EsP 10 Unang Markahan Learner’s Material PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Tags
Related
- ESP Learners' Module - Family as a Foundation of Relationships - PDF
- EsP 10 Unang Markahan Learner’s Material PDF
- English for Specific Purposes Reviewer PDF
- ESP Grade 10 Learners Module Unit 2 PDF
- K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Framework PDF
- EsP3Q2F PDF Learner's Material Ikalawang Markahan 2020
Summary
This learner's material covers the first quarter of the EsP (Education in the Philippines) curriculum for 10th grade. It aims to help students understand the importance of using their intellect and will as human beings. It includes activities and questions related to decision-making and the pursuit of truth.
Full Transcript
EsP 10 Unang Markahan LEARNER’S MATERIAL Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng...
EsP 10 Unang Markahan LEARNER’S MATERIAL Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights para sa karapatang pagkatuto. Mga Tagasuri PIVOT 4A CALABARZON Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasampung Baitang Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape, Jr., Jaypee E. Lopo, Romyr L. Lazo, Fe M. Ong-ongowan, Lhovie A. Cauilan at Ephraim L. Gibas Schools Division Office Development Team: Venus R. De Peralta, Angelica L. Librea, John Ryan A. Cabrera, Imelda M. Liwanag, Liza M. Dimaligaya, Catherine A. Matienzo, Evangeline M. de Ocampo, Thelma B. Jovellano, Amor M. Loisaga, Jonalyn Caguicla, Lorna R. Medrano, Edita T. Olan, Lourdes C. Pascual, Pamela A. Lalusin, Rosalie O. Ladanga, Hiyasmin Capelo, Sonny Bhoy L. Flores, Deon Carlo Hernandez, Ely S. Alpe, Jr. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasampung Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang Edisyon, 2020 Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Patnugot: Wilfredo E. Cabral Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes PIVOT 4A CALABARZON Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material Para sa Tagapagpadaloy Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag- aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang EsP. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa mga ibinigay na layunin. Hinihiling ang iyong paggabay sa pagbibigay sa ating mga mag-aaral ng tamang paraan ng paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pag-unawa sa pagpapakita ng kakayahan nang may tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga sumusonod na aralin. Salamat sa iyo! Para sa Mag-aaral Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 3. Maging tapat at may integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi sa MELC. Kaya mo ito! PIVOT 4A CALABARZON Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul Bahagi ng LM Nilalaman Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng Panimula Alamin aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan Suriin para sa aralin. Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga aktibidad, gawain, nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa Subukin Pagpapaunlad mag-aaral, karamihan sa mga gawain ay umiinog Tuklasin lamang sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC lalo na ang bahaging ito ay nagbibigay ng oras para makita ng Pagyamanin mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan. Ang bahaging ito ay may iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kailangang Knowledge Skills and Attitude (KSA). Pinahihintulutan ng guro ang Isagawa mga mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at Pakikipagpalihan oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga KSA upang makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kanilang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/ Linangin gawain ng buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya Iangkop ang kanilang pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. Ang bahaging ito ay nagtuturo sa mag-aaral ng proseso na maipakikita nila ang mga ideya, interpretasyon, Isaisip pananaw, o pagpapahalaga at makalikha ng mga piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kanilang Paglalapat kaalaman sa pagbibigay ng repleksiyon, pag-uugnay o paggamit nang epektibong nito sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mga Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong pagsamahin ang mga bago at lumang natutuhan. PIVOT 4A CALABARZON WEEKS Paggamit ng Isip at Kilos-loob Tungo sa Katotohanan 1-2 Aralin I Noong nakaraang taon, naipamalas mo ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanya at sa lipunan. Tagumpay mong natapos ang isang bahagi ng buhay mag-aaral. Sa pagtungtong mo sa ikasampung baitang, layon ng asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao na tulungan kang maipamalas ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkatao ng tao, makataong kilos, pagpapahalagang moral at mga isyung moral. Tuturuan kang magpasya at kumilos nang may preperensya sa kabutihan upang maging matatag sa gitna ng mga isyung moral at impluwensya ng kapaligiran. Sa una hanggang ikalawang linggo ng iyong pag-aaral, ipauunawa sa iyo ang konsepto at kahalagahan ng paggamit ng isip at kilos-loob bilang tao. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang a) natutukoy mo ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob, b) nakikilala mo ang iyong mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito, c) napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod at pagmamahal. Sa huli, hangad nitong nakagagawa ka ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. PIVOT 4A CALABARZON 6 Naniniwala ka ba na lahat ay nangangarap ng masaya, payapa, ligtas at magandang buhay? Tao man o hayop ay nagnanais na sila ay nasa mabuting kalagayan ngunit hindi ito madali. Kailangang mamili at magdesisyon nang tama upang makarating sa ninanais na patutunguhan. Pagmasdan mo ang dalawang larawan sa ibaba. A B Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga tanong sa ibaba gamit ang mga larawan sa itaas. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Sino o alin sa dalawa (Larawan A at B) ang may kakayahang pumili o magdesisyon? 2. Anong wala sa nasa larawan na hindi mo napili sa Tanong 1 upang makapili o magdesisyon at makarating sa tamang patutunguhan? 3. Anong mayroon sa nasa larawan na napili mo sa Tanong 1 upang makapili o magdesisyon at makarating sa tamang patutunguhan? Kaiba sa tao, ang mga hayop ay walang kakayahang pumili gamit ang isip. Maaaring makarating ang mga ito sa alinmang dulo ng paglalakabay ngunit wala silang kakayahang makapagdesisyon kung ano’ng mabuti at hindi para sa kanila. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng isa sa mga nasa Larawan A, aling daan ang pipiliin mo? Bakit mo ito gusto at paano ka makararating sa patutunguhang iyong napili? Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga tanong sa ibaba gamit ang Larawan A sa itaas. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Alin sa dalawa ang iyong napiling patutunguhan: a. magandang buhay; b. mahirap na buhay? 2. Anong naging batayan mo sa iyong pasya? 3. Ano ano ang mga kailangan mong gawin upang makarating sa iyong patutunguhan? PIVOT 4A CALABARZON 7 D Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? Maaaring sa maraming pagkakataon na. Muli kang humarap dito at tingnan ang iyong sarili. Itanong mo kung sino ka nga ba, ano ang mayroon ka at ano ang kaya mong gawin. Balikan mo ang iyong mga karanasan na kinailangan mong magpasya. Pag-isipan kung tama nga ba ang mga napili mo. Isipin mo ang mga pasyang sa palagay mo ay mali. Ano ang iyong mga naging kahinaan at paano mo ito nalagpasan? “kamalayan— Natutuhan mo dati noong ikaw ay nasa ikawalong baitang na ang tao ay ang bukod-tangi o naiiba sa lahat ng nilalang sa mundo. Tutuklasin mo ngayon ang kakayahang kalikasan, kabuuan, at kaganapan mo bilang tao ayon sa mga teyorya ng mga mag-isip” antropolohista at pilosopo. Isang patunay ng iyong pagkakaiba sa lahat ng nilikha tulad ng mga hayop, halaman at mga bagay ay ang pagkakaroon ng kamalayan. Ito ay ang kakayahang makapag-isip. Hindi tulad ng mga hayop na nakabatay lamang sa ‘dikta ng kalikasan,’ ang tao, katulad mo, ay may sariling kilos-loob. May kakayahan kang matukoy at mapag-iba ang tama at mali, ang maganda at hindi. Saan nga ba nakaugat ito? Ano nga ba ang kalikasan ng tao? Pag-aralan ang nasa ibaba. PIVOT 4A CALABARZON 8 Dalawa ang kalikasan ng tao o duwalismong kabuuan. Ang tao ay nilalang na may katawan at ispirito (Punzalan, Gonzales, Marte, & Nicolas, 2019). Sinabi naman ni Dr. Florentino Hornedo na ang tao ay isinakatawang diwa. Dulot ng pananaw ni Descartes, inilahad niya na may duwalistang kabuuan ang tao, at ang mga ito ay ang nagsanib na katawan at ispirito (Mencias, n.d.). Ayon naman kay Sto. Tomas de Aquino, may dalawang dimensiyon ang tao: materyal at ispiritwal. Ang pagkakaroon ng ganitong katangian ng tao ay nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang mga nilalang. Binubuo ang materyal na katauhan ng tao ng pandamdam at emosyon. Samantala, ang ispirituwal na aspekto naman ay sumasakop sa isip at kilos-loob na siyang pinaka-paksa ng araling ito. Materyal na Kalikasan ng Tao Ang katawan ang pangunahing sangkap sa materyal na kalikasan ng tao. Ito ang biyolohikal na katangian ng tao na nag-aasam ng kaginhawahan at ng patuloy na pagpapanatili nito (Punzalan, Gonzales, Marte, & Nicolas, 2019). Ang katawan ang itinuturing na tulay ng kalooban ng isang tao patungo sa daigdig (Mencias, n.d.), ang nagsasagawa ng mga pisikal na gawain ng tao, at kumikilos sa pamamagitan ng pandamdam at emosyon (Punzalan, Gonzales, Marte, & Nicolas, 2019). Ayon sa paglalarawan ni Propesor Prospero Covar (2016) sa kanyang Metapora ng Banga, ang labas nito ay ang mga bahagi ng katawan ng tao at ang mga katangian at gamit ng bawat isa. Ispiritwal na Kalikasan ng Tao Sa lahat ng nilalang na may buhay sa daigdig, ang tao lamang ang mayroong ispiritwal na kalikasan. Sinabi ni Hornedo na ang katawan ay nakasasagabal sa pag-iisip ng tao, kung kaya’t kinakailangan na may ispirito upang supilin ito. Dahil sa pagkakaroon ng ispirito, nagkakaroon din ng isip at kamalayan ng tao (Mencias, n.d.). Ang kamalayan ay ang pagkakaroon ng malay- tao at ang nilalaman nito. Ito ang nagbibigay ng kakayahang umunawa ng mga kaalaman, gumusto at umayaw, at magpasya kung alin ang mabuti at masama. Sa pagpapatuloy ng Metapora ng Banga, ang loob naman ay ang isipan, puso at iba pa. Ayon kay Covar, ang kapahayagan ng pagkatao ng tao ay masasalamin sa kanyang pag-iisip. Dito nakasalalay ang pang-unawa at ito ang pinagmumulan ng diwa, kamalayan, ulirat, maging ng talino at bait ng tao. PIVOT 4A CALABARZON 9 Isip Ang isip ay tinatawag na intellect sa Ingles. Pinalalawak at inihahatid sa isip ang mga impormasyong nakalap upang magkaroon ito ng malalim na kahulugan. Gagana lamang ang isip kung nalinang na ang pandamdam ng tao (De Torre, 1980, nabanggit sa Brizuela, et. al, 2015). Ginagamit ng tao ang isip upang umunawa ng mga bagay-bagay. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon siya ng kakayahang maging kritikal at mapanuri upang mapaunlad ang sariling “...naakit sa buhay, maging ng buhay ng kanyang kapwa. Kilos-Loob Binigyang-kahulugan ni Sto. Tomas ang kilos-loob bilang rational appetency o mabuti at makatwirang pagkagusto. Ito ay naaakit sa lumalayo sa mabuti at lumalayo sa masama, at nag- uudyok na piliin kung alin ang mabuti. masama.” Ang kilos-loob o will ay umaasa at nagpapasya batay sa mga nakalap na impormasyon at sa ginagawang paghuhusga ng isip. Ang bahaging ito ng ispiritwal na kalikasan ng tao ay isa pang katangian na nagpapatingkad ng pagiging bukod-tangi ng tao sa ibang nilalang. Malayang piliin ng tao ang gumawa nang mabuti o masama. Nguni’t ang tunay na kalayaan ay hindi ang paggawa ng anomang naisin, bagkus ang pagpili sa tama at mabuti. Masasabing ang pag-iisip at pagkilos ay tama kung ito ay: naayon sa batas ng Diyos at ng tao makatarungan maipagmamalaki sa lahat ang pinaka-tamang gawin nabuo gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos Ang paggamit ng isip at kilos-loob ay may mas malalim na dahilan. Layon nito na mahanap mo ang katotohanan, ipakita ang pagpapahalaga o pagmamahal at maglingkod sa kapwa. Hangad nitong manaig kung ano ang nararapat at mapaglabanan ang iyong kahinaan na magpadala sa mali. Tunguhin nito na makita mo ang maaaring maging mabuting dulot o ang kaakibat na hindi magandang kalalabasan ng isang desisyon o kilos. Mapagtitibay mo ang isip at kilos-loob na pumanig sa katotohanan sa pamamagitan ng pagbabasa ng Banal na Kasulatan, pagbabasa o panonood ng mga dinadakilang aklat at pelikula, at paglinang ng karunungan sa pag-aaral. PIVOT 4A CALABARZON 10 Ang isip ay may kapangyarihang umalam, umunawa at gumawa ng sumusunod: humanap ng impormasyon umisip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng mga impormasyong nakalap sumuri at alamin ang dahilan ng mga pangyayari alamin ang mabuti at masama, tama at mali, at ang katotohanan umisip ng mga paraan upang maisagawa o mailapat ang mga kaalaman sa araw araw na pamumuhay Mga Paraan ng Wastong Paghubog ng Isip at Kilos-Loob Pagsasanay ng Isip: Paghahanap ng kahulugan at totoong layunin ng buhay. Pag-unawa at pagbibigay-katuwiran sa katotohanan at mga moral na alituntunin at pag-ugnay nito sa buhay. Paghusga at pagpapasiya batay sa malinaw na pamantayan ng moralidad. Pag-unawa sa pangkalahatang katotohanan. Pagsusuri sa mga dahilan at epekto ng mga pasiya at gawi. Makatuwirang paglutas sa mga suliranin. Pagsasanay at Pagganyak ng Kilos-Loob: “Hubugin Pagmamahal sa Diyos at kapwa. Pagpili ng pinakamabuti, pangkalahatang ang Isip at katotohanan at moral na pagpapahalaga. Pagdaan sa masusing proseso ng Kilos-Loob.” pagpapahalaga at pagpapasiya bago isakilos. Pagkilos bunga ng malayang pagpapasiya. Paggamit ng kalayaan nang may pananagutan sa kalalabasan ng pasya o kilos. Pagdisiplina sa sarili at pagkontrol sa mga emosyon kung kailangan. Pagsusumikap, pagtitiis at pagtitiwala. Pagkakaroon ng determinasyon magbago upang umunlad. Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ng birtud. Ginagamit mo nga ba ang iyong isip at kilos-loob sa tamang paraan? Paano mo binibigyang halaga ang iyong pagiging tao at ang mga kakayahang naiiba sa ibang mga nilikha upang mahanap ang katotohanan? PIVOT 4A CALABARZON 11 E Matapos mabasa ang kapaliwanagan tungkol sa paksa, kaya mo na bang tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tao sa ibang nilikha? Paano mo malalaman kung ang pasya o kilos na iyong isasagawa ay pagpapakita ng kakayahang mahanap ang katotohanan at pakapaglingkod at magmahal. Simulan mong isagawa, linangin at iangkop ay mga bago mong natutuhan sa araling ito. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gamit ang Venn Diagram, isulat ang mga pagkakaiba at pagkakatulad mo bilang tao sa iba pang nilalang tulad ng hayop, puno, halaman at iba pang bagay. Gawin ito sa iyong kuwaderno. PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Patapat-tapatin ang mga katanungan sa Hanay A na tumutugon sa katangian ng wasto o tamang pag-iisip at pagkilos na nasa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno. Hanay A Hanay B _____1. Patas ba ito para sa lahat? A. naayon sa batas ng Diyos at _____2. Hindi ba ako pinilit ng iba sa aking ng tao desisyon? B. makatarungan _____3. Nakakaramdam ba ako ng pag-aalala C. maipagmamalaki sa lahat o agam-agam sa aking pasya? D. ikasasaya ng sarili _____4. May natapakan ba akong karapatang E. ang pinaka-tamang gawin F. nabuo gamit ang kalayaang -pantao? mag-isip o kumilos _____5. Mabuti ba sa pakiramdam kapag G. ikapapahamak ng iba nagawa ko ito para sa marami? PIVOT 4A CALABARZON 12 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin ang mga nakalahad. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay pagpapakita ng tamang gamit ng isip o kilos-loob. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno. _____1. Nangangalap muna si Alden ng mga impormasyon mula sa mga eksperto at kinauukulan bago maniwala sa sinasabi ng iba. _____2. Uminom ng alak si Aldrich sa udyok ng mga barkada. Tanda raw ito ng pakikisama at pagmamahal sa bawat isa. _____3. Hinikayat ni Stephanie ang kapatid at mga magulang na magbigay ng tulong sa kapitbahay na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 kahit na nga nangangailangan din sila. _____4. Patuloy pa rin ang pakikipagkita ni Gerlie kay Bhoy tuwing gabi kahit kinausap na ng mga magulang na itigil na ito. _____5. Hindi na sini-seryoso ni Alvin ang pagbabasa ng modyul. Naisip niya na hindi naman siya magko-kolehiyo at walang halaga ang matuto pa. Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Pag-isipan at ibahagi ang iyong mga kilos o gawain na may kinalaman sa paggamit ng isip at kilos-loob. Alin sa mga ito ang ipagpapatuloy, babaguhin at ihihinto mo tulad ng sa traffic lights o ilaw trapiko? Gawin ito sa iyong kuwaderno. BERDE. GO! Ipagpapatuloy ko ang aking pagiging __________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ freesvg.org DILAW. BAGO! Babaguhin ko ang dati kong gawi katulad ng ________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ freesvg.org PULA. TIGIL! Ititigil ko ang pagkakamali o katulad ng _______________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ freesvg.or PIVOT 4A CALABARZON 13 A Ikaw ay natatangi. Nilikha sa wangis ng Diyos. Biniyayaan ka ng kakayahang gamitin ang isip at kilos- loob. Ang mga ito ang magiging batayan mo upang makapagsuri, magpasya at kumilos ayon sa katotohanan, pagmamahal at paglilingkod. Piliin ang tama at wasto. Mamuhay na mas pinaiiral ang mabuti. Ihinto at baguhin ang mali. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ang dalawang kalikasan ng tao ay _____ A. materyal at ispirituwal C. pandamdam at emosyon B. isip at kilos-loob D. panlabas at panloob 2. Ang pahayag na nagsasaad ng tamang impormasyon ay _____ A. Ang materyal na kalikasan ng tao’y tumutukoy sa mental na katangian. B. Ang materyal na kalikasan ng tao’y pinagmumulan ng diwa at talino. C. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao’y pagsasagawa ng pisikal na gawain. D. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao’y nagbibigay kakayahang umunawa. 3. Ang wastong paggamit ng kilos-loob o will ay naipakita ni _____ A. Deon. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit na mapanganib pa. B. Nelly. Ipinamalita niya sa mga kapitbahay na wala ng COVID-19. C. Julius. Binato niya ang pusa matapos siyang biglaang kagatin nito. D. Edna. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya. 4. Ang mga ito ay katangian ng wastong pag-iisip at pagkilos, MALIBAN sa_____ A. ito ang pinaka-tamang gawin B. naayon sa batas ng Diyos at ng tao C. nabuo ito gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos D. ito ay magdudulot ng personal na kapakinabangan 5. Makagagawa ka ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan kung _____ A. pipiliin mo ang mali upang mapasaya ang iba B. isaaalang-alang mo ang kabutihan para sa sarili C. gagamiting mo nang tama ang isip at kilos-loob D. hahayaang magkamali sa pasya at magsisi na lang PIVOT 4A CALABARZON 14 WEEKS Paghubog ng Konsiyensiya Tungo sa Angkop na Kilos 3-4 Aralin I Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Nakilala mo ang iyong kalikasan bilang tao at ang kahalagahan na magamit mo ang isip at kilos loob upang mahanap ang katotohanan. Nakagawa ka rin ng angkop na mga kilos upang maglingkod at magmahal. Ngayon, pag-aaralan mong tukuyin ang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. Tutulungan ka ng araling ito na masuri ang mga pasyang ginagawa mo sa araw- araw batay sa paghusga ng konsiyensiya. Gagabayan ka nito na patunayan na ang konsiyensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos. Tulad ng mga nasa larawan sa itaas, pagdaraanan mo ang mga gawain upang palawakin pa ang iyong kaalaman. Palalalimin ang iyong pagkatuto upang mabatid ang mga konsepto at maging ang mga hakbang upang maisaalang-alang ang mga nasabing batas. Gamit ang mga ito, tutulungan kang makita sa mga halimbawang nakapaloob dito ang tama at maling gawain. Ilalapat mo rin ang mga sarili mong karanasan at obserbasyong may kinalaman sa paksa. Mula rito ay makabubuo ka ng mas pinayabong na pagkaunawa. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang nakagagawa ka ng angkop na kilos upang itama ang maling pasyang ginawa. PIVOT 4A CALABARZON 15 Mabuti ba o masama ang tao? Naniniwala ka bang may mga taong walang konsiyensiya katulad ng mga naririnig mong sinasabi ng iba? Basahin at suriin ang mga pahayag sa ibaba. “Ang tao ay likas na mabuti, subalit “Ang tao ay ipinanganak na masama. naging masama sa kamay ng tao. Upang hadlangan siyang gumawa ng Kung mabuti man ang tao ayon sa masama, kinakailangang bantayan pagkalikha sa kanya, hindi maaaring siya’t pigilin na magkasala. Sa ganitong iasa na lamang siya sa kalikasan paraan ay makaiiwas siya sa mga bagkus, huhubugin siya, sa tuksong magbubunsod sa kanya sa pamamagitan ng pagkatuto.” kasamaan.” - Jean Jacques Rousseau - Thomas Hobbes (Pinagkunan: Gintong Butil IV, Macabeo et al.) Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Sa kaninong pahayag ka mas naniniwala? Ipaliwanag. 2. Aling bahagi sa pahayag na hindi mo napili ang nagtulak sa iyo upang hindi ito paniwalaan? 3. Aling bahagi sa pahayag na hindi mo napili ang maaari mong sang-ayonan? Ipaliwanag. D Maliban sa paggamit ng isip at kilos-loob, ano pa ang dapat mong maging batayan upang higit na makapagsuri, makapagnilay, makapagpasya at makakilos nang tama? Ano ang dapat mong sundin bago ka magsagawa ng kilos? Malamang ay mas naniwala ka sa pahayag ni Jean Jacques Rousseau na likas na mabuti ang tao. Bagama’t hindi ka sang-ayon sa sinabi ni Thomas Hobbes na ang tao ay ipinanganak na likas na masama, maaaring may bahagi ng iyong isip na nais itong paniwalaan lalo na’t marami kang nababalitaang kasamaan, karahasan at pagpatay. Sa kabilang banda, magkatugma ang dalawang pahayag sa pagsasabi na kailangang bantayan o hubugin ang tao upang pigilan siyang gumawa ng masama o turuan siyang maging mabuti. Paano ka nga ba magiging mabuting tao? Anong prinsipyo ang dapat mong matutuhan at isabuhay upang makagawa ng wastong kilos o hindi naman kaya ay itama ang mga maling pasyang dati mong ginawa. PIVOT 4A CALABARZON 16 Dito pumapasok ang konsepto ng konsiyensiya at ang Likas na Batas Moral. Ano nga ba ang mga ito at paano ito makatutulong sa iyo upang maging gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos. Likas na Batas Moral: Batayan ng Moralidad Ang tao ay likas na mabuti. Tinutukoy nito ang kabutihan ng pagkatao o kabutihang moral (moral good). Ang pagkakaroon ng moralidad ng tao ay naaayon sa kanyang pagkilos. Nangangahulugang bagama’t siya ay mabuti, maaari siyang maging masama ayon sa kanyang kilos. Upang mapanatili ang kabutihan maging sa lipunan, may pinaiiral na batas na siyang batayan ng tao kung siya ay nagkasala o hindi. Ito ang tinatawag na Likas na Batas Moral na nagmula sa Diyos. Ang batas na ito ay makatuwiran at nakaayon sa kanyang katarungan na siyang gumagabay sa atin at nakasunod sa kalikasan natin bilang tao. Ang Likas na Bastas Moral ay naayon sa Sampung Utos na nahahati sa dalawang katuruan: ang mahalin ang Diyos nang higit kanino man o ano mang bagay at ang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Mula rito ay nabuo ang ilang prinsipyo na siyang sinusunod ng tao sa pagpapatupad ng kaayusan sa lipunan. Ang unang prinsipyo ay gawin ang mabuti at iwasan ang masama habang ang ikalawa ay ang mga sumusunod: Pangangalaga sa buhay Pagiging responsable sa pagpaparami at pagpapaaral ng mga anak Pagiging rasiyonal na nilalang sa pag-alam ng katotohanan at mabuhay sa lipunan. Bilang kabataan, inaasahang huhubugin mo ang mga kalikasang kaloob sa iyo upang malinang ang paggamit ng konsiyensiya. Ayon kay Esteban (1990), ang mga pamamaraan upang mahubog ang ating konsiyensiya ay ang mga sumusunod: Pagpapatalas ng kaisipan at pagsusuri ng tamang katuwiran Pagtanggap sa katotohanan ng buhay at pagtuklas sa tunay na layunin ng mga karanasan at pagsubok na dumarating sa buhay Sikaping gumawa ng kabutihan at umiwas sa masama Sanayin at patatagin ang emosyon. Disiplinahin ang sarili sa paggamit ng emosyon Pumili ng mga taong makatutulong na malinang ang iyong mabuting katangian Panatilihin ang matatag na pananalig sa Diyos. PIVOT 4A CALABARZON 17 May apat na katangian ang Likas na Batas Moral. Ito ay ang mga sumusunod: A. Obhektibo. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan—ang Diyos. Naaayon sa realidad at hindi nakabatay sa tao. Palagi itong umiiral dahil hindi ito naapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi. B. Pangkalahatan (Universal). Sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. C. Walang Hanggan (Eternal). Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. D. Hindi Nagbabago (Immutable). Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Hindi ito mawawala hangga’t ang tao ay tao. Ang konsiyensiya ang munting tinig “Konsiyensiya sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang —munting moral na pagpapasya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon. tinig sa loob.” Ayon kay Agapay (Ethics and the Filipino), ang konsiyensiya ang pinakamalapit na batayan ng moralidad. Ito ang bukod-tanging nagbibigay sa atin ng agarang hatol kung ang ating kilos at ikikilos ay tama o mali. Angkop ang tungkuling ito sa kanyang pinagmulang salita sa Latin na conscientia na ang ibig sabihin ay “paglilitis ng sarili.” Mga Uri ng Konsiyensiya ayon kay Agapay Tama o Totoong Humuhusga sa Konsiyensiya Hindi Kalituhan sa Konsiyensiya (Correct mabuti at Sigurado (Doubtful pagpapasya kaya or True Conscience) masama. Conscience hindi kaagad makakilos. Mali o Hindi Totoong Humuhusga na Konsiyensiya Sobrang takot Konsiyensiya ang mabuti ay Metikuloso makagawa ng (Erroneous or False masama at ang (Scrupulous masama kaya hindi Conscience) masama ay Conscience) na lang kumikilos. mabuti Konsiyensiya Sigurado Base lamang sa Konsiyensiya Kawalang pakialam (Certain Conscience) sariling Insensitibo (Lax na alamin ang paniniwala Conscience) mabuti at masama. PIVOT 4A CALABARZON 18 Isang palasak na kataga lamang ang sabihing “walang konsiyensya” ang isang tao. Maaaring hindi siya nababagabag sa paggawa ng masama, subalit ang totoo, siya ay nagtataglay ng alinman sa mga uri ng konsensiyang nabanggit. Sa patuloy na pagkilos ng tao, hindi maiwawaksi ang paggamit ng konsiyensiya. Ngunit paano mo nga ba malalaman kung tama ang iyong panghuhusga ayon dito? Ang pagkilala sa paghuhusga ng tama o mali ay dumaraan din sa proseso o yugto ayon sa mga sumusunod: Unang yugto: alamin at naisin ang mabuti. Ikalawang yugto: kilatisin ang partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. Ikatlong yugto: paghatol para sa mabuting pasya at kilos. Ikaapat na kilos: suriin ang sarili at magnilay. E Matapos matukoy ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral at malamang ang mga konsepto tungkol sa konsiyensiya, kaya mo na bang isagawa, linangin at iangkop ang mga kakayahan gamit ang kaalamang natutuhan mo sa aralin? Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Unawain ang bawat sitwasyon. Gamit ang iyong konsiyensiya at ang Likas na Batas Moral, magpasiya kung tama ito o mali. Ibigay ang kapaliwanagan kung tama at ang dapat na maging kilos kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno. SITWASYON PASYA PALIWANAG/TAMANG KILOS 1. Palaging nagsisimba si Nathalie kasama ang pamilya. Ibinabahagi niya sa mga kaibigan ang aral tungkol sa pagmamahal sa Diyos at kapwa. 2. Hinithit ni Richard ang sigarilyong inialok sa kanya upang tanggapin sa grupong magbabarkada. 3. Tinatawagan na lamang ni Cristy ang mga ka-klase upang hingin ang mga sagot sa mga gawain sa modyul. PIVOT 4A CALABARZON 19 Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gamit ang iyong tunay na konsiyensiya, piliin kung alin sa dalawa ang tama o wasto. Ipaliwanag ang ibig sabihin nito at kung bakit tama ito para sa iyo. Gawin ito sa iyong kuwaderno. The End Justifies the Means The End does not Justify the Means Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Alalahanin ang isang karanasan sa buhay mo na nakagawa ka ng maling desisyon. I-kuwento mo ang nangyari. Matapos mong pag -aralan ang paggamit ng Likas na Batas Moral at ng konsiyensiya, paano mo ito itatama? Ano ang dapat mong gawin sakaling kailangan mo muling gumawa ng pasya. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Ang isang maling pasyang nagawa ko ay _________________________________ ________________________________________________________________________________ Maitatama ito kung ang gagawin ko ay ___________________________________ ________________________________________________________________________________ Sakaling kakailanganin kong muling magpasya, titiyakin kong ____________ ________________________________________________________________________________. A Nilikha ka ng Diyos na likas na mabuti. May kakayahan kang mag-isip at sundin ang tama gamit ang konsiyensiya. Ang munting tinig na ito ang gagabay sa iyo upang maisip ang mabuti at masama o ang tama at mali. Gamitin mo ito upang masuri ang mga pasyang kakailanganing gawin. Isaisip at isapuso na the end does not justify the means. Kinakailangang ang intensiyon at aksyon ay magkatugma at naaayon sa Likas na Batas Moral. Anomang buti ng nais kung mali ang paraan ay hindi rin kalulugdan ng Maykapal. Mahalin mo ang Panginoon at ang kapwa sa lahat ng panahon. Kumilos ka ayon sa tama at mabuti! PIVOT 4A CALABARZON 20 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin ang bawat sitwasyon at magpasya. Lagyan ng kung ito ay tamang kilos ng paggamit ng konsiyensiya. Lagyan naman ng kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. _____1. Ang mali ay mali kahit gaano pa kabuti ang iyong intensiyon o dahilan. _____2. Okay lang ang paminsan-minsang pagsisinungaling lalo na kung nakasalalay dito ang inyong pagkakaibigan. _____3. Hahayaan mo na iba na lang ang magsabi kaysa sayo pa magalit ang iyong kaibigan. _____4. Pag-iisipan mong mabuti ang suliranin at pipiliin ang pinaka-tamang solusyon na ayon sa turo ng Diyos. _____5. Minsan ka ng nagkamali kaya ginagamit mo na ang iyong tunay na konsiyensiya upang itama ang mga kasalanan. Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang moral na pagpapasya. A. konsiyensiya B. pag-iisip C. puso D. moralidad 2. Ang mga sumusunod ay ang mga yugto ng paghuhusga sa tama o mali. Ang tamang pagkakayos nito mula sa una hanggang huli ay _____ I. alamin at naisin ang mabuti III. hatulan ang mabuting pasya at kilos II. kilatisin ang kabutihan IV. suriin ang sarili at magninilay A. I, II, III, IV B. IV, III, II, I C. II, IV, III, I D. I, IV, III, II 3. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral na hindi naiimpluwensyahan ng anomang bagay lalo na sa pagtingin ng tao. A. Obhektibo C. Walang Hanggan B. Pangkalahatan D. Hindi Nagbabago 4. Ito ay nabuo batay sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral para sa kaayusan sa lipunan. A. Pangangalaga sa buhay B. Pagiging responsable sa pagpaparami at pagpapaaral ng mga anak C. Pagiging rasiyonal na nilalang sa pag-alam ng katotohanan D. lahat ng nabanggit 5. Maipakikita mo ang pagiging mabuting tao kung _____ A. susundin ang konsiyensiya C. susundin ang Likas na Batas Moral B. magpapasya ayon sa tama D. lahat ng nabanggit PIVOT 4A CALABARZON 21 WEEKS Pagpapasya at Pagkilos Tungo sa Pagsasabuhay ng Kalayaan 5-6 Aralin I Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga konseptong may kinalaman sa prinsipyo ng Likas na batas Moral. Sinuri mo ang mga pasyang ginawa mo sa araw-araw batay sa paghusga ng konsiyensiya. Napatunayan mo rin na ang konsiyensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at apgkilos. Naisagawa mo rin ang mga angkop na kilos upang itama ang maling pasyang ginawa. Magiging sentro ng ikalima at ikaanim na linggo ng iyong pag-aaral ang pagtuklas sa tunay na kahulugan ng kalayaan. Tutukuyin mo kung anong mga pagpapasya at pagkilos ang tumutugon sa tunay na kalayaan. Ito ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. Gaya ng mga nasa larawan sa ibaba, ipakikita sa iyo ang mga halimbawa ng pagkilos nang may totoong kalayaan. Kakailanganin sa pagkakataong ito ang iyong mga karanasan at ihahambing ang mga ito ayon sa totoo at tamang pakahulugan sa salitang kalayaan. Ipauunawa rin sa iyo na ang kalayaan ay may hangganan at kakambal na responsibilidad o obligasyon sa iba. Tatalakayin dito ang pagkaunawa sa konsepto ng kalayaan na maaaring hindi tama. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang nakagagawa ka ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan bilang pagtugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. PIVOT 4A CALABARZON 22 Malaya ka ba? Tunay at wagas nga ba ang iyong kalayaan? Paano mo nasabi na ikaw ay malaya? Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Markahan ng tsek (/) ang sa tingin mo ay maituturing na kalayaan. Markahan naman ng ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. _____1. Nagdiriwang ang Pilipinas ng Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo. _____2. Wala ng kasintahan si Omar kaya siya ay malaya ng manligaw sa marami. _____3. Maganda ang boses ni Cynthia at may pag-aari siyang videoke machine. Inaabot siya ng paumaga sa pagkanta. Ginamit niya ang kalayaang gawin ang anomang nais. _____4. Nakauunawa na si Karl at marami na siyang kaalaman. Malaya na siya sa kamangmangan. _____5. Pinagmumura ni Yvette si Jonah sa galit nito nang mahuling ito ay nagsinungaling sa kanya. Ginamit niya ang kalayaang magpahayag. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang pahayag sa ibaba. Ano ang nais ipakahulugan nito? Naniniwala ka ba rito? Isulat ang paliwanag sa iyong kuwaderno. “With great power, comes great responsibility.” -Uncle Ben (Spider Man) D Ano ang pumapasok sa iyong isipan sa tuwing naririnig mo ang salitang malaya o kalayaan? Dati, kalayaan ng bansa ang agad na naaalala ng mga tao. Ngayong makabagong panahon, mas maraming tulad mo na iba ang higit na maaalala. Marahil isa sa maiisip mo ang awit ni Moira Dela Torre na may titik na: Baka sakaling makita kitang muli Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin Baka sakaling maibalik Malaya ka na, Malaya. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan at paano mo ito maipaliliwanag sa konteksto ng Edukasyon sa Pagpapakatao? PIVOT 4A CALABARZON 23 Ilan sa pakahulugan ng mga tao sa kalayaan ay ang kawalan ng mananakop sa bansa, kakayahang masabi o maipahayag ang gustong sabihin, pumili ng mamahalin at magkaroon ng mga bagay na ninanais. Iniuugnay rin nila rito ang kakayahang kumilos nang walang nagbabawal, hindi nakakulong o bilanggo at nagagawa ang anomang nais nilang gawin. Ang mga ito nga ba ang tunay at malalim na kahulugan ng kalayaan? Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang kalayaan ay ang katangian ng kilos- loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaring hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito. Nangangahulugan ito na ikaw ang magdi- desisyon kung ano ang iyong pipiliin at paano mo ito gagawin. Ang kalayaan, sa paningin ng batas ay taglay ng bawat isa. Isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas o Saligang Batas (1987), Artikulo 3 ang kalayaan bilang bahagi ng katipunan ng mga karapatan. Isinasaad dito na hindi dapat alisan ng kalayaan ang tao tulad ng sa pananalita o pagpapahayag, paninirahan, at iba pa. Ang kalayaan ay maituturing “Ang iyong karapatan na isang karapatan. Bagama’t sinasabing ikaw at ang bawat isa ay nagtatapos sa ay malaya o may karapatang gawin pagsisimula ng ang gusto, hindi dapat ito karapatan ng iba.” makalabag o makaapekto sa karapatan ng iba. Dahil dito, ang kalayaan ay isang responsibilidad o pananagutan. Ang pagkakaroon ng mas marami o malaking kakayahan, kapangyarihang masabi o magawa ang iyong nais ay katumbas naman ng mas higit na tungkulin. Tunay ngang “With great power comes great responsibility.” Pag-aralan mo ang malalimang kahulugan nito. Paano ka nga ba nagkaroon ng kalayaan? Kailan mo ito nakamtan? Sinasabing pagkasilang pa lamang sa iyo ay taglay mo na ang biyaya ng Diyos na kalayaan. Sinabi Niya sa aklat ng Genesis na malaya ang tao na kainin ang lahat ng bunga sa hardin ng Eden, maliban sa bunga ng isang punong-kahoy sa gitna ng hardin. Sa mga katagang ito, mababatid mo na nagtataglay ka ng kalayaan, subalit huwag mong kaliligtaan ang bahagi ng Kanyang paalala, “… maliban sa…” - isang responsibilidad o tungkulin. Maaaring sa sitwasyon mo ngayon ay sasabihin mong hindi ka malaya sapagkat hindi ka makalabas dahil sa suliranin sa pandemyang COVID-19. Marami kang nais at kayang gawin subalit hindi mo ito maisakatuparan dahil ‘bilanggo’ ka sa bahay. Nalilimitahan ang sinasabing taglay mong kalayaan. PIVOT 4A CALABARZON 24 Ano ano nga ba ang mga kalayaang ito na gagamitin mo upang marating ang kaganapan ng iyong pagkatao? Kalayaan ng Isip. Pinakamataas na uri ng nilalang ang tao dahil sa kakayahang umalam, mag-isip at magnilay. Taglay ang iba’t ibang kaalaman na naituro at natutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay, naipapakita ang kalayaan sa pag-iisip sa paggawa ng mga malayang desisyon. Ayon kay Clinton Lee Scott, ang kalayaan sa pag-iisip ang simula ng lahat ng kalayaan.” Sa malayang kaisipan nangsisimula ang paglikha sa mga napakaraming bagay. Kalayaan ng Damdamin. Walang sinuman ang maaring magdikta kung ano ang puwede at hindi pwedeng maramdaman ng isang tao. Nakaramdam ka ng saya, lungkot, takot, at pangamba. Kasama pa ang pag-unawa at damdamin ng pagkaawa sa ating kapwa. Kasama rin dito ang kalayaan na maghangad ng mga bagay at pangangailangan na maaring mabuti para sa sarili at sa iba. Kalayaan ng mga Kilos o Asal. Malayang pagkilos ng katawan o pag-iisip; at ang paggawa ng mga bagay na gusto mong gawin nang walang humahadlang ayon kina Thomas Hobbes at David Hume. Ang kawalan ng anumang pamimilit ay maaring gawin ayon sa sariling kagustuhan. Malaya man ang iyong isip, “hindi dapat damdamin at kilos o asal, hindi ito dapat maging dahilan upang umabuso o lumabis umabuso o sa paggamit ng espesyal na kakayahan at karapatang ito. lumabis.” Dahil marami ang umaabuso sa kalayaan, patuloy na nakagagawa ng mali ang tao. Nakapagdudulot ito ng sakit at suliranin sa damdamin ng iba at ganoon din sa sarili. Upang maiwasang mangyari ito, kinakailangang maging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan. Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan Nakakalungkot na malaman na may mga kabataan na nasasangkot sa gulo o hindi kanais-nais na sitwasyon dahil sa hindi mapanagutang paggamit ng kanilang kalayaan. May mga nag-aaway sa social media dahil lamang sa isang hindi pinag-isipang komento o mga salitang binitiwan bunsod ng emosyon. PIVOT 4A CALABARZON 25 Marami rin na ang pagkakaunawa sa kalayaan ay nakatuon lamang sa kakayahang gawin ang nais nang walang balakid o hadlang. Sa pag-unlad ng Siyensiya at Teknolohiya kung saan mabilis ang paraan ng komunikasyon, lalong higit na kailangang maging mulat ang mga kabataang tulad mo kung paano magagamit ang kalayaang taglay kalakip ang mapanagutang pagsasabuhay nito.(Pinagkunan: Asuan, Ma. Elvira A. et al (2018). Upang maintindihan ang tunay na kahulugan nito, bigyang pansin ang kahulugan ng kalayaan na ibinigay ng mga sumusunod na eksperto: St. Thomas Aquinas: “Ang kalayaan bilang katangian ng kilos-loob na itinakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kaniyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. E. Esteban (1990) “Ang kalayaan ay paggawa ng mga gawaing nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kaniyang pagkatao”. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ang bawat isa ay nararapat kumilos at mag-isip nang may kabutihan. (Mula sa: Ang Tao sa Kanyang Moral at Ispiritwal na Dimensyon). Ang tunay na kalayaan ay ang E Matapos mong mabasa ang mga pakahulugan at iba pang konseptong may kinalaman sa kalayaan, handa ka na bang tukuyin at patunayan ang kahalgahan nito? Kaya mo na bang magsagawa ng angkop na kilos sa pagsasabuhay ng tunay na kalayaan? Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang mga nakalahad. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay pagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno. _____1. Nais sana ni Ara na magpost sa FB dahil gigil na siya sa galit sa gobyerno. Nagnilay muna siya at hindi na niya itinuloy nang maisip na mali ito. _____2. Dahil tapos ng mag-aral si Jun ay nagpatugtog na siya nang malakas upang malibang kahit na nagbabasa pa ang kapatid na si Ben. _____3. Nagpabili pa rin si Erwin ng bag kahit walang pera ang nanay. _____4. Dahil bagay naman at uso, nagsuot si Cherry ng maikling blusa. Kita ang kanyang dibdib at pusod. _____5. Naiwan ni Kalai na bukas ang email niya. Binuksan ito ni Love at binasa. PIVOT 4A CALABARZON 26 Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Balikan ang ilan sa iyong mga karanasan tungkol sa maling paggamit ng kalayaan. Pumili ng tatlong ilalahad. Ibigay ang impormasyong hinihingi sa bawat kolum. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Maling Paggamit Sitwasyon/ Epekto sa Sarili Hakbang sa ng Kalayaan Karanasan at sa Kapwa Pagbabago Halimbawa: Nagkatampuhan Isang taon Sisikapin kong kami ng kaibigan kaming hindi maging 1.Pagiging ko. Hindi ko siya magkabati, mapagpakumbaba mapagmataas binabati at hindi nag-iiwasan at kung sakaling (pride) ako hihingi ng hindi dumating pa ang paumanhin dahil komportable sa pagkakataon na para sa akin, siya presensiya ng may kaibigan pa ang may isa’t-isa. akong kasalanan. Siya Nabagabag ako makasamaan ng ang dapat kaya loob. maunang gumawa naapektuhan ng hakbang upang ang aking pag- magkabati kami. aaral Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Bumuo ng sariling pakahulugan sa salitang kalayaan sa pamamagitan ng isang akrostik. Tingnan at basahin ang halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno. K-aloob ng Diyos na espesyal na kakayahan A-ng makapagsalita at makakilos nang may kalayaan. L-aging tatandaan na hindi dapat na A-busuhin o masobrahan Y-aong pag-iisip at pananalita kanino man. A-ng dapat na pagtuuan A-ng dapat na isakatuparan N-awa ay ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa mamamayan. K A L A Y A A N PIVOT 4A CALABARZON 27 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Mag-isip ng isang bagay na maaari mong gamitin bilang simbolo ng kalayaan. Iguhit ito sa iyong kuwaderno. Ipaliwanag kung bakit ito maihahalintulad sa kalayaan. Gawin ito sa iyong kuwaderno. SIMBOLO NG KALAYAAN PALIWANAG ____________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Mag-isip ng mga paraan upang maisagawa mo ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng kalayaan. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. _________________________________________________ 2. _________________________________________________ 3. _________________________________________________ 4. _________________________________________________ 5. _________________________________________________ A Ang kalayaan ay handog ng Diyos upang makapili ng iisipin, sasabihin at gagawin. Marami ang nagkakaroon ng hindi tama o mababaw na pagkaunawa sa konseptong ito. Nararapat mong pag-aralan at unawain ito. Tandaan na lahat ng tao ay taglay ang kalayaan ngunit katumbas nito ang isang mabigat na tungkulin. Gamitin mo ito sa paraang makabubuti sa iyo at sa iyong kapwa. Bago magsalita o kumilos ng kahit ano, kailangang pakaisipin pa din kung hindi ito makapamiminsala sa iyo at sa iba. Maging malaya. Mag-isip at kumilos nang tama! PIVOT 4A CALABARZON 28 Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng kung ito ay mabuting dulot ng impormasyon. Lagyan naman ng ung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Ito ang itinuturing na kakambal ng kalayaan. A. kilos-loob C. pagmamahal B. konsensiya D. responsibilidad 2. Ang mga sumusunod ay uri ng kalayaan mayroon ang tao, MALIBAN sa _____ A. isip B. kilos C. nais D. asal 3. Maliban sa biyaya ng Maykapal, ang kalayaan ay nakasaad din sa _____ A. katipunan ng mga karapatan sa Saligang Batas 1987 B. kasaysayan ng pinagmulan ng tao at mga kakayahan C. mga aklat na nagpapaliwanag ng tungkol sa kalayaan D. kautusan ng mga ninuno mula sa sinaunang panahon 4. Dahil ikaw ay may kalayaan, maaari mo ng gawin at sabihin ang lahat ng gusto mo. Ang pahayag na ito ay _____ A. mali. Puwede ring isama rito ang iyong mga naisin at naiisip. B. mali. Dapat pa ring magsalita at kumilos nang mapanagutan. C. tama. Kasama ito sa iyong mga karapatan at mga pribilehiyo. D. tama. Kaloob ng Diyos na magawa mo ito upang maging masaya. 5. Ang sitwasyong nagpapakita ng tunay na kalayaan ay _____ A. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anomang oras niya gustuhin. B. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa. C. Malakas ang loob ni Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao kahit nakakasakit ito. D. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital. Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Sumulat ng isang paglalahad ng iyong karanasang maglingkod at magmahal sa kapamilya at kapwa ngayong panahon ng pandemic. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ang Tulong ko sa Gitna ng COVID-19 Pandemya ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ PIVOT 4A CALABARZON 29 WEEKS Pagpapahalaga sa Dignidad ng Tao 7-8 Aralin I Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga tumpak na konsepto tungkol sa kalayaan. Nakagawa ka ng mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng kalayaan. Higit sa lahat, naunawaan mo at tinaggap sa iyong isip at puso na ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa pagmamahal at paglilingkod. Handa ka na ring ibahagi sa iba ang iyong mga kaalaman. Sa huling dalawang linggo ng unang markahan, iinog ang aralin sa konsepto ng dignidad ng tao. Aalamin mo ang tunay na kahulugan nito upang iyong maunawaan at maipaliwanag. Ikikintal sa iyong isip at puso na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang pagiging bukod-tangi bilang nilikha ayon sa wangis ng Diyos; may sariling isip at kalooban. Tulad ng mga nasa larawan, titingnan mo ang kasalukuyang reyalidad at ang kalagayan ng tao. Susuriin mo ang mga usaping panlipunan tulad ng kahirapan, pagiging kabilang sa Indigenous Peoples’ groups at maging ang antas ng pinag-aralan bilang mga halimbawa ng paglabag sa dignidad ng tao. Gagabayan ka nito sa pagkakaroon ng reyalisasyon tungkol sa kahalagahan ng dignidad at pagrespeto ng bawat nilalang sa kapwa anoman ang kanilang kalagayaan sa buhay at maging kaanyuan. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na mababa ang sarili na siyang bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao. PIVOT 4A CALABARZON 30 Paano ba nalalaman kung ang isang tao ay may dignidad? Lahat ba tayo ay mayroon nito? Subukin mo ang iyong kaalaman gamit ang mga sitwasyong nakapaloob sa unang gawain. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung ang binababanggit ay taong may dignidad. Lagyan ng tsek (/) kung Oo at ekis (X) naman kung hindi ang bawat kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. taong mahirap o salat sa salapi 6. may kapansanan 2. palaboy na may kakulangan sa pag-iisip 7. ulila sa magulang 3. babaeng nagtatrabaho sa club 8. walang pinag-aralan 4. mga Badjao na namamalimos 9. babaeng ginahasa 5. mamamatay tao 10. magnanakaw Tama ba ang iyong mga naging sagot? Saan mo ibinatay ang iyong tugon sa bawat halimbawa upang mapagpasyahan kung ang nilalang na nakasaad ay may taglay ngang dignidad. Ngayon naman ay susuriin mo ang nakalimbag na mga sitwasyon sa ibaba at tutukuyin kung ang kilos ay pagpapahalaga sa dignidad ng tao. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pag-isipan kung ang nakasaad ay halimbawa ng kilos na nagpapahalaga sa dignidad ng tao. Isulat ang Tama kung Oo at Mali naman kung Hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. _____1. Hirap si Peter sa mga aralin ngunit nagsisikap siya. Tinutulungan siya ni John sa mga aralin. _____2. Inaalalayan ni Carmela ang kapitbahay na mamang naka-wheelchair sa tuwing kailangn nitong tumawid sa kalsada. _____3. Umiiyak si Graciel habang nagkukuwento ng kanyang mga suliranin kay Joanna. Sa loob-loob ni Joanna ay wala naman siyang magagawa dahil ganoon naman talaga kapag mahirap lang. _____4. Sa halip na tawagin sa kaniyang pangalan, Boy Alimango ang bansag ng magbabarkada sa ka-klase nilang si Frederidk. _____5. Gusto sanang magbigay ng suhestiyon ang batang si Eloisa. Sinaway siya ng kuyang si Noel at sinabihan na bata pa at walang alam kaya huwag nang sumabat sa usapan. PIVOT 4A CALABARZON 31 D Ano nga ba ang ibig ipakahulugan ng salitang dignidad. Sino sino ang nagtataglay nito? Nawawala ba ito sa isang tao? Ang dignidad o dangal ay nagmula sa salitang Latin na ‘dignitas’, katumbas ng French na dignité. Nangangahulugan ito ng likas at hindi na kailangang paghirapang halaga ng tao. Bawat isang nilalang na tulad mo ay may taglay na dignidad anoman ang iyong pisikal na kaanyuan, mental na kakayahan, materyal na kayamanan, antas ng pinag-aralan o pangkat na kinabibilangan. Nagmula sa Diyos ang pagkakaroon mo at ng ibang tao ng dignidad. Ito ay isang espesyal na handog na ayon sa pilosopiya ni Sto. Tomas de Aquino ay ang pagkakalikha sa tao ayon sa wangis ng Panginoon. Bukod tanging mga tao lamang ang biniyayaan ng kakayahang mag-isip at kumilos ng may kalayaan. Nakaugat din sa dignidad na ito ang maliwanag na katotohanan na ikaw ay natatangi, naiiba o pabihira o unique sa Ingles. Sa paanong paraan ka nga ba naging “Ang bawat natatangi? Ano ano ang mayroon ka na wala sa iba? May naiisip ka bang patunay sa tao ay may katotohanang ito? May dalawang katotohanan kung bakit dignidad.” maaari mong paniwalaan at tanggapin na ikaw nga ay natatangi o pambihira. Una ay ang iyong kakanyahang unrepeatable at ang huli ay kakanyahang irreplaceable. Ikaw at ang lahat ng tao ay unrepeatable o hindi mauulit. Isa lamang ang iyong buhay at minsan ka lamang ipanganganak o magdaraan sa mundo. Wala ring taong magiging eksaktong katulad mo. Kahit na nga mga identical o magkahawig na kambal ay may pagkakaiba pa rin sa panlabas na itsura at ganoon din sa pag-uugali. Patunay ang pagkakaiba-iba ng fingerprint ng bawat isa at hindi ito maaaring maulit na perpektong kahalintulad ng sa sino man. Ikaw, katulad ng iba ay irreplaceable o hindi kayang palitan. Maaaring magkaroon ka ng kapangalan, kapwa na may kaparehong kakayahan, kahinaan, hilig o interes ngunit hindi nito magagawang palitan kung sino ka at maging ang iyong buhay at kasaysayan. Marami mang kayang gawin ang Siyensiya at Teknolohiya sa makabagong panahon tulad ng lumikha at magbago ng mga bagay -bagay, mananatiling ang Diyos lamang ang kayang lumalang ng taong tulad mo. PIVOT 4A CALABARZON 32 Ang dignidad ay hindi nawawala sa sino mang tao. Bawat nilikha, normal man o may kapansanan o kakaibang kakayahan ay taglay ito. Maging ang mga taong makasalanan o masama ang ginagawa ay hindi pa rin nawawalan ng dignidad bilang tao. Nananatili ito sa kanila ngunit nangangailangang mapanumbalik sa tulong ng sarili, pamilya, kapwa, lipunan, paaralan, simbahan at iba pang institusyon. Ang dignidad ay hindi katulad ng reputasyon. Ang reputasyon ay nakabatay sa kalagayan mo bilang tao ayon sa pagtingin ng iba o ng kapwa. Nag- iiba-iba rin ito ayon sa tumitingin sa iyo. Ang dignidad ay hindi maaring mapataas o mapababa dahilan lamang sa aksiyon o kilos, kasarian, lahing pinagmulan, relihiyon, edukasyon o kalagayan sa buhay. Ito ay kakambal na ng pagiging tao ikaw man ay mahirap, may kakulangan, makasalanan, aba o api at nag-iisa na sa buhay. Naniniwala ka ba na ikaw nga ay may dignidad o dangal? Basahin ang lyrics o titik ng awit sa ibaba at gawin ang gawain sa pagkatuto. Sino Ako Fr. Jose S. Castañeda (kompositor) Hiram sa Diyos ang aking buhay Ikaw at ako'y tanging handog lamang Di ko ninais na ako'y isilang Ngunit salamat dahil may buhay Ligaya ko ng ako'y isilang Pagka't tao ay mayroong dangal Sinong may pag-ibig Sinong nagmamahal? Kundi ang taong D'yos ang pinagmulan Kung di ako umibig Kundi ko man bigyang halaga ang buhay kong handog Ang buhay kong hiram sa Diyos. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang mga sumusunod ayon mensahe ng awit na “Sino Ako”. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Anong mayroon ang tao na dapat ikasiya? 2. Kanino nanggaling ang regalo o handog na dangal o dignidad? 3. Ano ang kailangang gawin sa buhay na handog? Bakit kailangan mo itong gawin? Ipaliwanag. PIVOT 4A CALABARZON 33 Masaya ka ba na mayroon kang dignidad? Napahahalagahan mo ba ito? Naipakikita mo rin ba ang paggalang sa dignidad ng ibang tao? May mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa iyong dignidad at maging ang sa iyong kapwa. Ilan sa maaaring gawin ay ang mga sumusunod: Ipakita ang respeto sa iba. Pakitunguhan sila kung paano mo nais tratuhin nila Maging magalang sa pananalita. Iwasan ang mapanakit na pahayag. Igalang ang pananaw ng iba. Huwag ipilit ang pansariling opinyon. Magtiwala upang pagkatiwalaan. Magpaabot ng tulong o suporta sa anomang kayang paraan. Mag-isip muna bago magpasya at kumilos. Tingnan ang kapwa bilang kapantay. Iwasang maging mapangmata. Maging sensitibo sa nararamdaman ng iba. Igalang ang emosyon. Mahalin ang sarili at kapwa. Huwag manira ng pagkatao. Ipakita mo ito sa lahat lalo na sa kadalasang biktima ng kawalang paggalang sa dignidad: ang mga mahihirap at miyembro ng mga indigenous groups tulad ng mga Aeta, Igorot, Mangyan, Dumagat, Badjao at iba pa. E Maliban sa mga nabanggit, may alam ka pa bang ibang paraan upang makagawa ng angkop na kilos upang pahalagahan ang dignidad ng tao? Ano ano naman ang maaari mong gawin? Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Mag-isip ng iba pang paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao. Maaaring gawin ito sa tulong ng ibang kamag-aaral kung may paraan na hindi kakailanganing lumabas at gumastos. Kung wala naman ay solo mo itong isagawa o katulong ang kasapi ng pamilya. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. PARAAN SA PAGPAPAHALAGA SA DIGNIDAD NG TAO 1. __________________________________________________________ 2. __________________________________________________________ 3. __________________________________________________________ 4. __________________________________________________________ 5. __________________________________________________________ PIVOT 4A CALABARZON 34 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pumili ng hindi bababa sa tatlong mga paraang nakatala sa pahina 32 at mula sa sagot mo sa gawain sa pagkatuto bilang 4. Sa katapat ng bawat aytem ay ibahagi mo ang iyong karanasan kung paano mo naisagawa o naipakita ito. Gawin ito sa iyong kuwaderno. MGA PARAAN MGA KARANASAN KO 1. ________________________ _______________________________________________ 2. ________________________ _______________________________________________ 3. ________________________ _______________________________________________ Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Maglahad ng isang karanasan na hindi mo napahalagahan ang dignidad ng isang tao. Ano ang nangyari? Ano ang gagawin mo sakaling mangyari itong muli? Ano ang gagawin mo upang hindi na ito maulit pa? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Ang Aking Nagawang Pagkakamali Ang isang pagkakamaling aking nagawa na hindi ko iginalang ang dignidad ng isang tao ay _________________________________________________ _________________________________________________________________________ Isa itong pagkakamali sapagkat ___________________________________ G _________________________________________________________________________ Kung mangyayari itong muli, ang gagawin ko ay ___________________ _________________________________________________________________________ Upang hindi na ito maulit muli, nararapat na _____________________ _________________________________________________________________________ Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa paksang: “Respect begets Respect o Ang Respeto o Paggalang ay Umaani ng Parehong Paggalang.” Isulat ito sa iyong kuwaderno. Maaaring i-post ito kung mayroon kang Facebook account. Kung wala naman ay basahin ito sa harap ng magulang o kapatid. Hingin ang kanilang komento pagkatapos magbahagi. Isulat ito sa iyong kuwaderno. Ang Paggalang ay Umaani ng Komentong Natanggap Parehong Paggalang PIVOT 4A CALABARZON 35 Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Pumili ng isang sitwasyon na itinuturing na kadahilanan kung bakit nalalabag o ‘nawawalan’ ng dignidad ang tao. Ipaliwanag mo ito. Maaaring magsaliksik, magtanong sa kasapi ng pamilya o makipag- ugnayan sa mga kaibigan. Siguruhing hindi ka lalabas ng bahay upang gawin ito. SITWASYON SARILING SAGOT NAKALAP NA SAGOT 1. kahirapan ____________________ ____________________________ sa buhay ____________________ ____________________________ 2. pagiging miyembro ____________________ ____________________________ ng indigenous group ____________________ ____________________________ 3. kaibahan ng ____________________ ____________________________ relihiyon ____________________ ____________________________ 4. mababang pinag- ____________________ ____________________________ aralan 5. sakit o kapansanan ____________________ ____________________________ A Bawat tao ay may dignidad. Hindi ito nawawala anoman ang iyong karanasan at kalagayan sa buhay. Ang iyong dignidad ay nakaugat sa iyong pagiging nilikha na kawangis ng Diyos. Ikaw ay unrepeatable o hindi nauulit. Minsan ka lamang isisilang sa mundong ito kaya paghusayan mo ang pangangalaga sa iyong dignidad at paggalang sa dangal ng iba. Ikaw rin ay irreplaceable o hindi mapapalitan. Nag- iisa ka o natatangi. Madalas ay tumitingin ang tao sa kalagayang panlipunan, antas ng pinag- aralan, pangkat o lahing kinabibilangan, at iba pang panlabas na batayan. Ito’y bahagi lamang ng reputasyon. Hindi nito dapat nababawasan ang iyong dangal. Hindi mo rin naman dapat maging dahilan na maaari ka ng gumawa nang masama dahil nananitili naman ang dignidad. Dapat mong patuloy na pangalagaan ang dangal na mayroon ka. Sundin ang mga mungkahing paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa iyong dignidad at sa iyong kapwa. Maging mabuti at huwaran sa iba. PIVOT 4A CALABARZON 36 Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ito ay salitang Latin na ‘dignitas’, katumbas ng French na dignité. A. buhay B. dignidad C. dangal D. B at C 2. Ito ay nakabatay sa pagtingin ng ibang tao sa iyo. A. dangal B. reputasyon C. dignidad D. pagkatao 3. Ang mga katotohanang ikaw ay natatangi o pambihira ay nakaugat sa ______ I. pagiging unrepeatable III. narating sa buhay II. pagiging irreplaceable IV. pagkakaroon ng dignidad A. I, II, III B. I, II, III, IV C. I, II , IV D. II, III, IV 4. Ang sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao, MALIBAN sa _____ A. pagiging magalang sa pananalita B. paggalang sa pananaw ng iba C. pagtulong sa nangangailangan D. pagpapasya at pagkilos nang mabilis 5. Maaring sabihin na nawawala ang dignidad ng tao kung siya ay nakagagawa ng kasalanan. Ang pahayag na ito ay _____ A. tama B. depende C. mali D. di-tiyak Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Piliin ang kilos na dapat mong gawin upang maipakita ang paggalang sa dignidad ng kapwa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno. A. Gusto ng huminto sa pag-aaral ang ka-klase mong si Ruel. Papayuhan mo siya na ipagpatuloy ang pag-aaral kahit mahirap lang sila. B. Nawalan na ng lakas ng loob si Angela, isang Dumagat. Ayaw na nitong makisalamuha sa iba dahil ipinahiya siya ni Glenda. Kakausapin mo siya at babanggitin ang magandang katangian niya at mga kakayahan. C. Sinabihan ng kapatid mo na pangit ang kapitbahay. Nang sumagot ito na nilikha siyang kawangis ng Diyos ay tumawa pa ang iyong kapatid. Matatawa ka rin at isisipin na ibig sabihin ay pangit din ang Maykapal. D. Nakulong ang iyong kakilala ngunit nakalaya na ito. Pagdating ay hindi mo siya binati dahil iniisip mong hindi siya dapat igalang. E. Narinig mong sinabihan ng kaibigan mo na walang kuwenta ang kanyang mga magulang dahil mga walang pinag-aralan. Pinaliwanagan mo siya na mali iyon dahil dapat ay igalang pa rin ang ina at ama. PIVOT 4A CALABARZON 37 38 PIVOT 4A CALABARZON Susi sa pag- Susi sa pag- Susi sa pag- Susi sa pagwa- wawasto 10 wawasto 9 wawasto 4 wasto 1 A 1. B 1. Tama 1. / 6. / B 2. B 2. Tama 2. / 7. / E 3. C 3. Mali 3. / 8. / 4. D 4. Mali 4. / 9. / 5. C 5. Mali 5. / 10. / A I Weeks 7-8 Susi sa pagwa- Susi sa pag- Susi sa wasto 7 wawasto 3 pagwawasto 1 1. D 1. / 1. / 2. C 2. X 2. X 3. A 3. X 3. X 4. B 4. X 4. / 5. B 5. X 5. X A E I Weeks 5-6 Susi sa pag- Susi sa pag- Susi sa pag- Susi sa pag- Susi sa pag- wawasto 6 wawasto 5 wawasto 7 wawasto 5 wawasto 4 1. A 1. 1. A 1. / 1. B 2. A 2. 2. D 2. F 2. X 3. A 3. 3. D 3. / 3. E 4. D 4. 4. D 4. X 4. A 5. D 5. 5.C 5. C 5. X A A E Weeks 3-4 Weeks 1-2 Susi sa Pagwawasto Sanggunian Alpe, E.J. S. (2018). Yaman sa Pagpapahalaga sa Ikasampung Baitang. (unpublished manuscript). Covar, P. R. (2016). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino. Daluyan: Journal Ng Wikang Filipino, 0(1). Department of Education. 2013. K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner’s Material for Grade 10. Department of Education. 2016. "K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum." lrmds.deped.gov.ph. Accessed April 2, 2020. https:// lrmds.deped.gov.ph/detail/5451. Department of Education. 2020. Most Essential Learning Competencies in Edukasyon sa Pagpapakatao. Department of Education. 2020. Revised MELC sa Edukasyon sa Pagpapakatao. RM 306, s. 2020 Corrigendum to the Enclosures in Regional Order No. 10, s. 2020, Re: Implementing Guidelines on the Implementation of MELC PIVOT 4A Budget of Work (BOW) in all Learning Areas for Key Stage 1 - 4 PIVOT 4A CALABARZON 39 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, local 420/421 Email Address: [email protected]