SS 5 REVIEWER PDF

Summary

This document seems to be a reviewer for a social studies course in a Philippine secondary school, focusing on Philippine history and particularly Republic Act 1425 and national heroes.

Full Transcript

**ARALIN 1 REPUBLIC ACT 1425 AT PAGPILI SA PANGUNAHING BAYANI** **ANG BATAS-RIZAL** - Ang Batas Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na BatasRizal, ay pinagtibay noong Hunyo 12, 1956 at ipinatupad noong Agosto 16, 1956 ng Lupon ng Pambansang Edukasyon. Ayon sa batas na ito, isasama sa...

**ARALIN 1 REPUBLIC ACT 1425 AT PAGPILI SA PANGUNAHING BAYANI** **ANG BATAS-RIZAL** - Ang Batas Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na BatasRizal, ay pinagtibay noong Hunyo 12, 1956 at ipinatupad noong Agosto 16, 1956 ng Lupon ng Pambansang Edukasyon. Ayon sa batas na ito, isasama sa kurikulum ng bawat paaralang pribado at publiko ang nauukol sa pag-aaral sa buhay, ginawa at sinulat ni Dr. Jose Rizal lalo na ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Si G. Claro M. Recto na siyang pangunahing may-akda ng panukalang-batas ay tumanggap din ng pagbatikos. Kabilang sa sumasalungat sa panukalang-batas na ito ay sina Decoroso Rosales, kapatid ni Arsobispo Cuenco at Francisco "Soc" Rodrigo dating pangulo ng Catholic Action. Si **PADRE JESUS CAVANNA** ay naniniwala na ang Noli at El Fili ay bahagi na ng nakalipas. Bukod dito, di wasto ang paglalarawan ng mga naturang nobela hinggil sa Pilipinas noong panahon na iyon. Ang Noli raw ay katatagpuan ng may 120 pangungusap laban sa Simbahang Katoliko. → Noong Mayo 12, 1969, ang Komite ng Edukasyon ng Kongreso sa pamumuno ni Senador Jose Laurel Sr. ay nagpalabas ng susog sa panukalang -batas na ito. Batay ito sa panukala nina Sen. Roseller Lim at Sen. Emmanuel Pelaez. → Nakasaad sa pagbabagong ito na maaari nang di gamitin ng mga mag- aaral ang orihinal na bersyon ng Noli at Fili kung sa palagay nila ay maaapektuhan ang kanilang panrelihiyong aspeto. → Dahil dito nagwakas din ang kontrobersya at **[naipasa na rin ang BatasRizal alinsunod sa diwa at nasyonalismong Pilipino na nakasaad sa Kautusang Pangkagawaran ng Edukasyon Blg. 12, serye 1969]**. Hindi lamang hangad ng Batas-Rizal na parangalan ang ating bayani, layunin ng batas na ito na maitalagang muli ng mga Pilipino ang kanilang sarili sa mga simulain ng **nasyonalismo** at kalayaang pinagsumikapang matamo ni Dr. Jose Rizal. Ang buhay, ginawa at sinulat niya ay nagsisilbing isipan at paglinang ng disiplinang pangsarili, damdaming sibiko at kagandahangasal. **NASYONALISMO** --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Pagmamahal sa bansa Isang kamalayan sa lahi na nag-uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon, wika, kultura, kasaysayan at pagpapahalaga. **SA PAGPILI KAY RIZAL** **DR. JOSE P. RIZAL** - Isa siyang doktor (siruhano ng mata), manunulat, lingwista, guro, pintor, eskultor, agrimensor, arkitektor, inhinyero, ekonomista, magsasakang negosyante, heograpo, kartograpo, pilosopo, tagapagsalin, imbentor, mahikero, humorist, manlalaro, manlalakbay at propeta. **MGA PINAGPILIANG BAYANI NG LAHI** ------------------------------------- Marcelo H.del Pilar Emilio Jacinto Graciano Lopez Jaena Jose Rizal Heneral Antonio Luna **PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PANGUNAHING BAYANI** ------------------------------------------------- Isang Pilipino Namayapa May matayog na pagmamahal sa bayan May mahinahong damdamin → Naganap ang pagpili kay Jose Rizal bilang bayaning pambansa noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng **Gobernador Sibil William Howard Taft**. **MARCELO HILARIO DEL PILAR Y GATMAITAN** **PEN NAME**: Plaridel, Pudpoh,Piping Dilat, Siling Labuyo,Kupang, Maitalaga, and Dolores **BORN**: August 30, 1850, Bulacan **OCCUPATION**: Writer, Lawyer,Journalist **SPOUSE**: Marciana H. del Pilar **FATHER**: Julian H. del Pilar Mother: Biasa Gatmaitan **EMILIO JACINTO Y DIZON (1875-1899)** **SAGISAG PANULAT**: Pingkian/Dimas-ilaw Tinawag na \"**UTAK NG KATIPUNAN**\". Siya ay anak nila Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Katulong ni Andres Bonifacio sa Katipunan bilang tagapayo at kalihim. **GRACIANO LOPEZ JAENA** **LA SOLIDARIDAD** Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. Unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889 sa pamumuno ni **Graciano Lopez-Jaena**. Pumalit sa kanya si **MARCELO H. DEL PILAR** noong Disyembre 15, 1889. **LAYUNIN NG LA SOLIDARIDAD** ** ** Itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran. Mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan. Ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito. **JOSE RIZAL** Ayon sa tala, maraming pumili kay Marcelo H. del Pilar ngunit ito ay kanilang binago ayon kay Dr. H. Otley Beyer, isang dalubhasa sa Antropolohiya at katulong sa tekniko ng komisyon, sa kadahilanang higit na naging madula ang buhay at kamatayan ni Rizal, lalung-lalo na ang pagiging martir niya sa bagumbayan. Noong barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896, maraming tao ang nagluksa at humanga sa kanyang kadakilaan at katapangan. Noong hindi pa natutuklasan ng mga Kastila ang Katipunan, ginawa na ni Andres Bonifacio ang pagsugo kay Pio Valenzuela upang mabatid ang panig ni Rizal hinggil sa pinaplanong paghihimagsik. Pinapatunayan lamang ng pangyayaring ito ang pagtitiwala at paggalang sa katalinuhan ni Rizal. Noong Disyembre 20, 1898, nagpalabas si Pangulong Aguinaldo ng opisyal na proklamasyon na lumilikha sa Disyembre 30 ng taong iyon bilang Araw ni Rizal. Batay rin sa proklamasyon, iniuutos ang pagtataas ng bandilang Pilipino sa kalahatian ng palo mula tanghali ng Disyembre 29 hanggang tanghali ng Disyembre 30, at ang pagsasara ng lahat ng mga opisina ng pamahalaan sa buong araw ng Disyembre 30. Ang Pagbaril kay Rizal "Viva España! Muerte de los Traidores!" Patay na ang numero unong kaaway ng Espanya. Rizal\'s fight for freedom and justice has inspired many to continue his battle for the Philippines. Although his fate ended with death, his contribution to history will remain fully alive. **HENERAL ANTONIO LUNA** Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang Republika ng Pilipinas. **MARCELO H.DEL PILAR: AUGUST 30, 1850 -- JULY 4, 1896** ----------------------------------------------------------------- **EMILIO JACINTO: DECEMBER 15, 1875 -- APRIL 16, 1899** **GRACIANO LOPEZ JAENA: DECEMBER 18, 1856 -- JANUARY 20, 1896** **JOSE RIZAL: JUNE 19, 1861 -- DECEMBER 30, 1896** **HENERAL ANTONIO LUNA: OCTOBER 29, 1866 - JUNE 5, 1899** **ARALIN 2 ANG IKA-19 NA SIGLO** → Nang isilang si Rizal noong Hunyo 19, 1861, nagaganap ang giyera sibil (1861-1865) sa Estados Unidos na kinasasangkutan ng may 2,600,000 na mamamayan. → Ang sanhi ng usapin ay ukol sa pagkakaalipin ng mga Negro. Ang pagsiklab ng labanan noong Abril 12, 1861, ang nagbunsod kay Pangulong Abraham Lincoln para ipatupad ang Proklamasyon ng Emansipasyon ng mga aliping Negro noong Setyembre 22, 1863. → Noon din Pebrero 19, 1861 ang liberal na si Czar Alexander II (1855- 1881) ay naglabas ng proklamasyong nag-aalis ng serfdom sa bansa. → Pakikinabangan ito ng 22,500,000 magsasaka (serfs) ng Rusya. Ang hakbang na ito ay para palubagin ang umiinit na pagtutol ng taumbayang Ruso sa mga patakarang ipinatupad ng kanyang malupit na ama na si Nicholas I na namatay noong 1855. → Kumbinsido si Czar Alexander II na nararapat na bilhin ng gobyerno ang mga lupang sakahan mula sa mga mayari ng lupa at ibenta ito sa mga magsasaka na babayaran nila nang hulugan. → Noong Abril 1862, si Emperador Napoleon III ng Pangalawang Imperyong Pranses ay nagpadala ng hukbong Pranses sa Mexico upang sakupin ito. → Magiting na ipinagtanggol ng mga Indiyan at Mehikano ang kanilang bayan. Dahil noon ay giyera sibil sa Estados Unidos, hindi nakakuha ng tulong si Pangulong Benito Juarez sa kanyang kaibigang si Pangulong Lincoln. → Iniluklok ni Napoleon III si Pangulong Duke Maximilian ng Austria bilang tau-tauhang emperador ng Mexico noong Hunyo 12, 1864. Ito ay para mapatatag niya ang pananakop ng Mexico. → Nang magwakas ang giyera sibil sa Estados Unidos, tumulong ito sa hukbo ni Juarez at tinalo ang mga puwersa ni Maximilian sa Labanan ng Queretaro (Mayo 15,1867). Binitay si Emperador Maximilian noong Hunyo 19, 1867 **(ika-6 na kaarawan niJ. Rizal).** **Noong ikalabinsyam at ikadalawampung siglo, ang Impluwensya ng Europa sa Asya ay lumalaki. Mababatid sa kasaysayan na ang pangunahing layunin sa pakikipag-ugnayan ng Kanluran sa Asya ay pakikipagkalakalan. Subalit naging malakas din ang kanilang iba pang interes na paramihin ang bayang nasasakop, kaakibat ng pagdala ng porma ng kanluraning gobyerno at edukasyon sa mga tao.** → Noong ika-19 na siglo, kapansin-pansin ang pagsibol ng imperyalismong kanluranin. Ang Inglatera ay nangunguna sa mga puwersang imperyalista sa buong daigdig. Dulot ng kanyang malakas na hukbong pandagat at sandatahan, nasakop niya ang maraming bansa at nakapagtatag ng imperyo. Noong panahon ni Reyna Victoria (1837- 1901), ipinahayag ng mga Ingles na ang **"Britanya ang siyang naghahari sa mga daluyong."** → Sa pagitan ng 1858 at 1900, higit na pinatibayan ng Britanya ang kanyang kapangyarihan sa India. Noong 1859, nasupil ng mga Ingles ang Rebelyong Indiyano. Nabuwag ang Imperyong Mogul. Ipinatupad ng Inglatera ang kanyang pangangasiwa sa sub-kontinente ng India (ngayo'y binubuo ng India, Pakistan at Bangladesh). → Sumunod ang ibang imperyalistang kanluranin sa ginawa ng Britanya. Noong 1858-63, sinakop ng Pransya ang Vietnam. Isinanib rito ang Cambodia noong 1863 at pagkaraan ang Laos noong 1893. Pinag-isa ang mga bansang ito sa ilalim ng ngalang FrenchIndochina. → Sinakop naman ng Rusya ang Siberia, at pagkaraan ang Kamchatka, Kuriles,at Alaska (na ipinagbili niya sa Estados Unidos noong 1867 sa halagang \$7,200,000) → Mula 1865 hanggang 1884, nakuha nila ang mga lupaing Muslim ng Bokhara, Khiva, at Kokand sa Gitnang Asya. Sumama ang Rusya sa Inglatera, Pransya, at Alemanya sa pagbuwag ng Imperyong Tsina sa pamamagitan ng pagsakop ng Manchuria bilang "saklaw ng impluwensya". → Ang huling dekada ng ika-19 na siglo ay kinakitaan na pagiging sakop ng mga bansa sa Asya ng mga Kanluraning bansa. London, Paris, Amsterdam at Madrid ang mga lugar na kinikilala. Tanging ang Hapon at ang Thailand ang mga nanatiling wala sa saklaw ng kontrol ng Europa. → Noong Hulyo 8, 1853, ibinukas muli sa mundo ang bansang Hapon mula nang magsara ito sa mga dayuhan noong 1639. → Dulot ito ng ginawang hakbang ng isang Amerikanong hukbo sa pamumuno ni Komandante Matthew C. Perry. → Tinanggap ni Emperador Meiji (Mutsuhito) ang impluwensyang kanluranin. → Naipatupad ang modernisasyon sa bansang Hapon. → Pinalakas niya ang kanyang mga hukbo at sumapi sa mga puwersang imperyalista sa pagsalakay saTsina. → Pagkaraan ng labanan ng Tsina at Hapon (1894- 1895), inagaw niya ang Formosa (Taiwan) at Pescadores. Noong 1910 ay sinakop niya ang Korea. → Habang lumalakas ang mga imperyalistang kanluranin sa Asya, unti- unting nababawasan naman ang imperyo ng Espanya. Nawala na sa kanya ang mga kolonya niya sa Latin Amerika, Paruguay (1811), Argentina (1816), Chile (1817), Columbia at Ecuador (1819), sa Gitnang Amerika (Costa Rica, Honduras, Guatamela, El Salvador, at Nicaragua) noong 1821, Venezuela (1822), Peru (1824), at Bolivia at Uruguay (1825). Ang mga kolonyang ito ay nagsipag- alsa at nang lumaon ay nakamit nila ang kanilang kasarinlan. Gayumpaman, sa mga panahong ito hawak pa rin ng Espanya ang Cuba at ang Pilipinas sa Asya. → Naging malaking salik ang pagbubukas ng **Canal Suez** sa **liberalismo** sa daigdig. Ang Canal Suez ay isang artipisyal na daanang tubig. Isang isthmus na hinati at nag-ugnay sa dalawang mahalagang anyong tubig, ang Red Sea at Mediterranean Sea, pinabilis nito ang paglalayag mula Asya patungong Europa. Ito ay opisyal na binuksan noong Nobyembre 7, 1869 at naging sanhi din ng direktang kalakalan ng Espanya at Pilipinas na hindi na kailangang dumaan pa ng Mexico. → Ilan pa sa epekto ng pagbubukas ng Suez Canal ay ang mabilis at madaling ugnayan ng Pilipinas at Espanya, pagyabong ng pagluluwas ng Pilipinas ng mga produktong agrikultural sa ibang bansa, pagyabong ng Pilipinas sa pandaigdigang pakikipagkalakalan, pagdadala ng mga dayuhang mangangalakal sa Pilipinas ng mga kaisipang liberal at dahil sa pagbubukas ng Canal Suez ay umusbong ang mga bagong uring may kaya at mga ilustrado. → Sa panahong ito, isinilang ang apat na kinikilalang dakilang Asyano sa kasaysayan, sina: Dr. Jose Rizal at Rabindranath Tagore (1861, India), si Sun Yat-sen (1866, China) at si Mohandas Karamchand Gandhi (1869, India). Tinanggap nila ang bagong pamamaraan ng pag-aaral na dala ng Europa upang lutasin ang mga suliranin ng kanilang bayan. Hinamon nila ang kasalukuyang namamahala sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang mga masusing panunuri sa umiiral na sistema sa Asya. → Ang kilusang rebolusyunaryo sa Pilipinas ay masasabing nabuo, bunga ng mga isinulat ng mga **makabayang repormista**. Higit na nagbigay ng kakintalan ang mga isinulat ni **Dr. Jose Rizal**, lalo na ang Noli MeTangere at El Filibusterismo. → Hindi lamang mga Pilipino ang kumilala sa kadakilaan ni Rizal. Itinuring ni Gandhi si Rizal na tagapagsimula at martir ng kalayaan. Sa mga sulat ni Nehru sa anak niyang si Indira, kinilala niya ang kahalagahan ng pag-unlad ng Nasyonalismo sa Pilipinas gayon rin ang bahaging ginampanan ni Dr. Rizal. **Ang buhay ni Rizal ang masasabing may pinakamaraming tala kung ihahambing sa sinumang Asyano noong ika-19 na siglo. Ang kanyang mga sinabi, ginawa, isinulat o iniisip ay naitala na sa dahon ng kasaysayan.** **Ang Pilipinas noong Kapanahunan ni Rizal** → Sa Pilipinas, ang pangunahing katangian ng pulitika noong panahon ng mga Kastila ay ang pagsasanib ng Simbahan at Estado. Bunga ito ng pilosopiyang pulitikal ng Espanya na kung saan pinaglilingkuran ng Estado ang dalawang kamahalan (mejesties), and Papa ng Simbahang Katoliko at ang Hari ng Espanya. → Dahil sa unyon ng Simbahan at Estado, sumibol ang natatanging anyong Espanyol na pamahalaan ng Pilipinas, ang pagkakaroon ng **"pamahalaan ng mga prayle" o frailocracia**. Simula noong pananakop ng mga Kastila, ang mga prayle ang may hawak sa buhay panrelihiyon at edukasyon ng Pilipinas. Kinalaunan sa ika-19 na dantaon, kontrolado na rin nila ang kapangyarihang pulitikal, impluwensya at kayamanan. → Nagbunga ito ng pang-aabuso ng ibang miyembro ng ordeng rehiliyoso na ikinamuhi ng mga Pilipino. Dahil sa ibang masasamang prayle, nadungisan ang reputasyon ng ibang mabubuting prayle (kabilang na sina Padre Andres de Urdaneta, Padre Martin de Rada, Padre Juan de Plasencia, Obispo Domingo de Salazar, at Padre Miguel deBenavides). → Ang gobernador-heneral na kumakatawan sa hari ng Espanya ay mayroong malawak na kapangyarihan. Siya ang pinakamataas na pinuno, kapitan ng hukbo at bise-patron ng Simbahan (may karapatang pansimbahan). → Ang ganitong ayos ng pamahalaan ay nagdulot ng kalituhan sa kapangyarihang sinasaklaw ng bawat isa. Napakalaki ang impluwensyang pulitikal ng mga prayle kaya ang kanilang mga rekomendasyon ay sinusunod ng gobernador-heneral at mga opisyal ng lalawigan → Ang mga **Inquilino (leaseholder/tenant)** ang mga tagapamahala ng mga prayle sa mga lupaing pagaari nila. Ang nasabing lupain ay inuupahan ng mga Inquilino at pinapaupahan naman at pinapasaka sa mga tinatawag na **kasama**. Ang mga kasama ay hinahatian ng mga Inquilino sa ani ng lupang sinasaka ng mga ito. Hinahatian ang mga kasama ng mga inquilino ng karaniwang 50/50 pagpaparte matapos awasin ang mga gastos tulad ng mga binhi, pataba at iba pang gastos sa pagtatanim. → Noong panahon nang isilang si Jose Rizal, ang panunupil ng Espanya sa Pilipinas ay laganap. Ang mamamayang Pilipino ay hindi nagkaroon ng kalayaang gaya ng mga Kastila sa Espanya. Mula nang ipagpatibay ang Konstitusyon ng 1812 at iba pang saligang-batas, tinatamasa ng mga Kastila ang kalayaan ng pananalita, pamamahayag, at iba pang karapatang pantao. → Ang Konstitusyong Cadiz ng 1812 ay nagtakda ng mga sumusunod: Karapatan ng mga kalalakihan sa pagboto, pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyunal, kalayaan sa pamamahayag, reporma sa lupa at malayang kalakalan. Ang pagpasa ng nabanggit na konstitusyon ay manipestasyon ng pag- usbong ng diwang liberalismo sa Espanya. →Sa Pilipinas ang Konstitusyong Cadiz ay naimplementa lamang makaraan ang isang taon at ito ay noong Abril 17, 1813. Ang nasabing Konsititusyon ay noong 1813 ngunit ipinawalang bisa ng Hari noong 1814. Muling ipinairal noong 1821 muling ipinatigil noong 1824 ibinalik noong 1836 at nawala noong 1837. Ang pagpapatupad at pagpapawalang bisa ng konstitusyon ay pagpapakita ng kaguluhan sa Espanya, sa **agawan o pagpapalit-palit ng may hawak ng kapangyarihan.** → Ang mga awtoridad na Kastila maging sibil o eksklesiyastiko ay naging masigasig sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristyanismo, ngunit hindi naman nakikita sa kanilang pamumuhay ang mga aral na itinuturo nila. Di- makatwiran ang pagtingin sa mga indio saanman- sa pamahalaan, hukuman, opisina, sandatahan, paaralan at maging sa hanay ng simbahan. → Simbolo ng pagmamalupit nga ng mga Kastila ang mga **guardia** **sibil** (Konstabularyo) na nilikha ng atas ng hari noong Pebrero 12,1852 at sinusog ng atas ng hari noong Marso 24, 1888 para mapangalagaan at mapanatili ang kaayusan sa Pilipinas. Ito ay itinulad sa kilala at disiplinadong Guardia Civiles ng Espanya. → Si Rizal mismo ay naging biktima ng pagmamalupit ng isang tinyente ng mga guardia civil. Maging ang kanyang ina ay nakaranas din ng pagmamalupit sa kamay ng mga guardia civil na dumakip sa kanya sa salang walang katotohanan. → Ang mga hukuman ng mga panahong ito ay napakatiwali. Ang hustisya ay nabibili, mabagal at may kinikilingan. Kalunos-lunos ang kalagayan ng Pilipino sa litigasyon. Ang pagkakasangkot sa kaso ay isang kalamidad. Ang gagastusin sa kaso ay madalas na labis pa sa halaga ng pag-aaring pinagtatalunan. **Yaman, prestihyosong panlipunan at kulay ng balat ay mga kailangang salik para manalo sa kaso.** → Sa legal na batayan, ang mga prayle ang mga nagmamay-ari ng mga lupa dahil may pinanghahawakan silang titulo ng pag-aari ng nakamit nila buhat sa Hari ng Espanya. → Ang pag-aari ng mga prayle sa mga lupa ay lalo lamang nagpalala sa di pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Sa sanaysay na Sobre la Indolencia de los Filipinos, (Ang Katamaran ng mga Pilipino) sinulat ni Rizal. Published in La Solidaridad in Madrid in 1890. **ARALIN 3 BUHAY KABATAAN NI JOSE RIZAL** **PATERNAL SIDE** **DOMINGO LAMCO** **FRANCISCO MERCADO** **JUAN MERCADO** -------------------------------------- -------------------------------------- ------------------------------------------- Rizal's great-great-grandfather Son of Domingo and Ines Son of Francisco and Cirila A chinese immigrant from Chiangchow Rizal's great-grandfather Rizal's grandfather Arrived in Manila in about 1690 Married Cirila Bernacha Married Cirila Alenjandro Was baptized, married Ines Dela Rosa Resided in Biñan, Laguna Was also elected gobernadorcillo of Biñan Took the surname "Mercado" in 1731 Was elected gobernadorcillo of Biñan Had thirteen children Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda Araw ng Kapanganakan - Hunyo 19, 1861 (Calamba, Laguna) **THE RIZAL SURNAME** ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- in 1731, Domingo Lamco adopted the surname "Mercado" (market) in 1849.Gov. Gen Claveria ordered all Filipinos to accept Spanish surnames Francisco adopted the surname "Rizal" Was suggested by the provincial governor, who was a family friend **ANO ANG IBIG SABIHIN NG KANYANG PANGALAN** **JOSE** -- pangalan ng patron ng kanyang ina na si San Jose. **PROTACIO** - ang pangalan ng patron sa kalendaryo kung saan natapat ang pista ni San Protacio sa kaarawan ni Jose. **MERCADO** -- hango sa espanyol na salita na Mercado na ibig sabihin. **RIZAL** -- hango sa espanyol na salita na recial na ibig sabihin ay luntiang bukirin. **KAHULUGAN NG KANYANG PANGALAN** **JOSE** -- mula kay San Jose (St. Joseph) **PROTACIO** --mula kay Gervacio Protacio na galing sa Calendario de Iglesia Catolica\ **MERCADO** --pangalan na ginamit ni Domingo Lamco (ninuno ng erpats ni Rizal) noong 1731 mula sa mercado (tindahan)\ **RIZAL** -- mula sa salitang Castila na 'Ricial na ang ibig sabihin ay bukirin ng trigo na may usbong **ALONZO** -- lumang apelyido ng kanyang nanay **Y** - at **REALONDA** -- mula sa apelyido ng ninang ni Donya Teodora Kasaysayan ng Apelyido ni Juan Hindi uso noong unang panahon ang paggamit ng mga Pinoy ng apelyido hanggang maisipan ito ng isang Kastilang gobernador heneral na siyang gumawa ng libro na nag-aatas sa lahat ng naninirahan sa Pilipinas na gumamit ng apelyido noong 1849. Ang paggamit ng apelyido ng mga Filipino ay ipinag-utos ni Governor General Narciso Clavería para maging sistematiko ang pagpapatupad ng librong Catalogo Alfabetico de Apellidos o Alphabetical Catalog of Surnames. Nang ipatupad ang nasabing kautusan, karamihan sa mga Pinoy ay piniling gamitin ang mga apelyidong may kaugnayan sa Kristiyanismo tulad ng de los Santos, de la Cruz, del Rosario, Bautista at mga kilalang lokal na pinuno gaya ng Lakandula. **Mga Magulang**: **Francisco Mercado at Teodora Alonso** - ang unang guro ni Jose Rizal ay ang kanyang ina. \~ Marso 23, 1876: Nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Ateneo Municipal at nakatanggap ng mataas na karangalan. \~ 1877: Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid \~ 1885: Natapos ng sabay ang medisina at pilosopia ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- \- Natuto rin siyang magbasa at magsulat ng iba\'t ibang wika kabilang na ang Latin. \- Siya ay nagpakadalubhasa sa Heidelberg (Paris). \- Ang \"Noli Me Tangere\" at \"El Filibusterismo\" ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. \~ Hunyo 18, 1892: umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal - Nagtatag siya ng samahan, tinawag ito na \"La Liga Filipina.\" \~ Hulyo 6, 1892: Nakulong siya sa Fort Santiago \~ Hulyo 14, 1892: Ipinatapon siya sa Dapitan. (Apat na taon) \~ Setyembre 3, 1896: Inaresto siya, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang doktor/siruhano. \~ Nobyembre 3, 1896: Ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon, nakulong siya sa Fort Bonifacio. \~ Disyembre 26, 1896: Nahatulan ng kamatayan sa dahilang napagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. \- Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang \"Mi Ultimo Adios\" (Ang Huling Paalam). \~ Disyembre 30, 1896: binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (Luneta). **Ang Pamilya Rizal** Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda **Mga Magulang:** Francisco Engracio Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda Rizal Ikinasal noong Hunyo 28, 1848 **FRANCISCO MERCADO** (Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro): Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal, ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818 sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado. Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda na doon din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga palay, tubo, at iba pang mga pananim. Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal. Namatay si Francisco Mercado noong Enero 5, 1898. **TEODORA ALONSO** (Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y Quintos): Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak noong ika-9 ng Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila. Siya ang ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at Brijida de Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-aral siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging edukado. Dalawampung taong gulang siya nang ikasal sa tatay ni Jose Rizal na si Francisco Mercado at tumira sila sa Calamba, Laguna. Si Teodora ay naging isang masipag at dedikadong ina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Bilang nanay ng kalaban ng Espanyol, nakulong siya sa loob ng dalawa\'t kalahating taon dahil pinagbintangan siyang nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba pang mga pagpapahirap. Dahil sa malabong mga mata ni Teodora, napag-isipan ni Jose Rizal na mag-aral ng medisina. Namatay si Teodora noong ika-16 ng Agosto 1911 sa Calle San Fernando, Binondo, Maynila dahil sa kaniyang kahinaan. **Mga Kapatid ni Jose Rizal** 1\. Saturnina Rizal (1850-1913) SATURNINA RIZAL: Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng. Tinulungan niya kasama ang kanyang ina na makapag-aral si Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas. Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto. 2\. Paciano Rizal (1851-1930) 2. PACIANO RIZAL (Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda): Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa Calamba, Laguna. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan niya ng sustento at sinulatan niya para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang pamilya. Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos. Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro galing sa Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng Revolutionary Army at naging military commander din ng revolutionary forces sa Laguna noong Philippine - American War. Namatay si Paciano sa edad na 79 dahil sa tuberculosis. 3\. Narcisa Rizal (1852-1939) Ang Pinakamatulunging Kapatid na Babae ng Bayani Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na "Sisa". Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Isinangla niya ang kanyang mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula at isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang pinakamatulungin sa kanilang pamilya. Nang ang kanilang mga magulang na sina Don Francisco at Doña Teodora ay itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang kumupkop sa kanila. Kahit na ang kasintahan ni Jose Rizal na si Josephine Bracken ay pinatira niya sa kanyang tahanan sapagkat pinaghinalaan siya ng pamilya Rizal na isang espiya ng mga paring Espanyol. Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng lugar kung saan si Jose Rizal ay inilibing na walang kahon at walang pangalan para sa pagkakilanlan kaya nagbigay siya ng aginaldo sa namamahala sa mga libingan para lagyan ng markang "RPJ" na siyang titik ng mga pangalan ni Jose Rizal. Pagkaraan ng maraming taon ay hinukay ni Sisa at mga kaanak ang mga labi ni Jose Rizal. Si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay noong 1939. 4\. Olympia Rizal (1855- 1887) Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887. 5\. Lucia Rizal (1857-1919) Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa pamilya Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan nang nahatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal. 6\. Maria Rizal (1859-1945) Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945. 8\. **Concepcion Rizal** (1862-1865) **Ang Unang Pagdadalamhati ng Bayani** Siya ang binansagang "Concha" ng kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid. **Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o "Pepe" Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya**. Magkalaro sila at laging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae. 9\. **Josefa Rizal** (1865-1945) Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala rin bilang si "Panggoy". Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles. Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus. Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945. 10\. **Trinidad Rizal** (1868-1951) Ang Katiwala ng Pinakasikat na Tula ng Bayani Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal. Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose Rizal. 11\. **Soledad Rizal** (1870- 1929) Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang huwaran para sa mga tao, ito ay nakasulat sa mensahe noong 1890. **Ang Kabataan ni Jose Rizal (5'3 height)** Sa Calamba Sa kanyang kamusmusan , si Jose ay masasabing maliit at sakitin. Dahil dito , ipinagpatayo siya ng kanyang ama ng maliit na bahay -kubo na mapaglalaruan niya sa araw. Si Dona Teodora ang siyang unang nagturo kay Jose sa pagbabasa ng alpabeto sa edad na tatlong taon. Sa edad ding ito, nakakasama na si Jose sa pagdarasal ng pamilya. Sa edad na lima, nagsimulang bumasa si Jose ng Bibliya na nakasulat sa Kastila. Ang Kuwento ng Gamugamo Isinalaysay niya ang ukol sa pagbabawal ng inang gamugamo sa paglapit ng batang gamugamo sa ilawan upang di mapahamak. Ngunit nagpatuloy pa rin ang batang gamugamo sa paglapit sa ilawan hanggang sa di-sinasadya ay nadikit ito sa apoy at nasawi. Habang pinatutulog na ang batang si Jose, nasabi ni Doña Teodora na huwag nitong tularan ang batang gamugamo nang hindi siya mapahamak tulad ng nangyari dito sa katapusan ng istorya. Ngunit higit na hinangaan ni Jose ang batang gamugamo dahil sa lakas ng loob nitong lapitan ang liwanag ng ilawan kahit ikapahamak pa ng sarili nitong buhay. Mula pagkabata, ipakita rin niya ang talino niya sa sining. Sa edad na 5, gumuguhit na siya sa pamamagitan ng lapis at humuhubog ng magagandang bagay na yari sa luwad o wax. Sa edad na walo, nalikha ni Jose ang kanyang unang tulang pinamagatang Sa Aking Mga Kababata. Sa gayon ding edad nasulat niya ang kanyang unang dula na isang komedyang Tagalog. Itinanghal ito sa pista sa Calamba at nagustuhan ng mga tao. Napanood din ito ng isang gobernadorcillo mula sa Paete, isang bayan ng Laguna. Humanga rin siya rito at binili ang manuskrito ng dula sa halagang dalawang piso. Habang lumalaki si Jose, kumuha ng pribadong guro ang kanyang mga magulang. Si Maestro Celestino ang una. Pagkaraan naman ay si Maestro Lucas Padua. Nang lumaon, si G. Leon Monroy, dating kaklase ng kanyang ama, ang naging guro ni Rizal. Si Maestro Juastiniano Aquino Cruz ang kanyang naging guro. Ang paaralan ay nasa bahay ng guro , isang bahay -kubo at di -kalayuan sa bahay ng tiya ni Rizal. Kilala na ni Paciano ang guro dahil dati na siyang naging estudyante nito. Pinagtawanan si Jose ni Pedro, anak ng guro, habang nakikipag-usap sa guro sa unang araw pa lang ng klase. Kinahapunan ng araw na iyon, hinamon niya si Pedro sa isang suntukan. Naging popular si Jose sa kanyang mga kaeskwela dahil natalo niya si Pedro sa laban na iyon. Sa mga araling pang-akademiko, nangunguna si Jose sa klase. Kaya lamang, may mga pagkakataon na siya ay nabibigyan ng lima o anim na palo dahil sa sumbong ng ilang kaklase niya ukol sa kanyang pakikipag-away. Hindi naman talaga siya palaaway, pero hindi niya tinatakbuhan ang anumang hamon. **PAGBABALIK SA CALAMBA** Sa pagbabalik ni Rizal sa Calamba, hinagpis at lungkot ang tumimo sa isip at puso niya. Bago ang Hunyo, 1872, si Doña Teodora ay ipiniit dahil sa isang maling paratang na diumano'y pagiging bahagi niya sa tangkang paglason sa kanyang hipag, asawa ng kanyang kapatid na si Jose Alberto. Pagkaraang dakpin si Doña Teodora, pinaglakad siya mula Calamba hanggang Sta. Cruz, kabisera ng laguna na may distansyang limampung kilometro napiit siya sa kulungang probinsyal ng mahigit dalawang taon. Taong 1872 din naganap ang pagbitay sa tatlong pari, Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Sila ay naakusahan ng pakikipagsabwatan sa pagaalsa sa arsenal sa Cavite. Hinatulan sila ng hukumang-militar ng parusang kamatayan sa paraang garrote. Ang pagkamartir ng GOMBURZA ay ipinagluksa ng mag-anak na Rizal at maraming makabayang mamamayan ng Pilipinas. Sinamahan ni Paciano si Jose sa Maynila at kumuha ng pagsusulit sa San Juan de Letran. Nakapasa siya ngunit nagbago ang isip ng kanyang ama nang umuwi si Jose sa Calamba. Sa Ateneo Municipal de Manila niya gustong mag- aral. Magbuhat noong siya ay nagpalista sa kolehiyo, ginamit na niya ang pangalang Jose Rizal. Ito ay payo ng kanyang kapatid na si Paciano, sa pangambang baka mapasok sa gulo si Jose kapag nahayag silang magkapatid kung Mercado ang gagamitin. Sa panahong iyon, si Jose lamang sa buong pamilya ang gumamit ng apelyidong Rizal. Nang panahong iyon, ang Ateneo ay kinikilalang isang paaralang may makabagong pamamaraan sa pagtuturo. Ang mga mag-aaral na nakatira sa loob ng paaralan ay tinatawag na emperyo ng Romano samantalang ang pangkat na sa labas ng paaralang naninirahan ay tinatawag na emperyo ng Kartigano. Ang pinakamarunong sa bawat emperyo ang ginagawang emperador. Makalipas lamang ang isang buwan ay naging emperador na si Jose ngunit bago siya naging emperador ay nalagay muna siya sa pinakahuling hanay ng emperyo sapagkat noon ay may kahinaan pa siya sa wikang Kastila. Upang matuto siyang mabuti ng kastila at nagsasadya siya sa Dalubhasaan ng Santa Isabel tuwing rises upang mag-aral ng wikang Kastila. Matapos ang bakasyon ay bumalik na muli si Jose sa Maynila. Ikalawang taon na siya noon sa Ateneo, (1873- 1874). Itinanghal na naman siyang emperador sa kinabibilangan niyang pangkat. Nang matapos ang taon ay nagtamo siya ng markang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Pinagkalooban siya ng medalyang ginto. Dahil sa labis labis ang kanyang kagalakan at umuwi siyang taglay ang tagumpay noong Marso,1874. As a young student, Jose Rizal read and admired the novel \"The Count of MonteCristo\" by French author Alexandre Dumas Binasa niya ang nobelang The Count of Monte Cristo na isinulat ni Alexander Dumas. Nakintal sa kanyang isip ang karanasan ng pangunahing tauhan na si Edmond Dantes na nabilanggo nang mahabang panahon at hindi nabigyan ng makatarungang paglilitis. Ito ay nakatakas at nakabaon na yaman ay ginamit niya ang bagay na ito upang makapaghiganti. Ikatlong taon na nuon sa Ateneo ni Rizal nang maging panauhin sa Calamba ang Gobernador Heneral. May bilang na pagsayaw ang palatuntunan para aliwin ang panauhin. Ang isa sa mga sumasayaw ay si Soledad na kapatid ni Jose. Nang matapos ang pagsasayaw ay si Soledad ay kinalong ito ng Gobernador Heneral at itinanong kung ano ang nais niyang gantimpala. Hiniling ni Soledad na palayain ang kanyang ina. Ipinagkaloob ng Gobernador Heneral ang kahilingang ito. Ipinakilalala mang ng pangyayaring ito ang katunayan na marupok ang batayan ng katarungan sa Pilipinas noong panahong iyon dala ng mga pangyayari. Sa pagtatapos niya sa ikaapat na taon sa Ateneo ay nagtamo siya ng pinakamataas na marka sa lahat ng asignatura at tumanggap pa siya ng limang medalyang ginto. Masasabing higit na tagumpay ang mga huling taon ni Rizal sa Ateneo (1876-1877). Siya ay nagtamo nang pinakamataas na karangalan sa pagtatapos niya sa Bachiller en Artes ang medalyang ginto ng karangalan. Sa gulang na labing-anim, nagtapos si Rizal ng pag-aaral sa Ateneo. At noong Marso 23,1877, natamo niya ang katibayan sa Bachiller en Artes na may pinakamataas na karangalan. Noong panahon ng Kastila, ang Bachiller en Artes ay katumbas ng paaralang sekundarya at mga unang taon ng kolehiyo. Ito ay isang kwalipikasyon upang makakuha ng kurso sa unibersidad. Nais ni Don Francisco at ni Paciano na ituloy ni Jose ang kanyang pag-aaral sa unibersidad. Tutol si Dona Teodora at nasabi sa kanyang asawa na si Jose ay marami ng alam at kung mas marami pa ang kanyang malalaman, tiyak na mapupugutan na siya ng ulo. UST -- April 28, 1611 Nagpatala si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong Abril, 1877. Sa unang taon ay nag-aaral siya ng Pilosopiya bilang pagsunod sa kagustuhan ng kanyang ama. Lumipat siya ng kurso sa Medisina nang sumapit ang taong- aralang 1878-1879 bilang pagtalima naman sa payo ng rector ng Ateneo na si Padre Pablo Ramon. Gusto rin niya ang kursong ito upang magamot niya ang nanlalabong paningin ng kanyang ina. Sa bakasyon noong unang taon ni Jose sa Santo Tomas, nagbalik siya ng Calamba. Isang madilim na gabi noong 1878, Hindi niya napansin ang isang lalaking nadaanan niya sa kanyang paglalakad sa kalsada ay isa palang tenyente ng Guardia Civil. Taong 1879, nagkaroon ng paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico- Literario de Manila, isang samahan ng mga may hilig sa sining at panitikan. Si Jose, noon ay 18 taong gulang, ay nagpasa ng kanyang tulang pinamagatang A La Juventud Filipina (Para sa Kabataang Pilipino). Naipakita niya sa mga kabataang mag-aaral ang kanilang kahalagahan at bilang pagasa ng bayan. Sa tulang ito unang naipakilala ang kanyang kaisipan tungkol sa Pilipinas bilang isang bansa na iba sa Espanya. Nang sumunod na taon (1880), nagkaroon ng panibagong patimpalak sa panitikan para sa ikaapat na sentenaryo ng kamatayan ni Cervantes, dakilang Espanyol at manunulat ng Don Quixote. Maraming sumali, kapwa katutubo at Espanyol, may mga pari, mamamahayag at propesor. Isinumite ni Jose ang dulang alegorikal na may pamagat na El Consejo de los Dioses (Ang Sanggunian ng mgaDiyos). Ang inampalan na binubuo ng mga Kastila ay nagkaroon ng masusing pagsusuri sa mga lahok. Nang banggitin kung anong gawa ang nanalo, nagkaroon ng matunog na palakpakan; ngunit nang sabihin ang pangalan ng sumulat at isa itong indio nawala ang palakpakan. Sa kabila ng mga pagtutol, ibinigay pa rin kay Jose ang gantimpala isang gintong singsing na may nakaukit na mukha ni Cervantes. Sa isang labanan na nangyari sa may Escolta sa Maynila, nasugatan ang ulo ni Jose. Dinala siya ng kanyang mga kaibigan sa kantong pinangangaseragang bahay, ang Casa Tomasina na pag-aari ng kanyang tiyuhing si Antonio Rivera, ama ni Leonor. Ginamot ni Leonor ang kanyang sugat. Sa kabuuan ng panahon ng kanyang ipinamalagi sa UST, nagkamit sya ng mga sumusunod na grado: ---------------------------------------------------------------------------------------------- 1 pasado 8 mahusay 6 mahusay na mahusay 6 pinakamahusay Isinisisi ng ilang histoyador ang mga katamtamang grado ni Rizal sa UST dahil sa pagkahumaling nya kay Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela at Leonor Rivera. Ipinagpatuloy ni Rizal sa Espanya ang kanyang pag-aaral ng Medisina. Ngunit ayon kay Zaide, isang Kilalang Historyador ng Pilipinas (Dean of Filipino Historiographers) malaking bahagi ng dahilan ng paglisan ni Rizal ang kanyang "lihim na misyon". Masusing pinag-aralan ni Rizal ang kultura, kaugalian, komersyo at pulitika ng Europa bilang paghahanda sa pagpapalaya sa Pilipinas mula sa pamamahala ng Espanya. **ARALIN 4 UNANG PAGLALAKBAY PATUNGONG IBANG BANSA** **Pasyang Mangibang-Bayan** Nasa ikaapat na taon ng pag-aaral ng kursong Medisina nang mabuo sa kanyang isipan na tapusin na lamang niya ang kursong Medisina sa Madrid. Sinuportahan naman ito ni Paciano at ng ama ni Leonor. Maraming dahilan kung bakit nais niyang sa Europa tapusin ang pag- aaral. Una, hindi na nya gusto at di-masiyahan sa pamamaraang pagtuturo sa U.S.T. Ikalawa, ibig niyang makapagdalubhasang mabuti sa medisina upang mapagaling ang mga mata ng kanyang ina. Gusto niyang mapag-aralan ang mga dahilan ng kanser na lumalaganap ang paraan kung paano maipababatid sa bansa at sa pamahalaang Kastila ang mga pagbabagong kakailanganin ng Pilipinas. Ang pag-alis ni Jose ay ginawang lihim. Ang pasaporte nya ay nasa pangalang Jose Mercado. Si Paciano na may sariling lupang ari-arian at kumikita na, ang siyang nagbayad ng pamasahe ni Jose at nangakong magbibigay ng buwanang sustento. Sa kasintahan niyang si Leonor Rivera nakapag-iwan siya ng isang maikling tula na naglalaman ng kanyang pamamaalam. Ang Pagbiyahe ni Rizal Noong Mayo 3, 1882 ay umalis na siya ng Maynila upang makapagsimulang maglakbay, lulan ng barkong Espanyol na Salvadora na papuntang Singapore. Upang malibang sa biyahe, nakipaglaro si Jose ng ahedres (chess) sa ibang pasaherong mas matanda pa sa kanya. Madalas siyang manalo. Kahit siya ang nag-iisang pasaherong indio sa barko, naging maayos ang pakikitungo sa kanya ng ilang Kastila. Noong Mayo 9, 1882 dumaong na ang Salvadora sa Singapore isang kolonya ng Britanya. Nanuluyan siya sa Hotel dela Paz at dalawang araw na namasyal sa lungsod. Umalis si Jose sa Singapore lulan ng Djemnah, isang barkongPranses. Ang mga pasahero ay mga Ingles, Pranses, Olandes, Espanyol, Siamese at Malay. Maraming siyang naging kaibigang Europeo, na karamihan ay mga Olandes. Sa mga pantalang dinadaungan ng barko ay bumababa siya kasama ng mga kaibigan niyang Olandes na itunuturing siyang kaisa nila. Nagugustuhan ni Jose ang kanyang paglalakbay. (Palakaibigan) Sa pagtawid ng barko sa Karagatang Indian, tumigil ito sa Aden at nagsibabaan ang mga viajero. Sa pamamasyal ni Jose sa mainit na lungsod na ito, natuwa siya sa mga kamelyo dahil noon lamang niya nakita ang mga hayop na ito. Sa pagdaan ng barko sa Kanal Suez, muling huminto ang barko sa terminal nito sa Red Sea. Sa gitna ng maliwanag na buwan, naaalala niya ang Calamba at ang kanyang pamilya. (Homesick) Hunyo 