FPL.docx
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Full Transcript
**PAGSULAT** -- isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. --Keller URI NG PAGSUSULAT - Akademik - Teknikal - Reperensya - Propersyonal - Malikhain **TEKNIKAL NA PAGSULAT** -- anyo ng komunikasyon na nagtataglay ng mataas na kasanayan mula sa desip...
**PAGSULAT** -- isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. --Keller URI NG PAGSUSULAT - Akademik - Teknikal - Reperensya - Propersyonal - Malikhain **TEKNIKAL NA PAGSULAT** -- anyo ng komunikasyon na nagtataglay ng mataas na kasanayan mula sa desiplina. **KATANGIAN:** 1. May espesyalisadong bokabularyo 2. Tiyak 3. Malinaw at nauunwaan 4. Kumpleto ang impormasyon 5. Walang kamaliang gramatikal at bantas. 6. Obhektibo 7. Di-emosyonal **Ang *manwa*l** -libro ng impormasyon o mga tuntunin. -mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak na may pagsasaalang-alang sa kung para kanino ang manwal o kung sino-sino ang mga gagamit nito. ***Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo/ Pagsulat ng Manwal*** 1\. Isaalang-alang ang awdiyens sa pagbuo ng manwal. 2\. Mahalagang panatilihin ang pagiging payak, maiksi at tiyak ng mga pangungusap 3\. Buoin ang akronim sa unang banggit. 4\. Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono, at estilo ng pagsulat. 5\. Gumamit ng numbered lists. 6\. Pormal ang wikang gagamitin sa pagsulat ng manwal. 7\. Kailangan din ng mga grapikong ilustrasyon upang palawakin ang pag-unawa ng awdiyens. 8\. May kaakit-akit na disenyo na angkop sa nilalaman o pamagat ng manwal. 9\. Kailangang ang manwal na susulatin ay magagamit na reperensiya sa hinaharap. ***Mga Pinakakaraniwang Uri ng Manwal*** a. **User's manual/ instruction manual, user's guide o owner's manual.** Isang manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba't ibang produktong gamit sa bahay tulad ng appliances, kasangkapan, mga gadget at iba pang elektronikong equipment na nangangailangan ng paggabay para sa mga gagamit ng mga iyon. b. **Employees' manual o handbook.** Ang mga itinakda para sa mga empleyado ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa kompanya. ***Mga Kalimitang Bahagi ng Manwal*** **1. Pamagat** -- nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal **2. Talaan ng Nilalaman** -- nakasaad dito ang pagkahati-hati ng mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan ito tinalakay **3. Pambungad** -- naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman **4. Nilalaman** -- tumatalakay sa katawan ng manwal, sa mismong pagpapaliwanag ng mga gabay, pamamaraan at/o alituntunin. **5. Apendise** -- matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga impormasyon sa pagkontak, mga tala, atbp. **Katangian ng isang manwal** 1. Komprehensibo 2. Nakaayos ang pagkakaalangkas 3. May larawan o tsart 4. May apendise **Anunsiyo, Paunawa at Babala** 1\. **Babala (warning) -** Nagbibigay ito ng espesyal na atensiyon sa anumang maaaring makasakit o makapahamak sa mambabasa. Nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng tao. Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan maisaad ang babala. **Nagpapaliwanag ng panganib.** 2\. P**aunawa** (caution) - isang uri ng babala. Isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistula din itong nagsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin. **3. Anunsiyo - Sa pagsulat ng anunsiyo, ipinapaalam ng isang tao ang isang balita para sa mga kasama sa negosyo o sa mga katrabaho, gayundin sa mga tagatangkilik ng negosyo o mga partikular na tao o sektor na paaapektuhan ng anunsiyong kaugnay sa trabaho. Katangian ng mga anunsiyo ang pagiging malinaw at maikli. Sa sulating teknikal, karaniwan itong nasa anyo ng liham o memorandum.** **Ilan sa mga anunsiyo sa trabaho ay tungkol sa bagong negosyo, tindahan, o sangay ng opisina, bagong lokasyon ng negosyo, pagtatanggal sa trabaho o pagbabawas ng tauhan, pagbubukas para sa pagtanggap ng mga bagong empleyado, pagpapatigil sa pagtanggap ng bagong empleyado (freeze hiring), pagpapalit ng pangalan ng negosyo, anibersaryo ng negosyo ng kompanya, at iba** **Pagsulat ng Promosyonal na Materyal** Sinasalamin ng mga promosyonal na materyal ang kompanya at ang **branding o imahen** na nais nitong ipakita sa publiko. Kabilang dito ang mga flyer, leaflet at brochure. Ang **promosyon o promo** ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng negosyo. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang halaga ng kanilang produkto o serbisyo. Sa promo, bukod sa mababang presyo, nag-aalok din ito ng produkto o serbisyo na higit sa makukuha ng mga mamimili sa karaniwang araw. **Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Promosyunal na Materyal** 1\. **Alamin ang *target market***. Mahalagang isaalang-alang ang potensyal na mamimili sa gagawing promosyonal na materyal. Iangkop sa *target market* ang tema ng gagawing promosyonal na materyal. 2\. **Paghandaang mabuti ang mga materyal na gagamitin**. Kinakailangang magsagawa ng *testing* sa mga promosyonal na material 3\. **Bumuo ng tema**. Ang tema ang magsisilbing inspirasyon sa pagbuo ng promo materials. 4\. **Isaalang-alang kung paano makaaapekto sa mga mamimili ang mga iniaalok na produkto o serbisyo**. Alamin palagi kung ano ang kakailanganin ng **t*arget*** na mamimili. 5\. **Ilarawan lamang ang kayang gawin ng produkto**. Huwag maglagay ng deskripsyon na hindi kayang gawin ng produkto o serbisyo. 6\. **Maging bukas sa mga suhestiyon**. Komunsulta sa mga propesyunal at empleyado sa gagawing promosyonal na materyal. ***Uri ng Promosyunal na Materyal*** **1. Brochure** -- ginagamit upang ipakilala ang produkto ng isang kompanya o di kaya'y serbisyo na kanilang hatid. **2. Flyer** -- ang pinakamurang paraan ng advertisement at madalas na ipinamamahagi sa pampublikong lugar. **3. Poster** -- Isang malaking larawan na ginagamit din bilang dekorasyon. Madalas na ang poster ay alinsunod sa tema o di kaya'y nagbibigay ng mga anunsiyo o kaganapan. **4. Leaflet** -- kalimitang ipinamumudmod ang mga ito upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. **5. Custom Packaging** -- promosyonal na material na ginagamit bilang pambalot sa mga produkto. **6. Direct Mail/ Email Campaign** -- Anyo ng advertisement na ipinapadala sa pamamgitan ng e-mail. **7. Campaign postcard** -- madalas na ginagamit sa mga kasal, binyag at mga mahahalagang okasyon **Katangian at at Kalikasan ng Flyers at Leaflets** 1. May kontak at logo 2. Tiyak at direkta 3. Hindi maligoy 4. May katanungan at kasagutan 5. May biswal na katangian 6. Makulay 7. May mapaglarong salita **Batayang impormasyong makikita sa isang flyer/leaflet** Mga bahagi: - Pangalan ng produkto - Paglalarawan sa produkto - Tagline ng nasabing produkto o kompanya - Larawan o ilustrasyon - Impormasyon o akses sa produktong nakalagay sa flyer **2 uri ng Flyers** 1. **Business flyer** -- tinatawag ding professional flyer - Ginagamit sa paglulunsad ng isang produkto o serbisyo 2. **Club flyer** -- kadalasang ginagamit sa pag-aanusiyo ng mga kaganapan o mga okasyon **Pamamaraan ng Pamamahagi ng Flyers** 1. **Inserts** -- inilalagay sa mga pahayagan o dyaryo at kung minsan naman ay sa mga magasin 2. **Mailers** -- karaniwang inilalagay sa mga kompanya sa sobre ng mga bayarin gaya ng credit card, kuryente at tubig 3. **Price Sheets** -- madalas ginagamit sa mga fastfood restaurants 4. **Gift certificates at coupons** -- epektibong gamit sa paglulunsad ng mga diskwento din na tiyak at direkta ang mga impormasyong nakasulat sa mga ito. **5. Custom Packaging** -- promosyonal na material na ginagamit bilang pambalot sa mga produkto. **6. Direct Mail/ Email Campaign** -- Anyo ng advertisement na ipinapadala sa pamamgitan ng e-mail. **7. Campaign postcard** -- madalas na ginagamit sa mga kasal, binyag at mga mahahalagang okasyon **Katangian at at Kalikasan ng Flyers at Leaflets** 8. May kontak at logo 9. Tiyak at direkta 10. Hindi maligoy 11. May katanungan at kasagutan 12. May biswal na katangian 13. Makulay 14. May mapaglarong salita **Batayang impormasyong makikita sa isang flyer/leaflet** Mga bahagi: - Pangalan ng produkto - Paglalarawan sa produkto - Tagline ng nasabing produkto o kompanya - Larawan o ilustrasyon - Impormasyon o akses sa produktong nakalagay sa flyer