Aralin 2: Anyo ng Globalisasyon (PDF)

Summary

This Tagalog document discusses different aspects of globalization, focusing on economic, technological, and political dimensions. It examines transnational and multinational corporations, outsourcing strategies, and cultural influences. The potential challenges of globalization, such as intellectual dishonesty and its impact on security, are also briefly addressed.

Full Transcript

**Aralin 2: Anyo ng Globalisasyon** **1. Globalisasyong Ekonomiko** \- sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. \- kinikitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon. **Uri ng Korporasyon** **A. Transnational Companies** \- tumutukoy...

**Aralin 2: Anyo ng Globalisasyon** **1. Globalisasyong Ekonomiko** \- sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. \- kinikitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon. **Uri ng Korporasyon** **A. Transnational Companies** \- tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng **pasilidad sa ibang bansa.** \- kaya marami sa mga kompanya ay petrolyo, IT, consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. **B. Multinational Companies** \- tumutukoy sa pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga **namumuhunang kompanya sa isang bansa** at pagkakaroon din ng operasyon sa higit na isang bansa. \- halimbawa: Panasonic, Procter & Gamble, Mc Donald's, Coca-Cola, Google, 7/11, Toyota, Facebook, at iba pa. Batay sa datos, ang ilan sa mga MNCs at TNCs ay higit pa ang kinikita sa Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa. **Outsourcing** \- mula sa **pagkuha ng kompanyang serbisyo sa iba pang kompanya** ay may kaukulang bayad. \- hiring another company to perform services or create goods in exchange of money. Ang pangunahing layunin: \- mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga. Halimbawa: \- ang paniningil ng utang ng isang instistusyong pinansyal sa mga credit card holders nito. \- pag gamit ng third party para maningil ng mga inutang mula sa nag hire ng third party. (outsourcing) **Uri ng outsourcing batay sa layo ng pagmumulan ng kompanyang magbibigay ng produkto o serbisyo:** **1. Offshoring** \- pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad. Halimbawa: \- ang paggawa ng mga Iphone sa China kaysa sa USA dahil mas mahal ang pagpapagawa sa US, ay maituturing na offshoring. **2. Nearshoring** \- ang kompanya sa Mexico at Canada ay makapagbawas ng gastos sa tauhan kaya malaking tulong kung **malapit ang bansa na magbibigay serbisyo**. **3. Onshoring** \- ay nangangahulugan ng **pag-aangkat ng serbisyo mula sa isang bansa**. **Halimbawa:** \- ang pagawaan ng MEPZA-CEBU. \- mas nakakatipid ang mga Negosyo sa pamaraang ito sapagkat hindi na nila kailangan pang kumuha ng taga-labas na manggagawa at isa rin naman itong tulong para sa mamayan na nabibiyayaan ng mga trabaho mula dito. **OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon** \- malaking bahagdan ng manggagaang Pilipino ay matatagpuan sa iba't ibang panig ng daigdig partikular sa Timog-Kanlurang Asya: \- Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirate Silangang Asya: \- South Korea, Japan, Taiwan, Hongkong, at China. **2. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural** \- mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang paggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. \- mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao **Cellular Phones/ Mobile Phone** \- nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. \- sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. **Mabilis na transaksiyon** \- napabilis din dito ang pag-aaplay sa mga kompanya, pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at Pamantasan, pagkuha ng impormasyon at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala sa tawag na e-commerce. \- sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng Koreans sa anyo ng pop culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela, at mga kauri nito. \- ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa pananamit, nagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan. \- kaalinsabay ng pag-usbong ng mga social networking sites tulad ng facebook, twitter, Instagram, at myspace ay ang pagbibigay kakanyahan sa mga kanilang saloobin sa iba't ibang paksa o usapin. **Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga suliranin:** \- may kinalaman sa pagkalat ng iba't ibang uri ng **computer viruses at spam** na sumisira ng electronic files. \- pagkakataon na makagawa ng **intellectual dishonesty** sa madaling pag-copy and paste ng mga impormasyon mula sa internet. \- isyu ng **pambansang seguridad.** \- ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga target nito. **Globalisasyon Politikal** \- ang **mabilisang ugnayan** sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal, at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. \- ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailang, US, at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga oppurtunidad pang-ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig. Halimbawa: \- ang economic and technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas \- nariyan ang military assistance ng US, at mga tulad nito. **Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon** **a. Guarded Globalization** \- pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malaking dayuhang negosyante. \- pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa. \- pagbibigay ng subsidiya (subsidies) sa mga namumuhunan lokal. **b. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)** \- ayon sa International Fair-Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko, at pampolitikal na kalagayan ng maliliitna namumuhunan. **c. Pagtulong sa 'Bottom Billion'** \- binibigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansan sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahirap mula sa mga bansa sa Asya lalo't higit sa Africa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser