AP REVIEWER.pdf

Full Transcript

Reviewer sa AP8 – 1st Quarter 1. AGHAM PANLIPUNAN - Pag-aaral sa gawi ng tao sa isang partikular na pook na mayroong mag- kakatulad na paniniwala, simulain, lahi, at karanasan na kumikilos para sa katugunan ng kanilang mga pangangailangan at interes. Kasaysayan - Mga nakaraang...

Reviewer sa AP8 – 1st Quarter 1. AGHAM PANLIPUNAN - Pag-aaral sa gawi ng tao sa isang partikular na pook na mayroong mag- kakatulad na paniniwala, simulain, lahi, at karanasan na kumikilos para sa katugunan ng kanilang mga pangangailangan at interes. Kasaysayan - Mga nakaraang pangyayari sa buhay ng sangkatauhan, sa bansa, at sa daigdig sa kabuuan. ( istruktura ng lipunan, pamayanan at pamahalaan, at pag-usbong ng pilosopiya o relihiyon at mga wika, at mga pangyayari). - Taiwan/Formosa – 1949, Kuomintang (KMT) leading party after they lost its control over Mainland China moved to Formosa. Leader – Chiang Kai Shek. Hindi kaanib ng United Nations - Holocaust- malawakang pagpapahirap at pagpatay sa mga Hudyo sa Europe noong World War II - Ziggurat – Nakita sa Sumer (Mesopotamia) at Mesoamerica - Americo Vespuchi – nakatuklas sa America at sa kanya ipinangalan ang nasabing kontinente. - Japan – sa kabila ng pam bu=buly sa kanila ng China hindi sila maaring maglunsad ng digmaan dahil ipinagbabawal ito ng kanilang saligang batas. - China – art of war, Book of the dead – Egypt, kalendaryong bato – Mayan - Africa – Black Continent/Madilim na Kontinente na napapalibutan ng malawak na disyerto Ekonomiks - Agham-panlipunan na tumatalakay sa limitadong yaman, mga pangangailangan at walang katapusang luho ng tao, at sa lubusang paggamit ng mga yaman ng mundo. (Agham panlipunan, alokasyon, kakapusan, pinagkukunang yaman, at kagustuhan ng tao) Agham Pampulitika - Pag-aaral sa mga pamahalaan o gobyerno at ang mga proseso sa pagbubuo ng mga palisiya. Kasama na sa pag-aaral na ito ang mga kilos, aksyon at iba pang galaw ng gobyerno at ng mga pulitiko. Kung paano hinahati ang kapangyarihan sa isang lipunan. Sikolohiya - Pag-aaral ng isip, diwa, asal, katangian at personalidad ng mga tao. Sosyolohoiya - May kinalaman ito sa pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa mga pangkat, institusyon, o samahan sa lipunan. - Pamilya - Etika - Pamanatayang moral. Pag-aaral ito ng kawastuhan at kamalian ng kilos ng tao sa lipunang kanyang kinabibilangan. Teolohiya - Pag-aaral tungkol sa kalikasan ng Diyos at ng kanyang pakikipag-ugnayan sa tao at sa sansinukob. Pilosopiya - Pag-aaral ng katotohanan o prinsipyong nagpapaliwanag sa ugali, pag-iisip, at likas ng tao at ng daigdig Antropolohiya - Pag- aaral at pagsusuri ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng mga nahukay na labi at kagamitan ng ating mga ninuno, nahihinuha ang pinagmulan ng lipunan, wika, tradisyon at kultura ng isang lahi. - Laguna Copper Plate Inscription (1, 100 yrs.) - baybayin - Rizal’s Stone - Rosetta stone – hieroglyphics (Egypt) - Behistun Rock – Cunieform (Mesopotamia/Iran) - Fossil - ito yung mga bagay na nahukay sa ilalim ng lupa na pinaniniwalaang mga bagay na ginamit sa sinaunang panahon Heograpiya - Pag-aaral sa pisikal na katangian ng isang lugar at kung paano umaangkop ang mga tao dito. Tumutukoy din ito sa mga politikal na hangganan ng mga teritoryo at kung paano ito nababago bunga ng kasaysayan. - Spratly/Kalayaan Group of Islands sa West Philippine Sea/South China sea – pinag-aagawang teritoryo ng China, Pilipinas at iba pa. - Mga mahahalagang ilog kung saan umusbong ang mga kabihasna at mga sinanung sibilisasyon. Tigris at Euphrates – Mesopotamia India – Indus river valley Nile/Nilo – Egypt, Africa Huang Ho – Tsina 2. Katangiang Pisikal ng Daigdig Plate – malalaking tipak ng bato na bumubuo sa crust. Gumagalaw ng 5 sentimetro o 2 pulgada dahilan para gumalaw ang mundo at lumindol. Crust – matigas at mabatong bahagi ng daigdig. Mantle – patong ng mga batong napakainit kung kayat ang ilang bahagi dito ay malalambot at natutunaw. Core – kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal, iron, nikel at iba pa…. Tropic of cancer – pinakadulo sa hilaga ng equator, direktang sumisikat ang araw 23.5ͦ Tropic of capricorn - pinakadulo sa timog ng equator, kung saan direktang sumisikat ang araw 23.5ͦ. Kahalagahan at Ugnayan ng Heograpiya sa Kasaysayan 1. Hinuhubog ng ng heograpiya ang kabuhayan ng tao. 2. Naimpluwensiyahan ng mga karagatan ang kasaysayan. 3. Hinuhubog ng Heograpiya ang kultura ng mga tao sa isang bansa. 4. Ang mga disyerto at tundra ay hindi mainam na tirahan ng tao. 5. Ang mga isla at peninsula ay may malaking impluwensya sa kasaysayan. 6. Sa mga bansang katulad ng Pilipinas na may dalawang panahon, kanilang inaayon ang kanilang kabuhayan. Creation Myth- paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay alinsunod sa kultura ng isang grupo ng tao. Ang katagang ito ay hindi angkop at nakapagpapababa ng tingin sa mga kuwentong pinaniniwalaan ng karamihan dahil sa katagang mito o myth (hindi kapani-paniwala at hindi makatotohanan). 2. Heolohiya/Geology - ay agham na tumutukoy sa pag-aaral ng mundo, pagkakabuo ng mga bato at mga pinanggaling nito. James Hutton – ama ng heolohiya Teorya - Isa itong panukala ng mga siyentista na maaaring inimbento o may lohika na pagsusuri sa isang natural na penomena. Fossils – mga labi ng hayop at halaman na nananigas na sa matagal na panahong pagkakabaon sa lupa. - dahil sa patuloy ang pananatili ng buhay sa daigdig hindi pa dapat maglagay ng “eksaktong linya” na nagpapahiwatig sa daigdig. James Usher (1650) Arsobispong Anglican ng Armagh Ireland – ang mundo ay 6,000 yrs. Old bago ang 4004 BCE. batay sa Numerology sa OT ng Bibliya Dr. John Lightfoot – Master ng St. Catherine’s College sa Cambridge, England - Ang paglikha ay naganap noong 9 am ng Oct. 23. Diluvial Theory (18 century) ang mga fossils ay ang mga labi ng mga hayop na namatay bunsod ng malaki at malawakang pagbaha sa panahon ni Noah. Catastrophe Theory (19 century) ni George Cuvier - ang mga nakabaong fossils sa iba’t ibang magkakapatong na sedimentaryo ng bato ay bunga ng pagkakaroon ng serye ng kalamidad na lumipol sa mga hayop at halaman sa daigdig (27 paglikha) Teorya ng Agham sa pagkakalikha ng Mundo 1. Solar Nebula - Immanuel Kant (1755) at Pierre- Simon Laplace (1796) isang napakalaking ulap ng mga gas sa kalawakan b. patuloy na umiikot dahil sa gravity nagsama-sama ang mga gas at dust para maging planeta Nebula (ulap) - Solar system kasama ang EarthGas + Dust nagpapaikot-ikot ang nebula bumagal at lumamig. 2. Planetisimal Theory - Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa. 3. Big Bang Theory - Georges Lemaitre at Carl Wilhelm Wirtz - noong 10 hanggang 15 bilyong taon na ang nakaraan may malakas na pagsabog na yumanig sa kabuuan nito galing sa maliit na molekyul. Ang mga tipak mula sa pagsabog ay patuloy na binubuong muli nang paulit-ulit sa pamamagitan ng elementong Hydrogen na siyang kailangan sa pagsasaayos ng mga nasirang bagay. 4. Teorya ng Pagkaanod ng Kontinente (Continental Drift) Alfred Wegener noong 1912. Isinasaad dito na noong 200 milyong taong nakakalipas, iisa lamang ang kontinente sa mundo, ang Pangea. Makalipas ang ilang daang taon, Ito ay nahati sa sa dalawang kontinente, ang Laurasia at Gondwanaland, at nahati pa ang mga ito sa iba't ibang lupa na katulad ng sa kasalukuyan. Creation Theory – ang mundo, ang tao at ang lahat ng bagay sa loob ng mundo ay nilikha ng Diyos. Ang mga Kristiyano at mga Judizers(Hudyo) ay parehas naniniwala sa creation theory. Alamat/Creation myth/mitolohiya - paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay alinsunod sa kultura ng isang grupo ng tao. Mga Alamat 1. Mayan ng Mesoamerica – ang mga diyos na sina Tepeu at Gumatz ay gumawa ng tao mula sa minasang mais, mula sa pagkabigo nitong gumawa ng tao mula saputik at kahoy 2. Sinaunang Babylonia – Ang diyos na si Marduk ay nagapi ang babaing halimaw na si Tiamat sa pagkakahati ni Tiamat nabuo ang daigdig, at mula sa dugo ni Kingu nalikha ang tao. 3. Ayon sa mga Sumerian, ang daigdig at ang lahat ng naririto ay dating bahagi ng isang malaking bundok. Ang bundok na ito ay giniba ni Enlil, ang diyos-hangin ng mga Sumerian. Sa pagkakabiyak ng bundok nagmula ang daigdig, araw, buwan, at mga galaxy, at iba pang elemento ng kalawakan. 4. Ayon sa mitolohiyang Griyego, ang sansinukob ay nagmula sa isang sitwasyon ng kawalan o pagiging walang laman, na tinatawag na chaos, at mula sa kawalang ito ay lumitaw si Gaia, isang diyosa. Mula kay Gaia, o Earth, nanggaling ang unang henerasyon ng mga diyos at tao. 5. Ayon naman sa Bibliya, na banal na kasulatan ng mga Kristiyano, ang sansinukob at daigdig ay nilikha ng isang Diyos na makapangyarihan sa lahat, na nangangalang Yahweh o Jehovah. Kabihasnan/sibilisasyon Dahilan ng Pagbagsak 1.Mesopotamia – Sumer, Babylonia, madalas na labanan at kawalan ng Hittites, Chaldean, at Assyrian pag-kakaisa ng mga lungsod-estado (patubig at hangganan). Pananakop, pag-aalsa at mahihinang mga pinuno 2.Mesoamerica – Olmec, Mayan, Aztec, Pananakop ng mga Espanyol, Inca epidemya Pananakop ng mga Aryan, 3.Kabihasanang Indus Pananalakay ni Cyrus the Great ng Persia Pananalakay ng mga Hun mula sa Gitnang Asya 3. Iba pang impormasyon: a. Ang mga Olmec ang unang pangkat ng tao sa Mesoamerica na nanahan sa Central America. Ang mga lungsod na itinayo ng mga Olmecs ay hindi lamang para sa kanilang panrelihiyong ritwal kundi para rin sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. b. Ang pamahalaan ng mga Mayan ay teokrasya, sila ay pinamumunuan ng mga paring hari. c. Cyprus – bansang nasa Asia ngunit ang kaniyang pagkakakilanlan ay European. d. Democratic Republic of the Congo – laganap ang sakit na Monkey Pox e. Dubai, United Arab emirates – makikita ang Burj Khalifa, pinakamataas na gusali sa mundo f. Nelson Mandela – mula sa South Africa, unang black president ng South Africa. g. Ang Suttee – ay tradisyon ng mga sinaunang Indian na sinusunog ang babaeng balo kasama ang kanyang namayapang asawa. h. Foot Binding/Lotus Feet/Lily Foot – kaugalian ng mga sinaunang babaeng Tsino i. Russia nanakop sa Ukraine j. Pamilya – pinakamaliit na yunit ng lipunan, unang paaralan ng mga bata kung saan tinuturuan silang kumilos ng tama at ayon sa inaasahan sa kanila ng lipunang kanilang kinabibilangan. k. Mongol Dynasty/Yuan - Genghis Khan ang nagsimula ng pananakop, Kublai Khan (apo) – nagtatag (Great Khan) l. Qin/Ch’in - Shih Huang Ti (di) (Unang Emperador), Legalismo, Sentralisadong pamamahala, Nagpagawa ng Great Wall at terracotta, Nagpasunog ng mga aklat Nagpapatay (500) at nagpalayas ng mga iskolar Nagpasimulang scholarship (training sa mga magiging opisyal) Binuwag ang piyudalismo inangkin ang lahat ng mga lupain Sistemang salapi. Nasyonalismo – uri ng pagmamahal sa bayan na maipapakita sa pamamagitan ng pagsusulong sa kapakanan ngsariling bansa. m. Ang Yugto sa Pag-unlad ng kabihasnan 1. Panahon ng Lumang Bato – (Paleolitiko, Gk. Palaios= luma, lithos= bato) = unang yugto sa pag-unlad sa kaalaman at kultura, anirahan sa Europa, Asia, Africa = magaspang na bato bilang kagamitan at sandata, mangangaso, mangingisda, umuukit, naglililok, at nagpipinta. Ang batayan ng pamayanan ay ang mag-anak, relihiyon (pag-aalay ng sakripisyo, pagkain, palamuti sa mga namayapa. 2. Panahon ng gitnang bato – (mesolitiko) panahon ng luma at gitnang bato. = iniwan ang mga kweba at tumira sa ibang lugar, mga kagamitang bato na nakalagay sa kahoy o buto, panahon ng produksyon, paniniwala sa mga mahika at pamahiin 3. Panahon ng bagong bato – (Neolitiko, neos-bago, lithos-bato) = Nagpapalipat-lipat ng tirahan para maghanap ng makakain hanggang maisipan nilang bumuo ng pamayanan, pag-aalaga ng mga hayop, pagsasaka, balat ng hayop bilang damit at may pamahalaan, 4. Ang panahon ng metal – mula sa mga pamayanan sa palagid ng Nile at Tigris- Euphrates natutunan nilang gumawa ng mga kagamitan mula sa tanso (copper), dahil sa malambot ang mga kagamitan dito na imbento naman ang mga kagamitang gawa sa bronse. Hanggang sa natutunan nilang paghaluin ang tanso at lata…(nagbukas ng pintuan para sa pag-unlad)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser