Life and Works of Rizal - PDF Notes

Summary

These notes cover the life and works of Jose Rizal, a prominent figure in Philippine history. Topics covered include his early life, education, travels, and his role in the Propaganda Movement and the Philippine Revolution. The document also discusses his execution and legacy.

Full Transcript

LIFE AND WORKS OF RIZAL WRITTEN AND PREPARED BY ALJON T. TAMBAL LESSON 1: INTRODUCTION TO RIZAL LAW REPUBLIC ACT NO. 1425 Ang Republic Act No. 1425, o mas kilala bilang Rizal Law, ay ipinasa noong Hunyo 12, 1956 sa ilalim ng Third Session ng Third Congress. Layunin...

LIFE AND WORKS OF RIZAL WRITTEN AND PREPARED BY ALJON T. TAMBAL LESSON 1: INTRODUCTION TO RIZAL LAW REPUBLIC ACT NO. 1425 Ang Republic Act No. 1425, o mas kilala bilang Rizal Law, ay ipinasa noong Hunyo 12, 1956 sa ilalim ng Third Session ng Third Congress. Layunin ng batas na ituro ang buhay, mga sulatin, at mga kontribusyon ni Jose Rizal sa mga mag-aaral sa high school at kolehiyo. HISTORICAL CONTEXT OF RIZAL LAW Ilang taon matapos makalaya ang Pilipinas mula sa pananakop, unti-unting nawawala ang pambansang pagkakakilanlan ng mga Pilipino dahil sa matinding impluwensiya ng kulturang Kanluranin. Bilang tugon, ipinasa ang Rizal Law upang muling pagtibayin ang diwang makabayan sa pamamagitan ng pag-aaral sa buhay at mga akda ni Jose Rizal. Noong Abril 3, 1956, inihain nina Senador Claro M. Recto at Senador Jose P. Laurel, Sr. ang Senate Bill No. 438, na naglalayong gawing sapilitang babasahin sa lahat ng pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa simula, ang dalawang nobela lamang ni Rizal ang sakop ng panukala. Inihain naman ni Cong. Jacobo S. Gonzales noong April 19, 1956 ang House Bill No. 5661, ang parehong batas sa Kongreso. Nagkaroon ng pagtutol mula sa Simbahang Katolika, partikular na kay Father Jesus Cavanna. Ayon sa kanya, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay naglalaman ng matitinding pagbatikos laban sa Simbahang Katolika. Naniniwala siya na delikado itong ipabasa sa kabataan dahil maaari raw itong magdulot ng maling pag-unawa at paglayo sa pananampalataya sa Katolisismo. Ipinunto ni Fr. Cavanna sa pagdinig sa Senado na ang dalawang nobela ni Rizal ay naglalaman ng mga anti-Katolikong pahayag. Ayon sa kanyang pagsusuri, sa Noli Me Tangere 25 pahina lamang ang tumatalakay sa patriotismo mula sa kabuuang 333 pahina, habang 120 pahina ay naglalaman ng batikos sa Simbahang Katolika. Sa El Filibusterismo naman, 41 pahina ang may temang patriotismo mula sa kabuuang 293 pahina, ngunit 80 pahina ay nakatuon sa pag-atake sa simbahan. Dahil dito, itinuring niya ang mga nobela bilang subersibo at radikal, katulad ng tingin sa mga ito noong panahon ng Espanyol. Sa panig ng mga sumusuporta sa Rizal Law, dumalo sa pagdinig si Judge Guillermo Guevarra upang tugunan ang mga argumento ng mga tutol sa panukala. Ayon sa kanya, hindi paglabag sa academic freedom ang Senate Bill No. 438. Ipinaliwanag niyang may karapatan ang estado na magtakda ng mga akdang dapat pag-aralan sa mga paaralan, at ang panukalang batas ay hindi lumalabag sa anumang probisyon ng Konstitusyon. LESSON 2: THE PHILIPPINES’ ECONOMIC, SOCIAL, AND POLITICAL CONDITIONS DURING THE SPANISH COLONIZATION IN THE 19TH CENTURY SOCIAL EDUCATION, RISE OF THE CHINESE MESTIZO, AND RISE OF THE INQUILINO THE SOCIAL EDUCATION OF THE FILIPINOS Isa sa pangunahing layunin ng mga Espanyol sa kolonisasyon ay ang gawing sibilisado ang mga Pilipino. Ayon sa kanila, ang mga katutubong nadatnan nila sa bansa ay mga barbariko dahil malayo ang kultura at paraan ng pamumuhay ng mga ito kumpara sa kanilang kinagisnan sa Europa. Sa kabila ng layuning ito, ang edukasyon noong panahon ng kolonisasyon ay hindi bukas para sa lahat. May malinaw na sistemang panlipunan o social hierarchy na umiiral, kung saan may walong pangunahing antas: 1.​ Peninsulares – Mga purong Kastila na ipinanganak sa Espanya at ipinadala sa Pilipinas upang mamuno. 2.​ Insulares – Mga purong Kastila ngunit ipinanganak na sa Pilipinas. 3.​ Iba pang Europeo – Bagaman Europeo, hindi sila itinuturing na bahagi ng mataas na uri ng lipunan tulad ng Peninsulares at Insulares. 4.​ Mestizo – Mga may dugong Pilipino na may halong lahing Kastila o Tsino, karaniwang kabilang sa mayayamang pamilya. 5.​ Principales – Mga maharlika o datu mula sa panahong pre-kolonyal na nakipag-alyansa sa mga Espanyol. Hindi sila nagbabayad ng buwis at tumutulong sa mga Kastila sa pangongolekta nito. 6.​ Indio/Binyagan - Ito ang mga natibo na nabinyagan sa Kristiyanismo 7.​ Tsino - Ito naman ang mga purong Intsik na naninirahan sa Pilipinas. 8.​ Hindi binyagan - Ito naman ang mga grupong hindi naabot o lubos na napasailalim ng kolonisasyon, dahil sa lumaban sila sa pananakop o sadyang tinakasan ito. Isang halimbawa nito ay ang malaking bahagi ng Mindanao. Ipinapakita na ang edukasyon noon ay eksklusibo lamang para sa mga elite, partikular sa mga peninsulares at insulares. Kalaunan, nabuksan din ito para sa mga mestizo, kaya naging simbolo ng mataas na katayuan sa lipunan ang pagkakaroon ng edukasyon. Karaniwang ipinapadala ng mga mayayamang pamilya sa probinsya ang kanilang mga anak sa Maynila upang mag-aral, bilang tanda ng prestihiyo. Sa pagbubukas ng Suez Canal noong 1869, mas bumilis ang paglalakbay mula Asya patungong Europa. Dati ay umaabot ng tatlo hanggang apat na buwan ang biyahe, ngunit naging isa buwan o 20 hanggang 30 araw. Dahil dito, maraming ilustrado ang naipadala sa Europa upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Nagkaroon lamang ng pormal na edukasyon sa Pilipinas nang ipatupad ang Royal Decree of 1863 ni Queen Isabella II ng Spain. Sa bisa nito, inatasan ang bawat munisipalidad na magtayo ng dalawang primaryang paaralan—isa para sa mga lalaki at isa para sa mga babae. Noong panahong iyon, ang mga paaralan at kurikulum ay kontrolado ng simbahan, kaya nakasentro rin sa relihiyon ang mga itinuturo. Magkaiba ang kurikulum para sa babae at lalaki. Ang mga babae ay karaniwang nag-aaral sa mga beaterio, kung saan tinuturuan sila tungkol sa relihiyon. Sa mga unibersidad, limitado rin ang kanilang aralin tulad ng home economics, sining, at relihiyon. Samantala, ang mga lalaki ay tinuturuan ng lohika, matematika, agham, at pisika, lalo na sa malalaking unibersidad. Pagkatapos ng pag-aaral, karaniwang landas na tinatahak ng mga lalaki ay ang pagiging abogado, pari, o doktor. RISE OF THE CHINESE MESTIZO Ang Chinese Mestizo ay bunga ng pag-aasawa ng mga Espanyol at mga Tsino, na kilala rin bilang Mestizo de Sangley. Mula sa kanila nagmula ang tinatawag na Inquilino class. Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang ugnayang pangkalakalan ang Pilipinas sa mga Tsino, lalo na sa larangan ng negosyo. Ngunit kalaunan, dumami ang populasyon ng mga Tsino sa bansa, at dito nagsimulang mabahala ang mga Espanyol. Nang makita ng mga Espanyol ang paglaki ng bilang at impluwensiya ng mga Tsino, natakot silang mawala ang kanilang kapangyarihan. Nagkaroon pa ng ilang pag-aalsa ang mga Tsino na nagpatindi sa takot ng mga kolonisador na maaaring maagaw ng mga Tsino ang kontrol sa Pilipinas. Bilang tugon, nagkaroon ng kasunduan: pinayagan sila na manatili sa bansa kapalit ng mas mataas na buwis, pinahintulutan ding magmay-ari ng lupa basta’t magpa-convert sila sa Kristiyanismo, at pinayagan din silang mag-asawa ng mga Pilipino. RISE OF THE INQUILINO CLASS Ang mga Inquilino ay mga nangungupahan ng lupa mula sa mga may-ari o landlord. Ang mga landlord noon ay hindi lamang mga pari, kundi pati na rin ang mga peninsulares at insulares. Dahil likas na negosyante, unti-unting umangat ang Inquilino class sa lipunan. Lumago ang kanilang mga negosyo, at dahil sa dami ng koneksyon, nakabuo sila ng social capital at nakilala sa lipunan. Dahil malalaki ang lupaing kanilang sinasaka at hindi nila kayang pamahalaan ang lahat ng gawain dito ay, kumuha sila ng mga “kasama” o katiwala. SECULARIZATION, CAVITE MUTINY, AND RELIGION THE ROLE OF RELIGION Malaki ang naging impluwensya ng relihiyon sa paghubog ng kaisipan at kultura ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Madaling napapasunod ng mga prayle ang mga tao dahil sa paniniwala sa mga aral ng karma at langit at impyerno. Sa mga Eastern religions, tulad ng ilang paniniwala sa Asya, may ideya na kung gagawa ka ng masama ay babalik ito sa iyo. Sa Kristiyanismo, itinuturo na kapag hindi ka sumunod sa Diyos, mapupunta ka sa impyerno, ngunit kung ikaw ay mabuti, ikaw ay mapupunta sa langit. Dahil sa kahirapan ng buhay, marami ang sumusunod sa simbahan dahil naghahangad silang makarating sa langit o kaginhawaan. At dahil ang mga pari ay itinuturing na tagapagsalita ng Diyos, ang pagsuway sa kanila ay tila pagsuway na rin sa Diyos. Kaya noon, simbahan ang sentro ng buhay ng mga Pilipino. Ang Praylokrasya (frailocracy) ay tumutukoy labis na kapangyarihan ng mga prayle sa lipunan. Bagama't ang mga prayle ay bahagi ng simbahan at hindi opisyal na opisyal ng pamahalaan, sila ay may malakas na impluwensya sa gobyerno, edukasyon, at pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. SECULARIZATION MOVEMENT Ito ay ang paglilipat ng pamamahala ng mga parokya (o simbahan sa mga bayan) mula sa mga paring regular patungo sa mga paring sekular. Ang mga paring regular ay ang mga kinabibilangan ng mga prayleng Espanyol. Ibig sabihin, kasapi sila sa mga ordeng relihiyoso tulad ng mga Dominikano, Augustino, Heswita, Rekolekto, at iba pa. Samantala, ang mga paring sekular ay tumutukoy sa mga pari na hindi kabilang sa relihiyosong orden at kadasang kinabibilangan ng mga katutubong Pilipino. Ang nanguna sa kilusang sekularisasyon ay si Father Pedro Peláez, na kalaunan ay namatay sa lindol noong 1863. Pumalit sa kanya ang kanyang mag-aaral na si Padre Jose Burgos. Si Burgos ay nagsulat ng isang manifesto na naglalahad ng mga karanasan at karapatang dapat tinatamasa ng mga paring sekular. Wala itong pamagat dahil ito ay mahigpit na sinensura—noong panahong iyon, mapanganib ang magsulat ng anumang laban sa mga awtoridad ng Espanya, at maaaring humantong ito sa pagkakakulong o mas mabigat na parusa. CAVITE MUTINY Sinasabi ng mga historyador na kung wala ang 1872 Cavite Mutiny, ay hindi magaganap ang 1896 Philippine Revolution. Ang mutiny ay isang maliit at lokal na pag-aalsa, samantalang ang rebolusyon ay mas malawak. Ang Cavite Mutiny ay nag-ugat sa Cavite Arsenal, isang pagawaan at imbakan ng armas. Noong panahong iyon, ang gobernador-heneral ay si Carlos María de la Torre, isang liberal na lider na bukas makinig sa mga natibo. Dahil dito, binigyan niya ng pribilehiyo ang mga manggagawa sa Cavite Arsenal dahil sa delikado nilang trabaho. Bilang kapalit, hindi sila pinagbabayad ng buwis at hindi isinasama sa polo y servicio (sapilitang paggawa). Pagkatapos niya, pinalitan siya ni Rafael Izquierdo bilang gobernador-heneral. Pag-upo niya sa pwesto, inalis niya ang mga pribilehiyong ibinigay sa mga manggagawa ng Cavite Arsenal. Dahil dito, nagsimulang mabuo ang pagkadismaya at galit ng mga manggagawa, na siyang naging ugat ng Cavite Mutiny. May dalawang bersyon ng Cavite Mutiny—isa mula sa mga Espanyol, at isa mula sa mga Pilipino. Sa bersyon ng mga Espanyol, ayon kay Gov. Rafael Izquierdo at historyador na si Jose Montero y Vidal, planado ang pag-aalsa. Ayon sa kanila, layunin ng mga Pilipino na patalsikin ang mga Espanyol at ipalit ang Gomburza bilang mga pinuno ng Pilipinas. Sa bersyon naman ng mga Pilipino, ayon kay Trinidad Pardo de Tavera, hindi rebolusyon ang layunin kundi ang maibalik ang nawalang pribilehiyo ng mga manggagawa sa Cavite Arsenal. Kung tunay na planado ito, aniya, bakit naging hudyat ng mga manggagawa ang isang paputok mula sa isang pista bilang mitsa o simula ng pag-aalsa. EXECUTION OF GOMBURZA Matapos ang Cavite Mutiny, nagsimula ang paghahanap ng mga pinuno ng pag-aalsa. Kasabay nito, lumalakas ang sekularisasyon movement na labag sa interes ng mga prayle. Dahil dito, itinuro bilang pangunahing suspek ang tatlong paring martir—sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza). ​ Sa paglilitis, hindi sapat ang ebidensya laban sa kanila. Mga bayarang saksi lamang ang ginamit upang idiin sila, kahit wala silang direktang kinalaman sa pag-aalsa. Isinailalim sila sa isang Military Tribunal, at hindi makatao ang naging pagtrato. Sa kabila ng kawalan ng kasalanan, sila ay hinatulang mamatay sa pamamagitan ng garote noong February 17, 1872. Ang mga tunay na itinuturong may sala o naging pinuno ng Cavite Mutiny ay sina Maximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraiso. Sila ay mga mason na napag-alaman na mayroong koneksyon kay Gov. Izquierdo na kung saan ay ipinatapon lang sila sa Guam o sa Mariana Island. ECONOMIC: END OF THE GALLEON TRADE, OPENING OF THE SUEZ CANAL, OPENING OF PORTS TO WORLD TRADE, RISE OF THE EXPORT CROP, ECONOMY, AND MONOPOLIES THE GALLEON TRADE Ang Galleon Trade ay isang patunay ng umiiral na globalisasyon noon sa pagitan ng Pilipinas, Europa, at maging mga bansa sa South America. Ang mga galleon ay malalaking barkong ginagamit sa kalakalan, at umiikot sa isang trade route mula Maynila patungong Acapulco, Mexico. Dahil sakop tayo ng Espanya, naging daanan ang Pilipinas ng mga produktong galing Tsina tulad ng silk, tsaa, porcelain, at mga pampalasa mula sa Moluccas (Indonesia)—mga itinuturing na luxury items ng mga Europeo. Sa kabilang banda, ang Pilipinas naman ay nagluluwas ng mga produkto tulad ng abaka, asukal, tabako, at bigas. Ang naging problema sa Galleon Trade ay isa itong monopolyo ng gobyerno. Ibig sabihin, limitado lamang ang maaaring makilahok dito—karaniwan ay mga mayayamang negosyante o taong may koneksyon sa pamahalaan, dahil kailangan ng malaking puhunan o bayad para makasali rito. Bago pa man dumating ang mga Espanyol, may malayang kalakalan na ang mga Pilipino sa mga karatig-bansa sa pamamagitan ng barter system. Ngunit nang ipatupad ang Galleon trade na nagtagal ng dalawang daang taon, nawala ang kalayaang iyon. Ang trade route ng Galleon trade ay mula Pilipinas patungong Acapulco, Mexico—na noon ay bahagi rin ng imperyo ng Espanya. Mula sa Acapulco, dinadala ang mga kalakal papuntang Seville, Spain, at doon ito ipinapakalat sa iba’t ibang bahagi ng Europa. Ganito rin ang proseso pabalik, kung saan ang mga produkto mula Europa ay dumaraan sa Mexico bago makarating sa Pilipinas. Natapos ang Kalakalang Galyon noong Setyembre 14, 1815, ilang taon bago naging malaya ang Mexico mula sa Espanya noong 1821. Ilan sa mga dahilan ng pagwawakas nito ay: ​ Pagkakabukas ng Suez Canal, isang man-made route na nagdurugtong sa Asya at Europa at kumukonekta tungo sa Africa. Dahil dito, naging mas mabilis at mas maikli ang ruta ng kalakalan. ​ Pagkakaimbento ng steamship o barkong pinapaandar ng makina na mas mabilis kumpara sa mabagal na galyon. Noong 1834, binuksan ang Pilipinas sa world trade dahil bumagsak ang ekonomiya at nahirapan ang mga mangangalakal. Dahil dito, pinayagan ang malayang pag-e-export ng mga produkto, kaya unti-unting nakabawi ang ekonomiya. Sa panahong ito, nagsimulang sumikat ang cash-crop economy. Kasabay nito, muling lumakas ang sistema ng pagpapa-upa ng lupa. Ang Encomienda system, na ginawa upang gantimpalaan ang mga opisyal at pari (friar estates na mas malalaki) ay pinagkalooban ng mga lupain o sakahan at tinawag silang encomendero — na sa modernong panahon ay maihahambing sa haciendero. Dahil hindi nila kayang personal na asikasuhin ang mga lupain, pinauupahan nila ito sa mga tinatawag na inquilino. Ito ay nanatiling umiiral sa Pilipinas noong ika-19 na siglo, lalo na sa anyo ng pang-aabuso sa mga magsasaka. Kapag hindi sila nakabayad ng tributo o renta sa lupa, sila ay pinaparusahan, kaya naging isa itong mapang-abusong sistema. Sa pagbubukas ng Pilipinas sa world trade, mas maraming Pilipino ang naging magsasaka at mas dumami ang produksyon ng mga produktong ini-export gaya ng tabako, asukal, at abaka. Dahil dito, lumago ang ekonomiya ng bansa sa panahong ito. Nagkaroon ng monopolyo o tinatawag na bandala system na nangangahulugan na monopolyo ng gobyerno sa mga produkto tulad ng monopolyo ng tabako sa Hilagang Luzon. Mayrong itinataktad ang gobyerno kung ano lang ang pwede nilang itanim at ibebenta lamang nila ito walang iba kundi sa gobyerno lamang at madalas ay sa mas mababang halaga. POLITICAL LIBERALISM, IMPACT OF THE BOURBON REFORMS, CADIZ CONSTITUTION Dahil sa pagbubukas ng Suez Canal, naging mas mabilis ang biyahe mula Pilipinas patungong Europa. Dahil dito, nakapag-aral sa Europa ang mga ilustrado — ang mga edukadong Pilipino tulad nina Rizal at del Pilar. Sa kanilang pag-aaral, na-expose sila sa ideya ng liberalismo, karapatang pantao, at rebolusyon, kaya naisip nilang posible rin itong ipaglaban sa Pilipinas. Samantala, ang Bourbon Reforms ay nag-ugat sa pagbabago ng dinastiya sa Espanya — mula sa Habsburgs papunta sa Bourbon monarchy, dahil naubos na ang mga lalaking tagapagmana. Ang mga bagong hari mula sa Bourbon family ay nagpatupad ng mga reporma hindi lang sa Espanya kundi sa mga kolonya gaya ng Pilipinas. Ilan sa epekto ng Bourbon Reforms sa Pilipinas ay ang pagtaas ng buwis at pagpapataw ng polo y servicio (sapilitang paggawa ng mga tao edad 16 hanggang 40). Ang Cadiz Constitution of 1812, layunin nito na palitan ang absolute monarchy — kung saan ang hari at reyna ay walang limitasyon ng kapangyarihan — at gawing isang constitutional monarchy, kung saan ang kapangyarihan ng monarch ay may hangganan at may sinusunod na batas o konstitusyon. Gayunpaman, hindi rin ito nagtagal dahil maraming hindi sanay lalo na ang mga elitista. LESSON 3: RIZAL’S FAMILY, CHILDHOOD, AND EARLY EDUCATION RIZAL’S EARLY CHILDHOOD Si Jose Rizal ay lumaki sa isang malaking pamilya, isang karaniwang katangian ng mayayamang pamilya noong panahong iyon. Ang kanyang ama ay si Francisco Mercado mula sa Biñan, Laguna, na may lahing Intsik, at ang kanyang ina ay si Teodora Alonso. Ang buong pangalan ni Jose Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, na naging mahaba dahil sa Claveria Decree of 1849. Noon, ang mga pangalan ay batay sa tirahan o pisikal na anyo, kaya nagkaroon ng kalituhan sa buwis at pagkilala sa mga tao. Upang ayusin ito, binuo at ipinamahagi ang Catalogo Alfabetico de Apellidos, isang opisyal na listahan ng mga apelyido. Ikapito siya sa labing-isang magkakapatid: Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, María, José Protacio, Concepción, Josefa, Trinidad, at Soledad. Ayon sa historyador na si Ambeth Ocampo, si Rizal ay may taas na 5’2. Dahil lumaki siyang payat at maliit, tinuruan siya ng boxing at wrestling ng kanyang tiyo na si Manuel Alberto upang matutong ipagtanggol ang sarili. RIZAL’S PRIMARY EDUCATION Ang unang guro ni Jose Rizal ay ang kanyang ina, si Doña Teodora, na nagturo sa kanya ng alpabeto, dasal, at mabuting asal sa edad na tatlo. Dito rin niya unang narinig ang kwento ng batang gamu-gamo. Lumaki siyang may mga pribadong guro: Maestro Celestino, Maestro Lucas Padua, at Leon Monroy, na nagturo sa kanya ng Espanyol at Latin bago ito namatay. Dahil dito, ipinasok siya sa isang pribadong paaralan sa Biñan, Laguna noong 1870–1871, sa ilalim ni Maestro Justiniano Aquino Cruz. Dito, natuto siya ng Latin at Espanyol at nakilala ang bully na si Pedro, na kanyang natalo sa isang suntukan matapos siyang insultuhin. RIZAL IN ATENEO MUNICIPAL (1872-1877) Nagpunta si Rizal sa Maynila upang kumuha ng entrance exam sa Colegio de San Juan de Letran. Ngunit nais ng kanyang ama na mag-aral siya sa isang paaralang pinamamahalaan ng mga Heswita, kaya sumubok siya sa Ateneo Municipal (kilala noong bilang Escuela Pia o Charity School of Manila, na ngayon ay Ateneo de Manila). Ginamit niya ang apelyidong Rizal upang maiwasan ang koneksyon sa Gomburza, lalo na kay Fr. Jose Burgos, na malapit sa kanyang kapatid na si Paciano. Tinanggihan siya ni Fr. Magin Ferrando, ang registrar ng paaralan, dahil huli na siya sa pagpaparehistro at maliit at sakitin daw siya. Sa tulong ni Manuel Xerez Burgos, pamangkin ni Jose Burgos, natanggap si Rizal sa Ateneo. Siya ay isang externo o estudyanteng hindi nakatira sa loob ng paaralan, kaya nanirahan siya sa labas ng Intramuros kung saan matatagpuan ang Ateneo noon. Nanirahan siya sa isang bahay sa Caraballo Street, na 25 minutong lakad mula sa kanyang paaralan. Ang mga estudyante ay hinati sa dalawang grupo: Roman Empire at Carthaginian Empire. May ranggo ang bawat grupo, at kailangang ipaglaban ng mga estudyante ang kanilang posisyon. Sa bawat tatlong pagkakamali, maaaring maagaw ng kalaban ang ranggo ng isang estudyante. Ranggo sa paaralan: ​ Emperador (Pinakamahusay) ​ Tribune ​ Decurion ​ Centurion ​ Standard-Bearer Nag-aral siya kasama ang mga Peninsular, Espanyol, Insulares, Mestizo, at katutubong Pilipino. Dahil limitado ang kanyang kaalaman sa Espanyol, madalas siyang tuksuhin ng mga kaklase. Upang mapabuti ito, kumuha siya ng pribadong leksyon sa Santa Isabel College. Kalaunan, naging Emperador siya ng kanyang grupo. Noong June 16, 1875, sa kanyang ika-apat na taon, naging interno siya o nanirahan na sa loob ng Intramuros. Dito niya nakilala si Fr. Francisco Paula de Sanchez, isa sa kanyang mga naging guro at mentor. Sa panahong ito, nagsimula siyang mahilig sa pagsusulat. RIZAL IN UNIVERSITY OF STO. TOMAS (1877-1882) Pagpasok sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST), hindi tiyak ni Jose Rizal kung anong kurso ang kukunin. Interesado siya sa abogasya, panitikan, at medisina, ngunit sa unang taon, pinili niyang mag-aral ng Pilosopiya at Letra dahil: ​ Ito ang nais ng kanyang ama. ​ Hindi siya nakahingi ng payo kay Fr. Ramon Pablo, rektor ng Ateneo. Matapos ang unang taon, lumipat siya sa medisina dahil sa dalawang dahilan: ​ Pinayuhan siya ni Fr. Ramon Pablo na kunin ang kursong ito. ​ Mahina na ang paningin ng kanyang ina, kaya nais niyang maging doktor upang gamutin ito. Gayunpaman, hindi naging kasingganda ng kanyang karanasan sa Ateneo ang kanyang pag-aaral sa UST. Hindi siya naging masaya, na nakaapekto sa kanyang mga grado. Tatlong dahilan ang naging sanhi ng kanyang di kasiyahan: ​ Malamig ang pakikitungo ng mga Dominikanong propesor sa kanya. ​ Nakakaranas ng diskriminasyon ang mga Pilipinong estudyante. ​ Luma at mapanupil ang sistema ng pagtuturo sa UST. Sa panahong ito, sumali si Jose Rizal sa maraming paligsahan sa panitikan. Isa sa kanyang isinulat ay ang "El Consejo de los Dioses", kung saan nanalo siya ng gawad sa panitikan, ngunit walang natuwa sa kanyang panalo. Sa kanyang nobelang El Filibusterismo, ipinakita ni Jose Rizal kung paano hinahamak at iniinsulto ng mga Dominikanong propesor ang mga Pilipino. Sa Kabanata XIII, "The Class in Physics", isinalarawan niya kung paano isinasagawa ang mga klase sa UST noong kanyang panahon. Dito ay nakilala rin niya ang ilan sa kanyang mga naging kasintahan: 1.​ Segunda Katigbak 2.​ Leonor Rivera – kanyang pinsan at pinakamatagal na pag-ibig, na tinawag niyang "Taimis" sa kanyang mga sulat. 3.​ Leonor Valenzuela – sinusulatan gamit ang invisible ink (tubig at asin), na lumilitaw lamang kapag itinapat sa apoy. RIZAL IN EUROPE (1882-1892) Binigyan siya ng suporta ng kaniyang kapatid na si Paciano patungong Europa. Walang kaalam-alam ang kanyang mga magulang na siya ay aaalis ng bansa. Pumunta siya ng Maynila at binigyan ng rekomendasyon ni Pedro Paterno upang matulungan siya kapag nasa Espanya na siya. Masinop na isinusulat ni Rizal ang kanyang mga nakikita noong siya ay naglalayag patungong Europa. Habang nasa Barcelona, Spain ay isinulat niya ang "Amor Patrio" - isang talumpati na nagsasaad ng Nasyonalismo. Ibinigay niya ito kay Basilio Teodoro Roman ng Diaryong Tagalog at napabilib ito sa galing ng pagsusulat ni Rizal. Pagdating niya sa Madrid, Spain ay kumuha siya at sabay na pinag-aralan ang kursong Medicina at Pilosopiya Y Letra sa Univercidad Central de Madrid. Nagsanay din siya sa pintura at iskultura - pinag-aralan ang mga lenggwahe na Pranses, Alemanya, at Ingles. Sa panahong ito, sumali siya sa isang grupo na tinawag na Circulo Hispano Filipino na samahan ng mga liberal sa Europa na nag-uusap patungkol sa political, economic, social issues habang nagkakape o meryenda. Dito, nakilala niya sina Graciano Lopez Jaena at Gregorio Sancianco. Dito rin ay nagbigay siya ng talumpati o ang Brindis Speech noong Hunyo 25, 1884, sa isang piging sa Madrid, Espanya, bilang parangal kina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo matapos silang magwagi sa Exposición Nacional de Bellas Artes. Sa kanyang talumpati, itinampok ni Rizal kung paano ipinakita nina Luna at Hidalgo ang kagalingan ng lahing Pilipino sa harap ng mundo. Natapos ni Jose Rizal ang kanyang pag-aaral, ngunit muntik na niyang hindi makuha ang kanyang diploma dahil kinulang siya sa pambayad sa matrikula. Matapos nito, pumunta siya sa Paris at nagsanay sa ilalim ni Dr. Louis de Wecker, isang optalmologo. Ngunit dahil sa mataas na gastusin sa pamumuhay, napagtanto niyang hindi siya makakatagal doon, kaya kalaunan ay umalis siya ng Paris. Matapos umalis sa Paris, nagpunta si Jose Rizal sa Germany at naging apprentice ng optalmologong si Dr. Otto Becker. Dahil dito, tinawag siyang "Dr. Uliman", dahil inakala ng mga tao na siya ay Aleman. Sa Germany, nagkaroon siya ng penpal na si Prof. Ferdinand Blumentritt, isang Austrian scholar na nag-aaral ng wikang Filipino. Bagamat hindi pa siya nakarating sa Pilipinas, marami siyang alam tungkol dito. Naging ama-amahan, tagapayo, tagapagtanggol, at tagahanga ito ni Rizal. Sa panahong ito, tinatapos na niya ang Noli Me Tangere, ngunit kinulang siya sa pera para ipalimbag ito. Isa sa tumulong sa kanya ay si Maximo Viola, na hindi lang nagbigay ng suporta sa pagpapalimbag kundi nagdala rin kay Rizal sa isang doktor. Dito natuklasan na nagkasakit siya dahil sa matinding pagtitipid sa pagkain. TRAVELING WITH MAXIMO VIOLA Matapos mailathala ang Noli Me Tangere, naglakbay sina Jose Rizal at Maximo Viola sa iba't ibang bahagi ng Europa. Noong Mayo 13, 1887, pinuntahan nila si Ferdinand Blumentritt sa Austria, Bohemia. Ito ang kanilang unang pagkikita matapos ang matagal nilang palitan ng sulat. Tinulungan ni Blumentritt sina Rizal at Viola na makahanap ng matutuluyan sa Hotel Krebs. Kinalaunan, inimbitahan niya sila sa kanyang bahay upang ipakilala sa kanyang asawa at pamilya. Bilang tanda ng pasasalamat, iginuhit ni Rizal si Blumentritt kasama ang kanyang anak at ibinigay ito bilang regalo. Kalaunan, handa na sanang umuwi si Rizal sa Pilipinas kaya sumulat siya sa kanyang ama tungkol sa kanyang pagbabalik. Ngunit tinutulan ito ng kanyang mga kamag-anak, dahil sa panganib na maaaring harapin niya. Sa panahong ito, nakapasok na sa Pilipinas ang Noli Me Tangere at mainit na ang mata ng Simbahang Katolika sa kanya. RIZAL'S RETURN TO THE PHILIPPINES Noong Agosto 5, 1887, bumalik sa Pilipinas si Jose Rizal matapos ang limang taong pag-aaral sa Europa. Sa kabila ng babala ng kanyang mga kamag-anak na huwag nang umuwi, pinili pa rin niyang bumalik sa tatlong dahilan: ​ Operahan ang mata ng kanyang ina ​ Alamin ang epekto ng Noli Me Tangere sa mga Pilipino at ang reaksyon ng mga prayle ​ Malaman kung bakit nagpakasal si Leonor Rivera Pagdating sa Calamba, nagtayo siya ng maliit na klinika at ang unang pasyente niya ay ang kanyang ina. Sa panahong ito, isa siya sa pinakakilalang optalmologo, at maraming Pilipino at dayuhan ang pumupunta upang magpagamot. Dahil sa kontrobersiyang dulot ng Noli Me Tangere, ipinatawag siya ni Gobernador-Heneral Emilio Terrero. Dahil natatakot ang gobyerno sa maaaring gawin ng kanyang mga kaaway, binigyan siya ng bodyguard—si José Taviel de Andrade. Noon, tinuturing siyang "erehe" (kalaban ng simbahan) at "filibustero" (kalaban ng gobyerno), kaya’t marami ang nagtataka kung bakit siya bumalik sa kabila ng panganib. RIZAL'S SECOND TRAVEL Sa kanyang ikalawang paglalakbay, hindi agad nagtungo si Jose Rizal sa Europa. Sa halip, nagpunta muna siya sa Hong Kong noong Pebrero 8, 1888, dala ang ₱5,000 mula sa kanyang kinita sa panggagamot. Doon, nakituloy siya sa bahay nina Jose Maria Basa at nag-obserba ng kapaligiran, partikular na ang mga halaman. Tumagal lamang siya ng halos dalawang linggo bago muling bumiyahe. Mga bansang napuntahan ni Rizal: 1. Yokohama, Japan (Pebrero 28, 1888) ​ Pinag-aralan ang kultura, wika, teatro, at komersyo ng Japan ​ Nanatili sa Spanish Legation ​ Nakilala ang romantikong kasintahan niyang si OSei San 2. San Francisco, California, USA (Abril 16, 1888) ​ Napansin ang pag-unlad ng bansa, malalaking gusali, makabagong teknolohiya, at umuusbong na pabrika ​ Ngunit nakita rin niya ang matinding diskriminasyon at rasismo sa Amerika 3. Liverpool, England ​ Natuklasan ang "Sucesos de las Islas Filipinas" ni Antonio de Morga sa British Museum ​ Ginawan ito ng mga anotasyon, tinama ang maling impormasyon, at nagdagdag ng ilang detalye tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas 4. London, England ​ Nakilala si Dr. Reinhold Rost, isang kilalang kolektor ng aklat, Minister of Foreign Relations ng England, at at sikat na Malayalogist (Nag-aaral ng mga bansang Malay o Southeast Asian Countries) ​ Tinawag ni Rost si Rizal na “Una Perla de Hombre” o "Pearl of a Man" ​ Aktibo ng lumalahok sa Propaganda Movement, kung saan siya nagsulat ng mga artikulo para sa La Solidaridad ​ Sinimulang sulatin ang El Filibusterismo, ngunit inuna muna ang ikalawang edisyon ng Noli Me Tangere upang itama ang ilang bahagi, lagyan ng mga ilustrasyon, at palitan ang kanyang inspirasyon mula kay Shakespeare patungko kay Schiller. ​ Masipag na binasa ni Rizal ang mga libro patungkol sa Pilipinas kasama na ang mga akda ni Pigafetta. Habang nasa London, inutusan niya si Mariano Ponce na magpadala ng maraming kopya ng Noli sa Pilipinas. Noong Setyembre 19, 1888, natapos niya ang anotasyon sa aklat ni Morga, ngunit natanggap niya rin ang masamang balita na ang bayaw niyang si Manuel Hidalgo (asawa ng kanyang kapatid na si Saturnina) ay ipinatapon sa Bohol noong Oktubre 13, 1888. THE PROPAGANDA MOVEMENT (1872-1896) Ang Kilusang Propaganda ay isang reformist campaign na isinulong ng mga Pilipinong intelektwal at iskolar sa Espanya noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Layunin ng kilusang ito na humingi ng mga reporma sa ilalim ng pamahalaang kolonyal ng Espanya, kabilang na ang pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila, pagkakaroon ng kinatawan sa Spanish Cortes o parlyamento, sekularisasyon ng mga parokya, kalayaan sa pamamahayag at pagsasalita, at ang pagwawakas sa pang-aabuso ng mga prayle at opisyal. Kabilang sa kilusan ay sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Graciano Lopez Jaena. Ginamit nila ang pahayagang La Solidaridad upang isulong ang kanilang mga layunin at maipahayag ang kanilang mga hinaing. Bagamat hindi nakamit ng kilusan ang mga layunin nito, ito ay naglatag ng pundasyon ng ideolohiya ng Rebolusyong Pilipino noong 1896. LA SOLIDARIDAD Pagdating ni Rizal sa Espanya, bumuo sila ng isang samahan na tinawag na Kidlat Club. Ngunit nang lumaon, napagtanto nilang kaswal ang pangalan kaya't binago ito at tinawag na Los Indios Bravos—isang samahan ng mga Pilipino sa Espanya. Naging kasapi rin si Rizal ng Asociación Hispano-Filipino, ang pangulo nito ay si Don Miguel Morayta, dating propesor ni Rizal sa Universidad Central de Madrid. Noong Pebrero 15, 1889, sinimulan ang paglalathala ng La Solidaridad sa Barcelona at kalaunan ay sa Madrid. Sa mga artikulong isinulat niya rito, ginamit ni Rizal ang mga sagisag-panulat na Dimasalang (na nangangahulugang “hindi masaling” o “cannot be touch”) at Laong Laan (na nangangahulugang “laging handa”). Noong Enero 1890, inilimbag ang anotasyon ni Rizal sa akda ni Antonio de Morga na Sucesos de las Islas Filipinas. Pagdating ng Pebrero 12, 1890, nagtungo siya sa Brussels, Belgium, kung saan ipinagpatuloy niya ang pagsusulat para sa La Solidaridad. Dito, noong Agosto 15, 1890, isinulat niya ang sanaysay na Sobre la Indolencia de los Filipinos o Ang Katamaran ng mga Pilipino na isinulat niya bilang tugon sa paratang ng mga Espanyol na tamad ang mga Pilipino. Pagsapit ng 1891, nagkaroon ng eleksyon para sa liderato ng mga Pilipino sa Madrid, Espanya. Sa parehong taon, natapos din ni Rizal ang kanyang ikalawang nobela. Noong Marso, nakatanggap siya ng balita tungkol sa pagdurusa ng kanyang mga kababayan sa Calamba. Noong Hulyo, naipalimbag niya ang El Filibusterismo sa Ghent, Belgium, sa tulong ni Valentin Ventura, na nagpadala ng 200 francs upang matuloy ang pagpapalimbag ng aklat. Noong Oktubre, ipinadala niya ang 600 kopya ng nobela kay Jose Maria Basa sa Hong Kong. Nagpatuloy ang kanyang pakikilahok sa kilusan para sa reporma, ngunit unti-unting lumiliit ang kanyang kita. Tumanggap lamang siya ng 300 pesos bilang bayad sa kanyang pagsusulat para sa La Solidaridad. Dahil dito, noong Oktubre 7, 1891, nagpaalam siya kay Marcelo H. del Pilar at huminto sa pagsusulat para sa pahayagan. Bukod sa kakulangan sa kita, isa rin sa mga dahilan ng kanyang pag-alis ay ang hidwaan nila ni del Pilar tungkol sa liderato ng kilusan at pagkakaiba ng kanilang ideolohiya. RIZAL'S SECOND RETURN TO THE PHILIPPINES Nagbalik-loob si Rizal na bumalik sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang laban para sa reporma, lalo na’t lumalala na ang hidwaan sa pagitan ng mga kasapi ng kilusang Propaganda. Ngunit bago ito, nagtungo muna siya sa Hongkong kung saan siya nagtayo ng isang klinika sa mata upang kumita ng pera at maipagpatuloy ang kanyang mga adhikain.Sa panahong ito, bumisita siya sa isang kolonya ng mga British sa North Borneo na tinatawag na Sandakan. Doon, inalok siya ng 5,000 ektarya ng lupa na maaaring gamitin nang walang bayad sa loob ng 99 na taon. Dahil dito, naisip niyang ilipat ang mga taga-Calamba na napaalis sa kanilang lupain at ipatira rito. Sumulat siya kay dating Gobernador-Heneral Eulogio Despujol upang humiling ng pahintulot na maisagawa ang paglipat, ngunit ito ay tinanggihan. Hindi rin siya nagtagal sa Hongkong at nagdesisyong bumalik sa Pilipinas. Ngunit bago makauwi, sumulat muna siya sa Gobernador-Heneral upang kumpirmahin kung maari siyang makabalik sa bansa. Sa pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas, itinatag niya ang La Liga Filipina (July 3, 1892)—isang samahan ng mga sibilyan na layuning makamit ang mga reporma sa bansa. Ngunit sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang samahan at tumagal lamang ng tatlong araw. Dito rin unang nakita at nakilala ni Andres Bonifacio si Rizal. Sa hindi inaasahang pangyayari, may natagpuang polyeto o pamphlet sa bag ni Rizal na tumutuligsa sa mga prayle. Dahil dito, siya ay inaresto at ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga del Norte noong July 6, 1892. Bagama’t may balak ang mga awtoridad na ipapatay na si Rizal, tumutol ang Simbahang Katolika. Marami na kasi ang naimpluwensyahan ng kanyang nobelang Noli Me Tangere at nais ng simbahan na bawiin ni Rizal ang mga pahayag niya laban sa kanila sa kanyang mga akda. Pagdating sa Dapitan, sinalubong siya ni Father Antonio Obach at ni Kapitan Ricardo Carnicero. Pinapili siya kung saan siya tititra, sa bahay ng kapitan o sa simabahan? Kung sa simbahan, may kondisyon si Obach na kailangang mag-retract muna si Rizal sa kanyang mga sinabi. Hindi siya pumayag, kaya nanirahan siya sa bahay ni Kapitan Carnicero. Habang nasa Dapitan, tumaya si Rizal sa lotto at nanalo. Ginamit niya ang bahagi ng napanalunan upang bumili ng lupa at bayaran ang mga utang ng kanyang ama. RIZAL IN DAPITAN Habang nasa Dapitan, ginamit ni Rizal ang kanyang kaalaman bilang perito agrimensor o expert surveyor upang pag-aralan ang sistema ng patubig sa Talisay, isang komunidad na maraming namamatay dahil sa malaria. Natuklasan niyang ang sanhi nito ay ang maruming tubig at hindi maayos na daloy ng patubig. Kaya pinangunahan niya ang pagsasaayos ng sistema upang mapabuti ang kalusugan ng mga tao. Gamit naman ang perang napanalunan niya sa lotto, nagtayo siya ng sariling klinika at muling nagpraktis bilang doktor, partikular bilang optalmologo o espesyalista sa mata. Dinadayo siya ng mga pasyente, lokal man o banyaga. Bukod sa paggamot sa mata, ginagamot din niya ang iba’t ibang karamdaman dahil may lisensya siya upang magsagawa ng general medicine. Maliban sa pagiging doktor, naging guro rin si Rizal sa mga kabataan sa Dapitan. Ginamit niya ang sistema ng pagtuturo na natutunan niya sa Ateneo. Bukod dito, bumuo siya ng koleksyon ng mga kabibe at ipinadala ang mga ito sa Europa upang masuri. Dahil dito, nadiskubre ang ilang bagong uri ng hayop na hindi pa noon napapangalanan o natutuklasan, gaya ng Rhacophorus rizali (isang uri ng palaka), Draco rizali (isang uri ng reptile), at Apogonia rizali (isang uri ng salagubang). Napraktis din ni Rizal sa Dapitan ang kanyang pagiging isang alagad ng sining. Mahilig siyang gumuhit at mag-ukit ng mga bagay at taong pumukaw sa kanyang atensyon habang naninirahan doon. Isa sa mga obra niya ay ang The Dapitan Girl na hango sa imahe ng kanyang huling kasintahan na si Josephine Bracken. Gumawa rin siya ng isang iskultura na tinawag na The Mother’s Revenge. Dito rin niya isinulat ang tulang Mi Retiro matapos niyang magamot ang mga mata ng kanyang ina. Sa tulang ito, ipinahayag ni Rizal kung gaano katahimik at mapayapa ang kanyang pamumuhay sa Dapitan. RIZAL'S LAST LOVE Si Josephine Bracken ay isang dalagang Irish na isinilang sa Hong Kong at tinawag ni Rizal na Dulce extranjera. Nakilala niya si Rizal sa Dapitan nang samahan ang kanyang amain na si George Taufer upang magpagamot ng mata. Ngunit unang nakita ni Josephine si Rizal noong siya’y 15 taong gulang pa lamang sa Hong Kong. Sa Dapitan, 18 na siya at doon nagsimula ang ugnayan nila ni Rizal. Nang nais pakasalan ni Rizal si Josephine, tumutol si Taufer dahil siya lang ang nag-aalaga rito. Dahil sa sama ng loob, nagtangkang magpakamatay si Taufer kaya’t hinatid siya ni Josephine pabalik ng Hong Kong, at pagkatapos ay nanatili siya sa Maynila kasama ang pamilya ni Rizal. May mga pagdududa sa kanya dahil sa kaibigan niyang si Manuela Orlac na may koneksyon umano sa mga prayle kaya inakala ng mga kapatid ni Rizal na espiya si Bracken para sa mga prayle. Nais sana nilang magpakasal ni Rizal sa simbahan, ngunit tumutol si Padre Obach maliban na lang kung mangungumpisal si Rizal at magbabalik-loob sa Simbahan—na hindi niya ginawa. RIZAL AND THE REVOLUTION Matapos ang pagkakapapatapon ni Rizal sa Dapitan, nagkaroon ng dalawang paksyon ang La Liga Filipina. Una, ang Cuerpo de Compromisarios na binubuo ng mga middle class, at pangalawa, ang KKK (Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na itinatag noong July 7, 1892) na pinamumunuan ni Andres Bonifacio. Isa sa mga key figures ng Katipunan ay si Pio Valenzuela, na ipinadala kasama si Raymundo Mata sa Dapitan upang humingi ng payo kay Rizal kung paano magiging matagumpay ang rebolusyon. Bagaman hindi alam ni Rizal ang tungkol sa Katipunan, itinuturing siyang honorary president dahil sa kanyang impluwensya. Ayon kay Rizal, hindi pa handa ang Pilipinas para sa rebolusyon. Ang pananaw na ito ay katulad ng karakter ni Simoun sa El Filibusterismo. Hindi siya sumang-ayon sa rebolusyon dahil ang mga tao ay hindi pa handa rito at kailangan ng pondo at sandata bago pa man magsimula ang rebolusyon. Ang Katipunan ay nagsimula na may halos 30 miyembro at nanatiling tahimik sa simula. Ngunit pagsapit ng Hunyo 1896, umabot na sa 30,000 ang bilang ng mga miyembro. Si Emilio Jacinto ang naging utak ng Katipunan. Noong panahong ito, nagkaroon ng epidemya ng yellow fever sa Cuba. Sumulat si Rizal ng liham kay Gobernador-Heneral Ramon Blanco, humihiling na maging doktor sa Cuba. Ngunit hindi siya pinayagan agad dahil nag-aalala ang mga awtoridad na baka makita niya ang rebolusyon doon at magka-ideya para sa rebolusyon sa Pilipinas. Subalit, sa pangalawang hiling ni Rizal, pinayagan siya. Bilang pamamaalam, naghandog ang mga tao sa Dapitan ng isang awit pamamaalam. THE ARREST OF RIZAL Dumating ang barkong España sa Maynila noong Agosto 6, 1896, ngunit ang Isla de Luzon, na dapat sanang sasakyan ni Rizal patungong Espanya, ay nakaalis na. Kinailangan niyang hintayin ang susunod na barko, ang Isla de Panay, na aalis sa Setyembre 3, 1896. Inutusan ni Gobernador-Heneral Blanco ang isang tenyente ng constabulary na salubungin siya sa isang tugboat na may utos na huwag siyang patapakin sa lupa. Samantala, binalak ng mga Katipunero na itakas si Rizal sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga mandaragat, ngunit tinanggihan niya ito. Sa panahong ito, nadiskubre ang Katipunan matapos ipagkanulo ni Teodoro Patiño ang lihim ng samahan kay Padre Mariano Gil noong Agosto 19, 1896. Ito rin ang panahon ng Sigaw sa Pugadlawin na nagpasiklab ng rebolusyon. Dahil kinilala si Rizal bilang honorary president ng Katipunan, hindi na siya pinayagang makaalis ng barko patungong Espanya at inilagay sa house arrest. Dahil dito, idineklara ni Gobernador-Heneral Blanco ang batas militar sa Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Maynila, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac. Noong Setyembre 30, nakatanggap ng isang telegrama na nag-uutos sa pag-aresto kay Rizal. Dahil dito, nanatili siya sa kanyang silid habang naghihintay ng karagdagang utos. Pagsapit ng Oktubre 3, dumating ang Isla de Panay sa Barcelona. Tatlong araw matapos nito, noong Oktubre 6, hinalughog ang kanyang mga gamit at ineskortan siya ng mga bantay na Espanyol. Ipinaalam sa kanya ni Gobernador Despujol na nakatanggap sila ng telegrama mula sa Madrid na nag-uutos na ituring siyang bilanggo at ibalik siya sa Maynila. THE TRIAL Noong Nobyembre 3, 1896, nang bumalik si Rizal sa Maynila, ipinadala siya sa Fort Santiago. Isang military tribunal na pinamunuan ni Col. Francisco Olive ang nagsagawa ng paglilitis noong Nobyembre 20, kahit na siya ay isang sibilyan. Labindalawang dokumento ang ginamit bilang ebidensiya laban sa kanya, kabilang ang mga sulat niya sa pamilya, mga tula, at mga dokumentong binanggit ang kanyang pangalan o pen name na wala naman siyang kinalaman. Noong Disyembre 11, 1896, nagkaroon ng pormal na arraignment at inakusahan siya ng rebelyon at pagbuo ng iligal na samahan. Hindi tinutulan ni Rizal ang hurisdiksyon ng korte at hindi rin itinanggi ang mga pahayag ng mga saksi laban sa kanya. Pinili niyang maging abogado si First Lieutenant Luis Taviel de Andrade, isang opisyal mula sa artillery na kapatid ni Jose Taviel de Andrade, ang kanyang personal na bodyguard noong 1887 sa kanyang unang pagbabalik sa Calamba. Noong Disyembre 13, ipinasan ang kaso kay Gobernador Heneral Camilo de Polavieja, na pumalit kay Gobernador Blanco. Inaprubahan nito ang paglilitis kay Rizal sa pamamagitan ng court martial. Habang nasa detensyon, naglabas si Rizal ng manifesto na tinutuligsa ang rebolusyon at kinondena ang Katipunan sa paggamit ng kanyang pangalan nang walang pahintulot. Inakusahan siya ng tatlong krimen: rebelyon, sedisyon, at iligal na asosasyon. Sa kanyang pagtatanggol, ipinresenta ni Rizal ang labindalawang argumento: ​ Hindi siya maaaring maging may sala sa rebelyon dahil sinabihan niya si Pio Valenzuela na huwag mag-rebolusyon. ​ Wala siyang ugnayan sa mga rebolusyonaryo. ​ Ginamit ang kanyang pangalan nang walang kanyang kaalaman at kung siya'y may kasalanan, sana'y nakatakas siya sa Singapore. ​ Kung siya ang may kinalaman sa rebolusyon, sana'y nakatakas siya sa tulong ng mga Moros at hindi na nagpatayo ng bahay, ospital, at bumili ng lupa sa Dapitan. ​ Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya nakonsulta ng mga rebolusyonaryo? ​ Ang La Liga Filipina ay hindi isang rebolusyonaryong samahan kundi isang sibilyang samahan. ​ Hindi nagtagal ang La Liga Filipina matapos siyang ipatapon sa Dapitan. ​ Kung muling binuo ang La Liga matapos siyang ipatapon, wala siyang kaalaman tungkol dito. ​ Kung ito ay tunay na nagsilbi sa mga layunin ng rebolusyon, bakit pinalitan ito ng Katipunan? ​ Kung may matinding galit sa mga sulat ni Rizal, ito'y dahil isinulat ito noong pinaalis ang kanyang pamilya mula sa kanilang lupa at inuusig ng mga awtoridad. ​ Ang kanyang buhay sa Dapitan ay isang halimbawa ng kabutihan at maaaring patunayan ng mga lider na politiko-militar at mga misyonaryo. ​ Hindi totoo na ang rebolusyon ay na-inspire ng kanyang talumpati sa "House of Doreto Ongjungo. THE EXECUTION Noong Disyembre 28, pinirmahan ni Camilo Polavieja ang utos na patayin si Rizal at ipinag-utos na siya ay barilin sa Bagumbayan sa ganap na 7:00 ng umaga. Nanatili si Rizal na inosente siya at tumutol na tawaging Chinese Mestizo. Inilipat siya sa chapel ng bilangguan at humiling na makasama ang kanyang mga dating propesor sa Ateneo sa kanyang huling mga sandali. Noong Disyembre 30, 1896, siya ay binaril. Ang kanyang huling isinulat ay ang Mi Ultimo Adios o My Last Farewell, na inilagay niya sa isang lampara.