11,1882 ay narating nila ang Naples. Masigla ang komersiyo rito. Nagandahan siya sa mga tanawin, tulad ng Bundok Vesuvius at ang Kastilyo ni San Telmo. Gabi ng Hunyo 12, 1882 dumaong na ang Djemnah sa Marseilles. Naging malungkot ang pamamaalam niya sa mga naging kaibigan niya sa kanyang paglalakbay. Noong hapon ng Hunyo 15, 1882 si Jose ay sumakay ng tren papuntang Espanya. Humanga siya sa angking bilis nito lalo na kung nagkakasalubong ang dalawang tren. "parang kidlat" Sa Espanya (1882-1885) Nakarating ang tren sa Barcelona noong Hunyo 16, 1882. Hindi maganda ang unang impresyon niya sa lugar. May marurumi at maliliit na paupahang bahay at supladong mga naninirahan. Bunga ng pagiging sanay sa mga bagay na may uri, madaling naubos ang kanyang baong pera. Noong una, humingi siya ng tulong sa ilang estudyanteng Pilipino na naroroon sa Barcelona. Ngunit sa kanyang pagpunta sa kanila, laking gulat niyang natuklasan na habang ang karamihan ay malaon nang gising, sila ay natutulog pa. (Katamaran) Nalaman din ni Jose na tatlong buwan pa ang kanyang hihintayin bago siya makapasok sa unibersidad. Sa pagkakataong ito, ginugol niya ang kanyang mga oras sa mga aklatan ng mga Heswita. Pagkaraan ng isang buwan ay natanggap ni Jose ang unang liham ni Paciano. Nakasaad dito kung paano tinanggap ng kanilang magulang ang balita ng kanyang pag-alis sa Pilipinas. Nagkasakit at naratay sa kama ang kanilang ama. Ipinagtapat ni Paciano dito na siya ang tumustos kay Jose sa pangambang baka lumala pa ang kalagayan ng kanilang ama. Buhat noon ay umayos na ang lagay ni Don Francisco. Makikita sa puntong ito, ang uri at hangganan ng impluwensiya ng nakatatanda niyang kapatid. Ang kabuuan ng kanilang relasyon ay nilalakipan ng paggalang at ganap na pagkakaisa ng layunin. Wala namang planong lumihis ng landas si Jose. Makaraan ng tatlong buwan sa Barcelona, buwan ng Setyembre, nagpatala na siya sa Universidad Central de Madrid. Sa Barcelona, isinulat ni Rizal ang isang sanaysay na pinamagatang Amor Patrio (Pagmamahal sa Bayan), ang unang artikulo na isinulat niya sa Espanya. Ginagamit niyang sagisagpanulat at Laong Laan. Ipinadala niya ang artikulong ito sa kaibigan niyang si Basilio Teodoro Moran, tagapaglathala ng Diariong Tagalog, unang pahayagan sa Maynila na nasa wikang Kastila at Tagalog. Isinulat ni Rizal ang artikulo sa Kastila. Hinikayat dito ni Rizal ang mga kababayan niya na mahalin ang lupang tinubuan, ang Pilipinas. Humanga si Basilio sa kanyang sinulat at hiningan ng iba pang artikulo. Bilang tugon, ipinadala ni Rizal ang ikalawa niyang artikulo para sa Diariong Tagalog na may pamagat na Los Viajes (Mga Paglalakbay). Ang sumunod dito ay ang Revista de Madrid (Paggunita sa Madrid) na sinulat niya noong Nobyembre 29, 1882. Habang nasa Barcelona pa si Rizal, nakatanggap muli siya ng liham buhat kay Panciano na nagbabalitang marami na ang namamatay sa Maynila at karatig lalawigan dulot ng kolera. Batay sa naunang liham ni Rizal ay nagpalista na siya sa Universidad Central de Madrid upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Kumuha siya ng dalawang kurso, Medisina at Pilosopiya at Letra. Ang unang natuklasan ni Jose sa mga estudyanteng Pilipino sa Barcelona at ganoon din sa Madrid. Ang pagtulog hanggang tanghali at masasabing kilalang gawi ng mga estudyanteng Pilipino. Ang araw ay nahahati sa pagsusugal at kwentuhan sa kapihan. Ang gabi naman ay iniuukol sa mga babae. Ngunit may mga namukod-tangi rin na mga Pilipino, tulad nina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo. Hinangaan sila ni Jose at itinuring na mabubuting halimbawa sa iba. Sa pagdating pa lamang ni Rizal sa Madrid, sumapi na siya sa Circulo Hispano-Filipino, isang samahan ng mga Kastila at Pilipino. Hinilingan nila si Rizal ng isang tula at nagawa nito ang Mi Piden Versos (Hinilingan Nila Ako ng Berso). Binigkas niya ang tula sa pagdiriwang ng kapwa niya Pilipino ng bisperas ng Bagong Taon sa Madrid noong 1882. Sa loob ng sumunod na tatlong taon ay naging isa sa mga pinakamagagaling na estudyante si Rizal sa Universidad. Natamo niya ang gradong sobresaliente sa Panlahatang Panitikan, Griyego, Kasaysayan, Panitikang Griyego at Latin, Hebreo, Maunlad na Griyego at Panitikang Kastila. Naipasa rin niya na may mainam na marka ang bawat pagsusulit sa Medisina. Ito ay hindi pa nagagawa ng isang pilipino at napakabihira sa mga mag-aaral na dayuhan. Ang propesor nya sa wikang Griyego ay labis na humanga sa kanya at nabanggit na hindi pa siya nakatagpo ng higit pa kay Rizal. Nag-aral din si Rizal ng pagpipinta at eskultura sa Akademya ng Sining sa San Fernando. Nagsanay din siya ng eskrima at pagbaril sa Bulwagan Armas nina Sanz at Carbonell. Binisita niya ang mga galerya at museo para madagdagan ang kanyang kaalaman. Tuwing Sabado ng gabi at tumutungo naman siya sa tahanan ni Don Pablo Ortiga y Rey, naging alkalde ng Maynila noong panahon ng pamumuno ng Gob. Hen. Carlos Maria de la Torre (1869-1871). Sa bahay ni Don Pablo nakilala ni Jose ang anak nitong babae na si Consuelo. Napahanga si Consuelo sa pagiging ginoo ni Rizal at siya'y napaibig. Lumikha siya ng isang tula noong Agosto 22, 1883 para ihandog sa dalaga. Ang tulang ito at pinamagatang, A la Senorita C.O.y.P. (Para kay Binibining C.O.y.P.). Ang pagtungo ni Rizal sa Espanya ang nagpalinaw ng kanyang layuning politikal. Sa ikapagtatamo ng mga reporma sa Pilipinas napagtanto niya na hindi ang Espanya ni ang Iglesia Katolika ang hadlang dito kundi ang mga prayle. Kahit naisip na niya ito noong nasa Pilipinas pa siya at nababanaag ang kaisipang ito sa kanyang sarsuwelang Junto Al Pasig, inakala niyang ang hadlang ay ang Espanya. Nakisalamuha si Rizal sa mga kilalang Kastilang liberal, na karamihan ay mason. Kasama rito sina Miguel Morayta, propesor at manunulat, Francisco Pi y Margal, mamamahayag at dating pangulo ng Unang Republikang Espanyol; Manuel Becerra, Ministro ng Ultramar (Mga Kolonya); Emilio Junoy, mamamahayag at kasapi ng Cortes ng Espanya; at Juan Ruiz Zorilla, miyembro ng Parlamento at pinuno ng Partidong Progresibong Republika ng Madrid. Hinangaan ni Rizal ang pamamaraan ng pagpapahayag ng mga Masong Espanyol. Malaya silang nagbibigay-puna sa pamahalaan at sa mga prayle. Ito ay kanyang ginagawa upang makahingi ng tulong sa Masonerya sa pakikipaglaban sa mga prayle sa Pilipinas. Kinalaunan, lumipat siya sa Lohiya Solidaridad (Madrid). Siya ay naging isang Punong Mason noong Nobyembre 15, 1890. Ginawaran siya ng diploma bilang Punong Mason ng Le Grand Orient de France sa Paris noong Pebrero 15, 1892. Naging masinop si Rizal sa paggasta ng pera at paggugol ng oras sa Madrid. Hindi siya nagaksaya kahit isang peseta sa pagsusugal, pag-inom ng alak at pambabae. Ang tanging bisyo niya ay bumili ng tiket sa loterya sa bawat bola ng Loterya ng Madrid. Ang natipid niyang salapi ay ipinambibili niya ng mga libro sa tindahan ng segunda mano ng isang Senor Roses. Kasama sa kanyang natipong mga aklat ay ang Bibliya. Sa mga aklat na nabasa niya, higit na nakagising ng kanyang makabayang damdamin ang Uncle Tom's Cabin. (Banaag at Sikat -- Lope K. Santos). Sa isang pagtitipon ng mga Pilipino sa tahanan ng mga Paterno sa Madrid noong Enero 2, 1884, iminungkahi ni Rizal ang pagsulat ng nobela sa isang grupo ng mga Pilipino na kinabibilangan nina Antonio Paterno; Graciano Lopez Jaena, Evaristo Aguirre, Eduardo de Lete, Julio Llorente, Melecio Figueroa, at Valentin Ventura. Ang nobela ay binanghay upang ipakilala ang lahat ng aspekto ng buhay sa Pilipinas. Pumayag naman sila na makiisa ngunit nang malaunan ay walang naisulat ang kanyang mga kasama. Ipinasya na ni Rizal na siya na lamang ang magsusulat ng nobela. Sinimulan niya ang pagsusulat ng nobela (NOLI) sa Madrid noong 1884. Noong taon ding iyon, Hunyo 21 at tinanggap ni Rizal ang pagiging lisensyado sa Medisina. Hindi siya nabigyan ng diploma bilang doktor sa medisina sapagkat hindi siya nakapagpakita sa kanyang tesis sa pagdoktor. Gugugol siya rito ng salapi at panahon. Mayroong pa siyang ibang pinagkakautangan. Ngunit ang kanyang pagiging lisensiyado ay nagbigay sa kanya ng pahintulot na makapanggamot. Minabuti niyang magpakadalubhasa sa pag-oopera ng mga mata sa ibang bansa sa Europa. Natapos din ni Rizal ang kanyang kursong Pilosopiya at Letra noong ikaw-19 ng Hunyo, 1885 (Ikaw-24 niyang kaarawan). Sa panahong nilisan ni Rizal ang Pilipinas patungong Espanya, bagsak na ang ani ng palay at tubo dahil sa tagtuyot at pananalakay ng balang. Nagkataon pang tinaasan ng namamahala ng hasyenda Dominiko, ang upa sa lupang sinasaka ng pamilyang Rizal bunga ng hindi pagbigay ni Don Francisco ng pabo. Dahil sa ubos na ang natitirang pera ni Rizal, hindi na siya nag-aagahan. Ito ay naganap noong Hunyo 25, 1884. Kahit walang laman ang kanyang sikmura ay pumasok siya sa klase at sumali sa paligsahan sa wikang Griyego. Nanalo siya rito ng gintong medalya. Nang gabing iyon ay nakapaghapunan siya nang maayos dahil sa naimbitahan siya sa isang bangketeng inihandog ng komunidad na Pilipino para kina Juan Luna at Felix Resurrection Hidalgo sa Restawran Ingles sa Madrid. Ipinagdiriwang nila ang pagkakaloob ng inampalan ng Pambansang Eksposisyon ng Sining sa Madrid ng unang gantimpala kay Luna sa kanyang likhang pinamagatang, Spoliarium at ikalawang gantimpala naman kay Hidalgo sa kanyang Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho (Christian Virgins Exposed to the Populace). Ang pinakatanging bahagi ng gabing iyon ay ang pag-inom ng alak bilang pagpupugay sa dalawang alagad ng sining. Ito ay pamumunuan sana ni Pedro Paterno, ngunit sa di malamang kadahilanan ay umurong at ang pinagsalita na ay si Rizal. Binanggit ni Rizal sa kanyang talumpati na " ang panahon ng Patriyarka sa Pilipinas ay lumilipas na; ang mariringal na gawa ng kanyang mga anak ay hindi na magkasya sa loob ng tahanan; ang silanganing uod na magiging paru-paro ay lumilisan na sa kanyang suput-suputan; ang umagang may nagkikinangang mga kulay at mapulang bukang-liwayway ng isang mahabang araw ay ibinababala na para sa mga kasaysayan, samantalang nililiwanagan ng araw ang ibang lupalop ay nagigising na muli." Ang talumpati ay katangi-tangi. Nakarating ang bagay na ito sa Pilipinas at malaganap na pinaguusapan. Sa pananaw ni Paciano, ang nasabing talumpati ng kanyang kapatid ay naging daan upang ito ay magkaroon ng maraming kaaway kaya di dapat niyang balakin na umuwi sa Pilipinas. Sa sulat niya kay Jose, pinaalalahanan niya ito na iwasan ang mga bagay na nakasasaling sa iba. Spolarium The painting features a glimpse of Roman history centered on the bloody carnage brought by gladiatorial matches. Spoliarium is a Latin word referring to the basement of the Roman Colosseum where the fallen and dying gladiators are dumped and devoid of their worldly possessions. It currently hangs in the main gallery at the first floor of the National Museum of Fine Arts in Manila The work was subsequently sold for a record price of PHP73. 584 million (US\$1.36 million) at a Salcedo Auctions\' Important Philippine Art sale in the Philippines. Sa Paris, Pransya (1885-86) Pagkaraang matapos sa pagaaral sa Madrid, nagtungo si Rizal sa Paris upang magpakadalubhasa sa optalmolohiya. Papuntang Paris, dumaan siya sa Barcelona upang dalawin ang kaibigan niyang si Maximo Viola, isang mag-aaral ng medisina na taga-San Miguel, Bulacan. Mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886 ay nagtrabaho siya bilang katulong (assistant) na doktor sa klinika ni Dr. Louis de Weckert, isang kilalang siruhano ng mata sa Pransya. Ang nasabing doktor ay lubhang napakaraming pasyente, kabilang na ang mga miyembro ng ilang pamilya ng mga hari sa Europa. Natutuhang salitain ni Rizal nang buong husay ang Pranses tulad ng Kastila. Maganda ang pagtanggap ni Dr. Weckert sa kanya. Itinuturing siyang parang isang tunay na anak. May ilang okasyon na naging panauhin siya sa magarang bahay ng doktor. Sa isang sulat na ipinadala ni Rizal sa kanyang mga magulang noong Enero 1, 1886, binanggit niya na marunong na siya sa lahat ng klase ng operasyon. Pinag-aaralan na lamang niya kung ano ang nasa loob ng mata Nilisan ni Rizal ang Paris sa gitna ng pagpatak ng yelo noong Pebrero 1, 1886, pagkaraang makapagsanay sa klinika ni Dr. Weckert. Desidido siyang tumungo naman ng Alemanya. Dito sa Paris ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat ng kanyang nobela (NOLI) na sinimulan niya sa Madrid. Sa Alemanya (1886) Sa sinasakyang tren ni Rizal ay nakalulan sa tabi ng kanyang silid ang isang prinsipe at prinsesang Ruso. Sa bawat pagbaba nila ng tren ay binibigyan sila ng kaukulang paggalang. Ayon kay Rizal, "ang Alemanya ay isang bansa na may matinding kaayusan at pagkilala sa nakatataas." Nakakita siya ng isang bahay paupahan na tinitirhan ng ilang Alemang estudyante ng batas. Nakasundo niya sila agad dahil sa sumasali siya sa kanilang paglalaro ng ahedres (chess) at pag-inom ng serbesa. Pagkaraan ng ilang araw ay lumipat na si Rizal sa lugar na malapit sa Unibersidad ng Heidelberg. Nagtrabaho siya sa Ospital ng mga Mata ng Unibersidad sa ilalim ng pangangasiwa ng bantog na optalmolohistang Aleman na si Dr. Otto Becker. Bagamat higit na tanyag na siruhano ng mata si Dr. Weckert, isa si Dr. Becker sa mga taong maraming bagay-bagay ang nalalaman. Mahilig siya sa musika at sining. Itinatag din ni Dr. Becker ang isang museo sa sining sa Heidelberg. Nagbakasyon si Rizal sa Wilhelmsfeld, isang bulubunduking bayang malapit sa Heidelberg. Tumira siya sa rektoryo ng isang mabuting Protestanteng Pastor na si Dr. Karl Ulmer. Nang malaman niya ang tungkol sa paghihirap ni Rizal sa wikang Aleman, iminungkahi niya na manirahan ito sa Wilhemsfeld na kung saan mas mura ang paninirahan at sa gitna ng mas tahimik na lugar ay makapag-aral siya ng wikang Aleman. Natapos niya ang huling bahagi ng nobelang Noli Me Tengere sa Alemanya. Ang huling kabanata ng nobela ay isinulat niya sa Wilhelmsfeld noong Abril-Hunyo 1886. Naging suliranin niya kung saan ipalilimbag ang kanyang nobela. Sinulatan niya si Paciano upang ipaalam sa kanya na kung maari ay siya na ang magbayad ng pagpapalimbag ng aklat. Ngunit naantala ang sulat sa tanggapan ng koreo at wala pa siyang natatanggap na sagot noong mga unang araw ng Agosto kaya nagpasya na siyang pumunta ng Leipzig. Noong Hulyo 31, 1886, isinulat ni Rizal ang una niyang liham sa wikang Aleman. Ipinadala niya ito kay Propesor Ferdinand Blumentritt, isang Austriyanong etnolohista na napagalaman niyang pinag-aaralan ng wikang Tagalog. Sinagot ni Blumentritt ang sulat ni Rizal at pinadalhan pa ito ng dalawang regalong libro. Dito nagsimula ang natatangi nilang pakikipagkaibigan at ng hindi nahintong pakikipagsulatan, na nagwakas lamang dala ng pagkabaril kay Rizal sa Pilipinas sa taong 1896. Liham at libro---iyan ang naging daan upang umusbong ang isang panghabambuhay na pagkakaibigang Rizal at Blumentritt. Si Blumentritt ay isang Austriyanong etnolohiko at propesor na may natatanging interes sa pag-aaral ng mga linggwahe sa Pilipinas. Hulyo 31, 1886 nang magpadala si Rizal ng una nitong sulat sa propesor. Kasama ng maikling liham na nasusulat sa wikang Aleman, nagpadala rin si Rizal ng isang aklat na pinamagatang Aritmetica. Bagaman hindi pa lubusang nakikilala ni Blumentritt ang nagpadala sa kanya ng liham, agad itong humanga kay Rizal at mula noon, ay nakipagpalitan na nga ng mga sulat sa ating bayani. Sa katunayan, umabot sa 200 ang mga liham na naisulat nila sa isa't-isa---isang katunayan sa malalim na pagkakaibigan ng dalawa. Sa pamamagitan ng mga liham, ang dalawang taong namulat sa magkaibang lugar, kultura, paniniwala, kondisyon at paraan ng pamumuhay ay naging matalik na magkaibigan. Makalipas ang halos isang taon ng pag-uusap sa pamamagitan lamang ng mga liham, nagkita na ang dalawa noong May 13, 1887 sa Leitmeritz, Bohemia. Dala-dala ang iginuhit ni Rizal na sariling larawan, pumunta si Blumentritt sa istasyon ng tren upang makita sa unang pagkakataon si Rizal. Tinulungan ni Blumentritt na makahanap ng matutuluyan na silid sina Rizal at Viola sa Hotel Krebs at pagkatapos nito ay dinala ang dalawang Pilipino sa bahay mismo ng mga Blumentritt. Si Blumentritt din ang nag-ikot sa kanila sa Leitmeritz upang ipakita ang magagandang tanawin doon. Bilang pasasalamat, ipininta ni Rizal ang propesor at ibinigay ang ipinintang larawan dito. Nasiyahan naman si Blumentritt sa kanyang natanggap. Umalis sina Rizal at Viola sa Leitmeritz noong Mayo 16, 1887. Dahil sa kanyang kaalaman sa Aleman, Espanyol, at iba pang wikang Europeo, pumasok si Rizal bilang proof reader sa isang limbagan at kumita nang kaunti lamang. Mula Leipzig ay nagtungo siya sa Dresden at nakadaupangpalad si Dr. Adolph B. Meyer, Direktor ng Museo Antropolohikal at Etnolohikal. Umaga ng Nobyembre 1, 1886 nilisan ni Rizal ang Dresden lulan ng tren at narating ang Berlin ng gabing iyon. Maunlad ang larangan ng agham dito at walang diskriminasyon ng lahi dito. Tumira siya sa isang murang silid doon sa Jaegerstrasse, mula Nobyembre 1886 hanggang Mayo ng sumunod na taon. Sa rekomendasyon nina Dr. Jagor at Dr. Meyer, naging miyembro si Rizal ng Samahang Antropolohikal at samahang Heograpikal. Siya ang unang Asyano na nabigyan ng ganitong pribelihiyo. Nakilala niya ang kanyang hinahangaang siyentipikong Aleman na si Dr. Feodor Jagor, ang may akda ng Travels in the Philippines (Reisen In Den Philippines) isang aklat na nabasa niya noong siya ay nasa Ateneo Municipal. Sa Berlin ginawa ni Rizal ang huling rebisyon ng manuskrito ng Noli. Noong magtatapos na ng Nobyembre, 1886 ay nagkasakit siya dahil sa gutom at paghihikahos. Nasa punto na si Rizal ng paghagis sa apoy ng kanyang nobela dahil sa kanyang labis na kalungkutan. Napilitan siyang hindi muna kumain ng karne dahil hindi na niya ito kayang bilhin. Ang kanyang pagkain ay binubuo ng basong tubig sa umaga, sa tanghalian naman ay gulay, at dahil noon ay taglamig, patatas, singkamas at swedes (isang uri din ng singkamas) ang kapalit. Nilalampasan na lamang niya ang pagkain sa gabi kapag nararamdaman niyang makakaya niya kahit wala ito. Ilang araw bago magpasko ay dinalaw siya ng kanyang kaibigan si Maximo Viola. Nabigla siya sa kalagayan nito at sinuri ang kanyang sakit na hindi naman tuberkolosis kundi panghihina ng katawan dahil sa kawalan ng pagkain at labis na pag-eehersisyo. Tinulungan ni Viola si Rizal hanggang sa makabalik ito sa dating pangangatawan. Magkasabay na silang kumain. Tiniyak ni Viola na sinusunod ng kanyang kaibigan ang kanyang mga payo. Tinuruan naman siya ni Rizal ng tungkol sa wikang Aleman. Si Viola na mula sa mayamang pamilya, ay mayroon namang sapat na salapi upang ipalimbag ang Noli. Nangako siyang magpapahiram para rito at gayon din ng karagdagang panggastos. Para makatipid sa pagpapalimbag, inalis ni Rizal ang ilang bahagi ng manuskrito. Kabilang sa tinanggal ang buong kabanata ng Elias at Salome. Noong Pebrero 21, 1887, natapos na ni Rizal ang pagsasaayos ng kanyang nobela. Naghanap sila ni Viola ng palimbagan na may pinakamababang singil at ito ang Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft. Para sa 2,000 sipi, 300 piso ang kanilang babayaran. Habang nasa imprenta ang Noli, kamuntik nang ipadeport si Rizal dahil sa hindi niya maipakita ang kanyang pasaporte sa isang hepe ng pulis na bumisita sa kanyang tinutuluyang bahay paupahan at siyaý pinaghinalaan ng pamahalaang Aleman na isang espiyang Pranses. Matapos ang apat na araw na palugit, humingi siya ng tawad sa hindi niya pagkakakuha ng pasaporte. Lumabas sa palimbagan ang Noli Me Tangere noong Marso 21, 1887. Kaagad niyang ipinadala ang ilang sipi nito sa kaniyang malalapit na kaibigan tulad nina Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce, at Felix R. Hidalgo. Pinadalhan din niya ng sipi ang kaibigang si Ferdinand Blumentritt. Ikinagulat ni Viola na kabilang sa pinadalhan niya ng sipi ng nobela ang gobernador-heneral ng Pilipinas at ang Arsobispo ng Maynila. Nang siya ay tanungin ni Viola kung bakit, ngumiti lamang si Rizal. Ginawa ni Rizal ang gayon sapagkat isinulat niya ang nobelang ito para sa buong mamamayan ng Pilipinas. Hindi niya intension na gawin itong lihim na babasahin. Ang katotohanan ang kaniyang pamantayan nito ay makakaimpluwensya kung nalalaman ang nanghayag. Kalagitnaan ng Abril 1887, ay dumating na rin sa wakas ang sulat ni Paciano na nagpapahayag na darating ang halagang isang libong piso nitong pantustos. Nang dumating ang pera ay kaagad binayaran ni Rizal ang pagkakautang niya kay Viola. Dahil may sapat pang perang natitira, binalak nilang maglakbay sa Europa bago umuwi sa Calamba siRizal. Paglalakbay sa Europa nina Rizal at Viola Madaling araw ng Mayo 11,1887, nilisan nina Rizal at Viola ang Berlin sakay ng tren. Dala ni Rizal ang lahat ng liham na natanggap niya mula sa kaniyang pamilya at kaibigan. Sila ay patungong Dresden. Dinalaw nila si Dr. Adolph B. Meyer, na masayang-masaya sa kanilang pagkikita. Binisita rin nila ang Museo ng Sining kagaya sa galerya ng sining sa Paris. Noong Mayo 13, 1187 ika-isa at kalahati ng hapon, nakarating ang tren sa estasyon ng Leimeritz, Bohemia. Nasa estasyon naghihintay si Blumentritt, dala ang larawang-guhit ni Rizal sa sarili na kaniyang naipadala. Sa paraang ito, makikilala niya ang kaniyang Pilipinong kaibigan. At sa wakas nagkita rin ang dalawang iskolar na magkaibigan. Sa Leimeritz, ipinakilala ni Blumentritt si Rizal sa kilalang siyentipikong si Dr. Carlos Czepelak at ganoon din kay Propesor Robert Klutschak, bantog na naturalista. Sa huling gabi sa Leimeritz, naghandog ng hapunan sina Rizal at Viola kay Blumentritt sa kanilang tinutuluyang hotel. Pagkaraan ng Leimeritz, tumuloy sina Rizal at Viola sa siyudad ng Prague. Dala ang liham ng rekomendasyon buhat kay Blumentritt, tinanggap silang mabuti ni Dr. Willkomm propesor ng likas na kasaysayan sa Unibersidad ng Prague. Ipinasyal sila sa mga makabuluhang lugar gaya ng libingan ni Copernicus, ang kilalang astronomo; ang mga museo ng likas na kasaysayan at iba pa. Noong Mayo 20, 1887 narating naman nia Rizal at Viola ang Vienna, kabisera ng Austria, Hungary. Dulot ng liham ng rekomendasyong padala ni Blumentritt, nakilala nila si Norenfals, isa sa pinakamahusay na nobelista sa katalinuhan ni Rizal. Dito sa Vienna, natanggap ni Rizal ang nawawala niyang diyamante alpiler na naiwan niya sa Otel Krebs at nakita roon ng isang katulong. Ibinigay ito kay Blumentritt, na siyang nagpadala nito kay Rizal saVienna. Nagpatuloy sila ng kanilang Biyahe patungong Munich na kung saan sila'y tumigil para tikman ang ipinagmamalaking Munich beer ng Alemanya. Sa Ulm naman, inakyat nila ang daandaang baitang ng katedral ng lungsod na ito. Bago nakarating sa tire, makalawang beses naliyo si Viola ngunit si Rizal naman ay diretsong nakaakyat. Sa Rheinfall, nakita nila ang itinuturing na pinakamagandang talon sa Europa. Pagkaraan ay nakarating na sila sa hangganan patungong Switzerland. Sa Geneva, sumakay sila sa Bangka para tawirin ang Lawa ng Leman. Ang mga tao sa lungsod nito ay nagsasalita ng Pranses, Aleman, at Italyano na batid naman ni Rizal. Nakipag-usap siya sa kanila sa mga wikang ito. Sa lungsod ng Geneva ipinagdiwang ni Rizal ang kaniyang ika-26 na kaarawan, kasama ang kaniyang kaibigang si Viola. Noong Hunyo 23, 1887 nagbalik na sa Barcelona si Viola at si Rizal naman ay tumungong Italya. Ipinagpatuloy ni Rizal ang biyahe at binisita niya ang Turin Milan, Venice at Florence, Roma at Vatican. Hunyo 29, 1887 kapistahan ni San Pedro at San Pablo, binisita ni Rizal ang Vatican, ang "Lungsod ng Papa" at kabisera ng St. Peter's Square, makukulay na guwardiyang Vatican at ang relihiyosong Kakristyanuhan. Hinangaan niya ang Simbahan ng San Pedro, ang malawak na debosyon sa lugar. Pagkaraan ng isang lingo ng bakasyon ay naghanda na sa pag-uwi sa Pilipinas si Rizal. Nagpadala na siya ng sulat sa kaniyang ama na siya ay uuwi na. Dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere na hindi nagustuhan ng mga prayle, pinayuhan nina Paciano, Silvestre Ubaldo (kaniyang bayaw), Chengoy, at ilang kaibigan niya na huwag na muna siyang babalik. Ngunit determinado siyang makabalik ng Pilipinas. Dahilan ni Rizal sa pagbabalik sa Pilipinas. upang maoperahan ang mga mata ng kaniyang ina, alamin ang pagtanggap ng mga tao sa Noli Me Tangere, at mabatid kung bakit wala na siyang nababalitaan tungkol kay Leonor Rivera. Hatinggabi ng Agosto 5, 1887 dumating si Rizal sa Maynila. (Mayo 3, 1882)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser