng estado o sambayanan ng Maynila na sasaklaw bilang “estadong kolonyal” sa malaking bahagi ng kapuluan (hanggang 1896), habang nananatiling palaban dito ang nalalabing mga estadong etniko (sambayanan) ng Tausog, Magindanaw at Maranaw, kasama na ang iba pang “malalayang” grupong etnolingguwistiko (kabayanan) na taal sa Pilipino. Tatalakayin ang yugtong ito ng pagkabuong pulitikal ng archipelago, mula sa krisis na daranasin ng (mga) pamayanang Pilipino (1588-1663) patungo sa pagpapalaganap ng mga comandancia militar, pueblo, villa at ciudad na Kastila bilang bagong pag-aanyo ng mga batayang pamayanan o bayan ng Kapilipinuhan (1663-1745); sa pagbalik at panimulang paglampas sa estadong etniko (pagsasambayanan) na isasagawa ng ilang mga kabayanan (Katagalugan, Kailukuhan, Sulu, Bohol, at iba pa) bilang batayan ng pagkakaisa laban sa estadong “kolonyal” (Kastila) na nasasalalay sa estado ng Maynila ni Sulayman-Rajah Matanda (1745-1807). Masasabing magsisimula sa panahong ito ang pagkabuo ng kapuluan sa batayan ng pinalawak na dalumat ng “bayan” na pagdating ng panahon ay magkakaroon ng anyong pangkapuluan sa adhikaing Inang Bayan ni Bonifacio. Nakaugat pa ang prosesong ito sa panahong Austronesyano; samantalang ang paglaganap ng ideyang Europeo/kanluranin ng “nación” ay lilitaw lamang sa panahon ng “Bayang Pilipino: Katutubo at Banyaga” (1807-1861), bagay na magbibigay-daan sa pagkakahati ng lipunan sa dalawang magkatunggaling kalinangan, kamalayan at puwersang sosyo-pulitikal at pang- ekonomiya -- ang taal na bayan at ang inangkat mula sa Kanluran na nación (1861-1913). Dulot nito, magkakaroon ng magkaibang direksyong ekonomiko-pulitikal at panlipunan ang bagong kabuuang sosyo-pulitikal ng Kapilipinuhan sa pagsapit ng ika-20ng dantaon. 3 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Ito ang paksa ng BANSA (1913 – kasalukuyan). Nasasalalay ito sa paglaganap ng hangarin ng mga elit (nangangastila sa simula at Inglesero pagdating ng oras) na mabuo ang bansa sa direksyong itinakda ng nación (nasyon) na dulot ng Propaganda -- na ang simula ng pamamayani sa larangang pulitikal ay bunga ng kudeta nina Aguinaldo sa Tejeros at ang pagpatuloy nito sa pagdating nitong huli sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898 lulan ng isang boke-de-giyerang Amerikano, matapos isuko ang Himagsikan noong Disyembre 1897 sa Biak-na-Bato -- habang patuloy pa ring adhikain ng Bayan ang masaklaw ang Kapilipinuhan sa loob ng isang bansa bilang pinalawak na Inang Bayan. Tema ng dalawang patunguhan ang “kalayaan” at “kasarinlan.” Mas nakatuon sa “kasarinlan” (bilang “pagsasarili” at “identidad”/“kakanyahan”) ang (mga anak ng) Inang Bayan, samantalang mas importante ang “kalayaan” (bilang “independensya” o “kalayaang pulitikal” o/at pang-ekonomiya) para sa mga nagtataguyod ng “nasyon.” Ang apat na kabanata ng BANSA ay tumatalakay sa adhikaing mapalaya ang sarili, ang makapagbukod at magkaisa/mapag-isa ang Kapilipinuhan (1913-1946); sa paggawad ng “kalayaan” sa kaelitan ng Pilipinas at sa kinalabasan nitong malaking pagsubok sa estadong nasyonal dulot ng krisis sa identidad at sa sistemang panlipunan (1946-1972); sa paghahanap ng “kasarinlan” sa ilalim ng Batas Militar bilang lihis na landasin (1972-1986); at sa pagtutuwid nito sa pamamagitan ng pagbabalik sa “demokrasya” at patuloy na pagharap sa suliranin ng kasarinlan (bilang identidad/kakanyahan at tunay na pagsasarili) at “kaunlaran” (1986-kasalukuyan), kung kailan lalong magiging malinaw ang kontradiksyon sa pagitan ng kaelitang pulitikal at pang-ekonomiya na may kulturang Kanluranin (Inglesero) at ng Bayang tapat sa sariling (mga) wika at kalinangan. Dayagram 1 KASAYSAYAN NG KAPILIPINUHAN Bagong Balangkas Unang Bahagi Ikalawang Bahagi Ikatlong Bahagi INTRO- PAMAYANAN BAYAN BANSA KONKLUSYON DUKSYON (H-K. 500,000/250,000 BK- (1588-1913) (1913-Kasalukuyan) 1588 MK) A. Bakit,Para Panimula: Ang Pagkabuo ng Panimula: Ang Pagkabuo ng Panimula: Nasyon at Bayan sa Perspektiba: Kanino, mga Estadong Bayan Estadong Pangkapuluan Pagbubuo ng Bansa Kabuuan at Pambansang Papaano I. Sicalac at Sicavay: VI. Krisis ng Pamayanang XI. Iisang Adhikang Kabihasnan B. Kalagayan at Pilipino (1588-1663) Kalayaan: Sinaunang Pilipino (h-k. Kapaligiran VII. Bayan, Pueblo at Magkasalungat na 500,000/250,000 BK – h- K. Pagkabuo ng k. 7,000/5,000 BK) Ciudad: Bagong Pagbubuklod (1913- Kapuluan II. Ang mga Austronesyano Pamayanan (1663- 1946) D. Buod ng sa Pilipinas (h-k. 1745) XII. Estadong Nasyonal at 7,000/5,000 BK – h-k. VIII. Batayan ng Pagkakaisa: ang Pagbubuong Bayan Aklat 800 BK) Balik sa Estadong (1946-1972) III. Sinaunang Kabihasnang Bayan (1745-1807) XIII. Paghahanap ng Pilipino (h-k. 800 – 1280 IX. Bayang Pilipino: Kasarinlan: Lihis na MK) Katutubo at Banyaga Landasin (1972-1986) IV. Estadong Bayan sa (1807-1861) XIV. Paghahanap ng Paglaganap ng Islam (h- X. Bayan at Nación (1861- Kasarinlan: Masalimuot k. 1280 – 1588) 1913) na Pagtutuwid ng V. Kabihasnang Pilipino sa Landas (1972-2004) Ika-16 na Dantaon Pagbubuod: Pagbubuod: Pagbubuod: Nasyonalismo, Kalinangan, Pamayanan at Kalayaan at Kasarinlan Pagkamakabayan at Sambayanan (Pagbuo ng Diwang Pambansa Estadong Bayan o Etniko) 4 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 PAMAYANAN Ang Unang Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (h-k. 500,000/250,000 BK - 1588 MK) Ang pamayanan ay ang pagkakaugnay-ugnay ng mga sinaunang Pilipino bilang mga simpleng grupo, bayan at sambayanan o estadong bayan. Sa simula ng ating kasaysayan noong h-k. 500,000/250,000 BK, ang yaman ng ating kalinangan ay masasalamin, higit sa lahat, sa mga labing arkeolohikal at sa mga mito’t kaalamang-bayan ng mga sinauna’t kasalukuyang komunidad [Kabanata I]. Sa pagdating ng mga Austronesyano, nagkaroon ng malaking pag- unlad ang kalinangan. Sa paglitaw ng mga metal tulad ng ginto at bakal, napaunlad nang husto ang mga pinamana ng mga ninuno sa larangan ng agrikultura, pagpapalayok, pagpapanday at iba pa [Kabanata II]. Dahil sa mga pag-unlad na ito, umusbong ang sinaunang kabihasnang Pilipino [Kabanata III] na may angkop na pantayong pananaw ang bawat pamayanan. Nagkaroon na rin ng mga pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa mga karatig na lugar at ng pakikipagpalitan ng mga kalakal, bagay at ideya mula at patungong Tsina at Timog-Silangang Asya. Sa dulo ng panahon ng Pamayanan ay lalaganap ang Islam sa Sulu (h-k. 1280 MK) at ang maagang Kristiyanismo sa Sugbu (1521) at Maynila (1572) [Kabanata IV]. Sa pagpasok ng ika- 16 na dantaon, buo na’t maunlad ang kabihasnang Pilipino. May patunguhan na rin ang pagbubuo ng estadong Pilipino bilang sambayanan [Kabanata V]. Kabanata I Sicalac at Sicavay: Sinaunang Pilipino (h-k. 500,000/250,000 BK – 7,000/5,000 BK) h-k. 1,000,000 - h-k. 250,000 BK. h-k. 150,000 - h-k. 28,000 - h-k. 7,000 BK h-k. 100,000 BK h-k. 7,000/5,000 BK Ang Heyograpikong Paleolitiko: Novaliches, Rizal, Palawan at ang Homo Kalagayan ng Pilipinas Cagayan at ang Homo Batangas: Maagang sapiens sapiens noong Pleistocene erectus Homo sapiens Naipaliliwanag ng mga pamayanang Pilipino ang kani-kanilang pinagmulan sa pamamagitan ng mga mitolohiya’t kuwentong bayan. Pinakapopular sa mga ito ang mito tungkol kina Malakas at Maganda kung saan nakasaad na ang mga ito, bilang sinaunang mga magulang, ay nagmula sa kawayang biniyak sa tuka ni/ng Tigmamanukin. Di nalalayo rito ang kuwento tungkol kina Sicalac at Sicavay ng mga “Yligueynes” (Hiligaynon) at sa unang mag-asawang Mandaya. Gayumpaman, mas siyentipikong mailalarawan ang panahon ng sinaunang Pilipino sa pamamagitan ng mga labíng arkeolohikal, fossil (hayto) man o artefakt (liktáo). Ang Pleistocene (h-k. 1,000,000 - h-k. 7,000 BK) Ang panahong ito ay kinakitaan ng malalaking pagbabagong heolohikal at pangkalinangan. Tampok dito ang paglitaw ng “continental shelves” sa iba’t ibang bahagi ng Timog Silangang Asya. Naipaliliwanag ang paglitaw na ito sa pagsiyasat sa mga piryodong 5 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 glasyal at inter-glasyal. Sa panahong glasyal, nagyeyelo sa matataas na lugar ng mundo at dulot nito, bumababa ang lebel ng tubig dagat. Dahil sa pagbaba ng tubig-dagat na nakapaligid sa kontinente ng Asya at Australya naglilitawan/nabubuo ang malalaking lupaing dating nakalubog sa dagat ang ilang bahagi (kapuluan): ang Sundaland, Sahulland at Wallacea. Itong huling teritoryo ay nasa pagitan ng unang dalawa. Bahagi ngayon ng Asya ang Sundaland. Binubuo ito ng mga rehiyong nakapaloob sa Sunda shelf. Nagsisimula ito sa tangway ng Malaya patungong Sumatra, Dyawa, Kalimantan, Palawan at ibang maliliit na pulo tulad ng Kapuluang Riau at Lingga. Ang Sahulland naman ay binubuo ngayon ng Irian (New Guinea) at Australya kung saan kabilang ang ilang lupaing malapit sa Timor. Samantala, ang Wallacea ay matatagpuan sa pagitan ng Sundaland at Sahulland, mula sa Lumbok at Bali patungong Sulawesi, Molukas, baybay-dagat ng Kalimantan at liliko sa ibayo ng mga pulo sa pagitan ng Sulawesi at Mindanaw, gayundin ang Sulu, kanlurang baybay-dagat ng Luzon hanggang sa mga pulo ng Batanes. Ilang bahagi ng tatlong malalaking lupain o teritoryong nabanggit ay lumilitaw at lumulubog sa bawat glasyal at interglasyal. Sa huling dako ng panahong pleistocene, nagkaroon ng mga pagsabog ng bulkan at paggalaw ng mga “plates” sa ilalim ng lupa. Nasa isang panahong interglasyal tayo sa kasalukuyan. Pinaniniwalaang ang pagdating at paglaganap ng tao, hayop at halaman ay sa pamamagitan ng pagtawid ng mga tulay-lupa na nagdurugtong sa mga kalupaan sa mga panahong interglasyal. Taglay ng mga sinaunang tao ang kanilang uri ng pamumuhay at mga halaman at hayop mula sa pinanggalingang lugar. Cagayan at ang Homo erectus philippinensis (h-k. 500,000/250,000 BK) Ipinapalagay na ang mga sinaunang taong nanirahan sa Pilipinas ay nabuhay noong h-k. 500,000/250,000 BK. Gumamit sila ng mga magagaspang na kasangkapang bato. Sa Cagayan natagpuan ang kasalukuyang pinakamatandang katunayan ng kanilang pag-iral. Bagamat walang haytong natagpuan sa lambak ng Cagayan, ang mga artefakt o kasangkapang bato at labi ng ilang mga hayop dito ay maihahalintulad sa mga labi at kagamitan ng Homo erectus javanensis. Novaliches, Rizal at ang maagang Homo sapiens (150,000 - 100,000 BK) Natagpuan sa Novaliches, Rizal, at Batangas ang mas makikinis at mas matutulis na kasangkapang bato. Ang mga taong nanirahan sa mga naturang lugar ay ipinapalagay na nasa baitang ng Homo sapiens, kumpara sa Homo erectus ng Cagayan. Palawan at ang Homo sapiens sapiens (28,000 - 7,000/5,000 BK) Sa Yungib Tabon sa Palawan natagpuan ang mga pinaka-kongkretong ebidensya ng modernong tao. May natagpuang mga hayto (partikular, ang bao ng bungo at panga ng isang babae), kagamitang mas maayos kaysa sa mga gamit ng Homo erectus at Homo sapiens. Ang uri ng tao ay Homo sapiens sapiens. Batay sa natagpuang uling masasabing gumamit din sila ng apoy. 6 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Kabanata II Ang mga Austronesyano sa Pilipinas (h-k. 7,000/5,000 BK - h-k. 800 BK) Huling Pleistocene Bago h-k. h-k. 7,000/5,000 – h-k. 4,500 – h-k. 1,500/1,300 – 7,000/5,000 BK h-k. 4,500 BK h-k. 1,500/1,300 h-k. 800 BK BK Hoabinhia at Unang Duyan ng Kalinangang Pangalawang Bagong Matandang Paglaganap ng Austronesyano sa Duyan ng Kalinangang Melanesya Austronesyano Pilipinas Paglaganap ng Austronesyano Austronesyano Hoabinhia at Matandang Melanesia (Huling Pleistocene) Hoabinhia ang tawag sa kasalukuyang kinatatayuan ng Timog Tsina at Hilagang Vietnam. Mahalaga ang Hoabinhia dahil may natuklasang kulturang paleolitiko rito. Matandang Melanesia naman ang tawag sa ngayong kilala bilang Insulinde o Indo- Malaysia (kasama ang Pilipinas). Unang Duyan ng Paglaganap ng Austronesyano (Bago h-k. 7,000/5,000 BK) Mahalaga ang Hoabinhia at ang Matandang Melanesya sa pag-intindi ng dalawang teorya ukol sa pinagmulan at paglaganap ng mga Austronesyano, ang pinagmulan ng mga Pilipino, Indones, Malayo at mga taga-Pasipiko (Mikronesya, Melanesya at Polynesya). Ayon sa una at mas laganap na teorya, nagmula ang mga Austronesyano sa Hoabinhia at lumipat/lumaganap sa Taiwan bago tumuloy sa Pilipinas at, mula rito, tumungo sa Pasipiko, Indo-Malaysia at Madagaskar. Ang ikalawang teorya naman ay nagsasaad na nagmula sa Matandang Melanesya mismo (sa partikular, sa rehiyon ng Timog Pilipinas at Silangang Indonesya) ang mga Austronesyano o Nusantao at lumaganap mula rito patungong Taiwan, Indonesya, Mikronesya at Polinesya. Dahil mas nakatuon sa mga datos, mas pinaniniwalaan sa ngayon ang unang teorya. Kalinangang Austronesyano sa Pilipinas (h-k. 7,000/5,000 - h-k. 4,500 BK) Tumutugma ang pagpasok ng mga Austronesyano sa Pilipinas sa panahong Neolitiko. Kasangkapang batong pinakinis ang kalakaran sa panahong ito. Ginamit ito ng mga Austronesyano sa paggawa ng mga sasakyang pandagat na kanilang ginamit sa paglipat-lipat ng lugar. Ang tipikal na mga kasangkapan sa paggawa ng bangka (wangka) ay mula sa tridacna gigas, mga kabibeng malalaki. Mga halamang ugat ang pinakalaganap na pagkain ng mga Austronesyano. Ilang halimbawa nito ang gabi at ube. Pangalawang Duyan ng Paglaganap ng Austronesyano (4,500 - 1,500/1,300 BK) Tinataya na bandang 1,500 BK nakarating na ang mga Austronesyano sa Polinesya; noong h-k. 4,000 BK nagsimula ang kanilang migrasyon tungo rito, habang 4,500 BK silang tumulak patungong Indo-Malaysia. Sa pagitan ng 4,500 BK at 1,500 BK, samakatuwid, naging pangalawang duyan ng paglaganap ng mga Austronesyano ang Pilipinas. Sa Duyong Cave may natagpuang isang kalansay na nakalibing sa isang “fetal” na posisyon na tinatayang may tandang 2,800 BK. May katabing kagamitan itong gawa sa tridacna gigas na pagdating ng oras ay naging tipikal sa Polinesya. May nakita ring apog na ginagamit sa nganga, patunay na noon pang 7 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 2,800 BK ay nagnganganga na ang mga Austronesyano sa Pilipinas. May natagpuan din sa Sulu na mga bibinga (shard) ng palayok na may bahid na pula, tulad ng sa kapalayukang Lapita sa Polinesya pagkatapos. Bagong Kalinangang Austronesyano (1,500/1,300 - 800 BK) May dalawang katangian ang panahong ito: ang paglitaw ng palay at ng paglilibing sa tapayan sa bandang 1,500 BK. May ilang implikasyon ang paglinang ng palay. Una ay mapipilitang magkaroon ng permanenteng mga tirahan ang mga Austronesyano. Kinakailangan ang pagbabantay sa mga tanim upang maalagaan. Maliban na lamang sa palay-kaingin na hindi nangangailangan ng tubig, ang palay ay nangangailangan ng mas maunlad na sistema ng irigasyon at pagsasaka. Ito ay masusuportahan ng paglitaw ng mga metal sa susunod na panahon (Kabanata III). Ang paglilibing sa tapayan ay isa ring katangian ng bagong kalinangang Austronesyano sa Pilipinas. Sa ganitong sistema ay may dalawang paglilibing na nagaganap. Una ay inililibing ang mga patay upang paagnasin ang laman ng bangkay. Sa pangalawang paglilibing ang mga buto ay lilinisin at ipapasok sa tapayan bago muling ilibing. Kabanata III Sinaunang Kabihasnang Pilipino (h-k. 800 BK - h-k. 1280 MK) h-k. 800 – h-k. 200 BK h-k. 200 BK – 900 MK 900 – h-k. 1280 MK Sa Bungad ng Pagbabago Pagbabagong Anyo at Pakikipag- Estadong Bayan at Ibayong Dagat ugnay Sa Bungad ng Pagbabago (800 - 200 BK) Tinatayang mula 800 BK ay nagsimulang maging laganap ang mga metal na hindi pa bakal. Ang ilan sa mga uri ng metal na ito ay ang ginto, tanso at ang tansong dilaw. Dekorasyon ang naging pangunahing gamit ng mga ito at hindi gaano natuon sa pagiging kasangkapang pangkabuhayan. Sa panahong ito mas naging uso ang paggawa ng mga palayok na laganap na noong una sa paglilibing sa tapayan. Ang paglilibing na ito ay madalas na iginagawad sa di- pangkaraniwang mga mamamayan. Ginagamit din ang mga kabaong na gawa sa kahoy. Palatandaan din sa mga libingan sa panahong ito ang mga manik (beads) na karnelyan. Hindi lang pandekorasyon ang makukulay na manik, ginamit din ang mga ito bilang anting- anting ng mga sinaunang Pilipino. Pagbabagong Anyo at Pakikipag-ugnay (200 BK - 900 MK) 200 BK ang tinatakdang petsa ng paglitaw ng bakal sa Pilipinas. Bagamat may ilang nagsasabing 300 BK pa ginagamit na ang bakal, ang petsang 200 BK ay pinili dahil na rin sa petsang karbon 14 na nakuha sa isang sampol mula sa yungib ng Manunggul. Ang pagtunaw ng bakal ang isa sa pinakamahalagang prosesong natutunan sa panahong ito kaya ang bulusang malayo ay karakteristiko sa panahong ito. Gawa sa dalawang pahabang kawayan, ang may hawak ay maaaring magbomba ng hangin sa baga upang palakasin ang apoy na tutunaw sa bakal. 8 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Ang pagkabihasa sa paggamit ng bakal ay nagdala ng kaunlaran sa pangigisda, pangangaso at sa agrikultura. Ang Terasang Palayan ng mga Ifugao ay isang halimbawa ng isa sa mga kaunlaran sa agrikultura ng mga panahong iyon. Nakagawa rin sila ng sistema ng irigasyon dahil na rin sa mas maunlad na kasangkapan. Nakahabi rin sila ng tela mula sa halamanan higit sa lahat mula sa abaka. Maipapalagay na nagsimula ang pagsasambayanan o pagbubuo/pagkabuo ng mga estadong etniko (sambayan) sa panahong ito at lalo pa sa susunod na panahon (900 – h-k. 1280 BK) [tingnan ang MAPA]. MAPA Mga Pangunahing Pagsasambayanan o Pagbubuo ng Estadong Etniko mula sa Pagsapit ng Panahong Kristiyano hanggang 1000 MK kaugnay ng Ruta ng Kalakalan Kabikulan Libmanan Rebisyon (2004) ng Salazar 1996 9 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Estadong Bayan at Ibayong Dagat (900 – h-k. 1280 MK) Hindi maitataguyod ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga estado sa ibayong dagat kung hindi nila napaunlad ang kanilang kaalaman sa paggawa ng mga sasakyang pandagat. Balanghay ang tawag sa isa sa mga sasakyang-dagat na ito. Sa Butuan ay may mga nahukay na labi ng mahahabang bangkang gawa sa mga tablang pinagdikit-dikit sa pamamagitan ng mga pakong kahoy na ipinasak sa mga butas. Tinatayang 300 MK - 900 MK ang pinagmulang panahon ng mga ito. Dahil sa pag-unlad na ito ay naitatag ng mga estadong bayan ang isang sistema ng komersyo sa pagitan nila mismo at ng mga bayan sa ibayong dagat. Lumitaw ang mga sistema ng pamahalaan at organisasyon. Lumaganap din ang mga sistema ng pagsusulat. Sa ilog Lumbang, Laguna ay may natagpuang 20x30 cm na copperplate na may nakasulat na kasunduan sa tila pinaghalong Malayo, Tagalog at Javanese. Mahalaga ang copperplate na ito hindi lamang dahil sa patunay ng sa pagkakaroon ng sistema ng pagsusulta kundi mahalaga rin ito dahil sa mga lugar na tinutukoy rito bilang kasama sa komersyo ng nasabing panahon. Ang Tundun (Tondo), Puliran (Pulilan, Buacan) ay iilan lamang sa mga lugar na nabanggit sa Laguna Copperplate, malamang bilang mga bahagi ng isang pagsasambayanan sa Bulakan at Kamaynilaan. 900 MK ang petsa ng Laguna Copperplate. Kabanata IV Ang Estadong Bayan sa Paglaganap ng Islam (h-k. 1280 – 1588) 1280 – 1380 1380 – 1450 1450 – 1515 1515 – 1588 Tuan Masha’ika: Karim-ul-Makhdum: Pag- Sultan Abubakr: Pag- Sultan Kabungsuwan at Maagang Islam uugat ng Islam aangkin ng Islam Raha Sulayman: Kaibayuhan ng Islam Tuan Masha’ika: Maagang Islam (h-k. 1280 – 1380) Sa mga panahon bago sumapit ang 1280 MK ay hindi pa nakapapasok ang Islam sa Pilipinas. Sa mga panahong ito naging sentro ng komersyo ang Sulu. Dahil dito, napadpad si Tuan Masha’ika, isang Malay na Muslim. Sinasaad sa Henealohiya ng Sulu na itong si Tuan Masha’ika ang unang nagdala ng Islam sa Pilipinas. Ang tuan sa kanayang pangalan ay nangangahulugang “ginoo” at ang masha’ika ay nangangahulugang pinunong matanda. Tumira si Masha’ika sa Maimbung at napangasawa ang anak ni Rajah Sipad, isang pinuno (radya) ng Sulu. Sa kasal na ito sinimulan ni Tuan Masha’ika na pagsamahin ang mga tradisyong Muslim sa mga sinaunang kaugalian. Hindi lang dito makikita ang paghahalo ng Muslim at mga kaugaliang Austronesyano. Karamihan sa mga libingang Muslin sa Sulu magpahanggang ngayon ay may anyong bangka tulad ng sa iba pang lugar sa Pilipinas. Karim-ul-Makhdum: Pag-uugat ng Islam (1380 – 1450) Ang patuloy na pag-ugat ng Islam ay hindi magaganap kung hindi dahil sa patuloy na pagdating ng ibang mga Muslim na malakas ang naging impluwensya sa mga taumbayan ng Sulu. Isa na rito si Karim-ul-Makhdum. Siya ay sinasabing may galing sa mahika at tiningala 10 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 bilang isang guro at propeta. Nagpatayo siya ng moske sa Tubig Indangan sa Simunol, Tawi- tawi. Sinasabing sa Tandau banak nakalibing si Karim-ul-Makhdum. Sultan Abubakr: Pag-aangkin ng Islam (1450 - 1515 ) 1450 nang dumating si Abubakr sa Pilipinas. Mula siya sa Palembang at nang dumating siya sa Sulu ay nakasama niya si Rajah Baginda. Pinaniniwalaang nakuha ni Abubakr ang titulong “sultan” ng mapangasawa niya si Paramisuli, ang anak ni Baginda. Sharif-ul-Hashim at Zein-ul-abidin ang ilan lamang sa mga titulo o katawagan ni Abubakr. Ang pagpapatayo ng madrasa o paaralan ng Qur’an, ang isa sa mga kontribusyon niya sa pag-aangkin ng mga estadong bayan ng Sulu sa Islam. Ginamit ni Abubakr ang tradisyunal na pagtuturo ng mga propeta ng Qur’an na kung tawagin ay Hadith. Marami siyang tinuruang mga magiging guro ng pag-aaral ng Qur’an. Ang pinakamalaking impluwensya ni Abubakr ay sa pulitikal na aspeto ng Islam. Marami rin siyang mga kontribusyon sa mga batas ng Sulu ukol sa Islam at sa pamamahala. Sultan Kabungsuwan at Raha Sulayman: Kaibayuhan ng Islam (1515 - 1588 ) Mula kay Sultan Kabungsuwan hanggang sa mga radya/raha ng Maynila ang saklaw ng seksyong ito. Dumating si Kabungsuwan noong 1515 sa Maguindanao. Sinasabing ang kanyang pagkakasal sa mga anak ng mga pinuno ng mga karatig bayan ay ang naging batayan ng kanyang paghahari sa lugar. Malawak ang naging sakop ng kapangyarihan ni Kabungsuwan. Mula Maguindanao, umabot ito hanggang Cotabato at tumuloy pa sa Zamboanga. Sa Maynila naman, nang dumating dito si Legazpi, sina Raha Sulayman at Raha Matanda ang malalakas na pinunong Muslim. Hindi ito katakataka dahil may kaugnayan sina Matanda at Sulayman sa Sultan ng Brunei na noon ay tumatangkilik sa Islam. Prinsipe ng Brunei si Raha Matanda na siyang tiyo naman ni Raha Sulayman. Nasa ganitong antas ng kaayusan ang Maynila nang dumating ang ekspedisyong Kastila sa Pilipinas noong 1570. Si De Goiti ang namuno ng unang ekspedisyon na sinundan naman ng ekspedisyon ni Legaspi. Parehong hindi tinanggap ni Kabungsuwan ang mga ekspedisyon ngunit sa huli ay napilit nila si Sulayman na tanggapin ang mga dayuhan. Sa panahong 1588 ay natuklasan ang isang pagsasabwatan ng mga radya mula sa Brunei at sa ilang taga-Maynila. Dahil sa pagkkatuklas na ito ay lalakas ang pagnanasa ng mga Kastilang palakasin ang kanilang puwersang militar sa Pilipinas at mauudlot ang paglagnap ng Islam sa karamihan ng mga bayan sa Luzon. Kabanata V Kabihasnang Pilipino sa Ika-16 na Dantaon Ika-16 na Dantaon Ang Pamayanan: Kabuuan: Batayan: Datu, Kapangyarihan: Ugnayan: Ilog, Isang Paglalagom Balanghay, Bayan Babaylan, Bayani, Hari, Radya, Sultan dagat at Ibayong- at Pamayanan Manghahabi/ dagat Mamamalayok, Panday 11 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Ang Pamayanan: Isang Paglalagom Mailalarawan ang buong bahaging Pamayanan sa pagtalakay sa mga kabuuang sosyo- pulitikal ng mga Pilipino sa panahong iyon; sa mga batayan ng kapangyarihan at kabuhayan na matatagpuan sa panahong iyon; sa mga pinagmumulan ng kapangyarihan sa mga nabanggit na kabuuan; at sa mga paraan at daan ng pakikipag-ugnayan ng mga ito sa isa’t isa at sa ibayong dagat. Kabuuan: Balangay, Bayan at Pamayanan Ang balangay ay madalas na napagkamalang isang uri ng kabuuang pulitikal, ngunit sa katunayan ito ay isang pagbubuklod ng isang kamag-anakan na ang pangunahing pakay ay ang pagpapataas ng produksyong agrikultural. Ang salitang balangay ay nangangahulugang bangka. Komunidad ito ng mga kamag-anak na pinamumunuan ng isang datu; sa simula maisasakay sila sa isang balangay. Ang kaayusan sa mga balangay na ito ay mailalarawan sa tatlong uri ng mamamayan. Ang unang uri ay maginoo at dito nagmumula ang datu at ang kanyang pamilya. Ang timawa/maharlika naman ay ang uri na binubuo ng mga “malalaya.” Hindi sila alipin o kamag- anak ng datu, ngunit maaari silang mangalakal kasama nito at magbungkal ng lupa ng datu. Nagbabayad lamang sila ng buwis. Ang alipin ay nagsisilbi sa datu. Sila ay kadalasang mga bihag mula sa ibang mga nakaaway na grupo. Bayan naman ang tawag sa isang grupo ng mga baranggay na nagsasanib puwersa dahilan sa panahong digmaan, kalakal o dahil sa kasal. Ang pinakamalakas na datu sa isang bayan ang siyang tinatawag na hari; ito’y maaaring may kapangyarihan din sa ibang bayan. Tulad ng natukoy na, ang hari’y naging radya/raha at pagkatapos sultan sa ilang lugar. Batayan: Datu, Babaylan, Bayani, Manghahabi/Mamamalayok, Panday Ang pamumuno sa balangay ay nakasalalay sa datu. Madalas siya ang pinakamalakas, matalino at mayaman sa buong balangay. Magkaugnay ang batayang datu at ang bayani dahil sa ang bayani ay ang naituturing na tagapagtanggol sa balangay laban sa karahasan, kaya kung hindi ang datu mismo ang nagiging bayani ng balangay ay mayroon siyang iilang bayani na inaatasan bilang tagapagtanggol ng baranggay. Katumbas na salita ng bayani ang “berani” ng Malayo. Pagdating sa paggawa na mga kagamitan, ang panday ang batayan. Katulad ng bayani, ang salitang panday ay may katumbas sa ibang mga kabihasnang Austronesyano. Sa Sumatra, Indonesya, “pande” nangangahulugang bihasang kamay. Ang salitang ito naman ay nangangahulugang panday sa bakal para sa mga Javanese, tulay ng sa Tagalog at sa Bikol, kung saan “panday” rin ang “karpintero” o “anluwagi.” Karaniwang lalaki ang panday, samantalang babae naman ang manghahabi at mamamalayok. Nagkakatulong naman ang mga babae’t lalake sa agrikultura. Sa astronomiya, relihiyon at medisina, ang babaylan ang batayan. Siya ang namamahala sa mga ritwal. Kinakausap din niya ang mga anito upang maitakda ang panahon ng pagtatanim. Siya rin ang namamahala sa pagdiriwang na isinasagawa para sa mga pumanaw na kababayan. Ang bawat batayan na ito ay may iisang tungkulin. Tungkulin nila ang siguraduhing ang kaginhawaan ng buong baranggay. Sa aspetong pulitikal, ang datu ang namamahala. Sa kanyang 12 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 kasanayang militar, ang bayani naman ay nagpapairal ng kapayapaan at sa pamamagitan nito, kaginhawaan. Ang ginhawang dulot ng kalusugang espiritwal naman ay kapanagutan ng babaylan. Ang kasanayan ng panday sa paggawa ay siya ring nagdudulot ng kaginhawan sa pamamagitan ng mga sandata para sa mga mandirigma, kasangkapan sa paggawa ng mga sasakyang-dagat at sa paggawa mismo ng panday ng mga bahay. Nakatutulong din sa kaginhawahang materyal at pangkabuhayan ang mga manghahabi at mamamalayok. Lahat ay tumutuloy sa agrikultura na ang pinakabatayang yunit ay ang balangay. Dayagram II PAG-UUGNAY NG MGA DALUMAT NG KALULUWA AT GINHAWA Sa Kabuuang Sosyo-Pulitikal sa Dating Kalinangan 13 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Kapangyarihan: Hari, Radya, Sultan Hindi ang datu ang pinuno ng pinakapayak na kaayusang pulitikal sa pamayanang Pilipino. Pinuno lamang siya ng balanghay bilang isang grupo ng kamag-anakan at mga kaugnay na tao. Ang hari ang siyang namumuno sa bayan bilang pagbubuklud-buklod ng mga balangay. Pinakamalakas na datu siya na nakuhang pagsama-samahin ang ilang mga datu. Ang hari ay magiging radya/raha sa mga lugar na nagkaroon ng ugnayan sa Indomalaysia. Pagkatapos, pagsapit ng Islam, ang ilang radya’y magiging sultan sa paglawak ng kanilang teritoryo. Ugnayan: Ilog, Dagat at Ibayong-dagat Mahalaga ang papel ng mga ilog sa pagkabuo ng pamayanang Pilipino. Naging paraan ng komunikasyon ang mga ilog. Naging ruta rin ng komersyo ang ilog. Ang Tondo at Maynila ay ilang halimbawa ng mga bayang nagkaroon ng ugnayan dahil sa ilog. Ang dapat ay isa ring puwersang nag-uugnay sa mga estadong bayan. Ang isang halimbawa ay ang kapuluan ng Leyte. Nahahati ito sa gitna ng isang mahabang kabundukan. Sa kanang bahagi nito, ay matatagpuan ang Samar at sa kaliwa ang Cebu. Dahil sa dagat, lumaganap ang kabihasnang Cebuano sa kaliwang bahagi ng Leyte habang ang kanang bahagi ay nanatiling Waray. Ipinapakita ng halimbawang ito na kahit magkahiwalay ang Cebu at Leyte, ang dagat ay nakapagbubuklod. Ang ugnayan naman sa ibayong dagat ay nagdala ng kalinangang dayuhan sa Pilipinas. Sa Hilagang Luzon, nakipag-ugnay ang mga Pilipino sa Hapon. Sa Pangasinan at La Union, Intsik naman ang kanilang kakalakal. Ang Maynila, Batangas at Mindoro ay nakipagkalakal sa Intsik. Sa Visayas, ang Cebu ay naging sentro ng kalakalan. Radya Sulayman ng Maynila 14 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Pagbubuod: Kalinangan, Pamayanan at Estado Pinakatema ng unang yugtong ito ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan ang pagkatamo ng isang may kasarinlang uri at lebel ng kalinangan (Kabanata V) dulot ng pagkabuo ng mga pamayanan bilang pagkakaugnay-ugnay ng mga bayan at kabayanan. Tumutungo ang mga pamayanan sa pagsasambayanan o pagbubuklud-buklod sa larangang sosyo-pulitikal at pang- ekonomiya, mula sa orihinal na kaharian hanggang sa mga anyo nitong karadyahan/karahaan at sultanato. Ang mga kabuuang ito -- mula sa pinakasimpleng kadatuan hanggang sa mas masasalimuot na estadong bayan (kaharian, karadyahan, sultanato) -- ang siyang magiging batayan ng pagkabuo ng estado o sambayanan ng buong kapuluan na siyang paksain at direksyon ng susunod na yugto ng BAYAN. Mabibigyang-linaw ito sa Dayagram III. Dayagram III BANUA-BAYAN-ESTADONG BAYAN-ESTADONG KOLONYAL ESTADONG NASYONAL NG PILIPINAS HARING BAYANG KATAGALUGAN AUSTRONESYANO ISLAM Malayo-Indiyano ca. 1280 R S “Sultan” ng Sulu (1450) A U “Sultan” Kudarat (ika-17ng dantaon) H L “Sultan” ng Maranaw (ika-18ng A T dantaon) A 7000BK 900MK N Laguna “HARI” Copper Plate Ari (Austro.) Raden [ra-adi-an] ≠ 1 9 (Dyawa) Ari (Ilok.) “Panahon “RAHA” ng 1 Hadi (Bikol) MAYNILA 3 ng mga Raha” 1 Estadong Estadong 1 5 Kolonyal ng 8 Nasyonal ng 8 9 “Filipinas” 8 “Filipinas” 7 Estadong Bayan (Kaharian-Karahaan-Sultanato) 1 HARING BAYANG Banua ⎝ Bayan 8 9 KATAGALUGAN 6 Estadong Kolonyal ⎝ Inang Bayan Rebisyon ng Salazar, 1998 15 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 BAYAN Ang Ikalawang Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (1588 – 1913) Sa ikalawang yugto ng kasaysayan ng Kapilipinuhan -- ang panahon ng Bayan (1588- 1913) -- ang Pamayanan, bilang watak-watak na mga kabayanan, ay tutungo sa pagkabuo bilang isang Bayan sa anyo ng estadong pangkapuluan. Sa simula (1588-1663), makakaharap ng Sinaunang Pamayanan ang isang krisis: ang pagtatagpo ng mga estadong bayan o sambayanan sa isang dako at, sa kabilang dako, ng itatatag ng banyaga na estadong kolonyal sa batayan ng dating estadong bayan ng Maynila. Sa agos ng panahon, masasaksihan ang pamaya’t mayang pagtutuos ng mga ito - - i.e., ng mga komunidad na “lumad” at ng mga estadong Muslim laban sa Kastila [Dayagram IV] -- kaalinsabay ang paglawak ng dalumat at reyalidad ng Bayan sa loob mismo ng sistemang kolonyal, tungo sa paglitaw rito ng dalawang modelo o proyekto ng pagbubo ng “Bansa” [Dayagram VI]. Ang una ay ang “Inang Bayan” na nakaugat sa tradisyon ng bayan. Binibigyang halaga nito ang kapatiran, damayan, pantay na karapatan at ganap na kasarinlan. Ito ang siyang layuning pinanghawakan at kinasandigan ni Bonifacio at ng mga Anak ng Bayan sa panahon ng Himagsikan. Ang pangalawang proyekto ay ang nación/nasyon ng mga akulturadong elit na bilang mga “Filipinos” ay nakahulma sa kulturang/sibilisasyong Europeo/Kanluranin [Dayagram V]. Sa pagsapit ng 1896, puputok ang Himagsikang pangungunahan ng Bayan. Nanumbalik ang tiwala sa sariling kakayahan na gagarantiya ng ganap na kaginhawahan at kalayaan ng lahat; ngunit sa pamamagitan ng kudeta ng Tejeros ng 22 Marso-10 Mayo 1897, aagawin ng paksyong maka-nación ni Aguinaldo ang pamumuno sa Himagsikan na magiging Revolución ng mga elit/elitista. Pansamantalang mapagsasanib ang dalawang tradisyon ng Bayan at nación. Sa pagtatapos ng yugtong ito, magtatagumpay ang simulaing pulitikal ng nación matapos ideklara ng pangkating Aguinaldo ang “independencia” ng “Filipinas.” Naitatag samakatuwid ang estadong nasyonal na malayo’t papalayo nang papalayo sa mithiin ng Inang Bayan nina Bonifacio [Dayagram V, pah. 28]. Dayagram IV Larangan ng mga Puwersang Historiko-Kultural, 1588-1896 16 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Kabanata VI Krisis ng Pamayanang Pilipino (1588-1663) 1588 – 1602 1602 – 1635 1635 – 1663 Tadhana ng Estado ni Opensiba ng Estado ng Sa Anino ni Sultan Raha Sulayman Maynila Kudarat Nakabase sa estadong bayan ni Sulayman, magsisimulang magpalawak ng teritoryo ang kapangyarihang Kastila sa Pilipinas noong 1588 nang masugpo ang Sabwatan ng Tondo. Dulot ng pagkabigong ito nakaranas ng krisis ang pamayanang Pilipino, sa sistemang pulitikal at pang- ekonomiya at krisis sa kaayusan ng lipunan. Sa pulitika, nagulo ang dating pagkakaayos ng kapangyarihan ng mga radya at datu. Ang datu ay naging gobernadorcillo at ang mga maginoo at ilang timawa/maharlika ay nakipagsabwatan sa mga prayle at, bilang mga natuto at marurunong magKastila, naging mga “ladinos.” Ang krisis sa pulitika ay naging krisis na rin sa kaayusan ng lipunan: naging nakatataas na uri ang mga Kastila, sa ibabaw ng gitnang uring binubuo ng mga nakikipagtulungan mula sa dating mga maginoo at ilang timawa/maharlika. Sa ekonomiya, pumasok ang mga encomiendas na ginagamit na pangtustos sa mga gastusin ng mga namumuno. Sa mga pagbabagong ito, nawalan ng mga lupa ang mga nakararaming timawa at napalaya o “tinimawang alipin” at naging mga bayarang magsasaka na lamang sila. Itinatag ang mga ciudades (Sugbu, Maynila, Arevalo, Nueva Caceres) at mga villas (Fernandina, Nueva Segovia) bilang mga sentro ng isang pangkapuluang sistemang pulitiko- administratibo na ang pinaksentro ay ang dating estadong bayan. Ang sistema ay pinalakas sa pamamagitan ng pagsisiguro nito sa dakong timog (Mindanao, Sulu, Brunei at hanggang sa Indo- Tsina). Ito ay pagsisiguro rin sa kalakalang Galyon, na itinatag upang pagkabitin ang kalakalalang Tsina-Maynila at ang bagong ugnayang trans-Pasipiko Maynila-Acapulco at, sa ibayo nito, Mexico-Europa sa pamamagitan ng karagatang Atlantiko. Kinabaka ng mga Pilipino (higit sa lahat ng mga Muslim) ang bagong sistemang pang- estado na nakasentro sa dating kasakupang pang-estado. Dahil dito hindi gaanong nagtagumpay ang mga pananalakay ng Kastila, bagamat nasakop nila ang Ternate (1603) at sa huli’y (1635) naitatag ang Zamboanga. Gayumpaman, iuurong nila ang kanilang mga puwersa mulang Ternate, Dapitan at Zamboanga tungong Maynila upang ipagtanggol ito laban kay Koxinga. Samakatuwid, hanggang 1663, bahagya lamang nakontrolahan ng kapangyarihan sa Maynila ang katimugan ng arkipelago. Noong 1719 lamang makababalik sa Zamboanga ang mga Kastila. Tadhana ng Estado ni Raha Sulayman (1588 - 1602) Sa kabila ng lumalakas na puwersa ng mga Kastila sa Maynila, ang mga estadong hindi pa nila naabot ay nagpatuloy sa kinagawiang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa at sa ibayong dagat. Nakipag-ugnayan sina Magat Salamat at Agustin de Legazpi, isang pamangkin ni Lakandula, sa Sultan ng Brunei upang bawiin sa Kastila ang kapangyarihan sa Maynila. Ang pagsulpot ng puwersang Kastila sa Timog ay naging sanhi rin ng pagbubuklod ng mga estadong etniko/sambayanan sa Mindanao at Sulu. Hindi nagtagal at tuluyan nang nahawakan ng mga Kastila ang Maynila. Ipinasok ng mga Kastila ang Kristiyanismo upang mapadali ang paglaganap ng kanilang kultura at ang 17 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 pagsakop sa bansa. Nagtayo sila ng mga gusali, gumawa ng mga armas at sasakyang dagat. Binago rin nila ang mga ruta ng kalakalan upang isentralisa sa Maynila. Bagamat ang bayan ni Rajah Sulayman ay katabi ng bayan ni Lakandula (kung saan maraming nakatira), ang organisasyon ng dalawa bilang isang estado ay nakasalalay sa organisasyon ng mga balangay. Ang datu ay ang siyang namamahala sa balangay; ang hari naman (o nakatataas na datu), kasama ng isang sanggunian ng mga datu, ang namumuno sa bayan. Ang hari bilang pinuno ay karaniwang may pinakamalakas na sitwasyong pang- ekonomya. Ang relasyon ng hari, mga datu at ang kanilang mga nasasakupan ay maipapakita sa: HARI (Punong Bayan) Datu Datu Datu Datu At iba pa Balangay Balangay Balangay Balangay At iba pa Sa kaso ng dalawang bayan ng Tondo at Maynila, ang una’y napapaloob sa karadyahan ng Maynila; samantalang kapwa may mga sakop na bayan (ang Tondo patungong Bulakan at Pampanga; ang Maynila sa mga pook na dinadaluyan ng Ilog Pasig). Sa pagdating at pananakop ng mga Kastila, makikita na ang batayang sistemang panlipunan ay nagbago mula sa konseptong bayan patungo sa konseptong pueblo, villa, ciudad. Ang iba’t ibang sistemang panlipunan na pumalit ay ang sumusunod: (a) pueblo -- isang organisadong bayan; (b) villa -- mas malaki kaysa pueblo ngunit mas kompleks ang sistema ng pamamahala; (c) ciudad -- mas malaki sa villa at pinakakompleks ang administrasyon. Ang pagkakaiba ng tatlong sistemang panlipunan na ito ay maipapakita sa: BAYAN Pueblo Villa Ciudad Ang kaibahan ng tatlo ay ang laki at ang pagiging kompleks ng sistemang pang-administrasyon. Noong mga panahong iyon, malakas ang ugnayan ng mga taga-Maynila sa sultanato ng Brunei at minabuti itong putulin ng mga Kastila. Ito ay isinagawa ni Sande sa pamamagitan ng pananalakay sa nasabing kapangyarihan. Nagapi ang Brunei ngunit natalo ang mga Kastila dahil sa inatake ng disenterya ang ekspedisyon. Sa kabilang dako, sinamantala ng mga Kastila ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pag-akit ng buong kalakalang Tsino sa Maynila. Naipon sa Maynila ang kalakalang Tsino. Ang parian na binuo ng mga Tsino ay siyang pinagmulan ng “Chinatown”. Ikinabit ang kalakalang Tsina sa bagong daang pakikipag-ugnayan sa Acapulco na tinawag na Kalakalang Galyon. Makikita ang relasyong ito sa susunod na ilustrasyon: 18 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 TSINA MAYNILA ACAPULCO - Porselana, sutla, - bibilhin dito gamit ng pilak; - mula rito balik Maynila; pilak bakal, araro, kabayo mula rito, sutla, porselana, (real situado), produktong at iba pa produktong Pilipino (ginto, Latin-Amerikano lubid, tela, at iba pa) Lahat ng ito’y nangyari lamang sa mga naokupahang lugar ng kapangyarihan sa Maynila. Sa panahon hanggang 1663 at sa katunayan hanggang sa huling sandali ng pamamalagi ng Kastila sa Pilipinas, nanatili ang ibang mga bayan at pamayanan ng Kapilipinuhan sa dati nilang kaayusang sosyo-pulitikal at pang-ekonomiya. Unti-unti lang ang paglaganap ng kapangyarihang Kastila ng Maynila. Nailalarawan ito sa Dayagram IV. Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Napalitan ang ruta ng kalakalan sa pagitan ng Tsina, Pilipinas at Indo-Malaysia. Inakit ang komersyo mulang Tsina sa Maynila at ikinabit ito sa Acapulco, Mexico, patungong Espanya at Europa. Ang pagbabagong ito ay ikinagalit ng mga sultan at datu ng Sulu at Maguindanao. Nagsimula sila ng mga pananalakay upang pilitin ang pagbabalik ng dating ruta ng kalakalan. Kasabay ng pagpapalakas ng Kastila sa Maynila ay nagsimula namang mag-alsa ang mga Olandes sa Europa laban sa okupasyon ng Kastila. Sumalakay ang mga Olandes sa mga Kastilang naka-puwesto sa Pilipinas. Bilang reaksyon, pinatibay ng mga Kastila ang kanilang depensa sa Maynila. Nagtayo sila ng mga balwarte. Nagtatag sila mga presidio sa dalampasigan ng Dapitan at Butuan. Sa pagtatapos ng peryodo (1635) ookupahin ng Kastila ang Zamboanga. Banta sa Kalakalang Maynila-Acapulco patungong Europa kapwa ang mga pananalakay ng Sultanato ng Mindanao at Sulu at ang Digmaang Olandes-Kastila. Kinailangang gumawa ng mga galyon, at iba pang sasakyang dagat, kung kayat pinilit ng mga Kastila ang mga Pilipino na magputol ng mga kahoy tungo rito (polos y servicios). Ginamit din sila bilang higit na nakararaming “dagdag” sa puwersang militar ng Kastila. Sa Anino ni Sultan Kudarat (1635 - 1663) Upang supilin ang pagsasalakay mula sa Mindanao, nagtatag ng mga kuta ang mga Kastila sa Timog. Ang kuta sa Zamboanga ay itinatag noong 1635 kasabay ng pagsimula ng misyong Heswita sa Mindanao at ng pagsakop sa Ternate (Silangang Indonesya). Ang Lanao at Jolo ay sinalakay rin at pansamantalang inokupa ng mga Kastila noong 1637-1638. Ang mga pananalakay at pagsakop na ito, kasama ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ay nag-udyok sa mga Muslim na lalo pang atakehin ang mga teritoryong napasa-Kastila sa Mindanao, sa Kabisayaan at hanggang sa Luzon mismo. Naglunsad si Muhammad Dipatuan Kudarat ng isang jihad, isang digmaang banal, noong 1656. Hindi nagtagal ang pananatili ng mga Kastila sa Mindanao. Noong 1663, umatras ang mga ito sa takot kay Koxinga, isang piratang Intsik. Dinepensahan nang tuluyan ang Maynila at nilisan ng mga Kastila ang Ternate, Zamboanga at Dapitan. 19 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Kabanata VII Bayan, Pueblo at Ciudad: Bagong Pamayanan (1663-1745) 1663 – 1681 1681 – 1719 1719 – 1745 Pagpapalawak ng Reaksyon ng mga Bayan Pamamayani ng Relihiyon Reducción Pagpapalawak ng Reducción (1663 - 1681) Upang mapamunuan ang bagong kolonya at upang mapabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo, tinangkang baguhin ang dating kaayusang Pilipino sa mga rehiyong naokupa ng Kastila, tulad ng natalakay na sa Kabanata VI. Higit na nagkabisa ang ganitong pagbabago ng dating kaayusang pampamayanang Pilipino. Reducción ang katawagan dito. Dahil sa ang simbahang itinatag sa bawat komunidad, lumakas ang mga prayle lalo na ang mga kasapi sa mga kasamahang Agustino, Domeniko, at Heswita. Ang dating mga bayan ay ginawang mga “pueblo” na ang pagkakaayos ay nasasalalay sa plaza bilang sentro kung saan nakatayo ang simbahan, munisipyo at mga bahay ng mga kolaborador na pamilyang maginoo. Itinakda noong una pa at naging mas matatag ang mga villas at cuidades bilang sentrong administratibo, kasama ang mga presidios at commandancias sa mga rehiyong di pa “napapayapa.” Mula sa mga pueblo, villa at ciudad na ito -- na ang sentro’y Maynila -- lalo pang lalaganap sa panahong ito ang reduksyon na, sa mga lugar na di pa napapasipika ay, poprotektahan ng mga presidios at commandancias militares. Reaksyon ng mga Bayan (1681 - 1719) Dahil sa mga pang-aabuso na idinulot ng reducción, nagulo ang mga Pilipino. Maraming namundok. Ang mga lumikas ay binansagan ng mga Kastila na mga “remontados” at “alsados.” Bilang kanilang reaksyon sa reducción ay nag-alsa ang mga Sambal. Kahit na lumaganap ang reducción, hindi pa rin kinalimutan ng mga Pilipino ang mga kinagisnang kaugalian. Gayumpaman, hindi lahat ng Pilipino ay nagkaroon ng ganitong reaksyon sa mga pagsubok na Kastilang baguhin ang ayos ng pamayanang Pilipino; may ilang mga Pilipino na nagnais na matuto ng wikang Kastila, higit sa lahat mula sa uring maginoo. Mga ladino ang mga ito; naging katulong sila ng mga Kastila. Noong una pa, sa pagpapalaganap ng reduksyon; pagkatapos, sa mga opisina’t sa pagsalin ng mga sulatin ng mga prayle. Hindi gaanong nasiyahan ang mga ladino nang sikapin nilang pumasok at di tinanggap sa mga orden. Kadalasan pa ay tuta ng mga prayle ang gobernador heneral na namumuno sa Pilipinas; ngunit hindi kabilang sa kanila si Gobernador Heneral Fernando Manuel de Bustamante. Pinuna niya ang pagnanakaw na ginagawa ng mga prayle mula sa Kalakalang Galyon. Pati ang paggamit ng mga pekeng pangalan ng mga prayle para sa kalakalan ay pinansin ni Bustamante. Bilang ganti pinapatay ng mga prayle si Bustamante noong 1719. Pamamayani ng Relihiyon (1719 - 1745) Ang pagkakapaslang kay Bustamante ay lalo pang nagdiin sa lakas ng mga prayle. Nalampasan pa nila ang lakas ng mga burukrata at mamamayan (ciudadanos) na Kastila. Lumawak ang saklaw ng reducción at ang kapangyarihan ng mga prayle na nangibabaw sa mga asyenda (hacienda) ay umabot na rin sa kalakalang galyon. Samantala sa Zamboanga ay nagkaroon muli ng isang Heswitang misyon na lubhang ikinagalit ng mga Muslim. Bilang ganti, sumalakay ang mga Muslim hanggang sa Cagayan. Muli ipinakita ng mga prayle ang kanilang 20 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 lakas. Inilunsad nila ang isang propaganda laban sa mga Muslim. Nabago ng mga prayle ang ilang aspeto ng kalinangang kinagisnan ng mga nasakop na Pilipino. Kabanata VIII Batayan ng Pagkakaisa: Balik sa Estadong Bayan (1745-1807) 1745 – 1762 1762 – 1785 1785 – 1807 Paghihimagsik ng Kabayanan Bagong Sambayanan at Bayan at Kabuuan Opensibang Muslim Sa pagitan ng taong 1745 at 1807, makikita sa Pilipinas ang ilan sa mga salik ng pagkakaisa ng mga Pilipino na noon ay unti-unting magkakaroon ng pagkakaisa tungo sa pambansang kabuuan. Ang kabuuang ito ay dahan-dahang magiging tiyak mula sa Panahon ng Paghihimagsik ng Kabayanan (1745-1762) kung kailan naghangad ang mga bayan sa Pilipinas na maibalik ang dating pagkakaisa at pagkakabuklod na naging tanda ng estadong etniko bago masakop ang Maynila. Ito ay tumutungo sa Bayan at Kabuuan (1785-1807) kung kailan lumitaw ang konsepto ng BAYAN bilang kabuuan: “ang bayan na lumalampas sa mga kabayanan at sumasaklaw sa buong arkipelago,” matapos pagdaanan ang panahon ng Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim (1762-1785), kung kailan nagtangka ang ilang mga Pilipino na makahulagpos sa kapangyarihan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng kinagisnang kalinangan at pagsasambayanan. Paghihimagsik ng Kabayanan (1745 - 1762) Pagkakaisa ang salitang maglalarawan sa panahong 1745-1762. Nagsimulang maghimagsik ang mga kabayanan laban sa mga pang-aabuso ng Kastila. Nauna ang pag-aalsang agraryo noong 1745. Nagkaisa ang Batangas, Laguna at Cavite, mga pawang Tagalog na mga lalawigan. Sa Batangas, si Alatienza ang namuno ngunit nabalitaan ng mga Kastila ang kaguluhan. Nang magpadala ang mga Kastila ng puwersang mula sa Pampanga nasupil si Alatienza. Sa Bohol si Dagohoy naman ang nagpasimuno sa isa sa mga pimakamatagal na rebelyon. Nagsimula ito noong 1774 at natapos 1829. Naging mitsa ng rebelyong ito ang pagkamatay ng kapatid ni Dagohoy na si Sagrino nang isinagawa ng mga Kastila ang paghuli sa mga Boholanong hindi tumanggap sa Kristiyanismo. Sa Mindanao naman nasimulan muli ang isang jihad bilang reaksyon sa mga balakin ng noo’y nanunungkulang sultan na si Muhammad Azim-ud-din, na makipag-ugnayan sa mga Kastila. Sa ganitong pagtutol ay napasama rin ang ilang mga grupo sa Mindanao tulad ng Tausug at Maranao. Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim (1762 - 1785) Sa panahon ng 1762, nagkaroon ng isang mahalagang tulak ang mga nabubuong rebelyon ng mga bayan. Sa pagdating ng mga Ingles sa Pilipinas, humina ang puwersang militar ng mga Kastila sa Pilipinas. Lalong napalakas ang loob ng mga Pilipino sa pangyayaring ito. Sa Ilocos, pinamunuan ni Diego Silang ang isang pag-aalsa. Lubos na mahihirapan ang mga Ilokano sa polos y servicios at sawa na rin sila sa mga ipinapataw na buwis. Kasama ng mga Kailianes, pinaalis ni Diego Silang ang Alkalde Mayor, noong Disyembre 1762. Nakipagtulungan si 21 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Silang sa mga Ingles at tinanggal ang polo at ang sapilitang pagbubuwis. Pinatay si Diego Silang sa kanyang tahanan noong Mayo 28, 1763 ng mestisong si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang rebelyon ngunit siya rin ay namatay noong taon ding iyon. Si Juan dela Cruz Palaris ay namuno rin sa isang pag-aalsa kasabay ng kay Diego Silang. Ang hindi pagtugon sa mga kahilingan nitong reporma ang dahilan ng rebelyon sa Panggasinan. Ang pagkanulo sa kanya ng kanyang babaeng kapatid ang naging dahilan ng kanyang pagkabigo. Patuloy at lalong tumindi ang pananalakay ng mga Muslim. Bayan at Kabuuan (1785 - 1807) Noong 1785, laganap ang iba’t ibang rebelyon tungkol sa sapilitang paggawa, monopolyo ng alak, tabako, at ang tributo. Sa taon ding ito, nag-alsa ang mga Kalinga sa Cagayan. Ito ay may elemento ng katutubong relihiyon na naging dahilan ng pagkakahati ng mga pinuno sa pagitan ng maka-Kastila at maka-Pilipino. Samantala sa Ilocos, may naganap na mas importanteng rebelyon sa relihiyong Kristiyano, ang rebelyon ng Basi noong 1807, dahil sa matinding galit ng mga Ilokano sa itinatag na monopolyo ng alak na humahadlang sa produksyon ng Basi. Ang pag-aalsang ito ay lumaganap hanggang sa Ilocos Norte. Sa kabilang dako, noong Disyembre 1806, itinatag ang isang kagawaran sa pagbabakuna upang maagapan ang paglaganap ng bulutong. Sa taon ding ito naitayo ang mga kalsadang “pamprobinsya” at ang mga kalye sa Maynila ay nailawan. Samantala, patuloy pa rin sa paglaganap ang mga pagtatanghal ng pasyon at Moro-Moro sa sariling wika. Isa sa mga tanyag na manunulat sa panahong ito ay si Huseng Sisiw na guro ni Francisco Balagtas na naging bantog din na manunulat sa larangan ng pagpapalaganap ng literaturang nasa sariling wika. Ang pinakamahalaga sa dalawang nabanggit ay ang kanilang pagsulat sa sariling wika na siyang nababatid at nauunawaan ng kanilang mga kababayan. Sila ay mga ladino noong panahon ni Rizal na sumuat sa wikang Kastila at nag-iisip na parang Kastila. Kabanata IX Bayang Pilipino: Katutubo at Banyaga (1807 – 1861) 1807 – 1823 1823 – 1841 1841 – 1861 Paghihimagsik at Rebelyon: “Ang Bayan Kong Sawi” Sa Bisa ni Hermano Pule Kailian at Kriolyo Sa kabanatang ito na napapaloob sa 1807 (petsa ng rebelyong Basi sa Ilocos) at 1861 (petsa ng kapanganakan ni Rizal at ng simula ng kilusang Sekularisasyon), tatalakayin ang pagkabuo ng bayang Pilipino bilang kabuuang saklaw ang buong arkipelago. Isang importanteng baytang ito mula sa kamalayan ng pagkabayan na nakita natin sa nakaraang kabanata sa mga halimbawa nina Diego Silang at Dagohoy. Ang mga ito ay nakabalik sa dating kamalayan ng pagkakaisa na itinataguyod ng mga estadong etniko na napalitan ng estado ng Maynila na napasakamay ng mga Kastila. Maaalala natin na si Silang ay nagtangkang makabuo ng isang kaharian na ang saklaw ay lampas sa Kailokuhan -- ibig sabihin, mas malakas at mas malawak kaysa sa estadong etniko na nakasentro sa Vigan. Bukod dito, mas mataas na rin ang antas ng burukrasyang gusto niyang itatag, sapagka’t ito ay hinalaw niya sa burukrasya ng mga Kastila. Si 22 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Dagohoy naman ay matagumpay na naghiwalay sa kapangyarihan sa Maynila upang itatag ang kanyang sariling estado na hahantong hanggang sa panahong tatalakayin natin. Habang nabubuo ang kamalayan ng bayang sumasaklaw sa buong arkipelago, lumitaw din sa panahong ito ang konsepto ng nación na dala rito ng mga kriyolyo (tinatawag na insulares o Kastilang ipinanganak sa Espanya mismo) at mga mestisong Kastila (mga kasamahan ng Kriyolyo). Mula ang mga ideya ng nasyon sa Espanya at sa Mexico na nadapuan ng diwa ng Rebolusyong Pranses. Kaya ang mga unang rebelyon at pagtatangkang pag-aalsa sa panahong ito, ay nakakabit sa hangaring nación (rebelyon sa Ilokos, sa Sabwatang Bayot, rebelyon ni Novales). Ang ideya ng nasyon ay pauunlarin ng mga kriyolyo at mestiso, at makukuha sa kanila ng mga ladinong Pilipino na naging mga paring sekular. Kaya sa antas ng nación o ng pagbubuo ng isang nasyonalidad na Pilipino, naging importante ang mga paring sekular na naging katunggali ng mga prayle, kasama ang mga pari ring mestiso at kriyolyo. Samantala ang bayan ay magpapatuloy sa kanyang pagkabuo at makikita natin ito sa hiwalay na buhay ng mga Pilipino na isang magandang halimbawa ay ang panitikan nila noong panahon ni Balagtas. Ang literaturang ito ay tumutukoy sa sitwasyon o kalagayan ng mga Pilipino. Isang sukdulang pahayag dito ng damdamin tungo sa pagkakaisa at pagbubuo ng Bayan ay mababanaag sa Florante at Laura ni Balagtas tungkol sa “Ang Bayan Kong Sawi.” Pagdating ng oras na ito’y sisiklab ang isang rebelyon, ang pag-aalsa ni Hermano Pule at kanyang mga kapanalig. Paghihimagsik at Rebelyon: Kailian at Kriolyo (1807 - 1823) Sa pagpasok ng ika-19 na dantaon pumutok ang isang pag-aalsa ng mga Ilokano sa Sarrat, Ilocos Norte. Sa pamumuno ni Simon Tomas ay naghimagsik din ang Batac, Pasay, Piddig, San Nicolas at Vinlar. Sinira ng mga Ilokano ang mga tirahan ng mga Kastila at ng mga mayayamang Ilokanong kasabwat nila. Pinatay rin nila ang mga pinuno at pari. Sa rebelyong ito, nakita ang pagkakahati ng Bayan at ng mga elit/elitistang Pilipino kasama ng mga Kastila. Ginantihan ito ng mga Kastila at nabihag nila ang kanilang pinuno at mabagsik na pinarusahan. Ang hindi pagkakasundo naman ng dalawang uri ng mga Kastilang nakatira sa Pilipinas ay lumala. Sawa na sa mababang pagtingin at diskriminasyon ang mga kriyolyo, mga Kastilang tunay na ipinanganak sa Pilipinas. Hindi naman nagugustuhan ng mga peninsulares, mga ipinanganak sa Espanya, ang pagdami ng mga creoles (kriyolyo). Hindi umunlad ang pagkakaunawaan ng dalawang uri ng matagumpay na mapaalis ng mga Latino-Amerikano ang mga Kastila noong 1826. Sa Pilipinas naman ay nagbalak ang dalawang magkapatid na kriyolyong Bayot na pabagsakin ang pamahalaan, binubuo ng mga peninsulares. Hindi nagtagumpay ang mga balakin ng magkapatid na Bayot at napatulan sila ng habang buhay na pagkakakulong habang ang kanilang amang nasa militar ay nagretiro. Hindi dito natapos ang mga insidente na dulot ng hidwaan ng mga kriyolyo at peninsulares. Sa pamumuno ni Juan Antonio Martinez ay natanggal ang mga kriyolyo sa mga posisyon sa pamahalaan at inilagay ang mga peninsulares. Ibinunga nito ang pagbabalak nina Kapitan Novales at ng ilan pa na salakayin ang Katedral ng Maynila at ang palasyo ng Gobernador Heneral. Katulad ng ibang mga balak, ito ay hindi nagtagumpay. “Ang Bayan Kong Sawi” (1823 - 1841) Ang abuso ng mga Kastila at ang reaksyon ng mga Pilipino ay kumalat pa sa ibang mga lugar. Sa Mindoro ay naakit sila dahil sa posibilidad ng pagkakahanap ng ginto. Upang 23 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 mapaamo ang mga Mangyan sa lugar, ay gumawa ang mga Kastila ng kasunduan ng kapayapan. Samantala sa Kordilyera ay nanatili ang kabihasnan at paniniwala ng mga Ifugao. Ang mga Igorot naman ay napanatili ang kanilang ayos ng pamahalaan. Ang mga Itneg ay nagpatuloy sa pagsamba sa kanilang mga anito. Binalak ng mga Kastila na pasukin ang mga lugar na kinatitigilan ng mga grupong ito. Sa pamumuno ni Oscariz ay nagkaroon ng ekspedisyon sa kabundukan. Hindi sila nagtagumpay. Binago rin ng mga Kastila ang mga paghahati sa lugar sa kabundukan. Ang Abra ay nahiwalay sa Ilocos Sur habang ang Cagayan ay nahati sa Cagayan at sa Nueva Viscaya. Sa Bohol naman, hindi tumigil ang rebelyon na pinamunuan ni Francisco Dagohoy. Nagsimula pa ito noong 1744. Nagmula ang rebelyon sa hindi pagpayag ng prayle na mailibing sa Katolikong libingan ang kapatid ni Dagohoy. Nagtagumpay ang rebelyon ng 85 taon at natapos sa pamumuno ni Handog at Anag noong 1829. Sumibol din sa panahong ito ang ilang makabayang manunulat. Si Manuel Blanco ay sumulat ng Flora del Filipinas. Si Jose dela Cruz, o Huseng Sisiw ay magaling sa Komedya at Tula. Si Balagtas ay tanyag sa kanyang Florante at Laura. Nalimbag noong 1838 ang nasabing sulatin. Sa Bisa ni Hermano Pule (1841 - 1861) Taong 1841 ng Nobyembre ng madakip si Hermano Pule sa Tayabas. Sa Tayabas din siya pinatay. Siya ay ang kanyang mga kasama ay ginawang isang halimbawa. Dahil sa karahasan ng parusa, nagalit ang mga sundalong nasa Fort Santiago na mula rin sa Tayabas. Nilusob nila ang mga Kastila. Pinamunuan sila ng isang binatang mestizo na si Sarhento Samaniego. Inilunsad nila ang paglusob noong ika-20 ng Enero 1843. Napasailalim nila ang panandalian ang Intramuros ngunit dumating kaagad ang mga Kastila. “Independencia” ang isinagawa nila habang isa-isa silang nalugmok. Patuloy rin naman ang protesta ng mga pari sa sekularisasyon. Hindi sumang-ayon si Padre Pedro Pelaez sa isang ordinansa na nagsasaad na ililipat ang ibang parokya ng mga Pilipinong paring secular sa mga malalaking orden ng mga Kastilang pari. Kabanata X Bayan at Nación (1861 - 1913) 1861 – 1872 1872 – 1892 1892 – 1896 1896 – 1901 1901 – 1913 Gomburza, Datu Indios, Moros y Filipinos at mga Ipinaglabang Sangandaan: Udto, Sultan Infieles: Sukabang Anak ng Bayan Nación at Inang Pakikibaka at Muhammad Ina Bayan Pakikibagay Diamarol Sa kabanatang ito matatapos ang panahon ng Bayan na unti-unting papalitan ng panahon ng Bansa. Ito ay nahahati sa limang bahagi, ang bawat isa ay nagpapakita kung paano nabuo ang konsepto ng nasyon at ang paglaganap ng konsepto ng bayan. Kaalinsabay nito ang pagbukas sa kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa konsepto ng kasarinlan at kalayaan. Ang ikalawang bahagi naman, mula 1872 hanggang 1892, ay sisimulan ng isang pag- aalsa na magiging dahilan ng pagbitay sa tatlong paring sekular. Sa panahong ito makikita ang 24 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 ibayong pagsidhi ng damdaming makabayan ng mga Pilipino na noon ay tinatawag ng mga dayuhan na Indios, moros, infieles. Ang pangatlong bahagi, mula 1892 hanggang 1896, ay magiging saksi sa pag-usbong ng isang makabago at liberal na grupo ng mga Pilipino. Sila ang mamumuno sa paghingi ng reporma sa bansang mananakop sa pamamagitan ng panulat. Ang pagsikat at pagbagsak ng kanilang grupo ay mangyayari sa loob ng panahong ito. Sa kanilang paghina lalakas ang kagustuhang makalaya ng mga katutubo. Tatayo bilang pinuno ang isang ordinaryong mamamayan na gagabay sa lahat upang makamtan ang bayan. Tatayo ang mga tunay na anak ng bayang Pilipinas. Ang ika-apat na bahagi naman ay kinapapalooban ng mga rebolusyong naganap mula 1896 hanggang 1901. Dito masasaksihan ang kabayanihan ng mga Katipunero at ang masalimuot na tadhana ng pinuno ng Bayan. Sa bahaging ito pansamantalang makakaranas ng kasarinlan ang Pilipinas sa pag-alis ng mga mananakop na nabigong mahawakan ang buong arkipelago. Sa panahong ito unti-unting papasok ang puwersa ng mga bagong mananakop mula sa kanluran. Ang huling bahagi naman ng kabanatang ito, mula 1901 hanggang 1913 ay makakasaksi ng muling pagpigil sa kalayaan ng bansa. Magmimistulang parang kakampi ang bansang kanluranin habang dahan-dahan nitong panghahawakan ang buong bansa. Ang ibang mga Pilipino ay makikibagay sa kanila habang ang iba ay patuloy na makikibaka laban sa kanila. Gomburza, Datu Udto, Sultan Muhammad Diamarol (1861 - 1872) Ang pagtindi ng di pagkakaunawaan ng mga paring regular at paring sekular ang lumalarawan sa panahong ito. Ang mga paring regular ay yaong mga galing sa mga orden tulad ng mga San Agustin, Heswita at mga Recoleto. Ang mga paring sekular naman ay binubuo ng mga mestiso, “indio” at kriyolyo. Ang mga orden ay tinawag din na korporasyon. Malakas ang mga korporasyong ito sapagkat pinapaburan sila ng Espanya at nagmamay-ari sila ng mga hacienda. Isa pang nagpatindi sa alitan ng dalawang grupo ang pagbabalik ng mga Heswitang pinaalis sa Pilipinas noong 1768. Masigasig nilang hiningi ulit ang kanilang mga parokya sa Mindanao na na pansamantalang hinawakan ng mga Recoleto. Ang mga ito naman ay hiningi ang kanilang dating mga parokya sa Maynila na hawak ng mga paring sekular. Sa maikling salita, nawalan ng parokya ang mga paring sekular. Ito ay naging patunay sa isyu ng diskriminasyon laban sa mga paring sekular at nagtulak sa mga unang anyo ng nasyonalismo. Nagsimula rin ang pagpasok ng mga Kastila sa Maguindanao bilang reaksyon sa puwersang Muslim. Nahati ang kalinangan ng Maguindanao. Ang ilan ay nanatiling totoo sa kanilang kalinangan habang ang iba naman ay nais na magpasaKastila. Si Datu Udto ang pinuno ng mga laban sa mga Kastila. Ang grupo naman ni Sultan Mohammad Diamarol ng Jolo ay nakibagay sa mga Kastila. Indios, Moros y Infieles: Sukabang Ina (1872 - 1892) Tumuloy pa ang labanan ng sekular at regular na pari. Sinamantala ng mga Kastila ang pag-aalsa ng mga manggagawa at kawal sa Cavite upang pabagsakin ang sekularisasyon at patigilin ang angal ng mga ilustrado. Dinakip lahat ng pinaghinalaang may kinalaman sa kaguluhan. Mayroong siyam na paring dinakip kasama ng mga abogadong at komersyante at itinapon sila sa Marianas Islands. Samantala, may tatlong paring binitay sa gamit ng garrote. 25 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Sila sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora. Binitay sila sa harap ng mga Pilipino noong Pebrero 17, 1872 at sumiklab ang galit ng mga Pilipino. Sa panahong ito ang bayan ay binuo ng mga Indios, Moros at Infieles. Indios ang tawag nila sa mga katutubo. Isa itong panlalait at pagpapakita ng pagpapamuhi sa Pilipino. Tinawag naman nilang Moros ang Muslim at ang mga taong hindi sumusunod sa sistemang Kastila upang makolonisa ang kapuluan. Filipinos at mga Anak ng Bayan (1892 - 1896) Isang katangian ng mga ilustrado ang kanilang kanluraning edukasyon. Sina Jose, Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Juan Luna pati na rin si Emilio Aguinaldo ay iilan sa mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa. Isa sa mga dulot ng kanilang pag-aaral ay ang pagkamulat sa nasyonalismo at liberalismo. Bumuo sina Rizal, Lopez at del Pilar ng grupo na tinawag ng repormista o propagandista. Humingi sila ng mga reporma sa pamamalakad ng mga Kastila sa pamamagitan ng La Solidaridad. Isa sa mga hinihiling nila ay maging probinsya ng Espanya ang Pilipinas. Hindi pinakinggan ang kanilang mga daing. Hiningi nilang sunod ang kasarinlan ng Pilipinas. Ninais ng mga ilustrado na bumuo ng isang nacion na nakabatay sa mga konsepto ng bansa sa Europa. Muli hindi sila pinakinggan. Nakasalubong din ng mga problema ang propaganda. Natigil sa kanilang paglilimbag dahil kakulangan ng pondo. Nadakip din ang kanilang kasapi na si Rizal at pinatapon sa Dapitan. Sa mga pangyayaring ito, humina ang balakin ng nación. Si Andres Bonifacio naman ang bumuo sa isang himagsikan ng mga mamamayan. Ipinanganak siya sa Tondo noong Nobyembre 1863. Sa tulong ng Katipunan, pinalaganap ni Bonifacio ang konsepto ng bayan. Ibang iba ito sa konsepto ng nación ng mga ilustrado. Ito ay nakabatay sa pagbuo ng/kay Inang Bayan at pagtatag ng Haring Bayan (estadong bayan) para sa buong kapuluan (Republika ng Katagalugan). Sinasabing ang Inang Bayan ang dapat panggalingan ng pagbubuo dahil sa kanyang sinapupunan lamang nagkakaroon ng tunay na kabuuan. Sa ilalim ng iisang Inang Bayan, nagkakaroon ng kapatiran ng mga ito. Ginamit ni Bonifacio ang metapora ng mag-anak bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga bayan sa buong kapuluan at noong Hulyo 6, 1892, itinatag niya ang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Ipinaglabang Nación at Inang Bayan (1896 - 1901) Nagsimula ang rebolusyong Pilipino noong taong 1896. Noong Agosto 24, sinalakay ng mga Katipunero ang Maynila. Naging matagumpay sila sa simula. Ngunit hindi ito nagtagal. Mayroong tatlong pinapalagay na dahilan kung bakit natalo ang himagsikan. Ang unang dahilan ay ang pakadiskubre ni Gobernador Blanco sa planong pagsalakay. Ikalawa, ipinatapon ang 500 sundalo sa Mindanao. Ang huling dahilan ay ang hindi pagdating ng grupo ni Heneral Aguinaldo na dapat ay dumating mula Cavite. Sa kabila ng kanilang hindi pagtatagumpay, ipinagpatuloy ni Bonifacio ang paglalaban. Hindi pinalampas ng mga Kastila ang mga pangyayari na hindi gumaganti. Maraming Pilipino ang nadakip. Isa na dito si Rizal. Pinatay siya sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre noong 1896. Habang lahat na ito ay nangyayari, naiisip ng mga kasapi ng puwersang mula sa Cavite, na hindi ang pamamalakad ni Bonifacio ang nais nilang sundin. Nais nilang lumikha ng estadong nakabatay sa ginamit na estado ng mga Kastila. Sa pagitan ng 22 Marso at 10 Mayo 1897, sa Tejeros, nawala ang estado ni Bonifacio (Haring Bayan/Republika ng Katagalugan). Pagkatapos agawin ang kapangyarihan noong 22 Marso 1897, inutos ni Aguinaldo na hulihin si 26 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Bonifacio at ipapatay ito dahil sa nakita niyang magiging balakid si Bonifacio sa kanyang mga plano. Sa Bundok Buntis pinaslang ang Supremo noong Mayo 10, 1897. Nakipagkasunduan si Aguinaldo sa mga Kastila sa Pakto ng Biak-na-Bato. Kasama sa kasunduang ito ang pagpapatapon kina Aguinaldo sa Hongkong. Sumunod dito ang digmaang Amerikano at Kastila. Sa “pangako” ng konsul na Amerikano na kikilalanin di-umano ang kalayaan ng Pilipinas sa sandaling mapaalis ang mga Kastila, sumama si Aguinaldo sa mga puwersa ni Admiral Dewey sa pagsalakay nito sa Maynila. Inokupa ito ng Amerikano at dahil di tinupad nito ang “pangako,” sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nadakip si Aguinaldo sa kanyang pinagtaguan noong 1901. Sangandaan: Pakikibaka at Pakikibagay (1901 - 1913) Dahil sa pag-aakalang tutulungan tayo ng mga Amerikano, pinakausapan ni Aguinaldo ang mga Pilipinong makipagtulungan sa mga Amerikano. Dito pumasok ang konsepto ng pakikibagay at nawala ang mga tunay na Anak ng Bayan. Nang nahuli si Aguinaldo sa Palanan, Isabel noong Marso 23, 1901 naglaho ang Unang Republica de Filipinas at itinatag ng pamahalaang sibil ng Amerikano. Gayumpaman, hindi natapos ang pakikibaka ng mga Anak ng Bayan. Itinuloy ito ng ilang heneral ng Bayan, partikular sina Heneral Miguel Malvar at Macario Sacay. Sumuko si Malvar noong Abril 16, 1902. Si Sacay ay hinuli ng mga Amerikano sa pakikipagsabwatan sa elit. Naging bahagi ng pakikibaka ang panitikan na susulatin sa Tagalog at ibang wikang Pilipino. Nauso ang sarswelang makabayan at anti-Amerikano. Dahilan dito, dinakip ang ilang mga Pilipino. Sa ilalim ng Flag Law, ipinagbawal ng pamahalaang sibil sa pagwawagayway ng bandila ng bansa sa publiko. Sa teatro bumawi ang mga Pilipino. Muling nabuhay ang kilusan ng mga ilustrado, ngunit ngayon iba na ang kalinangan dinidikitan nito. Kung dati Kastila ang kanilang ginagaya, mga Amerikano na ngayon ang kanilang sinandalan. Pagbubuod Malaki ang naging papel ng mga kaganapan sa panahon ng Bayan sa mga kaganapan sa ating kasalukuyan (panahon ng Bansa). Nagsimula ang yugto ng Bayan sa mga krisis na bunsod ng pagpasok ng dayuhan, taglay ang mga ideya’t balaking kanilang paiiralin. Pinalawak ng mga Kastila ang kanilang teritoryo upang lalong lumakas ang hawak nila sa Pilipinas ngunit hindi tuluyang nasakop ang kabuuan ng bansa. Nagawa ng estadong Muslim na manatiling Malaya dahil sa lakas ng kanilang pagkakaisa sa iisang relihiyon at ng kanilang kalinangan. Samantala, sa ibang mga lugar na tuluyang napasok ng dayuhan sa loob ng estadong kolonyal na ibinatay sa estadong Maynila ni Sulayman, ang Kristiyanismo ang naging daan upang mapasunod sa mga plano ng Kastila ang mga Pilipino. Naging bahagi rin ang ilang Pilipino sa pagpapalaganap ng kolonyalismo, at ito ay ang mga akulturadong elit o ladino na tuluyang nalinang sa diwang Europeo. Naipit ang mga Pilipino at naramdaman ang hirap na pinapasan. Nagkaroon ng maraming pag-aalsa ngunit nagwagi pa rin ang dayuhan. Sa huling bahagi, masasalamin ang pagkakaisa ng sambayanan at ang pagkawatak-watak nito. Pagkakaisa vis-à-vis banyaga; pagkawatak-watak sa panloob na kaayusan. Pinakamalinaw na pagkakahiwalay sa panloob na kaayusan ay ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan na lumitaw na sa pagitan ng proyektong elit/elitista ng “nasyon” at ng proyektong bayan ng Inang Bayan at Haring Bayan. Ang una’y nakatuon sa katunggaling 27 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 banyaga sa kultura at wika at pati na sa mga hangaring sosyo-pulitikal at pang-ekonomiya; samantalang ang mga adhikain ng Katipunan ay nakaugat sa kalinangan at kabihasnang taal sa mga Pilipino. Isa ito sa mga tema ng susunod na yugto (Bansa). Pakitunghayan ang Dayagram VI. Dayagram V PAG-AANYO NG BAYAN SA AGOS NG PANAHON (Patungo sa Bayan bilang buong Kapuluan) PAG-AANYO NG BAYAN TALA: Sa panahong ito, ang ibang mga naninirahan sa arkipelago ay kapapasok pa lamang sa estadong kolonyal (cf. Magindanaw at Sulu; iba pang mga grupo, tulad ng sa Kordilyera) o hindi pa naipapasok (cf. Mangyan, Manobo ng interyor ng Mindanaw, atbp.). Himagsikan / Revolución 2. Ang Nasyon (nación) nina del Pilar / Jaena / Rizal / Aguinaldo (Filipinas; república). Angkat na pagbubuo. 1. Ang Bagong Bayan ni Bonifacio (Inang Bayan; Haring Bayang Katagalugan). Pagbubuong taal at nakaugat sa sariling kalinangan. D. Pagbubuo sa Lebel ng Buong Arkipelago bilang Natatangi’t Iisang BAYAN (1892 - 1913) TUNGO SA BAGO AT MALAWAKANG KABUUANG BAYAN Digma / Himagsik / Paghihimagsik 3. Pagbubuo ng Bago / Pagpapalawak ng Dati (Malong, Silang, Hermano Pule, Balagtas) 2. Pagbabalik sa Dati ngunit maaaring may bagong anyo ito, bahagya man lamang (Ladia; Sumuroy; Malong; Dagohoy) 1. Estadong Muslim: pakikipaglaban (Kudarat; iba pang mga sultan at datu) sa Kastila, estado sa estado; pakikibaka rin ng mga kabuuang lumad na malalaya. K. Pagpapanatili at Muling Pagbubuo / Muling Pagtatatag ng Dati o Pagbubuo ng Bago (1588-1892) TULUYANG KRISIS NG PAMAYANANG PILIPINO Hari / Raha /Sultan 3. Sultanato (mula 1450) 2. Karahaan (bago 900 MK) 1. Kaharian (bago h.k. 300 MK) B. Estadong Etniko (h.k. 300 MK o bago pa rito – 1588) SINAUNANG KABIHASNANG PILIPINO (mula h.k. 800 BK) Datu / Hari BAYAN (permanenteng komunidad at teritoryong pinagbabahayan) ILI / ILIHAN (komunidad na maaring lumipat-lipat / ilipat-lipat) BANUA (bilang teritoryo, “lupain” / “kalawakan”) A. Sinaunang Banua / Ili / Bayan (h.k. 7,000 BK – h.k. 300 MK) PANAHONG AUSTRONESYANO (hanggang h.k.800 BK) Rebisyon ng Salazar, 1997 28 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Dayagram VI Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan 29 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 BANSA Ang Ikatlong Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan (1913 - Kasalukuyan) Sa ikatlong panahon ng ating kasaysayan, mula 1913 hanggang sa kasalukuyan, sentral na tema ang pinakatunguhing pagbubuo ng bansa. Sa pagsasagawa nito, layuning pagtugmain ang dalawang magkahiwalay at magkatunggaling kamalayang nailuwal ng mga nagdaang panahon upang maging batayan ng lilikhaing kabuuan. Tinalunton ng panahong ito ang hangaring mapagtagpo ang naitatag na nasyon ng mga elit sa dalumat ng pagsasarili sa loob ng isang kabuuang may sariling wika at kalinangan. Ito ang naging batayang tema sa buong piryodo kung saan umiinog ang mga kaganapan sa problema ng kalayaan at kasarinlan bilang pangkalinangang kakanyahan na taglay ng bayan sa mula’t mula pa man. Mananatiling isang katanungan ang pagiging isang bansa habang ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan ay hindi pa napagtatagpo at napag-iisa [tingnan ang Dayagram VI]. Kabanata XI Iisang Adhikaing Kalayaan: Magkasalungat na Pagbubuklod (1913 - 1946) 1913 – 1925 1925 – 1935 1935 – 1942 1942 – 1946 PagsasaPilipino at Paghahabol ng Kalayaan: Pinagkatiwalang Estado: Digma: Huwad at Hangad PagpapakaPilipino Mga Bagong Ilustrado Kabuuang-may-lamat na Kalayaan PagsasaPilipino at PagpapakaPilipino (1913 - 1925) Hindi maaaring sabihing magkatumbas ang konseptong “PagsasaPilipino” at ang “PagpapakaPilipino.” Ang bahaging ito ng ating kasaysayan ang magpapatunay sa pagkakaiba ng dalawang konsepto. 1913 nang magapi ang mga Moro o Pilipinong Muslim ng Sulu sa labanan sa Bud Bagsak. Ang mitsa ng labanan ay paghihinala ng Amerikano na kasangkot si Sultan Tahid sa isang sagupaan. Mas malalim pang dahilan ay hindi talaga sang-ayon ang mga Muslim sa panghihimasok ng mga Amerikano. Sa harap ng mga pagsubok ng mga Amerikanong hanapin siya, nagbitiw ng isang matapang na pananalita si Tahid na hindi siya susuko sa mga puti. Sa taong ito rin naitakda ang Araw ng mga Manggagawa. Ang Underwood-Simon’s Act na nag-aalis ng mga quota sa mga export ng Pilipinas sa Amerika ay naipasa rin sa kongreso, ito ay ilan sa mga pangyayaring tumulak sa lalong pagpapakaPilipino ng kapuluan. PagsasaPilipino naman ng burukrasya ang binalak ni Francis Burton Harrison. Tunay ngang mga Pilipino nga sa itsura at dugo ang mga inilagay sa puwesto ng mga Amerikano, ngunit sa puso at diwa, mga Amerikano ring kulay lupa ang kanilang nailuklok. Mga Pilipino kasama sa elit ang kanilang inilagay sa pamahalaan, mga Amerikano sa kilos, isip at gawa. Samantala, ang batas Jones naman na naglalayong pabilisin ang paggawad ng kalayaan sa Pilipinas ay ipinagtibay nang 29 Agosto 1916. Inilathala noong 1925 ang unang librong Pilipino sa Ingles, ang Child of Sorrow na may bersyon sa Kapangpangan at Tagalog (Anak na Dalita), tanda ng direksyon ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan patungo sa Ingles ng mga elit at elitista. 30 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 Paghahabol ng Kalayaan: Mga Bagong Ilustrado (1925 - 1935) Ang pagsibol ng bagong ilustrado ang tanda ng panahong ito. Nagsimulang pasukin ng mga elit ang mga mahahalagang puwesto sa pamahalaan, lipunan at sa simbahan. Isang tanda nito ang Child of Sorrow ni Galang na siyang unang nobelang naisulat sa Ingles na nailathala noong 1925. Sa paglitaw ng ganitong elit, nahati ang mga Pilipino sa dalawa, ang bayan at ang mga elit na handa’t sabik na umangkin ng kulturang inihahain ng mga Amerikano. Sa mga ibang dako ng kapuluan, nagkaroon ng mga rebelyon. Sa Pangasinan, sa Bulacan, Laguna at Surigao ay nagkaroon ng mga kalaban ang gobyerno. Lumabas ang “Sakdal,” isang sulating pinamunuan ni Benigno Ramos na bumatikos at kumalaban sa pamahalaan. Lumakad ang isang misyong pangkalayaan ng mga Pilipino na naging isa na namang okasyon ng hindi pagkakaisa. Pinaaabrubahan nina Quezon at Roxas ang batas Tydings- McDuffie na naglalayong magpapalaya sa Pilipinas. Ang katawatawa rito ay ang batas na ito ay isang halos eksaktong kopya ng Hare-Hawes-Cutting Bill na hindi inaprubahan ng mga ibang Pilipino sa kadahilanang hindi sila ang gumawa nito. Sa pagpasa ng Tydings-McDuffie, naitatag noong 1935 ang pamahalaang komonwelt na pamumunuan ni Manuel L. Quezon. Pinagkatiwalang Estado: Kabuuang-may-lamat (1935 - 1942) Isa sa mga kondisyon ng pagpapalaya sa Pilipinas na nakasaad sa batas Tydings- McDuffie ay ang pagtatatag ng isang pamahalaang Komonwelt na naglalayong maghanda sa Pilipinas sa paglaya, kaya ang tila naganap na pangarap ng kalayaan ay bigla na namang napalayo sa mga Pilipino. Nilagdaan noon Pebrero 19, 1935 ang saligang batas na magiging batayan ng pamamahala ng Komonwelt na itinatag noong ika-15 ng Nobyembre, taong 1935. Sa panahong Komonwelt bubuuin ang hukbong sandatahan ng Pilipinas, gagawin ang pagsasaayos ng kabuhayan ng Pilipinas. Naging pangunahing layunin din ng pamahalaang ito ang pagpili ng wikang pambansa. Upang mabuo ang militar na lakas ng Pilipinas kinuha ang tulong ni Heneral MacArthur. Ginamit ng Heneral ang programa ng ROTC na taunang nagsanay at kumuha sa mga lalaking Pilipino na lampas ng dalawampung taong gulang upang maging bahagi ng hukbong militar ng Pilipinas na gagamitin sa nagbabadyang Digmaan. Sinimulan ang programang ito sa mga pamantasan. Sa wikang pambansa naman, naaprubahan ang rekomendasyon ng asambleya ni Wenceslao Vinsons na gamitin ang wikang Tagalog bilang wikang pambansa. Ang pagproklama sa Tagalog ilang wikang pambansa ay naganap noong Disyembre 30, 1937. Sa ilalim din ng Komonwelt naganap ang plebisitong isinagawa upang malaman kung dapat bigyan ng karapatang bumoto ang kababaihang Pilipino. Nangyari ito noong ika-30 ng Abril 1937. Nabigyan ng karapatan ang mga Pilipinang humalal ng mga mamumuno sa bansa. 1941 nang natapos ang unang termino ni Quezon bilang pangulo ng komonwelt at muli siyang naihalal noong ika-11 ng Nobyembre noong taon ding iyon kasama si Sergio Osmena bilang pangalawang pangulo. Digma: Huwad at Hangad na Kalayaan (1942 - 1946) Dahil sa pagkakahawak ng Amerika sa Pilipinas, nasangkot ito sa digmaang naganap sa pagitang ng mga Amerikano at ng mga Hapon. Ang pagbomba ng Pearl Harbor ay naging 31 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 hudyat ng pagpasok ng mga Hapones sa Pilipinas. Inilikas sina Quezon at Osmena sa Corregidor at, pagkatapos sa Australia. Ika-2 ng Enero 1942 napasok ng mga Hapon ang Maynila. Sa panahong ito ipinangako ng Hapon sa mga bansa sa Asya ang kalayaan mula sa kolonyalismong kanluranin. Sa Pilipinas, inatasan ang KALIBAPI, Kapisanan sa paglilingkod sa Bayang Pilipinas na sumulat ng isang saligang batas. Pagkatapos nito, iniluklok si Jose P. Laurel bilang pangulo ng isang Republika sa ilalim ng puwersang Hapon. 1944 na nang makabalik ang mga Amerikano sa Pilipinas. Agosto 9, 1944 binomba ng mga Amerikano ang Davao at nang sumapit ang Oktubre 20, 1944 dumaong sa Leyte. Ika-15ng Hulyo, 1945 ipinahayag ni Heneral MacArthur na napalaya na ang kabuuan ng Pilipinas. Ang pagbagsak ng Amerikano ng mga bombang atomiko sa Hiroshima at Nagasaki ang nagpasuko sa Hapon noong ika-15 ng Agosto 1945. Tinanggal sa pagkapangulo ni Jose Laurel at ibinalik ito kay Osmena. Muling nagkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946 at nanalo rito si Manuel Roxas. Noong Hulyo 4, 1946 “iginawad” ang kalayaan sa Pilipinas. Kabanata XII Estadong Nasyonal at ang Pagbubuong Bayan (1946 – 1972) 1946 – 1954 1954 – 1963 1963 – 1972 Masukal na “Independence:” Barong Filipino: Krisis sa “Makibaka! Huwag Matakot!” Ipinaglabang Kalayaan Identidad Krisis ng Sistema Masukal na “Independence:” Ipinaglabang Kalayaan (1946 - 1954) Bagamat inihayag na ang kalayaan ng Pilipinas, hindi naging madali ang pagkamit ng mga Pilipino ng tunay na kalayaan. Sa pamumuno ni Roxas bilang pangulo sa labas ng komonwelt nagkaroon kaagad ng hidwaan sa pagitan ng Pilipino. Nagkaroon ng pag-aawa sa pagitan ng pamahalaan at ng Huk, isang grupong naittag noong panahon ng pananakop ng Hapon na naglalayong paalisin ang mga mapang-aping Hapon, sa pagkamatay ng lider ng Huk na si Juan Feleo sa kamay ng mga Pulis. Pinaghinalaan ng mga Huk si Roxas bilang pasimuno ng pagpatay kay Feleo. Sa Kongreso naman ipinatupad ang parity amendment at nabigyan ang mga Amerikano ng Parity rights. Dahil rin sa isang batas, napatupad ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga Amerikano at ng mga Pilipino. Sa panahon ring ito naitayo ang mga Base Militar kaalinsunod sa kasunduan sa base militar. Isinasaad sa kasunduang ito na pahintulutan ang mga baseng militar na manatili sa bansa sa loob ng 99 na taon. Ilan ito sa mga problemang natamo ng Pilipino sa pamumuno ni Roxas. Sa kabila ng mga ito, naitayo rin naman ni Roxas ang Pilipinas mula sa kaguluhan ng Digmaan. Pinatawad rin ni Roxas ang mga naakusahang nakipagtulungan sa mga Hapon. Natapos ng maaga ang termino ni Roxas ng siya ay namatay dahil sa atake sa puso. Pinalitan siya rin Quirino na siya rin nanalo sa sumunod na halalan noong 1949. Sa pamumuno ni Quirino nagkaroon ng dalawang mahalagang tulak ang manggagawang Pilipino. Naipasa ang batas sa pinakamababang sahod. Naitatag rin ang Magna Karta sa Paggawa. Itinalaga rin niya si Magsaysay bilang sekretaryo para sa Pambansang Seguridad. Naging pangunahing proyekto 32 Downloaded by Liza Maramag ([email protected]) lOMoARcPSD|6094026 napagsuspetsiyahan ng mga kaugnayan sa mga nasabing grupo. Dito nakilala si Magsaysay na di kalaunan ay papalit kay Quirino sa Pagkapinuno ng Bansa. Barong Filipino: Krisis sa Identidad (1954 - 1963) Ang tunay na krisis ng Pilipino ay ukol sa kanyang identidad. Kitang kita ito sa kanyang mga pagpupumilit na makilala sa Internasyonal na larawan. Ang pagtatatag ng SEATO noong 1954 at ng MAPHILINDO noong 1963 ay mga patunay sa krisis na ito. Sa kabila nito, nagkaroon ng isang ilaw ang pagpapakaPilipino, sa panahon ni Magsaysay bilang pangulo, nabigyang pansin ang mga suliranin ng mga ordinaryong mamamayan. Pinaunlad ang kalagayan ng mga mahihirap sa pagpapagawa ng mga proyekton

Use Quizgecko on...
Browser
Browser